Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 51

FILIPINO 10

University of San Agustin-Basic Education Department


School Year 2021-2022 3
MODYUL 3: MGA AKDANG PAMPANITIKAN NG AFRICA AT PERSIYA

Ang Kontinente ng Africa

Ang kontinente ng Africa ay pangalawa sa may pinakamalawak na


lupain at may pinakamalaking populasyon sa mundo. Ito ay binubuo ng
limampu’t apat na bansa at ang teritoryo nito’y sumasakop sa anim na
bahagdan ng kabuoang lupain sa mundo. Dito rin matatagpuan ang 16 na
bahagdan ng mga mamamayan sa mundo at my bilang na mahigit isang
bilyon. Maituturing na batang populasyon ang taglay ng Africa dahil ang
mahigit kalahati ng mga mamamayan dito’y nása edad dalawampu’t limang
taon lang pababa. Ito ay dahil sa mabilis na pagdami ng populasyon at
mababang life expectancy rate o maagang pagkamatay ng mga tao. Ito rin
kasi ang itinuturing na pinakamahirap na kontinente sa buong mundo. Mainit at
tuyo ang klima na nagdudulot ng mahahabang tag-init na hindi nakabubuti sa
mga pananim. Matatagpuan ditto ang pinakamalawak na disyerto sa mundo,
ang Sahara gayundin ang pinakamahabang ilog sa mundo, ang ilog Nile na
may habang 6, 650 kilometro.

Ang karamihan sa mga tao sa Africa ay itim. Gayumpama’y maraming


dayuhang nagmula sa Europa ang sumakop sa mga bansa rito kayâ dumami
na rin ang mga puti. Marami ring ibang lahi ang nandayuhan ditto tulad ng
mga Asyano, Amerikano, at iba pa kayâ sa kasalukuyan, iba’t ibang lahi ang
makikita rito. Napakarami rin nilang wikang ginagamit na umaabot ng 2,000.
Ang 25% ng mga wikang ito’y sa Africa lang ginagamit. Laganap ang
paggamit ng Arabic na sinasalita ng 170 milyon katao, kasunod ang wikang
Ingles na sinasalita naman ng 130 milyong katao.

Sa pagdating ng mga mananakop, ang isa sa mga naging suliranin ng


mga bansang sinakop ng mga Puti tulad ng South Africa ay ang paglaganap
ng sistemang apartheid kung saan inuri ng pamahalaan ang mga
mamamayan batay sa kanilang kulay. Ang mga Itim ay hindi basta
pinayagang makisalamuha sa mga Puti. May mga lugar na para sa mga Puti
lang at hindi puwedeng puntahan ng mga Itim. May mga trabahong para lang
sa mga Puti. Hindi puwedeng magpakasal ang Puti at Itim. Ang pag-uuring ito
ay nagdulot din ng napakaraming pang-aabuso sa karapatang pantao at

2
nag-iwan ng malalim na sugat sa lipunan lalo na sa mga Itim. Nagbago lang
ang lahat nang Manalo bilang kauna-unahang. Itim na pangulo ng South
Africa si Nelson Mandela pagkatapos ng napakahabang pakikipaglaban nang
payapa upang maibagsak ang apartheid. Ang kalakarang ito kasi ay hindi lang
lumaganap sa Africa kundi maging sa ibang bansa kung saan matatagpuan
din ang mga lahing Itim tulad ng sa Amerika.

Ang Persiya

Persiya ang dating tawag sa bansang Iran. Noong 1935, pinalitan ito ng
kanilang pamahalaan dahil “Iran” ang ibig sabihin ng pangalan ng kanilang
bansa sa wikang Persian. Sinulatan nila ang mga bansang may ugnayan sa
kanila na ang pangalang Iran na ang itawag sa kanila sa halip na Persiya. Ito
ay sumisimbolo sa isang bagong kabanata sa kanilang kasaysayan pagkatapos
nilang makalaya sa impluwensiya ng Britanya at Russia.

Noong una’y hindi pa sanáy ang iba lalo na ang mga hindi Iranian kaya’t
hindi nila agad matukoy na ito na palá ang dating Persiya subalit katagalan at
sa pamamagitan na rin ng ilang pangyayaring naglagay sa Iran sa ilang
malalaking balitang pandaigdig tulad nang lusubin ng Allied Forces ang Iran
noong 1941 at nang magkaroon ng nationalization ng Industriya ng langis sa
ilalim ng pamumuno ni Prime Minister Dr. Mohammad Mosaddeq, nakilala na
silá nang lubusan bilang bansang Iran at unti-unti nang nakalimutan ang dating
pangalang “Persiya”.

Sanggunian: “Persia or Iran” by Professor Ehsan Yarshater,


Published in Iranian Studies, Vol. XXII, No.1, 1989

Sa modyul na ito, bibigyang-tuon ang


mga sumusunod na aralin:

3
ARALIN 9: (Ikasiyam na linggo)
Panitikan: Si Nyaminyami, Ang Diyos ng Ilog Zambezi
Wika: Pagsasalingwika

▪ Naipaliliwanag ang pagkakaiba at pagkakatulad ng mitolohiya ng Africa


at Persia
▪ Nasusuri ang mga kaisipang nakapaloob sa mitolohiya batay sa: -
suliranin ng akda - kilos at gawi ng tauhan desisyon ng tauhan
▪ Nabibigyang-puna ang napanood na video clip
▪ Napangangatuwiranan ang sariling reaksiyon tungkol sa akdang binasa
sa pamamagitan ng debate/pagtatalo)
▪ Nagagamit nang angkop ang mga pamantayan sa pagsasaling-wika

ARALIN 10 (Ikasampung linggo)


Panitikan: Ang Anekdota ni Nelson Mandela

▪ Nabibigyang -kahulugan ang salita batay sa ginamit na panlapi


▪ Nahihinuha ang damdamin ng sumulat ng napakinggang anekdota
▪ Nasusuri ang binasang anekdota batay sa: paksa- tauhan tagpuan
motibo ng awtor paraan ng pagsulat at iba pa
▪ Nagagamit ang kahusayang gramatikal, diskorsal at strategic sa pagsulat
at pagsasalaysay ng orihinal na anekdota

ARALIN 11 (Ikalabing-isang linggo)


Panitikan: Ang Ibong Nakahawla

▪ Naiaantas ang mga salita ayon sa damdaming ipinahahayag ng bawat


isa
▪ Nasusuri ang kasiningan at bisa ng tula batay sa napakinggan
▪ Nabibigyang -kahulugan ang iba’t ibang simbolismo at
matatalinghagang pahayag sa tula

ARALIN 12 (Ikalabindalawang linggo)


Panitikan: Si Rustam at Sohrab

▪ Naihahanay ang mga salita batay sa kaugnayan ng mga ito sa isa’t isa

4
▪ Naiuugnay ang suliraning nangingibabaw sa akda sa pandaigdigang
pangyayari sa lipunan
▪ Nabibigyang -kahulugan ang damdaming nangingibabaw sa akda
▪ Naihahayag ang damdamin at saloobin tungkol sa kahalagahan ng
akda sa: - sarili - panlipunan pandaigdig

Aralin 9 Panitikan: Si Nyaminyami, Ang Diyos ng Ilog Zambezi ……..pahina


Wika: Pagsasalingwika

Aralin 10 Panitikan: Ang Anekdota ni Nelson Mandela……….....pahina

Aralin 11 Panitikan: Ang Ibong Nakahawla…pahina 34-44

Aralin 12 Panitikan: Si Rustam at Sohrab ………pahina

Ang mga mag-aaral ay nakabubuo ng travel brochure na


nakapanghihikayat tungkol sa kagandahan ng alinmang bansa batay sa
binasang akdang pampanitikan.

Goal makabubuo ng travel brochure


Role manunulat at tagadisenyo
Audience miyembro ng travel agency at mga turista
Situation Nagtatrabaho ka sa isang palimbagan at magpapagawa ang
isang travel agency ng travel brochure na nagtatampok sa
mayamang kultura ng Africa at Persya
Product travel brochure
Standards kaangkupan ng nilalaman, presentasyon, at kayariang pangwika

5
Aralin 9 Panitikan: Si Nyaminyami, Ang Diyos ng Ilog Zambezi
Wika: Pagsasalingwika

Mga Tiyak na Layunin:

▪ Naipaliliwanag ang pagkakaiba at pagkakatulad ng mitolohiya ng


Africa at Persia
▪ Nasusuri ang mga kaisipang nakapaloob sa mitolohiya batay sa: -
suliranin ng akda - kilos at gawi ng tauhan desisyon ng tauhan
▪ Nabibigyang-puna ang napanood na video clip
▪ Napangangatuwiranan ang sariling reaksiyon tungkol sa akdang
binasa sa pamamagitan ng debate/pagtatalo)
▪ Nagagamit nang angkop ang mga pamantayan sa pagsasaling-wika

Alin-alin sa mga ginagawa ng tao ang


maaaring makapagdulot ng kaunlaran subalit pinagmumulan naman ng
pagkasira ng kapaligiran o ng kalikasan? Maglahad ng tatlo batay sa iyong
mga obserbasyon.

1.

2.

3.

6
Sa iyong palagay, maaari pa rin kayang magkaroon ng kaunlaran
ang isang bayan nang hindi nasisira ang kapaligiran?

Sumulat ng tatlong paraan.

1.

2.

3.

Hanapin at bilugan sa pangungusap ang salitang kasalungat o


kasingkahulugan ng nakasalungguhit na salita.

( kasalungat ) 1. Alam nilang pinoprotektahan sila ng diyos ng


ilog laban sa mga nilalang na lagi silang
pinagsasamantalahan.

( kasingkahulugan ) 2. Kinatatakutan ng mga tao ang paniniwalang


magigiba ang dam dahil sa mapababagsak
daw ito ng galit ng diyos ng ilog.

( kasalungat ) 3. Nanlumo ang mga tao nang magdesisyon


ang pamahalaang ituloy ang proyekto subalit
natuwa na rin sila nang magkaroon sila ng
kuryente mula sa nasabing dam.

( kasingkahulugan ) 4. Ang paniniwala ng Tribung Tonga ay isang


dambuhalang nilalang si Nyaminyami na may
asawang higante ring tulad niya.

( kasalungat ) 5. Ang bakang itim na inialay ng mga Tonga ay


nakalutang sa lawa subalit kinabukasa’y
nawala ang baka kaya’t inakalang ito’y
nakalubog na.

