Mt. 27:45-46. “Eli, Eli Lama Sabachtani”. Diyos ko, Diyos ko, bakit
Mo ako pinabayaan? Isang panaghoy mula sa Panginoong Hesus
dala ng matinding sakit na nararamdaman. Ito ba ay tanda ng kawalan ng tiwala sa pagmamahal ng Diyos Ama sa kanya? Hindi po. Ito ay isang panaghoy na may kalakip na panalangin at pag- asa na sa kabila ng Kanyang sakit ay nariyan ang Kanyang Diyos Ama na nagmamahal sa Kanya. Na binabata Niya ang lahat ng hirap para sa katubusan ng ating kasalanan dahil mahal Niya ang Diyos Ama, at handa Siyang ituloy at tupdin ang misyong iniatang sa kanya.
Minsan sa ating buhay ay natanong natin ang Panginoon,
“Nasaan ka Panginoon? Bakit Mo ako pinabayaan?” Mga katanungang dala ng matinding hirap, problema, kawalan ng hustisya na nararanasan, mga sakit ng kalooban na halos hindi na natin makayanan. Ang ilan sa atin ay hindi makatulog, hindi makakain, iyak ng iyak, nagkukulong sa kwarto, ang ilan naman ay naglalasing, at nagwawala.
Mga kapatid, talaga nga bang tayo ay pinabayaan ng Diyos? Tayo
nga ba ay sadyang tinalikuran ng Diyos dahil tayo ay makasalanan? Lahat tayo ay kani-kaniyang misyon sa buhay na iniatang sa ating mga balikat, maging isang magulang, anak, kapatid, lingkod ng simbahan, o ng pamayanan pa man. Subalit sa gitna ng pagsunod natin sa ating mga misyon sa buhay ay hindi na tayo makakawala pa sa mga pagsubok sa buhay. Mga pagsubok na hindi natin makayanan. Mga pagsubok na minsan ay nasasambit natin ang mga katagang “Diyos ko, Diyos ko, bakit Mo ako pinabayaan?”
Kami po ni Bro. Husband ay biniyayaan ng tatlong anak na sa awa
at gabay po ng Panginoon ay nakapagtapos naman po silang lahat. Ang aking panganay at tapos ng AB Behavioral Science sa University of Santo Tomas, ang pangalawa kong anak ay nagtapos ng BS Civil Engineering sa University of the Philippines at isang ganap na Licensed Civil Engineer, at ang pangatlo at bunso ay nagtapos ng BS Tourism sa World City Colleges sa Quezon City. Parehas ng may asawa at pamilya ang aking panganay at bunso, kaya tanging si Engr. Byron A. Fill ang binata at kasa-kasama namin sa ngayon.
Si Engr. Byron ay isang mabait na anak, matulungin sa amin at sa
mga kapatid, maging sa ibang tao. Maaalalahanin na anak at kapatid, kahit na may trabaho at asawa na dalawa niyang kapatid ay nagbibigay pa rin siya sa kanila at sa mga pamangkin niya. Naglilingkod din siya sa aming dating parokya, Our Lady of Guadalupe of Marikina, bilang miyembro ng choir at madalas ko din siyang pinapakanta kapag meron akong talk sa Catholic Life in the Spirit Seminar. Bago pa man siya magtapos sa UP ay working student na siya sa BPO hanggang mapromote siya bilang isang manager. Nagwork siya doon for 11 years. Siya rin po ay may girlfriend for 9 years at masasabi kong one-woman man siya.
