REVIEWER

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

REVIEWER

3rd

1. LIONGO- MITO MULA SA KENYA


A. Kaisipang nagingibabaw sa akda
B. Matrilliniar- pamamahala na pinamumunuan ng mga kababaihan
C. Pamantayan sa pagsasaling-wika-

Mga katangiang dapat taglayin ng isang tagapagsalin

1. Sapat na kaalaman sa dalawang wikang kasangkot. Nakukuha niya ang kahulugan ng


kaniyang isinasalin o siya’y mahusay na. Nauunawaan niya ang maliliit na himaymay
ng kahulugan at halagang pandamdaming taglay ng mga salitang gagamitin.
2. Sapat na kaalaman sa gramatika ng dalawang wikang kasangkot sa pagsasalin. Ang kaalaman sa
gramatika ng dalawang wika sa pagsasalin ay kailangang-kailangan ng tagapagsalin sa pagsusuri
ng diwang nais ipabatid ng awtor, gayon din sa wastong paggamit ng mga salita, wastong
pagkakabuo, at pagkakasunod-sunod.
3. Sapat na kakayahan sa pampanitikang paraan ng pagpapahayag. Ang kakayahang magsalita sa
dalawang wikang kasangkot sa pagsasalin at kaalaman sa gramatika ay hindi sapat para
makapagsalin. Kaya kung ang lahat ng salin ay patas, nagiging higit na mahusay na tagapagsalin
ang manunulat.
4. Sapat na kaalaman sa paksang isasalin. Marapat na ang tagapagsalin ay may higit na kaalaman
sa paksa sapagkat siya ay higit na nakaaalam at nakauunawa sa mga konseptong nakapaloob
dito.
5. Sapat na kaalaman sa kultura ng dalawang bansang kaugnay sa pagsasalin.
Walang higit na mabisa kaysa ibang wika. Ang lahat ng wika ay may sariling bisa at
kakayahan bilang kasangkapan sa pagpapahayag ng kulturang Pilipino at ng ibang bansa.

Naalala ko pa noon, kasalukuyan kaming nakasakay sa bangka ng humulagpos ang isa kong
tsinelas na gamit namin sa pagpasok at pagpunta sa lakaran. Kung saan ang bakya na gawa sa
kahoy ay hindi nararapat. Mabilis itong inanod sa tubig bago ko nahabol para kunin. Malungkot
ako dahil iniisip ko ang aking ina na magagalit dahil sa pagkawala ng aking tsinelas. Tiningnan
ako ng nagsasagwan ng kinuha ko ang aking isa pang tsinelas at dali-dali kong tinapon sa dagat,
kasama ang usal na mahabol nito ang kapares na tsinelas.”

Katangian ng pagsasalaysay

Ang diskorsal ay ang sangkap na nagbibigay-kakayahan sa nagsasalita na palawakin ang kaniyang


mensahe upang mabigyan ng wastong interpretasyon ang salita, mas maunawaan ang salita, at
maipahayag ang mas malalim na kahulugan nito. Ang pagsasalaysay naman ay isang diskursong
naglalatag ng mga karanasang magkakaugnay. Pagkukuwento ito ng mga kawili-wiling pangyayari, pasulat
man o pasalita. Itinuturing itong pinakamasining, pinakatanyag, at tampok na paraan ng pagpapahayag.
Ito rin ang sinasabing pinakamatandang uri ng pagpapahayag sapagkat dito nagsimula ang alamat at
epiko, at mga kuwentong-bayan ng mga ninunong Pilipino maging sa ibang bansa man.

Kasingkahulugan ng nagsasagwan-at sino ang gumagamit nito?


Ano ang kahulugan ng mga sumusunod-isearch

A. nagmumurang kamyas C. basang sisiw


B. nagtetengang kawali D. naniningalang pugad
Ano ang pagkakaiba ng tulang malay sa tulang tradisyunal?
Malaya -walang sukat

Tradisyunal-May sukat at tugma

Tugmang ganap- pare-pareho ng tunog ang huling pantig ng salita na nagtatapos sa patinig.

Tugmang di-ganap-parepareho ng tunog sa huling pantig ng Salaita na nagtatapos sa katinig

a. Bdgkpst
b. Lmnwy

Naniniwala si Kibuka na hindi para sa kanya ang pagreretiro. Isa siyang mapagkakatiwalaang
kawani sa Ggogombola headquarters. Hanggang isang araw, may pinapunta mula sa komisyon
ng serbisyo publiko sa kanilang tanggapan upang alamin kung sino ang mga kawaning dapat ng
magretiro. Ang sumunod na pangyayari sa likod ng maitim na kulay ng kanyang buhok, may
pensyon na siya, may sertipiko ng serbisyo at wala ng trabaho.

