DEMOOOO

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

MASUSING BANGHAY ARALIN

Ikaapat na Markahan, Filipino 7


I. LAYUNIN:

Sa loob ng 45 minutong talakayan, 80 bahagdan ng mga mag-aaral ay


inaasahang matamo ang mga sumusunod:

A. naibibigay ang kahulugan at katangian ng Korido;


B. nabibigyang halaga ang pinagmulan ng koridong Ibong Adarna; at
C. nakabubuo ng isa hanggang dalawang saknong ng korido batay sa sariling
karanasan.

II. PAKSANG ARALIN

A. Paksa: - Kahulugan ng Korido at ang Katangian nito


B. Sanggunian: Panitikang Panrehiyon, P.44-46. K-TO-12 MELC
C. Kagamitang Panturo: Speaker, Laptop, PPT, Kartolina, Tarpapel
D. Pamamaraan: Eksplisit na Pagtuturo at Interaktibong Talakayan

III. PAMAMARAAN

A. Panimulang Gawain

1. Panalangin

-Hinihiling ko ang lahat na tumayo


para sa ating panalangin.
- (Mananalangin ang lahat)

2. Pagbati

- Magandang umaga sa lahat.


- (Magandang umaga rin po,
ma’am.)
- Mabuti naman at maganda ang
inyong umaga. Bago nati simulan
ang ating talakayan, mangyaring
ayusin muna ang inyong upuan at
pulutin ang mga kalat o basura sa
ilalim at gilid ng inyong upuan.

3. Pagtatala ng Lumiban sa Klase

- Sino-sino ang lumiban sa klase?

- Wala po, ma’am.


4. Pamantayan sa klase

- Ang mga sumusunod ay inaasahan ko


sa inyo:

1. Makinig at huwag maingay kapag may


nagsasalita sa harapan.
- (Babasahin ang mga
2. Maupo nang maayos.
Pamantayan.)
3. Itago ang mga "cellphone" at bawal ito
gamitin sa pagsisimula ng klase.

4. Itaas lamang ang kamay kung may


sasabihin o gustong sumagot.

- May mga katanungan ba hinggil sa ating


mga Pamantayan?
- Wala po, ma’am.
- Malinaw ba sa ating lahat?

- Opo, Ma’am.

5. Pagbabalik-aral

- Alam ko na noong kayo ay nasa ikaanim


na baitang pa lamang ay natalakay na
ninyo ang topikong tula. Kaya ano nga ba - (Sasagot ang mga mag-aaral.)
ang tula? - Ma’am, ang tula ay isang uri ng
panitikan na nagpapahayag ng
- Sino ang makakasagot? Tila damdamin ng tao.
nakalimutan niyo na. Nakalimutan niyo na
ba ang kahulugan ng tula? - Ma’am ang tula po ay
nagpapahayag ng karanasan at
kaisipan ng isang tao gamit ang
matatalinghagang salita.

6. Pagganyak (HuLarawan)

May ipapakita ang guro na mga


larawan at huhulaan ng mga mag-aaral - Huhulaan ng mga mag-aaral.
kung ano ang tawag dito. Ang mga
larawan ay may kaugnayanan sa
paksang tatalakayin.

*hari, reyna, mga prinsipe at prinsesa,


walo, mabilis, ibong adarna.

- Ano ang napansin ninyo sa mga


ipinakitang mga larawan?
- Ito ay may kinalaman sa kaharian,
o makikita sa isang kaharian.

- Mayroong po itong mga


7. Paglalahad ng Layunin kapangyarihan.
- Babasahin nang sabay-sabay
ang mga layunin.

A. naibibigay ang kahulugan at


katangian ng Korido;
B. nabibigyang halaga ang pinagmulan
ng koridong Ibong Adarna; at
C. nakabubuo ng isa hanggang
dalawang saknong ng korido batay sa - (Babasahin ng mga mag-aaral ang
mga layunin)
sariling karanasan.

8. Pagbasa sa mga Gabay na Tanong

1. Ano ang Kahulugan ng korido?


2. Ano ang mga katangian ng Korido?
3. Paano kinakanta ang Korido?

- Ang mga gabay na tanong na ito ang - (Babasahin ng mga mag-aaral ang
siyang magsisilbing behikulo ninyo sa mga gabay na tanong)
pagtatalakay natin sa ating paksa
ngayong araw.

B. Panlinang na Gawain

1. Pangkatang Gawain

(Ang mga mag-aaral ay magkakaroon


ng pangkatang gawain. Hahatiin sila sa
tatlong grupo at bibigyan sila ng guro ng
kopya ng mga halimbawa ng korido.
Sabay-sabay nila itong babasahin.)
- (Pangkatang Pagbasa)

C. Pagtatalakay

Ang inyong binasa ay mga halimbawa ng


korido.

Ano nga ba ang korido?

 Ang korido ay isang tulang


pasalaysay na natutungkol sa
katapangan, kabayanihan,
kababalaghan at mga kagila-
gilalas na pangyayari. Ang mga
akdang ito ay kapupulutan ng mga - (makikinig ang mga mag-aaral).
aral at butil ng karunungan.

 Ang Korido ay isang uri ng tulang


pasalaysay na mula sa
impluwensya ng mga Kastila. Ito
ay mayroong walong pantig sa
isang saknong, At binibigkas sa
pamamagitan ng pakantang
pagpapahayag.

