Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 11

IKATLONG MARKAHAN

INTERBENSYON SA FILIPINO 8
2023-2024

NTERVENTION
/REMEDIATION PLAN FOR
THE IDENTIFIED LEARNING
GAPS IN THE DIFFERENT
LEARNING AREAS AND
GRADE
LEVELS
Pangalan: _______________________ Marka: __________
Kasanayang Pampagkatuto Code

Nabibigyang-kahulugan ang mga lingo/termino na ginagamit sa (F8PT-IIIa-c-29)


mundo ng multimedia

Nagagamit sa iba’t ibang sitwasyon ang mga salitang ginagamit sa (F8WG-IIIa-c-30)


impormal na komunikasyon (balbal, kolokyal, banyaga)

Nagagamit nang wasto ang mga ekspresyong hudyat ng kaugnayang (F8WG-IIIe-f-32)


lohikal (dahilan-bunga, paraan-resulta)

TUKLASIN

1. PAHAYAGAN (broadsheet at tabloid)


Tunay na malaki ang ginagampanang papel
ng mga balita sa pang-araw-araw na pamumuhay
ng mga Pilipino. Upang tayo ay maging bukas
at mulat sa mga napapanahong pangyayari ay
sinisikap ng bawat isa na matutukan ang mga
pangyayari sa ating paligid o lipunan.
Ngunit saan ba natin kalimitan nasasagap ang mga mahahalagang balitang ito?
Isa sa mga pinagkukunan ng balita ng mga Pilipino ay ang pahayagan. Bagamat ang ilang
mahahalagang balita ay mapapanood na sa telebisyon at maririnig sa radyo ay malakas pa rin
ang hatak ng print media sa mga tao dahil sa katotohanang hindi naman naiuulat ang lahat
ng mga balita sa TV at radyo. Ang pahayagan bilang isang uri ng print media ay kailanma’y
hindi mamatay-matay dahil bahagi na ito ng kulturang Pilipino. Isa sa mga katibayan nito ay
ang mga nagkalat na tabloid at broadsheet sa bangketa. Ngunit ano nga ba ang pahayagan?
Ayon sa Merriam-Webster Dictionary, diyaryo o peryodiko ay isang uri ng paglilimbag na
naglalaman ng balita, impormasyon at patalastas. Kadalasan itong inilalathala ng araw-araw o
ang pahayagan o newspaper na kilala sa tawag na lingguhan.

Dalawang klase ng pahayagan:


Tabloid. Sa pang- teknikal na kahulugan, ang tabloid ay tumutukoy sa isang pahayagan na
karaniwang may sukat na 11 hanggang 17 pulgada - mas maliit kaysa sa isang broadsheet - at
kadalasan ay hindi hihigit sa limang column sa kabuuan.
Broadsheet. Ito naman ay tumutukoy sa pinaka-karaniwang format ng
pahayagan, na karaniwang nasa 15 pulgada ang lapad hanggang 20 o higit pang
pulgada ang haba sa U.S., kahit na ang laki ay magkakaiba sa buong mundo.Ang
broadsheet ay naglalaman ng anim na column at gumagamit ng mga tradisyunal na
pamamaraan ng pangangalap ng balita na binibigyang diin ang malalalim na saklaw
na may matinong tono ng pagsusulat sa mga artikulo at editoryal na ang
pinupuntiryang mambabasa ay mga taong may pinag-aralan. (Rogers, Tony, 2017)

Inihanda ni : Jessa P. Enriquez, MAeD


IKATLONG MARKAHAN
INTERBENSYON SA FILIPINO 8
2023-2024

NTERVENTION
/REMEDIATION PLAN FOR
THE IDENTIFIED LEARNING
GAPS IN THE DIFFERENT
LEARNING AREAS AND
GRADE
LEVELS
Ang tabloid ay sinasabing pangmasa dahil sa Tagalog o Filipino ito nakasulat bagama’t
ilan dito ay Ingles ang midyum. ‘Di hamak na mas maliit ito kung ikukumpara sa broadsheet.
Ang kadalasang mambabasa naman nito ay ang mga taong may sapat lamang na perang
pambili. Ang kaibahan nga lang ay masyadong binibigyang-diin ng tabloid ang tungkol sa sex
at karahasan kaya’t tinagurian itong sensationalized journalism.