Kailanman ay hindi pumasok sa isipan ni Kibuka na kainin ang alagang hayop.Iniisip kung saang
bahagi ng shamba ililibing ang alagang hayop.Sinabi niya na ang pagkain ng isang napamahal na
alaga ay isang barbarong Gawain.Naiisip niya na naghuhukay na siya ng paglilibingan ng
alaga.Natitiyak niyang hindi siya tutulungan ng mga taga-kalsada na gawin ito.Sa bandang
huli,naisip niya na bakit hindi magkakaroon ng bahagi ang kanyang mga kapitbahay sa nmatay
niyang alaga.Sila naman ang nagpakain sa nasabing alaga.

Anong suliranin ang nangibabaw sa binasang bahagi ng akda na nagaganap saanmang


sulok ng mundo?

A ng kahulugan ng salaghati ay kahirapan

Katangian ng sanaysay- Ang sanaysay ay isang uri ng panitikang nasa anyong tuluyan na nagpapahayag
ng sariling kaisipan, kurokuro, saloobin at damdaming kapupulutan ng aral at aliw ng mambabasa.
Ginagamit ito upang makapagbigay ng mahalagang kaisipan tungkol sa paksang nais nitong talakayin.
Ang mahalagang kaisipan sa sanaysay ay tumutukoy sa mahalagang impormasyong ibinibigay nito sa
mambabasa na maaaring isulat nang pabalangkas. Ang balangkas ay isang lohikal o kaya’y kronolohikal at
pangkalahatang paglalarawan ng paksang isusulat. Ito rin ay isang panukalang buod ng komposisyon.

Ang talumpati ay isang halimbawa ng sanaysay na binibigkas sa harap ng publiko. Ayon kay Alejandro G.
Abadilla, ang sanaysay ay “pagsasalaysay ng isang sanay”. Isinilang ang sanaysay sa Pransiya noong 1580
at si Michel de Montaigne ang tinaguriang, “Ama ng Sanaysay.” Ito ay tinatawag na essai sa wikang
Pranses na nangangahulugang isang pagtatangka, isang pagtuklas, isang pagsubok sa anyo ng pagsulat

ANALOHIYA:

Suriin ang kaugnayan ng magkatambal na salita at piliin ang katumbas ng pangalawang salita.
Itiman ang bilog sa letra ng tamang sagot sa sagutang papel.
Halimbawa: bulaklak: hardin: aklat:______
A. kagubatan C. silid-aklatan
B. paaralan D. palaruan

Ang tuwirang pahayag- ay kilala bilang direct speech sa wikang Ingles. Ito ang tawag sa pahayag na
mismong ang nagsasalita ang nagsambit ng nasabing pahayag. Ginagamitan ito ng bantas na panipi (“ ”).
Halimbawa: “Ngayon, tinanggal ko sa politiko kasi maraming reklamo ‘yung distribution ng pera pati ang
bigas na pagkain.” - Pangulong Rodrigo Roa Duterte

Ang 'di tuwirang pahayag -naman ay kilala bilang “indirect speech” sa wikang Ingles. Ito ang tawag sa
pahayag na may ibang taong nagsabi ng sinabi ng nagsasalita. Halimbawa: Sinabi ni Pangulong Rodrigo
Roa Duterte na tinanggal niya sa politiko ang distribution ng pera pati na bigas na pagkain kasi maraming
reklamo.

Teoryang Pampanitikan Ang teoryang pampanitikan ay ang sistematikong pag-aaral ng panitikan.


Mayroong iba’t ibang teorya para sa pag-aaral na ito

. • Humanismo - Sa pag-aaral at pagsusuri ng akda sa pananaw ng humanismo, pinaniniwalaan na ang


tao ang sukatan ng lahat ng bagay kaya’t kailangang maipagkaloob sa kaniya ang kalayaan sa
pagpapahayag ng saloobin sa pagpapasiya.

• Realismo - Ipinaglalaban ng teoryang realismo ang katotohanan kaysa kagandahan. Karaniwang


nakapokus ito sa paksang sosyopolitikal, kalayaan, at katarungan para sa mga naaapi.

• Pormalismo - Ang pagpapaliwanag sa anyo ng akda ang tanging layunin ng pagsusuri; samakatuwid,
ang pisikal na katangian ng akda ang pinakabuod ng teoryang pormalismo. Ang layunin ng teoryang ito
ay matukoy ang nilalaman, tema, kaanyuan, o kayarian, at paraan ng pagkakasulat ng akda.

• Eksistensyalismo – Hinahanapan ng katibayan ang kahalagahan ng personalidad ng tao at binibigyang-


halaga ang kapangyarihan ng kapasyahan laban sa katuwiran.
• Kultural - Tumutukoy sa mga kuwentong batay sa isang kulturang pinaghanguan ng kuwento, tula, o
nobela.

• Marksismo- Ipinakikita ang pagtutunggalian o paglalaban ng dalawang magkasalungat na puwersa;


malakas at mahina, mayaman at mahirap, kapangyarihan at naaapi.

• Historikal- Ang akdang susuriin ay nagpapakita at nagpapaliwanag ng kasaysayan sa pamamagitan ng


mga pangyayaring nakapaloob sa akda

You might also like