Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 8

Home / Communications

NegOr_Q4_AP10_Module2_v2.pdf
School

Dumaguete Science High School*


*We are not endorsed by this school

Course

COM MISC

Pages

19

Upload Date

Apr 17, 2024

Uploaded by JudgeStork480 on coursehero.com

Helpful Unhelpful

10

Araling Panlipunan
Ikaapat na Markahan - Modyul 2
Lumawak Na Pananaw ng Pagkamamamayan
ii
NegOr_Q4_AP10_Module2_v2

Araling Panlipunan - Ikasampung Baitang


Alternative Delivery Mode
Ikaapat na Markahan - Modyul 2: Lumawak Na Pananaw ng Pagkamamamayan
Ikalawang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban
sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga
ito.
Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis - Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Jhonafe T. Cadabos
Editor: Leslie A. Terio, Germelina V. Rozon
Tagasuri: Marites A. Abiera, Divina May S. Medez
Tagaguhit: Typesetter
Tagalapat: Aileen Rose N. Cruz, Rommel P. Dayot
Tagapamahala: Senen Priscillo P. Paulin CESO V Rosela R. Abiera
Joelyza M. Arcilla EdD Maricel S. Rasid
Marcelo K. Palispis EdD Elmar L. Cabrera
Nilita L. Ragay EdD
Carmelita A. Alcala EdD

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education - Region VII Schools Division of Negros Oriental

Office Address: Kagawasan, Ave., Daro, Dumaguete City, Negros Oriental


Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117
E-mail Address: negros.oriental@deped.gov.ph

i
Page 2 of 19
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa
kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba't ibang bahagi na gagab ay sa kanila
upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng
kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga


paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang
gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na
may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong
tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng
aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung
tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging
matapat ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng
ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul.
Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay
makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na


matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.

ii
Alamin

Magandang araw!
Ang modyul na ito ay ginawa upang matututunan ang mga paksang dapat mong pag-
aralan habang wala ka sa paaralan. Batay sa MELC AP10Q4Wk2 - Naipaliliwanag ang
kahalagahan ng aktibong pagkamamamayan , ay malalaman at matutuklasan mo ang
mga konsepto at katuturan ng pagkamamamayan.
Sa puntong ito ay maliwanag na sa iyo kung saan nagmula ang konsepto ng
citizenship at ang tradisyonal na pananaw nito. Sa susunod na mga paksa ay iyong
matutunghayan kung paano sa pagdaan ng panahon ay lumawak ang konsepto ng
pagkamamamayan. Pansinin ang malaking pagkakaiba ng tradisyonal at ang pagiging
malawak na pakahulugan ng pagkamamamayan.
Bigyang-halaga ang nasabing isyu upang mas malinaw ang pag-unawa ng lahat ng
mamamayang pilipino sa mundong ating ginagalawan.
Handa ka na bang matuto? Simulan mo na!

Subukin Paano mo ito ipinakita o


ipinadama? Bakit mo
naramdaman ito?

I. TAMA O MALI

Panuto: Isulat ang TAMA kung wasto ang isinasaad ng pangungusap; kung ito ay mali,
itama ang salitang may salungguhit upang maiwasto ang nilalaman ng pahayag.
Isulat ang tamang sagot sa inyong kuwaderno.
__________ 1. Patuloy ang paglawak ng konsepto ng pagka-Pilipino sa kasalukuyan.

__________ 2. Ang Pagkamamamayan ng isang indibidwal ay nakabatay sa pagtugon


niya sa kanyang mga tungkulin sa lipunan at sa paggamit ng kanyang
mga karapatan para sa kabutihang panlahat.

__________ 3. Bilang bahagi ng isang komunidad na may mga karapatan at tungkuling


dapat gampanan, inaasahan na siya ay magiging aktibong kalahok sa
pagtugon sa mga isyung kinakaharap ng lipunan at sa mas malawak na
layunin ng pagpapabuti sa kagaya nito.

1 NegOr_Q4_AP10_Module2_v2

__________ 4. Iginigiit ng isang mamamayan ang kanyang mga karapatan para sa


ikabubuti ng bayan.

