Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 12

Edukasyon sa

Pagpapakatao 6
Edukasyon sa Pagpapakatao – Ika-anim na Baitang
Ikaapat na Markahan – Modyul 18: Ipinamalas ko ang kapayapaan sa kapwa ko!
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na
naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng
nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang malikom
ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin
ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit
maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-
akda.
Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Komite sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat: Loujen M. Rosales
Editor: Celia B. Alan
Tagasuri: Marieta M. Limbo, EdD, Perlita M. Ignacio RGC, Ph.D
Tagaguhit: Edison P. Clet
Tagalapat Loujen M. Rosales
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Carolina T. Rivera, CESE
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division
Manuel A. Laguerta EdD
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division

Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)
Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon
Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig
Edukasyon sa
Pagpapakatao 6
Ikaapat na Markahan
Modyul para sa Sariling Pagkatuto 18
Pagpapamalas ng kapayapaan sa kapwa
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao 6 ng Modyul


18 para sa Pagpapamalas ng kapayapaan sa kapwa

Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa Lokal
na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg. Victor
Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala,
panulong o estratehiyang magagamit sa
paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Edukasyon sa Pagpapakatao 6 Modyul ukol sa Pagpapamalas
ng kapayapaan sa kapwa.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong
madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN

Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong matutuhan pagkatapos mong
makumpleto ang Modyul.

PAUNANG PAGSUBOK

Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo pang malaman sa
paksa.

BALIK-ARAL

Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa mga na unang paksa.

ARALIN

Tatalakayin sa bahaging ito ang paksa sa Modyul na ito.

MGA PAGSASANAY

Pagbibigay ng guro ng ibat ibang pagsasanay na dapat sagutan ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT

Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na dapat bigyan halaga

PAGPAPAHALAGA

Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang pampagkatuto ay naiuugnay


nailalapat sa inyong mga pagpapahalaga..

PANAPOS NA PAGSUSULIT

Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral


INAASAHAN

Sa pagtatapos ng modyul na ito, ang mag-aaral ay inaasahang


naipamamalas ang pagkakaroon ng sariling kapayapaan sa pakikipagkapwa.
.

PAUNANG PAGSUBOK

Panuto: Hanapin sa Word Search ang mga salita na may kaugnayan sa


pagpapamalas ng kapayapaan. Isulat sa ibabang bahagi ang iyong sagot.

I I K K A A N U W S
P P A A B B O U G T
I I I D P G G P K U
N N G E E W P R L B
P A G M A M A H A L
M M P A Y D A S M Y
K A P A Y A P A A N
K L L A Y D K A P K
A A B B D L N B R M
A S A R I L I N G O

1. _________________________________

2. _________________________________

3. _________________________________

4. _________________________________

5. _________________________________
BALIK-ARAL
Panuto: Isulat ang salitang TAMA kung ang pangungusap ay nagpapakita ng
pagkakaroon ng sariling kapayapaan para sa pakikitungo sa iba at
MALI kung hindi.
_____ 1. Humingi ka ng paumanhin sa kuya mo dahil hindi mo nagawa
ang kanyang iniutos.
_____ 2. Pinagalitan ka ng ate mo dahil hindi mo sinunod ang kanyang
Kagustuhan. Hindi ka nagalit bagkus humingi ka ng
paumanhin.
_____ 3. Sinigawan si Vida ng kanyang kapitbahay dahil
napagbintangang nagkalat ng basura.
_____ 4. Mahinahon kayong kinausap ng inyong guro kahit hindi ninyo
sinunod ang kanyang alituntunin.
_____ 5. Mataas ang moral ng isang tao kung ito ay gumagawa ng
kagandahang asal sa kapwa.

ARALIN

Pagmasdan ang larawan at suriing mabuti kung ano ang kaibahan ng


dalawang larawan.

A. B.
Sagutin ang mga sumusunod sa kwaderno:

1. Ano ang iyong nakikita sa larawan A?


2. Ano ang kaibahan ng larawan A sa larawan B?
3. Kung pagpipiliin ka sa dalawang larawan, alin ang pipiliin mo?
Bakit?
4. Alin sa larawan ang nagpapakita ng may kapayapaan?
5. Bakit mahalagang may kapayapaan ang isang pamilya o tahanan?

Ipinapakita sa mga larawan ang malaking kaibahan. Sa larawan A,


makikita natin ang isang pamilya na sama-sama sa hapag kainan na nag-
uusap at nagtatawanan. Samantala ang larawan B ay sumasalamin sa ilan
sa mga kaugalian ng mga kabataan ngayon. Sa halip tulungan ang kapwa,
nagagawa pa nitong asarin at lokohin.
Sa panahon ngayon ng pandemya, itinuro nito na dapat ang pamilya
ay katulad sa larawan A na masaya, sama-sama at nagkakaunawaan. Dapat
ang bawat isa ay magtulungan, magbigayan at magkaroon ng kapayapaan sa
ating puso at isipan. Ito ang ating gabay upang magamit natin sa ating
pakikipagkapwa dahil ito ang tunay na susi ng kaligayahan ng bawat
nilalang.

IPINAMALAS KO ANG KAPAYAPAAN SA KAPWA KO!

Ano nga ba ang ibig-sabihin ng salitang ipinamalas? Ito ay tumutukoy sa


isang sitwasyon kung saan ang isang tao ay ipinakikita ang kanyang
kakayahan, talento o gawain.
Halimbawa:
➢ Ipinamalas ni Zander ang kanyang galing sa klase, sa pamamagitan ng
pagsisipag sa pag-aaral.
➢ Ang mga nurse at mga doctor ay ipinamalas ang galing nila sa
panggagamot at pag-aalaga ng may mga sakit.
➢ Ipinamalas mo sa iyong mga kasama ang pagkakaroon ng malalim na
pananampalataya sa panahon ng pandemya.
➢ Ipinamalas mo ang iyong kapayapaan sa iyong kapwa sa kabila ng
ginagawa nilang pagmamaliit sa iyo.
➢ Ipinamalas mo ang iyong kapayapaan sa lahat ng oras sa pamamagitan
ng iyong ginagawang mabuti sa iyong kapwa.