7
Si Nyaminyami, Ang Diyosa ng Ilog Zambezi
(Isang Mitolohiya mula sa Tribung Tonga ng Africa)

Ang napakagandang ilog Zambezi ay may itinatagong isang hindi


pangkaraniwang hiwaga na magpahanggang ngayon ay pinaniniwalaan ng
marami, lalo na ng mga mamamayan ng tribung Tonga o Ba Tonga na
naninirihan sa magkabilang pampang ng ilog Zambezi.
Ayon sa mitolohiya, sa loob ng napakahabang panahon, si Nyaminyami,
ang diyos ng ilog, ay tahimik na naninirahan kasáma ang kanyang asawa sa
Lawa ng Kariba na karugtong ng ilog Zambezi. Maraming katutubo na raw ang
nakakita kay Nyaminyami tulad ni Pinunong Sampakaruma subalit walang
matibay na ebidensiyang makapagpapatunay rito. Ayon sa mga nakakita, si
Nyaminyami raw ay may ulo ng isang isda at katawan ng isang ahas. Siya’y
isang dambuhala sa lapad na halos tatlong metro at ang haba ay hindi nila
magawang hulaan.

Naniniwala ang mga mamamayan ng Tonga na si diyos Nyaminyami ay


naging mabuti sa kanila. Katunayan, sa mga panahon daw ng matinding
taggutom na dala ng mahahabang tagtuyot sa Africa ay nabuhay silá sa
tulong ng mga bahagi ng katawan ni Nyaminyami na ibinibigay o iniiwan
niya para sa mga mángingisdâ. Kinilala at iginalang ng mga Tonga si
Nyaminyami at sa loob ng napakahabang panahon, naniwala siláng
pinoprotektahan silá ng diyos ng ilog kahit wala silang masyadong naging
ugnayan sa mga tagalabas. Namuhay silá nang mapayapa subalit ang

8
lahat ay nagbago noong mga huling taon ng 1940s nang mapagtibay
ang desisyon ng pamahalaang ipatayo ang Dam ng Kariba.

Ikinatakot ng mga mamamayan ang balita, lalo na nang malámang ang


dam ay itatayo sa mismong tabi ng malaking batong pinaniniwalaang tahanan
ng diyos ng ilog na si Nyaminyami at ng kanyang asawa. Katunayan,
napakalaki ng paggalang ng mga mamamayan sa bahaging iyon ng lawa at
walang mangingisdâ ang nangahas lumapit man lang doon dahil ang mga
naunang nangisda raw roon ay nahigop ng alimpuyo sa tubig at hindi na
muling nakita. Kayâ nga tinawag nila ang higanteng batong iyon na “kariva” o
“karinga” na ang ibig sabihin ay “ang bitag” at dito rin nagmula ang
pangalang “Kariba” para sa lawa.
Nang magdatingan ang mga puting inhenyero at mga manggagawang
magpapasimula na sa paggawa ng dam ay nakiusap at nagbabala ang mga
nakatatanda ng Tonga. “Huwag na ninyong ituloy ang plano. Hindi ninyo
magugustuhan ang gagawin ni Diyos Nyaminyami sa inyo at sa inyong
proyekto.”
Pinagtawanan lang ng mga Puti ang ganitong mga babala at
paniniwala. Itinuloy pa rin nila ang mga panimulang gawain sa pagtatayo ng
dam tulad ng pagpapaalis sa mga mamamayan ng Tonga sa pampang ng
ilog na kanila nang naging tahanan sa napakahabang panahon. Pinalipat ang
mga mamamayan sa mas mataas na bahagi ng ilog. Pinagpuputol din ng mga
dayuhan ang libo-libong matatandang puno upang makagawa ng daan at
upang may magamit sa pagbuo ng tirahan ng mga manggagawa.

9
Subalit ang ikinatatakot ng matatanda ay nangyari nga noong gabi ng
Pebrero 15, 1950. Isang napakalakas na bagyo mula sa Karagatang Indian,
isang pangyayaring hindi karaniwang nagaganap sa lugar na ito ang bumayo
at nagdala ng napakalakas na hangin at ulang naging sanhi ng napakalaking
baha sa buong lambak ng Zambezi. Inanod ang maraming kabahayan at ang
lahat ng madaanan ng ilog na umapaw nang mahigit pitong metro. Tatlong
araw ang inabot bago narating ng rescue team ang lugar at sila’y nanlumo sa
nakitang pinsala. Ang katawan ng mga namatay na usa at iba pang mga
hayop ay nangakasabit sa mga sanga ng matataas na kahoy na nagpakita
kung gaano katas ang inabot ng tubig baha. Sa kasamaang palad ay
namatay ring lahat ang mga kasama sa rescue team nang mabagsakan sila
ng mga gumuhong lupa.
Sa kabila ng pangyayaring ito ay hindi rin nahadlangan ang
pagpapatayo ng dam. Hindi inisip ng mga puti na ito’y isang babala ni
Nyaminyami kundi nagkataon lang na may dumating na bagyo at binaha ang
lambak ng Zambezi. Subalit noong 1957, nang halos patapos na ang dam ay
dumating ang pinakamalaking baha sa kanilang kasaysayan. Sinasabing ang
ganito katinding baha ay dumarating lamang nang minsan sa isanlibong taon.
Inanod ng baha ang malaking bahagi ng papatapos na sanang dam
gayundin ang mga kagamitan sa paggawa nito. Maraming buhay na rin lalo
nan g mga manggagawa sa dam ang nawala. Ang nakapagtataka, ang
katawan ng mga puting manggagawa ay hindi lumutang. Hinanap ang mga
ito sa kung saan-saang bahagi ng ilog at lawa subalit walang nakita isa man sa
kanila. Dahil dito’y kinausap ng mga pinuno ang mga nakatatandang Tonga.
“Paano nangyaring ang katawan ng mga Itim ay lumutang
samantalang, wala ni isa man sa mga Puti ang nakita kahit pa hinanap na sila
kung saan-saan?” ang nagtatakang tanong ng mga kinatawan ng
pamahalaan. “Tulungan ninyo kaming mahanap ang mga katawan nila.”
“Si Nyaminyami ang may gawa ng dambuhalang baha.” Mag-aalay
kayo ng isang itim na baka para mawala ang galit niya at nang ilabas niya ang
katawan ng mga Puti,” ang sabi naman ng mga nakatatanda.
“Kalokohan! Hindi totoo ang Nyaminyami na iyan! Tumulong na lang
kayong maghanap sa mga nawawala,” ang sagot ng mga pinuno.
Subalit kahit anong tindi nang tulong-tulong na paghahanap ay hindi pa
rin natagpuan ang katawan ng mga nawawala. Nang malapit nang
magdatingan ang mga kapamilya ng mga manggagawang namatay ay wala
nang nagawa ang mga pinuno kundi subukin ang mungkahi ng mga
nakatatandang Tonga.

10
Nagsagawa ng ritwal ang mga Tonga saka ipinaanod ang inialay na itim
na baka sa Lawa ng Kariba. Kinabukasan, wala na ang itim na baka kung saan
ito ipinalutang at sa halip, ang mga katawan ng mga puting manggagawang
tatlong araw nang hinahanap ang nakitang nakalutang. Walang maibigay na
matibay na paliwanag maging ang mga pinuno ng mga gumagawa ng dam
sa mahiwagang pangyayaring ito. Subalit natitiyak ng matatandang Tonga;
kagagawan ng galit na galit na si Nyaminyami ang lahat ng ito.
Pagkatapos ng malaking baha ay pinag-aralan ng mga eksperto ang
daloy ng tubig sa ilog Zambezi at saka nila pinag-usapan ang patungkol sa
itinatayong dam. Nagkasundo silang ang ganoon kalaking baha ay nangyayari
lamang nang minsan sa isanlibong taon kaya’t itinuloy pa rin nila ang
pagpapatayo ng dam.
Sa kabila ng paniniwala ng mga eksperto ay alam ng mga matatandang
Tonga na muling gaganti si Nyaminyami at may mangyayari pa uling sakuna.
Dahil kasi sa pagpapatayo ng dam ay nalubog sa halos tatlumpung metrong
tubig ang batong tirahan ng diyos ng ilog at ang masaklap, sinasabing naiwan
daw sa kabilang bahagi ng dam ang kanyang pinakamamahal na asawa at
alam nilang ito ay lubhang nagpagalit sa kanya.
“Tigilan na ninyo ang pagsira sa tirahan ng diyos Nyaminyami. Hayaan
n’yo na kaming makabalik sa pampang na dati naming tirahan. Kung hindi ay
muli ninyong matitikman ang bagsik ni Nyaminyami,” ang babala nila sa mga
puti.
“Kalokohan! Mga eksperto na mismo ang nagsabi, nangyayari lamang
ang ganoon kalaking baha tuwing isanlibong taon. Itutuloy namin ang
pagpapatayo ng dam!”ang matigas na paninindigan ng mga pinuno.
At hindi nga nagkamali ang mga taga Tonga. Nang sumunod na tag-
ulan ay muling sumiklab ang galit ni Nyaminyami na ngayo’y mas matindi pa
kaysa sa dalawang nauna. Isang mas malaking baha pa ang naganap kaysa
sa naranasan nila nang dalawang taon. Sa laki ng baha ay naging lubhang
mapaminsala ito. Nasira nito ang coffer dam, ang tulay sa pagitan ng
itinatayong dam at ng pampang, at ang malaking bahagi ng dam na malapit
na sanang matapos. Sinasabing ang ganoon kalaking baha ay nangyayari
lamang nang minsan sa sampung libong taon.
Subalit hindi nito napigil ang pagpapatayo ng dam. Itinuloy pa rin ito ng
pamahalaan at noong 1960, natapos din sa wakas ang Dam ng Kariba. Ito
ngayon ang pangunahing pinagmumulan ng suplay ng kuryente para sa mga
bansang Zimbabwe at Zambia. Makikita naman ang rebulto ni Nyaminyami sa
itaas na bahagi ng Ilog Zambezi at nakatanaw na tila bang nagbabantay sa
kabuoan ng Dam ng Kariba. Dinarayo na rin ito ngayon ng napakaraming

11
turistang nais makapaglaro ng mga isports na pantubig at upang makita ang
kagandahan ng paligid at ng dam na ilang beses nang muntik-muntikang hindi
maitayo dahil sa paghagupit ng kalikasang pinaniniwalaang kagagawan ng
diyos ng ilog.

