Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 3

B24 Resquid, Chris John M.

Lathalain
11-Professionalism April 13, 2024

Halo-halong problema: Ang Pagharap


sa Pabago-bagong Panahon ng
Edukasyon

Sa napakainit na tirik na araw nakapanununaw ng yelo, inaabangan ng


mag-aaral na si Andrew ang nagtitinda ng haluhalo papauwi sa kanilang
tahanan. Ang matamis na indak sa dila ng saging kasabay ng paglundag ng
sago at nata de coco sa bibig. Isama mo pa ang gatas na hihilom sa iyong uhaw
at ang dinikdik na yelong magpapalamig sa iyong ulo.

Para kay Andrew, sapat na ang isang haluhalo upang mapunan ang init
na naramdaman niya mula sa paaralan at sa klima. Laging may karangalan ang
naiuuwi niya sa klase kahit madali siyang atakihin ng hika niya sa klase.

Kaya’t madalas din ay lumiliban siya sa upang magpagaling sa kaniyang


hika na nangangahulugang titiisin niya ang init ng araw sa kaniyang hindi
paghigop sa malinamnam na haluhalo. Ayon sa kaniya, ito ay nakakaapekto sa
kaniyang pag-aaral dahil kailangan niya habulin ang mga gawaing labas sa
kontrol ng kaniyang kalagayan.

Halo-halo ang pasakit ni Andrew sa araw-araw niyang pag-aaral. Sa


pagharap sa kaniyang sakit, sa pagsabay sa kaniyang edukasyon, o ang pagtiis
sa bagsik ng init. Ano’t ano pa man halintulad sa paborito niyang inumin, sa
kaniyang paghalo ng kutsara, hindi niya rin alam kung ano ang mangingibabaw.

Mainit sa sangkap

Mula sa tala ng World Bank Climate Change Knowledge Portal, Abril at


Mayo ang pinakamainit na buwan sa Pilipinas.

Ayon naman sa United Nations International Children’s Emergency Fund


(UNICEF), nasa humigit-kumulang 33 milyon sa batang katulad ni Andrew ang
makakaranas ng init ng tagtuyot sa buong bansa. Sa panganib na dala ng hindi
mapipigilang tag-init, doble-peligro ang handog nito sa mga mag-aaral na may
hika at iba pang karamdaman.
Kaya’t naglabas ang Department of Health o DOH ukol sa panganib na
maaaring maramdaman at solusyon kung paano ito maiibsan. Ayon sa kalihim
ng DOH na si Teodoro Herbosa,

“Heat-related illnesses are preventable. Sa masugid na pagsubaybay sa


heat index, maaagapan natin ang heat-related illnesses. The DOH is actively
monitoring cases of heat-related illnesses dahil sa Bagong Pilipinas , Bawat
Buhay ay Mahalaga,” saad ni Herbosa.

Biglaang Lamig

Kasabay ng init na nararamdaman ng bawat Pilipino, biglang naglabas ng


bagong kalendaryong aamendo sa taong panuruan 2024-2025.ang Department
of Education o DepEd.

“Upang mabawasan ang panahon at epekto hindi lang sa kalalabasan ng


pag-aaral bagkus pati na rin sa kapakanan ng mga mag-aaral at guro dahil sa
kakulangan ng pahinga,” wika ng DepEd sa Ingles noong nakaraang Miyerkules.

Ngunit para kay Andrew, hindi pahinga ang maidudulot nito bagkus ay
pahirap sa kaniya dahil maghahabol siya ng mga gawain sa mas maliit na oras
habang nilalabanan ang kaniyang sakit.

Katamtamang Lagay

Hindi nag-iisa si Andrew sa mga mag-aaral na nagkakandagulo sa


pagbalanse ng mainit na panahon at pag-ikli ng panahon sa edukasyon. Dagdag
pa ang kaniyang karamdamang nagpapahirap lang lalo sa kaniya.

Upang masabayan ang problemang ito, minungkahi ng Teachers’ Dignity


Coalition ang isang paraan na hindi isinasaalang-alang ang bakasyon ng
mag-aaral. Ito ay ang gamitin ang taong panuruan 2024-2025 sa pagpapaikli ng
kalendaryong pampaaralan.

“By our calculations, this would not be around 170 days, not far from the
179 days of this year. And if there will be any shortfall, solutions like having 10
asynchronous Saturday classes can be implemented to meet the traditional 180
days required by DepEd in the past,” paliwanag ng TDC.

Nakapako pa rin sa mga problema ang paa ni Andrew lalo na’t


nahihirapan siya alamin kung paano niya ito haharapin. Naninindigan na lamang
siya sa pag-asang magdaraan din ang panahong ito at matatapos rin ang lahat.
Kaya’t sa susunod na bibili ng haluhalo si Andrew, iniisip niyang katulad
na nito ang kaniyang magiging kalagayan. Kung saan sa ating edukasyon, sana
ang pinakaenggrandeng sangkap rin ang nangingibabaw - ang mga mag-aaral.

You might also like