__________ 5. Batay sa ligal na pananaw ng pagkamamamayan, maaari nating


__________ 5. Batay sa ligal na pananaw ng pagkamamamayan, maaari nating
matukoy ang mga katangian ng isang aktibong mamamayan.

II. MARAMIHANG PAGPIPILIAN (MULTIPLE CHOICE)


Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong. Piliin ang titik ng pinakaangkop
na sagot at isulat sa inyong kuwaderno.

1. Ang mga sumusunod ay mga katangian ng isang mabuting mamamayan ayon kay
Yeban (2004) maliban sa.
A. Makabayan
B. May pagmamahal sa kapwa
C. May respeto sa karapatang pantao
D. Hindi sumusunod sa batas trapiko

2. Ayon sa lumawak na pananaw ng pagkamamamayan, ano ang iginigiit ng isang


mamamayan?
A. Ang kanyang karapatan para sa ikabubuti ng bayan
B. Ang kanyang karapatan para sa ikabubuti ng kanyang pagkatao
C. Ang kanyang karapatan para sa ikabubuti ng kanyang kapwa tao
D. Wala sa nabanggit

3. Maliban sa hindi lamang tagamasid sa mga pagbabagong nagaganap sa


lipunan ang isang mamamayan, ano pa ang kanyang karapatan at tungkuling
dapat gampanan?
A. Karapatan at tungkulin niya na maging Malaya
B. Inaasahan na siya ay magiging aktibong kalahok sa pagtugon sa mga isyung
kinakaharap ng lipunan at sa mas malawak na layunin ng pagpapabuti sa
kalagayan nito
C. Iginigiit ang kanyang karapatan para sa kabutihan
D. Tagasunod lamang sa mga ipinag-uutos ng pamahalaan sapagkat ito ay
nakatataas sa kanya

4. Bakit ang mga mamamayan ngayon ay hindi tagasunod lamang sa mga


ipinag-uutos ng pamahalaan?
A. Sapagkat wala naming monopolyo ang pamahalaan sa mga patakarang
ipinatutupad ng isang estado
B. Sapagkat ang mga mamamayan ay may kakayahang magdesisyon
C. Sapagkat ang mga mamamayan ay may kalayaan para sa sarili
D. Tama lahat ng nabanggit

2 NegOr_Q4_AP10_Module2_v2

5. Sa paanong paraan ng pagkamamamayan, maaari nating matukoy ang mga


katangian ng isang mabuting mamamayan?
A. Ligal na Pananaw
B. Lumawak na pananaw
C. Ligal at lumawak na pananaw
D. Lahat ng nabanggit

Balikan
Filipino Citizenship Concept Map

Panuto: Isulat ang hinihinging impormasyon sa kasunod na concept map batay sa paksang
natalakay na at pagkatapos ay sagutin ang mga katanungan na nasa ibaba. Isulat ang mga
sagot sa iyong kuwaderno.
Pamprosesong mga Tanong:
1. Anu-ano ang mga batayan ng pagiging isang mamamayangPilipino?
2. Anu-ano ang mga dahilan para mawala ang pagkamamamayan ng isang
indibiduwal?
3. Gaano kahalaga ang isang mamamayan sa lipunang Pilipino?

3 NegOr_Q4_AP10_Module2_v2

Uploaded by JudgeStork480 on coursehero.com

RESOURCES

Study Guides

Documents Sitemap

FAQ

LEGAL

Copyright, Community Guidelines, DSA & other Legal Resources

Honor Code

Terms

Academic Integrity

Privacy Policy

Cookie Policy
Do not Sell or Share My Personal Info

SUBJECTS

Accounting

Aerospace Engineering

Anatomy

Anthropology

Arts & Humanities

Astronomy

Biology

Business

Chemistry

Civil Engineering

Computer Science

Communications

Economics

Electrical Engineering

English

Finance

Geography

Geology

Health Science

History

Industrial Engineering

Information Systems

Law

Linguistics

Management
Management

Marketing

Material Science

Mathematics

Mechanical Engineering

Medicine

Nursing

Philosophy

Physics

Political Science

Psychology

Religion

Sociology

Statistics

SOCIAL

© Learneo, Inc. 2024


*College Sidekick is not sponsored or endorsed by any college or university.

You might also like