Ang mga Tonga naman ay patuloy na naninirahan sa mataas na bahagi


ng Ilog Zambezi. Madalas silang nakararamdam ng pagyanig sa paligid.
Naniniwala silang ito ay ang mga pagkakataong galit ang diyos Nyaminyami at
nagpipilit maabot ang kanyang kabiyak na nasa kabilang bahagi ng dam.
Naniniwala silang isang araw ay magigiba rin ni Nyaminyami ang dam subalit sa
kanilang puso’t isipan ay umaasa pa rin silang sana’y hindi na ito mangyari
sapagkat kung magtatagumpay si Nyaminyami ay tiyak na isang trahedyang
walang katulad ang idudulot nito sa mga mamamayang wala namang
kinalaman. Patuloy na lamang nilang pag-iingatan at aalagaan ang kanilang
kapaligiran bilang pagbibigay-pugay sa kanyang alaala.

Mga pamprosesong katanungan

1. Anong hiwaga ang itinatago ng napakagandang Ilog Zambezi?


2. Ano-ano ang magpapatunay na sinasabi ng mga Tonga o Ba Tonga
na may isang diyos ngang naninirahan at nagbabantay sa ilog na ito?
3. Sa paanong paraan naman namuhay ang mga mamamayan ng
Tribung Tonga sa tabi ng Lawa ng Kariba noong unang panahon?
12
4. Paano sila nakipamuhay sa diyos ng ilog na si Nyaminyami? Bakit sila
naniniwalang pinoprotektahan sila nito?
ANG DEBATE O PAKIKIPAGTALO

Ang debate o pakikipagtalo ay isang pormal na pakikipagtalong may


estruktura at sistemang sinusundan. Isinasagawa ito ng dalawang grupo o
indibidwal na may magkasalungat na panig tungkol sa isang partikular na
paksa; ang dalawang panig ay: Ang proposisyon o sumasasang-ayon, at ang
oposisyon o sumasalungat. May isang moderator na magiging tagapamagitan
upang matiyak na magiging maayos ang daloy ng debate at igagalang ng
bawat kalahok ang tuntunin ng debate. Pagkatapos ng debate, may mga
huradong magpapasiya kung kaninong panig ang higit na nakapanghikayat o
mas kapani-paniwala. Ang mga hurado ay dapat walang kinikilngan sa
dalawang panig at kailangang nakaupo nang magkakalayo sa isa’t-isa at hindi
mag-usap-usap bago magbigay ng kani-kanilang hatol upang maiwasang
maimpluwensiyahan ang hatol ng isa’t-isa.

Ang debate ay hindi katulad ng mga ordinaryong argumento. Sa


pakikipagtalong ito, ang bawat kalahok ay binibigyan ng pantay na oras o
pagkakataon upang makapaglahad ng kani-kanilang mga patoo gayundin ng
pagpabulaan o rebuttal. May nakatalaga ring timekeeper sa
isang debate upang matiyak na masusunod ng bawat tagapagsalita ang oras
na laan para sa kanila. Karaniwang ang paksa sa isang debate ay ibinibigay
nang mas maaga upang makapaghanda ang dalawang panig para sa kani-
kanilang mga argumento

13
Mga Katangiang Dapat Taglayin ng Isang Mahusay na Debater

Ang mga sumusunod ay mga karaniwang pinagbabasehan ng mga hurado sa


pagiging mapanghikayat kaya’t kailangang isaalang-alang ng isang debater.

1. Nilalaman – Napakahalagang may malawak na kaalaman ang


isang debater patungkol sa panig na kanyang ipinagtatanggol at maging sa
pangkalahatang paksa ng debate. Kailangan niyang magkaroon sapat na
panahon upang mapaghandaan ang sandaling ito at kasama sa paghahanda
ang malawak na pagbabasa, pananaliksik at pangangalap ng datos at
ebidensya tungkol sa paksa upang magbigay ng bigat at patunay sa
katotohanan ng kanyang ipinahahayag.

2. Estilo – Dito makikita ang husay ng debater sa pagsasalita, sa pagpili ng


tamang salitang gagamitin, at sa kaangkupan ng pagbuo niya ng mga
pangungusap na kanyang babanggitin sa debate. Papasok din dito ang linaw
at lakas o taginting ng kanyang boses, husay ng tindig, kumpiyansa sa sarili, at
iba pa.

3. Estratehiya– Dito makikita ang husay ng debater sa pagsalo o pagsagot sa


mga argumento, at kung paano niya maitatawag ng pansin ang kanyang
proposisyon. Dito rin makikita kung gaano kahusay ang pagkakahabi ng mga
argumento ng magkakagrupo. Mahalagang mag-usap at magplano nang
maigi ang magkakagrupo upang ang babanggiting patotoo o
pagpapabulaan ng isa ay susuporta at hindi kokontra sa mga sasabihin ng iba.

Mga Uri o Format ng Debate

Maraming iba’t ibang uri ng debate subalit ang pinakakaraniwang ginagamit


ng mga mag-aaral ay ang mga debateng may uri o format na Oxford
at Cambridge.

1. Debateng Oxford- ang bawat kalahok ay magsasalita lamang ng minsan,


maliban na lang sa unang tagapagsalita ma wala pang sasalaging
mosyon kaya’t mabibigyan ng isa pang pagkakataong magbigay ng
kanyang pagpapabulaan sa huli. Sa pagtinding ng bawat kalahok
upang magsalita ay magkasama na niyang inilalahad ang kanyang
patotoo at pagpapabulaan.

2. Debateng Cambridge- ang bawat kalahok ay dalawang beses titindig


upang magsalita. Una ay para ipahayag ang kanyang patotoo at sa
ikalawa ay para ilahad ang kanyang pagpapabulaan.

14
ANG PAGSASALING-WIKA

Pagsasaling-wika-Ito ay pagsasalin o paglilipat sa pinakamalapit na katumbas


na mensahe o ideya ng tekstong isinasalin sa wika o diyalektong
pinagsasalinan. Kailangang maipabatid nang tama ang mensahe ng isinasalin
kaya naman mahalagang isaisip ng isang tagapagsalin ang sumusunod na
paalala o pamantayan sa pagsasaling-wika.

PAMANTAYAN SA PAGSASALING-WIKA

1. Alamin ang paksa ng isasalin.

Magbasa o magsaliksik upang mapag-aralan ito at magkaroon nang mas


malawak na kaalaman sa paksa ng tekstong isasalin.

2. Basahin nang ilang beses ang tekstong isasalin.

Tiyaking nauunawaan mo ang nilalaman ng teksto sa lebel na halos kakayanin


mo nang ipaliwanag o muling isalaysay kahit pa wala ang orihinal sa iyong
harapan. Gayunpama’y tandaang hindi ka basta magpapa-paraphrase kundi
magsasalin kaya hindi mo dapat baguhin, palitan, o bawasan ang ideya o
mensahe ng iyong isinasalin.

3. Tandaang ang isinasalin ay ang kahulugan o mensahe at hindi lang mga salita.

Makatutulong ang malawak na kaalaman ng isang tagapagsalin sa wikang


isasalin at sa wikang pagsasalinan. Hindi kasi sapat na basta tumbasan lang ng
salita mula sa pinagmulang teksto ng isa ring salita sa pagsasalinang wika dahil
literal lang ang kalalabasan ng pagsasalin at maaaring hindi mapalabas ang
tunay na diwa ng isinasalin.

4. Piliin ang mga salita at pariralang madaling maunawaan ng mambabasa.

Mainam kung ang mga salitang gagamitin ay lubos mong nauunawaan ang
kahulugan at tiyak na mauunawaan din ng mga mambabasa upang higit na
maging natural o malapit ang orihinal sa salin.

5. Ipabasa sa isang eksperto sa wikang pinagsalinan o sa isang katutubong


nagsasalita ng wika ang iyong isinalin.

15
Makatutulong nang malaki ang pagpapabasa ng isinalin ng isang taong
eksperto o katutubong nagsasalita ng wikang ito upang mabigyang-puna niya
ang paraan ng pagkakasalin at masabi kung ito ba’y naaangkop na sa
konteksto ng isang taong likas na gumagamit ng wika.

6. Isaalang-alang ang iyong kaalaman sa genre ng akdang isasalin.

Makatutulong sa epektibong pagsasalin ang kaalaman ng tagapagsalin sa


genre ng kinabibilangan ng isasalin. Halimbawa, hindi basta makapagsasalin
ng isang tula ang isang taong walang gaanong alam sa matatalinghagang
salita at mga tayutay na karaniwang ginagamit sa isang tula. Idagdag pa rito
ang kaalaman ukol sa magkakatugmang salita lalo na kung may sukat at
tugma ang tulang isasalin. Kung tula ang isasalin, kailangang lumabas pa rin
itong isang tula at hindi prosa. Kung ito’y may sukat at tugma, kailangang
pagsikapan ng tagapagsaling mapanatili rin ito.

7. Isaalang-alang ang kultura at konteksto ng wikang isasalin at ng pagsasalinan.

May mga pagkakataon kasing ang paraan ng pagsasaayos ng dokumento ng


isang wika depende sa kanilang nakasanayan ay naiiba sa wikang
pagsasalinan kaya’t dapat din itong bigyang-pansin ng magsasalin.

8. Ang pagiging mahusay na tagapagsalin ay nalilinang sa pagdaan ng panahon


at pagbubuti ng karanasan.

Kung sakaling sa unang pagtatangka mo ay hindi mo agad magawang


makapagsalin nang halos kahimig ng orihinal ay huwag kang mag-alala dahil
habang tumatagal ka sa gawaing ito at nagkaroon nang mas malawak ng
karanasan ay lalo kang gagaling at magkakaroon ng kahusayan sa gawaing
ito.

I. Pagsasaling-wika

Basahin ang mga halimbawang salin sa ibaba at lagyan ng tsek ( )


ang bilog na katapat ng pahayag na sa palagay mo’y mahusay
ang pagkakasalin o ng ekis ( x ) sa hindi.

