Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 1

Mahusay Nga

Disyembre 2019, bali-balita na ang kumakalat na epidemya mula Tsina, ang Novel
Corona Virus o CoViD-19 kung saan maraming tao na ang nahawa at namamatay, hanggang sa
dumating na nga sa iba’t-ibang bahagi ng mundo maging dito sa Pilipinas, ngunit naging
kampante lang ang pamahalaan at patuloy na nagpapapasok ng mga galling sa ibang bansa.
Paanong naging mahusay ang pamamalakad ng pamahalaan kung sa makalipas ang isang
taon ay mahigit sa kalahating milyon na ang kaso ng nasabing sakit. Mass Testing ang
pinakaunang hiling bago ang bakuna, upang nang sa gayon ay matukoy kung sino na ang mga
meron at sino ang mga wala ngunit ito ay binaliwala.
Mga opisyal ng pamahalaan ang naninita sa mga sumusuway sa sinasabing protocol,
ngunit bakit ang nagmanianita na ilang beses nang nahuli ay walang aksyon at pagkatapos ay
magtataka kung bakit walang sumusunod sa kanila. Pati ang mga matataas na opisyal na gustong
maging bida ay naninita, ngunit maraming tagasunod sa kanilang likod, hindi ba’t isa rin itong
rason upang dumami ang kaso?
Isa pang nakapagtataka ay kung kalian dumarami ang kaso tsaka iisip ng paraan ang mga
nasa pamahalaan kung paano mapababagal uli ito. Sinasabing ang mga bagong variant ang
nagpapabilis sa pagkalat ng sakit ngunit bakit nung una palang ay hindi pa inaming may
community transmition na dito sa ating bansa, nung kung kalian lumobo ang kaso tsaka sinasabi
ang mga ito.
Kung kailan naging kritikal ang kapasidad ng mga ospital tsaka hahanap ng mga bagong
pwedeng paglagyan, hindi man lang ba natuto kung paano maging maagap sa mga maaaring
mangyari?
Hindi ba’t balak pang ilagay sa Modified General Community Quarantine o MGCQ ang
Metro Manila at mga karatig na lugar nito, ni ayaw pa nga sanang makinig sa mga eksperto na
nag-aral talaga ng husto. Naging mahusay din ba talaga ang sinasabing pamahalaan kung minsan
na nilang isinisi ang posibleng pagtaas ng kaso sa Simbahan?
Mahusay din ba ang mga opisyal na nakikipag-unahan sa taong bayan na mabakunahan,
imbis na magpaubaya sapagkat hindi naman nila ito sobrang kailangan, lalo pa’t sinasabi nilang
wala silang sinusuway na health protocol.
Tama, mahusay nga ang pamahalaan sa pagpapaikot ng pera sa taong bayan. Mahusay rin
silang mang-uto na kunwari ay may ginagawang aksyon kahit na ang kanilang tauhan naman
talaga ang kumikilos sa mga ito.
Kungkretong plano kasama ang mga may pinag-aralan at ang pamahalaan upang mas
pakinggan ng taong bayan. Tulad ng pagpapabilis ng pagbabakuna hindi ang pagpunta ng pera sa
kanilang mga bulsa. Mass Testing ay isa sa mga solusyon kaysa pondohan ang mga walang
kwentang bagay, at samahan ng panalangin hindi yung idadamay o isisisi pa sa Diyos ng taong
bayan.

###

You might also like