Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

Babasahin Blg.

1
Grade 2

SI MILA
Si Mila ay nakatira sa bukid.
Maraming hayop sa bukid.
Marami ring halaman sa bukid.
Maraming alagang hayop si Mila.
May alagang baboy si Mila.
May alaga din siyang baka at kambing.
Sa mga hayop niya, ang manok niya ang kanyang paborito.
Tiko ang pangalan ng manok niya.
Si Tiko ay kulay pula at puti.
Siya ang gumigising kay Mila tuwing umaga.
Masaya si Mila kapag naririnig ang tilaok ni Tiko.
Babasahin Blg. 1
Grade 3

MAGPALIPAD TAYO NG SARANGGOLA

Maganda ang panahon. Gustong maglaro ni Niko.


Niyaya ni Niko na maglaro ang kakambal na si Noli.
Pumunta ang kambal sa labas. May dala silang mga
saranggola. Makukulay ang mga saranggola ng kambal.

Pinalipad agad nila ang mga saranggola. Mataas ang


lipad ng saranggola ni Niko.

Napansin ni Niko si Noli. Malungkot ang mukha ni


Noli habang nakatingin kay Niko.

“Halika, tuturuan kita kung paano paliparin ang


saranggola.” sabi ni Niko.

Tumingin si Noli. Ipinakita ni Niko kay Noli kung


paano magpalipad. Ilang saglit pa, nakangiti na si Noli.

“Salamat, Niko,” wika niya.

“Maraming salamat mga bata. Natatapos agad ang


gawain kung nagtutulungan,” sabi niya.Tumingin si Noli.
Ipinakita ni Niko kay Noli kung paano magpalipad. Ilang
saglit pa, nakangiti na si Noli.

“Salamat, Niko,” wika niya.

“Maraming salamat mga bata. Natatapos agad ang


gawain kung nagtutulungan,” sabi niya.
Babasahin Blg. 1
Grade 4

ISANG PANGARAP
Kasama si Jamil, isang batang Muslim, sa sumalubong sa
pagdating ng kanyang tiyuhin.“Tito Abdul, saan po ba kayo galing?”
tanong ni Jamil.

“Galing ako sa Mecca, ang banal na sambahan nating mga


Muslim. Bawat isa sa atin ay nangangarap na makapunta roon.
Mapalad ako dahil narating koiyon.”

“Bakit ngayon po kayo nagpunta roon?”

“Kasi, isinasagawa natin ngayon ang Ramadan, ang


pinakabanal na gawain ng mga Muslim. Pag-alala ito sa ating banal
na aklat na tinatawag na Koran.Doon ipinahayag na sugo ni Allah
si Mohammed.”

“Alam ko po ang Ramadan. Nag-aayuno tayo at hindi


kumakain mula sa pagsikat ng araw hanggang hapon.”

“Oo. Isang paraan kasi natin ito upang ipakita ang pagsisisi sa
nagawa nating kasalanan.”

“Pangarap ko rin pong makapunta sa Mecca,” sabi ni Jamil.


Babasahin Blg. 1
Grade 5

TAGTUYOT HATID NG EL NIÑO


Tagtuyot ang hatid ng El Niño. Dahil dito, bumababa ang
water level at nagkukulang sa suplay ng tubig sa mga anyong tubig,
gaya ng mga ilog at batis. Nagkukulang din sa suplay ng tubig sa
mga imbakan gaya ng La Mesa Dam na matatagpuan sa Lungsod
Quezon at Angat Dam sa Bulacan. Ang mga ito ang pinagkukunan
ng tubig sa Kamaynilaan at sa mga karatig probinsya nito.

Malaki ang epektong dulot ng El Niño sa buhay ng tao.


Kukulangin ang suplay ng tubig na inumin, pati na rin ang
gagamiting tubig para sa iba pang pangangailangan.

Hindi lamang tao ang mahihirapan sa epekto ng tagtuyot.


Kung kulang ang tubig, magkakasakit ang mga hayop at maaari rin
silang mamatay.

Ang tubig ay kailangan din ng mga halaman at kagubatan.


Maraming apektadong taniman kung kulang ang patubig. Dahil sa
sobrang init, maaaring mag-apoy ang mga puno na nagdudulot ng
sunog.

Isang malaking tulong sa panahon ng El Niño ay ang


pagtitipid ng tubig. Iwasang aksayahin at gamitin ang tubig sa
hindi mahahalagang bagay.
Babasahin Blg. 1
Grade 6

BUHAYIN ANG KABUNDUKAN

Ang mga kabundukan ay isa sa magagandang tanawin sa


ating kapaligiran. Taglay nito ang mga punungkahoy na nagbibigay
ng ating mga pangangailangan. Makikita rito ang sari-saring mga
halaman na nakalulunas ng ibang karamdaman, mga orkidyas,
mga ligaw na bulaklak at mga hayop.

Ang mga punungkahoy at iba pang halaman ay tumutulong sa


pagpigil ng erosyon o pagguho ng lupa dulot ng ulan o baha.
Nagsisilbi rin itong watershed para sa sapat na pagdaloy ng tubig.

Subalit marami sa mga kabundukan natin ang nanganganib.


Ang dating lugar na pinamumugaran ng mga ibon at mga ligaw na
bulaklak ay unti-unti nang nasisira. Dahil sa patuloy na pagputol
ng mga punungkahoy, marami na ang nagaganap na mga
kalamidad tulad ng biglaang pagbaha sa iba’t ibang pook.

Sa pangunguna at pakikipagtulungan ng Department of


Environment and Natural Resources (DENR), ang ahensya ng
bansa na tumutugon sa pag-aalaga ng kapaligiran at kalikasan,
ang pagkasira ng kabundukan ay nabigyan ng solusyon. Ang
reforestation o muling pagtatanim ng puno kapalit ng mga pinutol o
namatay na mga puno ay isa sa mga programa ng DENR.
Maraming tao ang natuwa dito at inaasahan nila na darating ang
panahon na manunumbalik ang kagandahan at kasaganaan ng
mga kabundukan.
Gamitin sa pangungusap ang sumusunod na mga salita:
Grade 2 –
1. bukid
2. halaman
3. paborito
4. pangalan
5. masaya

Grade 3 –
1. saranggola
2. maganda
3. mataas
4. malungkot
5. nakangiti

Grade 4 –
1. pangarap
2. sumalubong
3. mapalad
4. aklat
5. Koran

Grade 5 –
1. tagtuyot
2. batis
3. probinsya
4. kagubatan
5. pagtitipid
Grade 6 –
1. kabundukan
2. kapaligiran
3. punungkahoy
4. orkidyas
5. kalamidad

You might also like