16
“ Our environment , the world in which we live and work , is a
Orihinal
mirror of our attitudes and expectations. ”

- Earl Nightinggale

“ Ang aming kapaligiran, ang mundo kung saan tayo


nakatira at trabaho, ay isang salamin ng aming saloobin at
mga inaasahan. ”

- Salin mula sa http://imtranslator.net/

“ Ang ating kapaligiran, ang mundo kung saan tayo


namumuhay at naghahanapbuhay, ay sumasalamin sa
ating mga saloobin at inaasahan. ”

- Isang malayang salin

“ Earth provides enough to satisfy every man’s needs, but


not every man’s greed . ”
Orihinal
- Mahatma Gandhi

17
“ Earth ay nagbibigay ng sapat na upang masiyahan ang
mga pangangailangan ng bawat tao, ngunit kasakiman
hindi lahat ng tao.”

- Salin mula sa https://translate.google.com.ph/

“ Ang mundo ay nakapagbibigay nang sapat upang


matugunan ang pangangailangan ng bawat tao, subalit
hindi ang kasakiman ng tao.”

- Isang malayang pagsasalin

Pagsasaling-wika
Bigyan ng malayang pagsasalin ang mga sumusunod:

1.

18
2.

3.

4.

19
5.

✓ Ang debate o pakikipagtalo ay isang pormal na pakikipagtalong may estruktura


at sistemang sinusundan.
✓ Ang pagsasaling-wika ay pagsasalin o paglilipat sa pinakamalapit na
katumbas na mensahe o ideya ng tekstong isinasalin sa wika o
diyalektong pinagsasalinan. Kailangang maipabatid nang tama ang
mensahe ng isinasalin kaya naman mahalagang isaisip ng isang
tagapagsalin ang sumusunod na paalala o pamantayan sa pagsasaling-
wika.

Naniniwala ka rin ba sa mga kababalaghan? Bakit? Mayroon ka bang


karanasan kaugnay nito?
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________

20
Aralin 10 Panitikan: Ang Anekdota ni Nelson Mandela

Mga Tiyak na Layunin:

▪ Nabibigyang -kahulugan ang salita batay sa ginamit na panlapi


▪ Nahihinuha ang damdamin ng sumulat ng napakinggang anekdota
▪ Nasusuri ang binasang anekdota batay sa: paksa- tauhan tagpuan
motibo ng awtor paraan ng pagsulat at iba pa
▪ Nagagamit ang kahusayang gramatikal, diskorsal at strategic sa
pagsulat at pagsasalaysay ng orihinal na anekdota

Paano ba maging isang mabuting pinuno o lider?


______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
Bakit mahalagang magkaroon ng isang mabuting pinuno o lider ang isang
bayan?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
Ano-ano ang mga nararapat gawin ng isang karaniwang mamamayan upang
makatiyak na isang mabuting pinuno ang mapipiling maglingkod sa bayan?
Maglahad ng tatlong paraan.

1. _____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
2. _____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
3. _____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

21
Mahalaga ang mga panlapi sa pagbuo ng salita. Nababago kasi ang
kahulugan ng mga salita depende sa panlaping ginamit. Kilalanin ang
kahulugan ng mga salita batay sa ginawang paglalapi. Piliin ang sagot at saka
isulat ang titik sa linya.

_____1. minamahal a. dalawang taong may pag-ibig sa isa’t isa

_____2. mahalin b. isang bagay na mataas ang presyo

_____3. nagmamahal c. sinasabi sa Bibliya na dapat gawin para sa


isang kaaway

_____4. nagmamahalan d. taong nakadarama o nagbibigay ng


pagmamahal

_____5. mamahalin e. taong pinag-uukulan ng pagmamahal

Mga Anekdota sa Buhay ni Nelson Mandela

Si Nelson Mandela ay isa sa pinakadakila, hinahangaan, iginagalang, at


minamahal na lider sa buong mundo. Kinilala siya dahil sa kanyang naging
aktibong papel sa pagtataguyod ng pagkakapantay-pantay ng tao sa kanyang
bansang South Africa na noo’y pinamumunuan ng isang pamahalaang racist o
nag-uuri ng mga tao batay sa kanilang kulay. Sa loob ng mahigit dalawampung
taon siya’y nanguna sa kampanya para sa mapayapang pakikipaglaban sa
ganitong kalakaran sa kanilang pamahalaan kahit pa nangahuhulugan ito ng
pagkakabilanggo niya ng dalawampu’t pitong taon. Naging daan ito upang
magawaran siya ng Nobel Peace Prize noong 1993 para sa kanyang mga
nagawa upang maibagsak ang sistemang apartheid sa kanilang bansa nang
walang karahasang nangyari. Noong 1994, si Nelson Mandela ay nahalal bilang
kauna-unahang Itim na Pangulo ng South Africa.

Subalit maliban sa kanyang makulay na buhay politika, ang labis na


hinangaan ng mga taong nakakilala at nakasalamuha niya ay ang kanyang
pagiging mabuting tao, mapagkumbaba, marangal, masayahin, at isang tunay

22
na maginoo. Makikita ang mga katangian ito sa sumusunod na anekdotang
nagpapamalas kung bakit iginagalang at minamahal ng mundo sa Nelson
Mandela.

Ayon kay John Carlin

Ayon sa pagsasalaysay ni John Carlin, isang tanyag na manunulat at dating


Bureau Chief ng London Independent sa South Africa mula 1989 hanggang 1995,
kinakapanayam niya noon si Nelson Mandela isang buwang matapos nitong
manalo bilang pangulo ng South Africa nang makarinig sila ng katok sa pinto.
Isang puting babae ang pumasok sa opisina ng Pangulo na may dalang tray na
may tsaa at tubig. Nang makita ni Nelson ang babae ay ni hindi nito tinapos ang
sinasabi, agad tumayo at nakangiting kinumusta ang babae, saka ipinakilala si
John Carlin. Nagpasalamat si Nelson sa tubig at tsaa at umupo lang muli nang
makaalis na ang babae.

Ang labis na nagpahanga kay John Carlin ay hindi lang ang naging mabuti
at maiinit na pagtrato ni Nelson Mandela sa babae kundi ang katotohanang ang
babaeng ito na pinakitaan niya ng paggalang at pagpapahalaga ay dating
empleyado ng mga pangulong naging malupit at nagdiskrimina sa mga itim na
tulad niya. Katunayan, walang pinaalis ni isa man si Mandela sa mga dating
empleyado ng nagdaang administrasyon. Nanatili silang lahat at nang makilala
nila ang likas na kabutihan ng bago nilang pangulo ay minahal at hinangaan
nila ito nang labis pa kaysa sinuman sa mga puting naging pangulo ng kanilang
bansa. Katunayan, ang kanyang chief of protocol na isang malaking lalaki at
naglingkod sa mga nagdaang pangulo nang mahigit labintatlong taon ay
napaluha habang ginugunita ang mga kabutihan at kagandahang loob na
ginawa ni Mandela para sa kanya.

Ayon kay Jessie Duarte

Ayon naman sa kwento ni Deputy Secretary-General Jessie Duarte na


naging personal assistant ni Mandela mula 1990 hanggang 1994, nakasanayan
na raw ni Mandela ang pagtiklop at pag-aayos ng kanyang mga pinagtulugan.
Minsan daw, nang sila ay nasa Shanghai, China ay tumuloy sila sa isang
napakalaki at napakagandang hotel. Sinabihan ni Duarte ang pangulo na
huwag tiklupin ang kanyang pinagtulugan dahil ayon daw sa kultura ng
nasabing bansa, ang mga tagapagligpit ay dapat magligpit at maaaring
makainsulto sa kanila kung ang bisita ang mag-aayos ng kanyang tinulugan.

23
Dahil dito’y ipinatawag ni Mandela sa kanilang manager ng hotel ang
mga babaeng tagapagligpit sa silid upang kausapin at paliwanagan kung bakit
siya ang nagtitiklop at nag-aayos ng kamang kanyang tinulugan. Ayaw niyang
mainsulto o masaktan ang damdamin ng mga ito nang dahil lang sa paggawa
niya sa nakasanayan. Ayon pa kay Duarte, hindi niya pansin kung ang
“matataas” na tao ay masaktan o masagasaan sa kanyang mga ginagawa o
ipinaglalaban subalit ayaw niyang may “maliliit” na taong sumama ang loob o
masaktan nang dahil sa kanya.

Ayon kay John Simpson

Ayon naman sa kuwento ni John Simpson, isang mamamahayag at World


Affairs Editor ng BBC News, ang isang hindi niya malilimutang karanasan
kaugnayan ni Mandela ay nang magtungo ito sa dating paaralan ni Simpson sa
Cambridge upang maging tagapagsalita. Kilala si Mandela bilang isang
mahusay na tagapagsalita. At sa pagkakataong iyon, sinabi raw niya ang
sumusunod: “Ako’y labis na kinakabahan sa pagsasalita rito dahil sa tatlong
dahilan. Una, dahil ako ay isang matandang pensionado.” Mahinang tawanan
ang naging sagot ng tagapakinig. Hindi nila malaman kung nagbibiro o sadyang
ibinababa lang ni Mandela ang sarili. “Pangalawa, dahil ako’y walang trabaho.”
Ngayo’y mas malakas ang naging tawanan dahil alam ng lahat na hindi pa
katagalan nang bumaba siya bilang Pangulo. “At pangatlo, dahil mayroon
akong napakasamang criminal record.” Ang lakas ng hagalpakan ng mga tao
pagkarinig sa sinabi ng Pangulo at halos bumasag sa mga bintanang salamin ng
bulwagan.

Ayon kay Matt Damon

Ipinakita naman ang karanasan ni Matt Damon, isang kilalang artista sa


Amerika ang halina ni Mandela hindi lang sa matatanda kundi maging sa mga
bata. Kasama si Damon sa mga artistang gumanap sa pelikula tungkol sa buhay
ni Mandela, ang Invictus. Nang magpunta raw sila sa South Africa para
magshooting nang pelikula ay sinabihan silang makikilala na nila si Mandela at
puwede nilang dalhin ang mga anak nila. Dinala niya ang mga anak na si Gia,
na noo’y walong buwang gulang at si Isabella, na noo’y dalawang taong gulang
naman. Habang naghihintay silang makapasok ay nagtanong si Isabella nang
ganito: “Daddy, sino po ang nasa loob ng pinto?” Hawak daw ni Damon ang
kamay ng anak noon at marahil nadama nito ang mabilis na pagtibok ng
kanyang puso na puno ng pananabik sa mangyayari. Sinagot niya ang anak at
sinabing: “Si Ginoong Mandela, isang napakaespesyal na tao. Makikilala natin
siya at maghe-hello tayo sa kanya.” Nang makapasok sila ay magiliw silang

24
sinalubong ni Ginoong Mandela habang hindi mapaknit ang paningin ng
dalawang bata sa kanya. May taglay siyang halina kaya’t maging mga bata ay
batid na isang hindi pangkaraniwang tao ang nasa harap nila.