 Ang korido ay isang awit o sayaw


na isinasagawa sa saliw ng gitara
katulad ng pandanggo. – dela
Costa

 Ang corrido ay binalbal na salitang


mehikano na buhat sa “occurido” o
isang pangyayaring naganap.
– Trinidad Pardo de Tavera

 Paksa ng Korido:
Pananampalataya, Alamat,
Kababalaghan, romansa at
pakikipagsapalaran.

 Katangian ng Korido

 Binubo ng apat na taludtod


sa isang saknong.
 Mayroong sukat na
wawaluhing pantig (8)
 Nagsisimula ito sa
panalangin o pag-aalay.

-Maaari bang basahin ang halimbawa?

Halimbawa:

O, Birheng kaibig-ibig
Ina naming nasa langit,
Liwanagin yaring isip
Nang sa iyo’y di malihis.
- (Babasahin ng mga mag-aaral ang
halimbawa.)
 Mabilis ang paraan ng
pagbigkas o ang himig ay
tinatawag na allegro.
 Ang mga tauhan ay
mayroong kapangyarihan o
kaya naman nagtataglay ng
mga kababalaghan na
maaring hindi magawa ng
karaniwang tao.
 Halimbawa: Ibong Adarna

Patunay na ang Ibong Adarna ay isang


Korido:

 Ang akda ay binubuo ng apat na


taludtod at kung bibilangin ang
pantig sa bawat taludtod, ito ay
mayroong wawaluhing pantig.

 Isinulat ang Ibong Adarna upang


tulain o awitin. Maaari itong
lapatan ng musika. Ang himig sa
pagbigkas o pag-awit nito ay
mabilis o allegro.

 Kuwento ito ng
pakikipagsapalaran ng tatlong
prinsipe upang hanapin ang Ibong
Adarna. Nagtataglay ito ng mga
tauhan na may kakaibang
kapangyarihan at mga tagpuan na
malayo sa katotohanan. Ilan sa
mga ito ay ang kapangyarihan ng
ibong Adarna na magpagaling ng
karamdaman sa pamamagitan ng
pag-awit nito at ang pagiging bato
ng taong malagyan ng ipot nito.

D. Pagpapahalagang Moral

- Bilang isang mag-aaral, paano mo


mapahahalagahan ang Korido bilang
bahagi ng ating Panitikan?

- Bilang isang mag-aaral,


Mapahahalagahan ko ang Korido
bilang bahagi ng ating Panitikan sa
Pilipinas sa pamamagitan ng
pagkakaroon ng pag-unawa sa
aking nabasa at maibabahagi ito
sa aking kapwa.
Mapahahalagahan ko rin ito sa
pamamagitan ng pagsulat ng mga
Korido batay sa aking natutunan at
naunawaan sa mga katangian ng
isang Korido.
E. Pangwakas na Gawain

a. Paglalahat

1. Itanong muli ang mahahalagang


tanong.

 Ano ang Kahulugan ng korido?

- Ang Korido ay isang uri ng tulang


pasalaysay na mula sa
impluwensya ng mga Kastila. Ito
ay mayroong walong pantig sa
 Ano ang mga katangian ng isang saknong, At binibigkas sa
Korido? pamamagitan ng pakantang
pagpapahayag.

- Binubo ng apat na taludtod sa


isang saknong.
- Mayroong sukat na wawaluhing
pantig (8)
- Nagsisimula ito sa panalangin o
pag-aalay.
- Ang mga tauhan ay mayroong
kapangyarihan o kaya naman
 Paano kinakanta ang Korido? nagtataglay ng mga kababalaghan
na maaring hindi magawa ng
karaniwang tao.

b. Paglalapat
- Ito ay kinakanta sa Mabilis na
 (Ang mga mag-aaral ay gagawa paraan ng pagbigkas o ang himig
ng korido na may dalawang ay tinatawag na allegro.
saknong lamang. Ang mag-aaral
ay malayang makagagawa ng
korido base sa nais nilang
pamagat o tema na may - (Gawain ng mga mag-aaral)
kaugnayan sakanilang karanasan.)

IV. PAGTATAYA

Panuto: Basahin ang mga pahayag. Lagayan ng tsek ( / ) kung ang mga pahayag ay
naglalarawan sa katangian ng korido at ekis ( X ) kung hindi inilalarawan ng
pahayag ang korido.

__1. Ito ay binubuo ng lalabindalawahing pantig.


__2. Ang himig nito o paraan ng pagbigkas o pag-awit at allegro.
__3. Tungkol sa bayani, mandirigma at larawan ng buhay.
__4. Tungkol sa pananampalataya, alamat, kababalaghan, romansa, at
pakikipagsapalaran.
__5. Ang himig o paraan ng pagbigkas o pag-awit at andante.
__6. Ang mga tauhan ay may kapangyarihan o kayamanan at nagtataglay ng mga
kababalaghan na maaaring hindi magawa ng karaniwang tao.
__7. Ang mga tauhan ay walang kapangyarihan subalit humaharap din sila sa
matinding pakikipagsapalaran.
__8. Karaniwang sumasalamin ang pangyayari sa tunay na buhay.
__9. Ito ay may sukat na wawaluhing pantig.
__10. Ang nilalaman ay may impluwensiya ng Espanyol gaya ng pangalan ng mga
tauhan gayundin ang mga kaugaliang pangkatoliko.

VII. TAKDANG-ARALIN
Sa iyong palagay, sa ngayong kasalukuyang panahon mayroon pa rin bang
gumagamit ng korido o napag-iwanan na ito ng panahon kasabay ng pag-usbong ng
modernisasyon. Ipaliwanag ang sagot.

Inihanda ni:
MA. KARMELA B. COSMIANO

You might also like