Noong 2020, pandemic at lockdown ay nagsimula na siyang
makaramdam ng sakit. Pinapayuhan namin siyang magpatingin na sa doctor subalit takot siyang pumunta ng ospital dahil baka raw iswabtest at mag-positive siya ay i-isolate siya at kaming buong pamilya niya. Dahil sa walang doctor na pwedeng mag face-to-face consultation at icheckup siya ay lumala ng lumala ang kanyang kondisyon. Ang kanyang dating malusog na pangangatawan ay biglang bumagsak, naging maputla, nanginginig ang mga kamay, humina ang paa, naging hindi maayos ang paglalakad at hirap ng magsalita. Naalarma na kami kaya dinala na ng kanyang ama at kasintahan nito sa hospital subalit walang hospital na tumatanggap ng confinement at sila’y tinanggihan ng 5 ospital. Buti nalang ay mayroong ospital ang isa naming ka-sister at sinabi nila doong bumagsak ang kanyang hemoglobin at kailangan na siyang maconfine at masalinan ng limang bags ng dugo. Subalit sinwabtest siya at hindi muna siya tinanggap for confinement sa nasabing ospital hanggat di lumalabas ang result. Habang nagaantay ng result sumubok silang magpalipat lipat ng ospital ngunit walang tumanggap sa kanila. Hanggang sa after 5 days ay lumabas na ang resulta ng swab test which turned out to be negative naman siya for COVID saka siya inadmit sa ospital. Naconfine siya at nagundergo ng series of tests and laboratories. First impression ay meningitis but later on turned out to be a virus sa kanyang utak, toxoplasmosis. Matagal ang gamutan, one-year physical therapy thrice a week, speech therapy once a week pero hanggang ngayon ay hindi pa rin halos maintindihan ang kanyang salita.
He was terminated from his company of 11 years due to sickness.
Iniwan na rin siya ng kanyang 9-years girlfriend. Kapag tinitignan ko siya ay nagdurugo ang aking puso. Naglaho na lahat ng meron siya. Ang kanyang lakas, ang kanyang trabaho, ang kanyang girlfriend, ang kanyang dignidad, at ang kanyang tinig na halos hindi na marinig hanggang ngayon.
Minsan sa aking pagtanaw sa kanya ay nabanggit ko ang mga
katagang, “Diyos ko, Diyos ko, bakit Mo pinabayaang mangyari sa kanya ito? Bakit mo kami pinabayaan?” Hindi ba’t sumusunod naman kami sa misyong inaatang mo sa aming mag-asawa bilang Team Couple speaker sa Marriage Encounter, kahit saan Mo kami ipadala from North to South ay pumumupunta kami, bago pa lamang umandar ang aming sasakyan ay nagcocouple prayer kami at idinudulog ang kaligtasan niya habang kami ay nasa misyon, subalit Panginoon bakit Mo siya pinabayaan? Mga salita ng isang inang tulad ko na durog na durog ang puso habang nakatitig sa anak na nawalan ng pangarap at dignidad. Subalit sa aking pagninilay ay nabatid ko na ang mensahe ng Diyos, kailanman ay di niya kami pinabayaan, that our will is not His will, our plans is not His plans, for our son Byron. Na ang lahat ay pinahintulutan niyang mangyari para sa kanyang makalangit na plano para sa aming anak, na in due time ay gagaling ang aking anak, magsasalita ng matuwid upang muling makapaglingkod, umawit ng papuri at pasasalamat sa Diyos, at maipahayag ang kabutihan ng Diyos sa kanya at maging sa amin.
We came from Marikina where we lived for 47 years at ngayon ay
for good na kami dito sa Macarang after ng angioplasty procedure naman kay Bro Husband last June. A trial that caused us pain and financial crisis, isang pagsubok din na sumubok sa aming faith and dedication as servants of God. Sabi ko nga, Lord kunin mo na ang lahat ng naipundar namin na alam naman naming mula sa iyo, huwag mo lang po sana kunin ang anak at asawa ko. But God is good, hinayaan niyang makasama ko pa ang anak at asawa ko. Kaya kung may nawala man ay may mas higit na blessings na binibigay niya sa atin. Kaya sa mga katulad naming dumaraan sa pagsubok ay huwag mawalan ng pag-asa, God works in mysterious ways, listen to His words and messages to us. God has a heavenly plan for us and that is to come soon. Just keep the faith and continue our mission in life. Serve God and serve others. Mt. 6:33-34, “Seek first the kingdom of God and his righteousness and all of these things shall be added unto you”