Marami pang anekdota ang nailahad ng iba’t ibang tao, tanyag man o
hindi tulad ng isang diyamante ay patuloy na magniningning at walang
anumang bilangguan, diskriminasyon, pasakit, o hadlang sa kanyang daraanan
ang hindi niya kakayaning mapagtagumpayan.

Mga pamprosesong katanungan:

1. Ano-anong mga anekdota ang naalala ng mga tao kaugnay ni


Nelson Mandela?
2. Ano-anong mga katangian ni Mandela ang masasalamin sa mga
anekdotang ito?
3. Anong katangian kaya ang taglay niya na nagiging dahilan kung
bakit maging ang mga bata ay nahahalina sa kanya?
4. Bakit minahal at iginalang si Mandela hindi lang ng kanyang mga
kababayan sa South Africa kundi maging ng buong mundo?
5. Kung ikaw ang nasa kalagayan niya, sisikapin mo rin bang maging
mabuti sa mga taong kabilang sa lahing nagdiskrimina, nagpahirap,
at hindi gumawa nang tama sa iyo at sa mga kalahi mo? Bakit?

Apat na Komponent o Sangkap ng Kasanayang Komunikatibo

( Michael Canale at Merril Swain )

May apat na komponent o sangkap sa paglinang ng kasanayang


komunikatibo. Partikular na nakatutulong ang mga ito sa mga taong nag-aaral
ng bagong wika.

❖ Gramatikal- Ang komponent na nagbibigay-kakayahan sa nagsasalita


upang epektibong makipagtalastasan gamit ang angkop na mga
tuntuning panggramatika. Mahalagang batid ng nagsasalita ang
tuntuning panggramatika dahil magagamit ang mga ito sa epektibong
pagbuo ng salita, pangungusap, tamang pagbigkas, pagbaybay, at
maging sa pagbibigay-kahulugan sa salita. Ang mga tanong na
sinasagot ng komponent na gramatikal ay:
▪ Anong salita ang angkop gamitin?

25
▪ Paano magagamit nang tama ang mga salita sa mga parirala at
pangungusap?

❖ Sosyo- lingguwistik- Ang komponent na nagbibigay-kakayahan sa


nagsasalita upang magamit ang salitang naaangkop sa sitwasyon at sa
kontekstong sosyal ng lugar kung saan ginagamit ang wika. Kailangang
alam at magamit ang salitang angkop para sa hinihinging pagkakataon.
Dito makikilala ang pagkakaiba ng isang taong mahusay lang magsalita
kompara sa isang katutubong nagsasalita ng wika. Madalas, ang isang
mahusay lang magsalita ay maaaring magkamali sa pagpili ng salitang
gagamitin na maaaring magbigay ng impresyon sa tagapakinig na siya’y
walang galang, mayabang, o naiiba. Ang mga tanong na sinasagot ng
komponent na sosyo-lingguwistik ay:

▪ Anong salita o parirala ang angkop sa partikular na lugar at


sitwasyon?
▪ Paano maipahahayag nang maayos at hindi mabibigyan ng iba o
maling interpretasyon ang inilalahad na paggalang,
pakikipagkaibigan, paninindigan, at iba pa?
▪ Paano ko makikilala ang kaugalian at kulturang taglay ng isang tao
sa pamamagitan ng mga salitang kanyang ginagamit?

❖ Diskorsal- Ang komponent na nagbibigay-kakayahang magamit ang


wikang binibigkas at wikang ginagamit sa pagsulat sa makabuluhang
paraan upang maipabatid ang mensahe at maunawaan din ang
tinatanggap na mensahe. Dito binibigyan ng wastong interpretasyon ang
salita, pangungusap/ pahayag upang makabuo ng isang mas malawak
at malalim na kahulugan. Ang mga tanong na sinasagot ng komponent
na diskorsal ay:

▪ Sa paanong paraan ang mga salita, parirala, at pangungusap


ay mapagsama-sama o mapag-ugnay-ugnay upang makabuo
nang maayos na usapan, sanaysay, talumpati, e-mail, artikulo,
at iba pa?

❖ Strategic- Ang komponent na nagbibigay-kakayahang magamit ang


berbal at hindi berbal na mga hudyat upang maihatid nang mas
malinaw ang mensahe at maiwasan o maisaayos ang mga hindi
pagkakaunawaan o mga puwang (gaps) sa komunikasyon. Sa isang
bagong nag-aaral ng salita na hindi pa bihasa sa paggamit ng wikang
binibigkas ay makatutulong sa paggamit ng mga hindi berbal na hudyat

26
tulad ng kumpas ng kamay, senyas, tindig, at ekspresyon ng mukha upag
maipaabot ang tamang mensahe. Maging ang mga katutubong
nagsasalita ng isang wika ay gumagamit din ng strategic kapag minsang
nakalimutan ang tawag sa isang bagay o nasa “dulo na ito ng kanilang
dila” at hindi agad maalala ang tamang salita. Kilala rito ang mga
Pilipino na madalas isinesenyas sa pamamagitan ng nguso o pagkumpas
ng kamay kapag tinatanong kung nasaan ang isang lugar. Ang mga
tanong na sinasagot ng strategic komponent ay:

▪ Paano ko malalaman kung hindi ko pala naunawaan ang ibig


sabihin ng kausap ko o kung hindi niya naunawaan ang gusto
kong iparating? Ano ang sasabihin o gagawin ko upang
maayos ito?
▪ Paano ko ipahahayag ang aking pananaw nang hindi
mabibigyan ng maling interpretasyon ang aking sasabihin kung
hindi ko alam ang tawag sa isang bagay?

A. Basahing mabuti ang mga siniping opinyon mula kay Nelson Mandela.
Magbigay ng sarili mong opinyon, reaksyon, o pagpapaliwanag kaugnay
ng bawat isa.

1. “ Ang edukasyon ay ang pinakamainam na sandatang magagamit


upang mabago ang mundo. ”

2. “ Makabubuting mamuno mula sa likuran at ilagay ang iba sa


harapan lalo na kung ipinagdiriwang ang tagumpay o kung
magaganda ang mga nangyayari. Subalit sa harap ng panganib, ang
pinuno ay dapat nasa harapan.”

3. “ Ang isang mahusay na ulo at mabuting puso ay napakainam na


kombinasyon. Subalit kung idaragdag pa rito ang matalinong dila at
panulat, taglay mo na ang napaka-espesyal na handog.”

4. “ Ang isang bansa ay hindi dapat husgahan sa kung paano nito


tinatrato ang pinakamatataas niyang mamamayan kung hindi sa
kung paano nito tratuhin ang pinakamababa sa kanyang lipunan.”

27
5. “ Natutuhan kong ang katapangan ay hindi ang kawalan ng takot
kundi ang pagtatagumpay laban dito. Ang matapang na tao ay
hindi iyong taong di nakararamdam ng takot kundi ang taong
napaglabanan ang takot. ”

B. Suriin ang binasang anekdota batay sa paksa, tauhan, tagpuan, at


motibo ng awtor. Punan ang mga patlang ng hinihinging impormasyon.

1. PAKSA
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

2. Ano-anong mga katangian ni Nelson Mandela ang nangingibabaw


batay sa mga anekdotang binasa?

_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

3. Ano kaya ang nadama ng mga tauhan at nadama mo rin para kay
Nelson Mandela pagkabasa mo sa mga anekdotang ito?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

4. Makatawag-pansin ba ang mga pangyayaring kinasangkutan ng


pangunahing tauhan? Patunayan.
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

5. Nakatulong ba ang anekdotang ito upang lalo pang makilala ng


mambabasa si Nelson Mandela? Bakit?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

6. Ano-ano kaya ang motibo o dahilan ng awtor sa paglalahad ng


anekdotang ito?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
___________________________________________________

28
7. Batay sa iyong mga nabasa, masasabi mo ba kung ano ang isang
anekdota at sa paanong paraan ito maaaring magamit?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
___________________________________________________

Ang hamon para sa ating lahat ay gawing Mandela Day ang bawat araw sa
ating buhay. Hindi mahalaga kung gagawin natin ito sa malaki o maliit na
paraan, ang mahalaga’y naging instrument tayo upang mas mapabuti ang
buhay n gating kapwa sa ating munting paraan.

Paano mo tatanggapin ang hamong ito? Mag-isip ng plano para sa pitong


araw na paggawa ng kabutihan sa kapwa. Magiging panimulang gawain lang
ito dahil pagkatapos ng pitong araw at nadama mo ang kaligayahan at
kapayapaang hatid ng paggawa ng mabuti sa kapwa ay maaari mo nang
ituloy-tuloy ang paggawa ng mumunting kabutihang tulad nito. Punan ang
talahanayan sa ibaba.

Isang Linggong Plano ng Kabutihang Gagawin para sa Kapwa

Araw Petsa Ang Kabutihang Gagawin Para Nagawa/


kay/kina Hindi
nagawa

29
✓ Ang mahalaga sa buhay ay hindi lang ang katotohanang tayo ay
nabuhay. Sa mga nagawa natin para sa ikabubuti ng buhay ng iba,
nalalaman kung naging makabuluhan ang ating naging buhay.
✓ May apat na komponent o sangkap sa paglinang ng kasanayang
komunikatibo: Gramatikal, Sosyo-linggwistik, Diskorsal, Strategic

Bilang isang batang Agustino, paano mo pinahahalagahan ang iyong


pag-aaral?

____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________

Sa araling ito, nagawa mong iugnay sa iyong sariling buhay


ang mga karanasan sa buhay ni Nelson Mandela. Nabatid mo ang
magagandang katangiang taglay niya na magsisilbing magandang
halimbawa at dapat mong tularan.

