Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

LESSON PLAN

(Filipino)

COMPETENCY: Literature
I. LAYUNIN:
Pagkatapos ng aralin, ang mga estudyante ay:
a. Malalaman ang kahulugan at katangian ng Korido;
b. Makikilala ang Ibong Adarna bilang isang halimbawa ng Korido at ang mga
pangunahing tauhan nito;
C. Mapapahalagahan ang panitikan sa Pilipinas

II. NILALAMAN: Kahulugan at Katangian ng Korido

III. LEARNING RESOURCES


a. References
1. Module for Grade 7
2. Internet Sources
3. MELC/Curriculum Guide

b. Materials
1. Laptop
2. Flat Screen TV
3. Illustration Boards
4. Chalks

c.MELCs/K-12 Code: F7PT-IVa-b-18

IV. PROCEDURE

Preliminary Activities
 Panalangin, Pagbati, Pagtsek ng Attendance, Paalala, Goal Setting
 Pagbabalik-tanaw sa nakaraang aralin

Pagganyak
 Ipapakita sa klase ang ib’t-ibang uri ng dahon at ang sanga nito; magbibigay
ng mga katanungan ang guro na nasa ibaba:
1. Ano-ano ang kulay ng mga dahon?
2. Aling dahon ang matigas, aling dahon naman ang malambot?
3. Pare-pareho ba ang laki ng mga sanga?
4. Aling sanga ang matigas, aling sanga ang malambot?

 Ipro-proseso ang sagot ng mga mag-aaral


 Ipapaala sa mga mag-aaral na ang bawat dahon ay iba-iba ang katangian
 Mula dito ay tatakayin sa mga estudyante na ang dahon ay isa sa mga
importanteng bahagi ng halaman kung saan ito ang dahilan kung bakit
nakakagawa ng pagkain ang mga halaman.
 Sasabihin sa mga mag-aaral na ang ginawang pagtukoy sa mga dahon at
sanga ay may kaugnayan sa tatalakaying uri ng literatura na pag-aaralan ang
katangian nito.

A.Activities (Group Activity)


 Mananatili sa kanilang pangkat ang mga mag-aaral at tutukuyin kung anong
palabas/teleserye at pangalan ng mga bida sa teleserye ang ipapakita sa screen
 Sa bawat tamang sagot ay katumbas ito ng isang puntos
 Ang grupong makakakuha ng pinakamaraming puntos ay siyang tatanghaling
kampeon

B. Pagtatalakay

 Tatalakayin ng guro ang kahulugan ng Korido;


 Ang Korido ay isang anyo ng tulang romansa. Ito ay isang pasalaysay na awit
at panulaan sa isnag uri ng ballad. Ito ay mula sa salitang Espanyo na “
Correr” na ang ibig sabin ay “ dumadaloy.”

 Ibibigay ng guro ang anyo, himig, paksa, at katangian ng taugan;


 Ilalahad ang kahulugan ng binaggit sa itaas sa Powerpoint Presentation;
 Ilalahad din sa mga mag-aaral na ang mga Tboli at Blaan ay may sarili rin tayong
pinapaniwalaang ibon na may kakayahang makapagbigay ng babala kung mayroong
kapahamakan na naghihintay sa iyo sa daan.

 Mula dito ay tatalakayin din ng guro ang mga pangunahing tauhan sa Ibong Adarna
 Itatalakay sa mga mag-aaral ang apat na pangunahing tauhan sa Ibong Adarna

Ibong Adarna- Ang makapangyarihang ibong nakatira sa puno
ng Piedras Platas na makikita sa Bundok Tabor. Tanging ang
magandang tinig niya lamang ang makapagpagaling kay Haring
Fernando.

Haring Fernando-Ang butihing hari ng kahariang Berbanya na


nagkaroon ng malubhang karamdaman.

Don Pedro-Ang panganay na anak nina Haring Fernando at


Reyna Valeriana . Siya ang unang umalis at nakipagsapalarang hanapin
ang Ibong Adarna.

Don Diego-Ang ikalawang anak nina Haring Fernando at Reyna


Valeriana. Nang hindi makabalik si Don Pedro ay siya naman ang sumunod
na tumungo sa kabundukan upang hanapin ang ibong makapagpagaling ng
kanilang ama.

Don Juan-Ang bunsong anak nina Haring Fernando at Reyna


Valeriana. Makisig, matapang, at may magandang kalooban. Siya
ang tanging nakahuli sa Ibong Adarna sa Bundok Tabor at nakapagligtas
sa kaniyang dalwang kapatid.

C. Paglalapat
(Gamification- I see your true colors
 Magbibigay ang guro ng dalawang kulay sa bawat estudyante: puti at pula
 Ang kulay puti ay nangangahulugan ng kabaitan na masasalamin sa ugali ng tauhan
sa korido, ang pula namin ay nangangahulugang katapangan na masasalamin rin sa
ugali ng mga tauhan sa korido
 Ibibigay ng mga mag-aaral ang dalawang kulay sa kanilang mga kaklase na sa tingin
nila’y nagtataglay ng kabaitan at katapangan.
 I-proseso ng guro ang ginawa nilang akitibidades

D.Paglalahad

 Tatanungin ang mga mag-aaral kung ano ang kanilang natutuhan sa araling natalakay

E.Pagtataya Group Quiz)


 Magkakaroon ng group quiz ang mga estuyante.
VI. Takdang- aralin:

 Ang mga mag-aaral ay aatasang pag-aralan o hanapin sa Youtube ang paglalakbay ni


Don Pedro.

Inihanda ni:
JEFFRIEL C. BUAN
T-1

Inaprubahan ni:
HARLEY O. PONCARADS
T-III/TIC

You might also like