Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Republic Colleges Of Guinobatan Inc.

Department of Education
G. Alban Street Iraya Guinobatan Albay
Ikatlong Markahan
Filipino 8

Name_____________________Grdae & Sec. ______________Date:____________ Score:____________

I.

Panuto: Bilugan ang tamang INGKLITIK na gamit sa pangungusap.

1. Gusto ( raw,daw) ni Becky ng manga.


2. Gusto (rin, din) ni Lilibeth ng tsokolate.
3. Buhay ( raw,daw) ang matanda.
4. Nais ( raw,daw) niyang maging doctor.
5. Pangarap ( raw,daw) niyang maging isang guro.
6. Naaliw ( raw,daw) siyang manood ng palabras.
7. Masakit ( raw,daw) ang ngipin niya.
8. Masarap ( raw,daw) ang sinigang nab aka.
9. Kababayan ( raw,daw) niya ako.
10. May gusto ( raw,daw) siya kay Arnold.
11. Ako (rin, din) ang magdadala ng kaserola.
12. Mahirap (raw, daw) ang pagsusulit sa math.
13. Aalis (rin, din) kami ngayon.
14. Ikaw (rin, din) ang kumuha ng kendi.
15. Ikaw ( raw, daw) ang may ari ng bag na pula.

II. Tama o Mali

Isulat ang TAMA kung tama ang isinasaad ng pangungusap at MALI kung hindi wasto ang sinasaad ng
pangungusap.

1. Ang tradisyonal na tula ay may sukat at tugma.


2. Ang blanko berso ay pinatanyag ni Christopher Jhon.
3. Ang malayang taludturan ay may sukat at walang tugma.
4. Ang tulang oda ay nagpapatungkol sa kaisipang binubuhay sa tulong ng personipikasyon.
5. Ang tulang elihiya ay patungkol sa pagsasaya.
6. Ang soneto ay may 14 na taludtod.
7. Ang tugma ay ang pagkakasintunugan ng mga huling pantig ng salita sa bawat taludtod.
8. Ang talinhaga ay ang nakatagong kahulugan ng tula.
9. Indayog at aliw-iw ang musika at malamyos na tunog na hatid ng pagtutugma sa diwa ng tula.
10. Ang kariktan ay ang maririkit na salita upang di mapukaw ang damdamin at kawilihan ng
mambabasa.
11. Ang sanaysay ay isinusulat sa anyong tuluyan.
12. Ang panimula ay maikli at bumabangit sa paksa ng sanaysay.
13. Ang katawan ng sanaysay ay nagsasaad ng kaisahan ng diwa.\
14. Ang konklusyon o pangwakas ay paglalagom ng mga ideya sa buong sanaysay.
15. Ang sanaysay ay may dalawang bahagi lamang.

III. PAGPAPALIWANAG

Basahin ng mabuti ang bawat saknong. Ipaliwanag ang mga pagpapahalagang nais ipahatid sa
iyo ng bawat saknong. Ikapit sa iyong mga sariling karanasan ang mga paalala. ( 4 puntos )

1. Pagiging Palaaway
Ngunit ang palaaway,
Mapagtalo gabi’t araw,
Punong kinapopootan,
Tuloy, ikinapaparam
Grasyang kamah-mahal

2. Katigasan ng ulo
Kung di mo nga iibahin
Ang iyong pagkasuwail,
Hindi ka kakatutohin,
Bagkus ka pang iiringin
Ng Diyos na POON natin
3. Anak na matigas ang ulo
Ikaw na anak na suwail
Walang munti mang pagtingin,
Sa ama’t inang nag-aangkin,
Kung utusan ka marahil
Dumadabog, umaagil

4. Magulang at anak
Ang wika ay iisa pa
Ng inyong ama at ina,
Ang tugon mo’y sanlibo na
Paglaban mo ring talaga
At pagsuway sa kanila.

5. Salapi

Ang tao hanggang mayaman


Marami ang kaibigan,
Kung maghirap na ang buhay
Masalubong man sa daan
Di mabati’t matitigan.

-Ang pagpili ng karelasyon ay parang PANGONGOPYA, piliin mo yong


mapagkakatiwalaan mo.-

You might also like