30
Aralin 11 Panitikan: Ang Ibong Nakahawla

Mga Tiyak na Layunin

▪ Naiaantas ang mga salita ayon sa damdaming ipinahahayag


ng bawat isa
▪ Nasusuri ang kasiningan at bisa ng tula batay sa napakinggan
▪ Nabibigyang -kahulugan ang iba’t ibang simbolismo at
matatalinghagang pahayag sa tula

Nasubukan mo na bang mahusgahan o maging


biktima ng diskriminasyon dahil sa isang katangian o kalagayang taglay mo na
likas na sa iyo o hindi mo naman ginusto? Ilahad ang iyong karanasan.

❖ Ano ang naramdaman mo sa pangyayaring ito?


❖ Bakit kaya parang ikinulong sa isang hawla o ikinahon ang pakiramdam
ng isang taong nahuhusgahan dahil sa kalagayang hindi naman niya
ginusto?

31
Iantas ang mga salitang nakasulat nang madiin ayon sa tindi ng
damdaming ipinahahayag ng bawat isa. Isulat sa kahon ang bilang 1 para sa
pinakamababaw, at 3 sa pinakamatindi. Gawing gabay ang konteksto ng mga
pangungusap sa pag-aantas.

Nainis ako sa panunukso niya sa akin.

Nagngitngit ako nang saktan niya ako.

Nagalit ako nang subukan niya akong saktan.

Nalungkot siya nang agawin ang mga bagay na gusto niya.

Wala nang natira nang angkinin nila ang lahat ng pag-aari niya.

Huwag mo namang pag-isipang kunin ang gamit niya.

Nasindak ako nang sabihin niyang hindi na ako makaaalis.

Nahiya ako nang ipakilala niya ako sa kaibigan niya.

Natakot ako nang malamang dadalhin niya ako.

Ang Ibong Nakahawla


(Tula ni Maya Angelou)

Isang ibon ang umigpaw


sa likod ng hangin

32
at nagpalutang pababa sa may ilog
hanggang sa magwakas ang agos
at nagtawtaw ng kanyang mga pakpak
sa kahel na silahis ng araw
at nangahas angkinin ang langit.

Ngunit ang isang ibong nanlilisik


sa kanyang makitid na hawla
ay bihirang makasilip
sa mga rehas ng kanyang pagngingitngit
mga pakpak niya’y pinutulan at
mga paa’y tinalian
kaya’t siya’y nagbuka ng tuka upang makaawit.

Ang ibong nakahawla’y umaawit


nang may kasindak-sindak na tinig
ng tungkol sa di-batid na mga bagay
ngunit minimithi ang kapayapaan
at ang kanyang himig ay naririnig
sa malayong burol
sapagkat ang ibong nakahawla’y
umaawit ng kalayaan.

Ang malayang ibon nama’y nag-iisip ng ibang simo’y


ng hanging malamyos sa mga punong
nagbubuntonghininga
ng matatabang uod na naghihintay sa damuhang
sinisinagan ng umaga
at ang langit ay itinuturing na kanyang sarili.

Ngunit ang isang ibong nakahawla’y nakatayo


sa puntod ng mga pangarap
anino niya’y sumisigaw sa tili ng isang bangungot
mga pakpak niya’y pinutulan at mga paa’y tinalian
kaya’t siya’y nagbuka ng tuka upang makaawit.

Ang ibong nakahawla’y umaawit


nang may kasindak-sindak na tinig
ng tungkol sa di-batid na mga bagay

33
ngunit minimithi ang kapayapaan
at ang kanyang himig ay naririnig
sa malayong burol
sapagkat ang ibong nakahawla’y
umaawit ng kalayaan.
Salin ni Rogelio G. Mangahas

Mga pamprosesong katanungan:

1. Sino-sino ang mga sinisimbolo ng ibong nakahawla? Sino-sino naman


ang sinisimbolo ng ibong lumilipad at malaya?
2. Bakit kaya ito ang simbolong naisip ng may-akda para sa mga taong
kanyang pinatutungkulan?
3. Ano ang mensaheng nais iparating ng may-akda sa paggamit niya ng
kaawa-awang kalagayan ng mga ibong nasa hawla?
4. Sa paanong paraan naging hawla ang maitim na kulay ng mga
taong may lahing African-American?
5. Bakit mahalagang magkaroon ng boses at paninindigan ang mga
taong ito upang makalaya sila mula sa kanilang “hawla”?

Ang tulang binasa o napakinggan ay hindi lang basta maganda at masining.


Bagkus, ito ay nagtataglay ng mga bisang pumupukaw sa isipan at damdamin.
Suriin at lagyan ng tsek ang mga bisang taglay ng tula o ng ekis sa hindi.
Maglahad ng paliwanag sa mga nilagyan mo ng tsek.

Dama ang hapis, galit, at kalungkutan ng may-akda sa malupit at

34
mahirap na sitwasyong pinaglagyan sa kanila ng lipunan nang dahil sa
kulay ng kanilang balat.
_________________________________________________________________

Galit at awa ang mamamayani sa mambabasa dahil sa kalagayan ng


ibong nakatali na ang mga paa ay nakakulong pa sa isang hawla.
_________________________________________________________________

Humihingi ng kalayaan at pagkawala sa tanikala ng pang-aapi at


diskriminasyon ang mensaheng ipinararating ng tula.
_________________________________________________________________

Kayamanan at salapi ang hinihiling ng ibon sa hawla upang maluwag


niyang matanggap ang kanyang kalagayan.
_________________________________________________________________

Mabisang nailarawan ang malaking agwat sa pagitan ng dalawang


lahing ang ipinagkaiba lang naman ay ang kulay ng balat.
_________________________________________________________________

Naghahangad ng kapangyarihan ang mga Itim upang sila naman ang


mamuno at ang mga Puti naman ang magdanas ng kahirapan.
_________________________________________________________________

Tukuyin ang kahulugan ng mga simbolismo at matatalinghagang pahayag na


ginamit ng may-akda sa tula. Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Isang ibon ang malayang lumilipad hanggang sa dulo ng ilog at sa


silahis ng araw.
a. Mga taong kabilang sa lahing Puti na nagagawang mamuhay
nang malaya at masagana nang walang gumagambala sa
kanilang payapang pamumuhay.

35
b. Mga ibong pinalad na maisilang sa makapal na kagubatan at
walang gumagambala sa kanilang payak subalit payapang
pamumuhay.
c. Mga taong isinilang na mayayaman at makapangyarihan na
siyang namumuno sa pinakamalalaking kaharian sa buong
mundo.
2. Ang malayang ibon ay nangahas angkinin ang langit.
a. Mga politikong gumagamit ng kapangyarihan upang
makapagnakaw sa kaban ng bayan.
b. Mga ibong kumakain o kumukuha sa anak o itlog ng kapwa nila
ibong mas mahina kaysa sa kanila.
c. Mga taong nagdidiskrimina at gumagawa ng kapinsalaan sa
kapwa nila nang dahil sa kulay ng balat at kalagayang
panlipunan at pinapaboran pa ng lipunan.
3. Ngunit ang isang ibong nanlilisik, sa kanyang makitid na hawla ay
bihirang makasilip sa mga rehas ng kanyang pagngingitngit.
a. Tumutukoy sa galit na nadarama ng isang ibong hindi
makalipad na dapat sanang ginagawa ng isang ibong tulad
niya.
b. Tumutukoy sa galit na kinikimkim at hindi maibulalas ng mga
taong nagdaranas ng diskriminasyon at kaapihan sa kamay ng
iba.
c. Tumutukoy sa nadarama ng isang taong may sakit at
pinagbabawalang makisalamuha sa iba.
4. Ang malayang ibon nama’y nag-iisip ng ibang simoy ng hanging
malamyos sa mga punong nagbubuntonghininga ng matatabang
uod na naghihintay sa damuhang sinisinagan ng umaga.
a. May mga oportunidad at pagkakataong naibibigay sa mga Puti
na hindi basta natatamo ng mga Itim dahil sa hindi pantay na
pagtanaw
b. May mas malalakas na ibon na umuubos sa mas maiinam na
pagkain kaya naman wala nang naiiwan na mas mahihina
c. May mga taong likas na maramot dahil kapag nakakita ng
oportunidad para umunlad ay sinosolo niya ito at hindi man lang
ibinabahagi sa iba.
5. Mga pakpak niya’y pinutulan at mga paa’y tinalian kaya’t siya’y
nagbuka ng tuka upang makaawit.
a. Ang taong inaapi at hinuhusgahan batay sa kanilang lahi at
kulay ay nangahas magsalita at manindigan para ipaglaban
ang kanilang karapatan.
b. Kahit ikulong o itali mo ang isang ibon ay hindi mo pa rin siya
mapipigilang umawit dahil ito’y isang bagay na likas na sa
kanya.

36
c. Ang taong nakakulong sa mga rehas ng bilangguan ay dapat
lang makapagsalita rin dahil ito’y bahagi pa rin ng kanilang
karapatan.

✓ Anuman ang taglay na kulay at anyo


Mahalagang igalang ang karapatan ng bawat tao

37
Bakit hindi dapat manghusga at magdiskrimina ng isang tao
nang dahil lang sa kanyang lahi, kulay ng balat, itsura o anyo,
kasarian, at edad?

Sa araling ito, alam kong nakakaugnay ka sa mga


impormasyong tinalakay dahil ikaw mismo ay nakaranas ring
manghusga ng tao at napagtanto mo na wala itong mabuting
maidudulot sa iyo.
Ipagpatuloy lamang ang paggawa ng mga bagay na
ikabubuti mo at ikauunlad ng iyong pagkatao.

Sagot:

Aralin 12 Panitikan: Si Rustam at si Sohrab


Wika: Paraan ng Pagpapahayag ng Emosyon o Damdamin
Mga Tiyak na Layunin:

▪ Naihahanay ang mga salita batay sa kaugnayan ng mga ito sa isa’t


isa
Naiuugnay ang suliraning nangingibabaw sa akda sa pandaigdigang
▪Sagot:
pangyayari sa lipunan
▪ Nabibigyang -kahulugan ang damdaming nangingibabaw sa akda
▪ Naihahayag ang damdamin at saloobin tungkol sa kahalagahan ng
akda sa: - sarili - panlipunan pandaigdig

38
Ano-ano ang mga nalalaman mo tungkol sa naging relasyon o samahan ng
bawat mag-amang nakalarawan sa itaas? Isulat ito sa mga linya.