Naipakikita lamang natin ang kapayapaan sa ating kapwa kung taglay


natin ang kapayapaan kalakip ng ating gawa o naisasabuhay natin ito. Kung
ito ay nakaukit at nakatanim na sa iyong isipan ang kahalagahan ng
kapayapaan sa pakikipagkapwa tao.
MGA PAGSASANAY

Pagsasanay 1
Panuto: Lagyan ng (/) ang bilang na nagsasaad ng pagkakaroon ng sariling
kapayapaan sa pakikipagkapwa.
_____ 1. Nakikipag-usap ka ng may kababaang loob sa iyong kapwa.
_____ 2. Gumagawa ka ng kabutihan sa iba sa kabila ng hirap dulot ng
pandemya.
_____ 3. Lumalalim pa ang iyong pananampalataya sa kabila ng pagsubok.
_____ 4. Iniisip mo ang kapakanan ng iba bago ka gumagawa ng isang
desisyon.
_____ 5. Ginagawa mo ang nais mo basta alam mong ito ay nakakabuti sa iyo.

Pagsasanay 2
Panuto: Iguhit ang masayang mukha kung ang pangungusap ay
nagtataglay ng kapayapaan at malungkot na mukha kung hindi.

_____ 1. Si Rollie ay nagbigay ng tig-isang sakong bigas sa mga naapektuhan


ng pandemya sa kanilang lugar.
_____ 2. Isinasama ni Rose ang mga frontliners tuwing siya ay nagdadasal.
_____ 3. Sinauli ng isang tagalinis ng ospital ang napulot niyang pera kahit
siya ay nangangailangan.
_____ 4. Pag post sa social media ng mga nagawang tulong sa tao.
_____ 5. Kinakantahan ng isang doctor ang mga batang may cancer habang
ito ay kanyang ginagamot.

Pagsasanay 3
Panuto: Sagutan ang mga sumusunod na katanungan. Isulat ang sagot sa
nakalaang patlang.

1. May programa ang inyong paaralan para makalikom ng pondo para sa


naapektuhan ng kalamidad. Kilala ka bilang mahusay na mang-aawit.
Ano ang gagawin mo?
_____________________________________________________________________________

2. Ang kaibigan mong pintor ay nagbebenta ng kanyang likha para


makatulong sa mag-aaral na walang pambili ng gadget sa pasukan. Ano
iyong gagawin?
___________________________________________________________
3. Marami kang kaibigan sa social media kaya naisipan mong maglikom ng
pondo para sa mga kaklase mo na lubhang naapektuhan ng pandemya,
Hindi mo inaasahan na sobra ang nalikom mo. Ano ang gagawin mo sa
sobra?
_____________________________________________________________________________

4. Nalaman mo na ang inyong kapitbahay ay wala ng makakain. Ano ang


iyong gagawin?
_____________________________________________________________________________

PAGLALAHAT

➢ Bakit mahalagang ipamalas ang pagkakaroon ng sariling kapayapaan


sa pakikipagkapwa?
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

PAGPAPAHALAGA

➢ Bilang isang mag-aaral, paano mo maipamamalas ang pagkakaroon ng


sariling kapayapaan sa pakikipagkapwa?

_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
PANAPOS NA PAGSUSULIT

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat sitwasyon. Isulat ang T kung
tama at M kung mali sa patlang.
_____1. Ang pamilya ninyo ay tumutulong sa pag repack ng relief goods sa
kabila ng banta ng pandemya.
_____2. Si Alvin ay ayaw tumutulong sa pamimigay ng relief goods sa kanilang
kapitbahay.
_____3. Sumali ka sa isang patimpalak at binigay mo sa orphanage ang iyong
napanalunan.

_____ 4. Naglikom ng pondo ang iyong mga kaklase para matulungan ang
may sakit at walang pambili ng gamot ngunit pinagkibit balikat mo
lang ito.
_____ 5. Sumasali ka pa rin sa choir ng inyong simbahan sa kabila ng
pandemyang nararanasan.
Department of Education Image Bank
MGA LARAWAN
https://brainly.ph/question/429615
Panahon 6 (Vicarich Publication and trading, Inc 2016) 35-36
Zenaida R. Ylarde at Gloria A. Peralta EdD, Ugaling Pilipino sa Makabagong
Sanggunian
Paunang Pagsubok Balik-aral Pagsasanay 1 Pagsasanay 2
1. ipinamalas 1. Tama 1. / 1.
2. kapayapaan 2. Tama 2. / 2.
3. pagmamahal 3. Mali 3. / 3.
4. kapwa 4. Tama 4. / 4.
5. sarili 5. Tama 5. 5.
Pagsasanay 3
1. Ang gagawin ko ay sasali ako sa nasabing programa at gagamitin
ko ang aking talento sa pag-awit.
2. Ang gagawin ko ay voluntary akong tutulong sa aking kaibigan sa
pagbenta ng kanyang mga likha.
3. Ang gagawin ko sa sobrang nalikom ay tulong sa iba pang
nangangailangan ng tulong.
4. Ang gagawin ko ay sasabihin ko sa aking mga magulang para
matulungan at mabigyan ng pagkain ang aming kapitbahay.
Panapos na Pagsusulit
1. T 2. M 3. T 4. M 5. T
SUSI SA PAGWAWASTO

You might also like