39
Mag-amang Aquino: __________________________________________________

__________________________________________________

Mag-amang Estrada: __________________________________________________

___________________________________________________

Mag-amang Marcos: __________________________________________________

___________________________________________________

Mag-amang Revilla: ___________________________________________________

___________________________________________________

Mag-amang Duterte: __________________________________________________

Pangkatin ang bawat salita/ mga salita sa loob ng kahon ayon sa


kaugnayan nito sa isa’t isa. Isulat ito sa tamang hanay.
iniluto ipagtanggol katunggali
kagitingan lukso ng dugo nanginginain
mandirigma pagsilang nangaso
sinapupunan batang paslit pumaslang
kabusugan malabong mata

Mga Salitang May Mga Salitang May Mga Salitang May


Kaugnayan sa Kaugnayan sa Kaugnayan sa
Pagkain Pakikipaglaban Pagiging Magulang

40
Si Rustam at si Sohrab
Mula sa Epikong Shahnameh
( Buod ng Epikong Persiyano )

Nasa sinapupunan pa lamang si Rustam ay hinuhulaan nang magiging


magiting na bayani siya sa kanyang paglaki. Siya raw ay magiging paksa ng
mga alamat.
Hindi naging madali ang paraan ng pagsilang kay Rustam. Ang kanyang
inang si Rudabeh ay dumanas ng matinding sakit. Nailabas lang siya sa tulong
ng mapaghimalang ibong kumupkop sa kanyang amang si Zal noong ito’y
ipinatapon ng kanyang ama sa paanan ng bundok. Bago lumisan ang
mapaghimalang ibon, sinabi niya kay Zal na ang batang isisilang ni Rudabeh ay
kasinlaki ng isang sanggol na leon. Ito ay magiging bayani at magiging paksa
ng mga alamat. Pinayapa niya ang kalooban ni Zal sa pamamagitan ng
pagsasabing magiging maayos ang lahat.
Kagaya ng sinabi ng mapaghimalang ibon, isinilang nga si Rustam na
kasinlaki ng isang sanggol na leon. Kagila-gilalas dahil sa loob ng ilang araw ay
naging batang paslit si Rustam at makalipas ang ilang linggo ay naging
kasinlaki na siya ng isang binata.
Sa kanyang paglaki ay nagpakita ng kakaibang lakas si Rustam. Isang
araw, may nagwalang puting elepante sa palasyo at walang makapayapa
rito, si Rustam ang buong giting na pumaslang dito.

Si Rustam at ang kanyang Kabayong si Rakhsh

Nang tumuntong si Rustam sa edad na puwede na siyang magsanay


bilang isang mandirigmang ihahanda upang ipagtanggol ang kanilang
bansang Iran, napagtanto ng kanyang amang si Zal na kakailanganin niya ang

41
isang espesyal na kabayong makakasama niya. Ang lahat ng kabayo mula sa
lahat ng sulok ng Zabulistan at Kabulistan ay ipinarada sa kanyang harapan.
Inilalapat ni Rustam ang kanyang kamay sa likuran ng bawat kabayo upang
masiguro kung kakayanin siya nito, ngunit ang bawat kabayo ay napapaluhod
sa kanyang kabigatan. Nang dumating ang pangkat ng kabayong dala ni Kabul
ay napansin ni Rustam ang mag-inang kabayong may dibdib na kawangis ng
leon. Ayon kay Kabul, naging mailap ang kabayong ito, sa loob ng tatlong taon
ay wala pang nakapagpapaamo at nakasakay sa kabayo, hindi rin
pinahihintulutan ng inahing kabayo ang sinumang nagbabalak na sumakay rito.
Pagkarinig ni Rustam sa tinuran ni Kabul ay sinakyan niya ang kabayo at
pinatakbo. Naging palaisipan sa kanila kung bakit pumayag ang kabayo at hindi
humadlang ang inahing kabayo.
Nang bumalik si Rustam kasama ang kabayo ay puro papuri ang kanyang
ibinigay sa kabayo. Mula nang araw na iyon ay hindi na naghihiwalay si Rustam
at ang kanyang kabayong, si Rakhsh.

Ang Pagkikita nina Rustam at Prinsesa Tahmina

Isang araw sa lugar na malapit sa Turan sa bayan ng Samangan,


maghapong nangaso si Rustam. Nang makahuli siya ay iniluto niya ito at kinain.
Sa kanyang kabusugan ay nakatulog siya. Habang ang kanyang kabayong si
Rakhsh ay nanginginain ng damo, may dumaang isang pangkat na mga
sundalong Turanian at napagkasunduan nilang hulihin ang kabayo. Nanlaban si
Rakhsh, napatay niya ang isang sundalo, niyapakan niya ang isa, ngunit nabigo
siyang ipagtanggol ang sarili. Tinangay siya ng mga sundalong Turanian.
Laking gulat ni Rustam nang sa kanyang paggising ay hindi niya mahagilap
ang kanyang kabayo. Galit at tuliro, pinasok ni Rustam ang bayan ng Samangan
upang humingi ng tulong sa paghahanap sa kanyang kabayo. Buong-puso
naman siyang tinanggap ng hari ng Samangan at sinigurong tutulungan siya sa
paghahanap sa nawawalang kabayo. Hinimok pa siyang magpalipas ng gabi
sa palasyo bago ipagpatuloy ang paghahanap sa pagbukang-liwayway.
Hatinggabi nang namalayan na lamang ni Rustam na bumukas ang pinto
ng silid na tinutuluyan niya. Kapagdaka’y pumasok ang dalawang babae, ang
una ay isang tagasilbi at sumunod ang isang magandang dilag. Nagpakilala ang
magandang dilag na siya ay si Prinsesa Tahmina, ang kaisa-isang anak na babae
ng hari ng Samangan. Isinaad ni Tahmina na kilala niya ang binatang si Rustam,

42
hindi lingid sa kanya ang kagitingan, kahusayan, at katapangan ng binata.
Nahulog ang loob ng dalawa sa isa’t isa, at nang gabing iyon ay napatunayan
nilang sila’y nagmamahalan.
Kinabukasan ay natanggap ni Rustam ang mabuting balita na natagpuan
na ang kanyang kabayo. Masakit man para sa kanilang dalawa ng prinsesa ay
kailangan na niyang lisanin ang lugar. Naging mapait at tigib ng luha ang
kanilang paghihiwalay. Parang pinagsakluban ng langit at lupa sa Prinsesa
Tahmina.
Lumipas na ang maraming buwan ay hindi pa rin nagkita sina Rustam at
Prinsesa Tahmina. Hindi naglao’y nagsilang ng isang batang lalaki ang prinsesa.
Tinawag niya itong Sohrab.
Lumaki ang batang si Sohrab na isa ring magiting na mandirigma, kagaya
ng kanyang amang si Rustam.

Ang Trahedya ni Sohrab

Hindi nalaman ni Rustam na nagbunga ang kanilang pag-iibigan ni


Prinsesa Tahmina. Hanggang isang araw ay nagkaharap sa isang digmaan ang
mag-amang si Rustam at si Sohrab. Sa umpisa ay hindi man lang naghinala si
Rustam na maaaring si Sohrab ay kanyang anak, habang si Sohrab ay
kinutubang maaaring si Rustam ang kanyang ama.

Nagtuos ang dalawang magiting na mandirigma. Naigupo ni Rustam si


Sohrab at nasaksak hanggang ito ay mag-agaw buhay. Habang siya ay
nakahandusay ay nagbalik sa kanyang alaala na ang nagtulak sa kanya upang
mapadpad sa lugar na iyon ay ang pagmamahal sa kanyang amang si Rustam.
Sa pagtitig ni Rustam sa nag-aagaw-buhay na katunggali ay napadako ang
kanyang paningin sa pulseras na nakapulupot sa braso ni Sohrab. Ito ang pulseras
na ibinibigay niya kay Prinsesa Tahmina maraming taon na ang nakalipas. Hindi
siya puwedeng magkamali. Maaaring ito ay ibinibigay ng prinsesa sa kanyang
katunggali dahil ito ay ang kanyang anak. Nayanig ang buong pagkatao ni
Rustam. Naramdaman niya ang lukso ng dugo, ngunit huli na ang lahat. Wala
nang buhay si Sohrab. Isang mapait na kamatayan dahil namatay siya sa kamay
ng taong dapat sana’y kakalinga at magtatanggol sa kanya. Parang

43
pinagsakluban ng langit at lupa si Rustam, hindi niya ito ninais na mangyari, ngunit
naging malupit ang tadhana.

Mga pamprosesong katanungan:


1. Ano ang hula tungkol sa sanggol na si Rustam hindi pa man siya
ipinanganak?
2. Naging madali ba ang pagsilang kay Rustam? Paano naisilang ni Rudabeh si
Rustam? Isalaysay.
3. Paano mo ilalarawan ang kagila-gilalas na paraan ng paglaki ni Rustam?
4. Nagkatotoo na ang hula kay Rustam? Patunayan ang sagot.
5. Ano ang kinailangan ni Rustam sa kanyang pagsasanay at paghahanda
bilang mandirigma?
6. Naging madali ba kay Rustam na makamtan ang kanyang kailangan?
Ipaliwanag ang sagot.
7. Anong pangyayari ang nagbigay –daan sa pagkakilala nina Rustam at
Prinsesa Tahmina?
8. Sa paanong paraan nagkaharap ang mag-amang Rustam at Sohrab? Ano
ang naramdaman mo sa paghaharap nila? Paano nakilala ni Rustam si
Sohrab?
9. Ano ang narandaman ni Rustam sa nangyari kay Sohrab?
10. Sa iyong palagay, ano ang dapat ginawa ni Tahmina upang maiwasan
sana ang trahedya sa pagitan ng mag-ama?

Basahin at suriin:

44
Ang Mag-amang Haring Edipo at Haring Layo

Hindi nagkakalayo ang trahedya ng mag-amang Rustam at Sohrab sa


kuwento ng mag-amang Haring Edipo at Haring Layo. Mas masalimuot nga
lamang ang trahedyang dinanas ng mga nahuli. Ang kuwento ay nagmula sa
isang orakulo. Ayon sa hula kay Haring Layo, na siyang unang asawa ni Reyna
Yocasta at tunay na ama ni Haring Edipo, ang sanggol na dinadala ng
kanyang asawa ang siyang papatay sa kanya. Kung kaya’t pagkasilang nang
pagkasilang kay Edipo ay inutusan ang isang pastol na patayin ang sanggol.
Ngunit ang pastol na inutusan ay naawa sa sanggol na si Edipo kaya sa halip
na patayin ay isinabit na lamang niya ang sanggol sa puno sa isang bundok.
Isang pastol naman mula sa Corinto ang napadaan at nakakita sa umiiyak na
sanggol. Kinuha niya ito at ipinagkaloob sa hari at reyna ng Corinto na walang
anak. Itinuring siya nina Haring Polivio at Reyna Merope bilang tunay na anak.

Nang lumaki si Edipo ay marami siyang naririnig na hindi siya tunay na anak ng
hari at reyna ng Corinto. Dahil dito, nagpunta siya sa isang manghuhula. Hindi
naman nasagot ang kanyang tanong. Sa halip, isang orakulo ang isinalaysay sa
kanya. Siya raw ang papatay sa sariling ama at magiging asawa ng sarili
niyang ina. Sa pag-aakalang sina Haring Polivio at Reyna Merope ang tunay
niyang mga magulang, iniwan niya ang Corinto at nagtungo sa Tebas. Doon ay
nakatagpo niya si Haring Layo at napatay. Walang kamalay-malay si Edipo na
siya pala ang tunay niyang ama. Hindi naglaon at naging asawa niya si Reyna
Yocasta. Lingid sa kanyang kaalaman, ito ang tunay niyang ina. Nagkaroon sila
ng dalawang anak, sina Eteocles at Polinice.

Dumating ang panahon na nalaman ni Haring Edipo ang katotohanan,


binulag niya ang kanyang sarli at nilisan ang Tebas, kinitil naman ni Reyna
Yocasta ang sariling buhay. Ang dalawang anak na naiwan ay nag-agawan sa
koronang iniwan ng hari.

Sagutin nang mahusay ang sumusunod na mga tanong:

1. Ano ang pagkakatulad at pagkakaiba ng kuwento ng dalawang mag-


ama na sina Rustam at Sohrab at Haring Layo at Haring Edipo?
2. Ano ang naging papel ng orakulo o hula sa buhay ng mag-amang
Haring Edipo at Haring Layo?
3. Masasabi mo bang tama ang maniwala sa orakulo o hula? Bakit?

45
4. Bakit kinakailangang umalis ni Edipo sa Corinto?
5. Ano ang naghihintay sa kanya sa pag-alis niya sa Corinto?
6. Ano ang nangyari kina Haring Edipo at Reyna Yocasta matapos nilang
malaman ang katotohanan?

Paraan ng Pagpapahayag ng Emosyon o Damdamin

1. Mga Pangungusap na Padamdam- Ito ay mga pangungusap na


nagpapahayag ng matinding damdamin o emosyon. Ginagamitan ito
ng tandang padamdam ( ! )

Halimbawa: Nakupo, hindi ko maaatim na patayin ang inosenteng


sanggol na ito!

2. Maikling Sambitla- Ito ay mga sambitlang iisahin o dadalawahing pantig


na nagpapahayag ng matinding damdamin.

Halimbawa: Aray! Awww! Ngek! Uy! Wow!

3. Mga pangungusap na Nagsasaad ng Tiyak na Damdamin o Emosyon ng


Isang Tao- Ito ay mga pangungusap na pasalaysay kaya’t hindi
nagsasaad ng matinding damdamin, ngunit nagpapakita naman ng
tiyak na damdamin o emosyon.

Halimbawa: Kasiyahan: Napakasayang isipin na may isang bata na


namang isinilang sa mundo.

Pagtataka: Hindi ko lubos maisip kung bakit ipinatapon

46
ng isang magulang ang isang walang
kamalay-malay na sanggol.

Pagkalungkot: Masakit isiping ang mag-ama pa ang


nagharap sa isang paglalaban.

Pagkagalit: Walang karapatan ang sinuman na kumitil


sa buhay ng iba.

Pagsang-ayon: Tama ang naging desisyon ng pastol


na hindi patayin ang bata.

Pagpapasalamat: Mabuti na lamang at nakapag-isip


ang pastol.

4. Mga Pangungusap na Nagpapahiwatig ng Damdamin sa Hindi Tuwirang


Paraan- Ito ay mga pangungusap na gumagamit ng matatalinghagang
salita sa halip na tuwirang paraan.

Halimbawa: Kumukulo ang dugo ko kapag naiisip ko ang mga magulang


na pinababayaan ang mga anak.

Kahulugan ng may salungguhit- galit na galit

I. Pagsusuri sa Kuwento
Basahing muli, “Ang Trahedya ni Sohrab”. Sagutin ang mga katanungan sa
ibaba.

Ang Trahedya ni Sohrab

Hindi nalaman ni Rustam na nagbunga ang kanilang pag-iibigan ni


Prinsesa Tahmina. Hanggang isang araw ay nagkaharap sa isang digmaan ang
mag-amang si Rustam at si Sohrab. Sa umpisa ay hindi man lang naghinala si

47
Rustam na maaaring si Sohrab ay kanyang anak, habang si Sohrab ay
kinutubang maaaring si Rustam ang kanyang ama.

Nagtuos ang dalawang magiting na mandirigma. Naigupo ni Rustam si


Sohrab at nasaksak hanggang ito ay mag-agaw buhay. Habang siya ay
nakahandusay ay nagbalik sa kanyang alaala na ang nagtulak sa kanya upang
mapadpad sa lugar na iyon ay ang pagmamahal sa kanyang amang si Rustam.
Sa pagtitig ni Rustam sa nag-aagaw-buhay na katunggali ay napadako ang
kanyang paningin sa pulseras na nakapulupot sa braso ni Sohrab. Ito ang pulseras
na ibinibigay niya kay Prinsesa Tahmina maraming taon na ang nakalipas. Hindi
siya puwedeng magkamali. Maaaring ito ay ibinibigay ng prinsesa sa kanyang
katunggali dahil ito ay ang kanyang anak. Nayanig ang buong pagkatao ni
Rustam. Naramdaman niya ang lukso ng dugo, ngunit huli na ang lahat. Wala
nang buhay si Sohrab. Isang mapait na kamatayan dahil namatay siya sa kamay
ng taong dapat sana’y kakalinga at magtatanggol sa kanya. Parang
pinagsakluban ng langit at lupa si Rustam, hindi niya ito ninais na mangyari, ngunit
naging malupit ang tadhana.

Sagutin ang mga sumusunod na katanungan:


1. Ano ang suliraning nangingibabaw sa akda?
__________________________________________________________________
2. Sa iyong palagay, may ganito pa rin bang suliranin sa kasalukuyan kung
saan sa halip na magkaroon ng magandang relasyon ang mag-ama ay
naging magkatunggali o magkalaban pa silang dalawa? Ipaliwanag ang
sagot.
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
______________________________________________________

II. Pagbibigay-Kahulugan sa Damdaming Nangigibabaw

Ano ba ang damdaming nangingibabaw sa dalawang akdang


binasa? Isulat ito sa angkop na kahon sa ibaba at ipaliwanag ito sa
pamamagitan ng paggamit ng mga wastong pahayag sa
pagbibigay-kahulugan sa damdaming nangingibabaw.

48
Bakit mo nasabing ito ang
damdaming nangibabaw sa
akda?

_______________________________
_______________________________
Damdaming _______________________________
Nangibabaw _______________________________
_______________________________
_______________________________
_______________________________
_______________________________
_______________________________
_______________________________

Kung bibigyan ka ng pagkakataong maglunsad ng isang programa upang


mahikayat ang mga magulang na maging responsible, ano kaya ito? Pumili ng
isa sa mga gawain sa ibaba. Anuman ang mapipili mo, siguruhing mapanuring
maipahayag ang damdamin at saloobin tungkol sa kahalagahan ng pagiging
responsableng magulang sa sarili, lipunan, at daigdig.

Visual Gumawa ng isang POSTER na magpapakita ng


kahalagahan ng pagiging responsableng magulang sa
sarili, lipunan, at daigdig

Verbal/ Maghanda ng isang INFOMERCIAL na magpapakita ng


Kinesthetic kahalagahan ng pagiging responsableng magulang sa
sarili, lipunan, at daigdig

Musical

49
Bumuo ng isang AWITINg magpapalutang sa
kahalagahan ng pagiging responsableng magulang sa
sarili, lipunan, at daigdig

Gawing gabay sa iyong bubuoin ang pamantayang makikita sa ibaba.

Mababakas sa piniling gawain na mapanuri at maliwanag na


4 naihayag ang damdamin at saloobin tungkol sa kahalagahan ng
akda sa sarili, lipunan, at daigdig. Mabisa at madaling
makahikayat ang ginawa.

Mababakas sa piniling gawain na mapanuri at maliwanag na


3 naihayag ang damdamin at saloobin tungkol sa kahalagahan ng
akda sa sarili, lipunan, at daigdig.

Bahagyang naihayag ang damdamin at saloobin tungkol sa


2 kahalagahan ng akda sa sarili, lipunan, at daigdig.

Hindi naihayag ang damdamin at saloobin tungkol sa


1 kahalagahan ng akda sa sarili, lipunan, at daigdig.

✓ Sa larangan ng tunggalian, nararapat nating kilalanin ang kaaway,


dahil minsan ang itinuturing nating kalaban ay siya palang dapat nating
kaagapay.”

✓ Ang paraan ng pagpapahayag ng emosyon o damdamin ay ang mga


sumusunod:
➢ Mga Pangungusap na Padamdam
➢ Maikling Sambitla
➢ Mga pangungusap na Nagsasaad ng Tiyak na Damdamin o
Emosyon ng Isang Tao ( Kasiyahan, Pagtataka, Pagkalungkot,
Pagkagalit, Pagsang-ayon, Pagpapasalamat )
➢ Mga Pangungusap na Nagpapahiwatig ng Damdamin sa Hindi
Tuwirang Paraan

50
1. Ano ang damdamin mo sa naging kapalaran ng mag-amang Rustam
at Sohrab? Haring Layo ay Haring Edipo?
2. Paano mo ilalarawan ang iyong sarili bilang isang magulang balang
araw?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
Binabati kita! Karagdagang kaalaman na naman ang iyong
natutuhan. Napagtagumpayan mo rin ang mga gawain sa modyul na
ito.

Sagot:
Sagot:

51

You might also like