Ilang Piling Lingo o Salita sa Mundo ng Pahayagan

1. Ad – pinaikling bersiyon ng advertisement o mga patalastas kung saan nagbabayad ang


isang kompanya sa isang mass media para sa pagpapatalastas ng kanilang produkto o
serbisyo.
2. Assignment- isang istorya na ibinigay sa reporter para kunan ng facts o impormasyon.
3. Column- isang artikulo na lumalabas araw-araw sa pahayagan na isinulat ng isang
manunulat o columnist.
4. Copy Editor- isang taong nagwawasto o nag-edit ng kopya na isinulat ng isang reporter
. Kadalasan, sila rin ay may kakayahang magsulat ng headline o ulo ng balita
5. Editor- isang tao na namamahala sa mga patakaran sa editoryal; o isang tao na
nagpapasya kung anong tinig at tindig ang dapat palitawin ng editoryal o tudling ng
pahayagan.
6. Nameplate o Flag - nakalimbag na pamagat (pangalan at logo) ng isang pahayagan sa
tuktok ng harap na pahina o front page.
7. Headline- pamagat ng isang artikulo o balita sa pahayagan.
8. Press- makina na naglilimbag ng mga pahayagan.
9. Masthead- mga detalye ng publisher, lugar ng publikasyon, kawani ng editorial
10. at impormasyon tungkol sa pahayagan na karaniwang inilalagay sa pahina ng
editoryal.
11. Issue- ang lahat ng mga kopya na inilathala ng isang pahayagan sa isang
araw.
12. Layout –gawain ng isang layout artist ang pagguhit o pagdisenyo ng bawat
pahina para sa pag-aayos ng mga larawan at teksto.

2. KOMIKS
Kilala mo ba si Darna? Captain Barbel? O di kaya’y si Panday?
Ang komiks ay isang grapikong midyum na ang mga salita
at larawan ay ginagamit upang ihatid ang isang salaysay o
kuwento. Maaaring maglaman ng diyalogo o usapan upang
epektibong ipahayag ang nais na mensaheng iparating ng may-akda.
Ang komiks ay isang makulay at popular na babasahin na nagbigay-aliw sa mambabasa,
nagturo ng iba’t ibang kaalaman at nagsulong ng kulturang Pilipino. Ang kultura ng komiks ay
binubuo ng mga manunulat at dibuhista o cartoonist na
napakalawak ng imahinasyon.
Tulad ng iba pang mga akda, ang komiks din ay nagtataglay ng mga kuwentong romansa,
kuwento ng mga superhero o mga taong may taglay na di pangkaraniwang lakas at
kapangyarihan, katatawanan, sci-fi o istoryang may koneksiyon sa agham, kakatakutan, at
drama. Samakatuwid, iba-iba rin ang genre na matatagpuan sa komiks.

Inihanda ni : Jessa P. Enriquez, MAeD


IKATLONG MARKAHAN
INTERBENSYON SA FILIPINO 8
2023-2024

NTERVENTION
/REMEDIATION PLAN FOR
THE IDENTIFIED LEARNING
GAPS IN THE DIFFERENT
LEARNING AREAS AND
GRADE
LEVELS

3. MAGASIN
Isa sa mga tanyag na babasahin sa kasalukuyan ay ang magasin. Ang mga ito ay maaaring
mababasa na sa internet at tinatawag ng digital magazine. Ano nga ba ang babasahing ito?
Gaya ng ibang print media, ang magasin ay may target ding mambabasa o konsyumer.
Kadalasan, ang magasin ay purong lathalain lamang ang nilalathala. Nasa tono ito na nang-
aaliw ng mambabasa. Ang mga nilalaman nito ay mga artikulong tumatalakay sa iba’t ibang
paksa gaya ng fashion, gadgets, kalusugan at lifestyle, kagandahan, sasakyan, buhay pag-ibig,
pangangalaga ng isang relasyon o pamilya, tips o sekreto para sa isang matagumpay na
pagsasama ng dalawang tao, at marami pang iba. Pero tulad ng pahayagan, bukod sa
tumatangkilik na publiko ay advertisement o patalastas din ng iba’t ibang kompanya ang
bumubuhay sa magasin. Parehong kumikita sa advertisement ang dalawang mass media.

Inihanda ni : Jessa P. Enriquez, MAeD


IKATLONG MARKAHAN
INTERBENSYON SA FILIPINO 8
2023-2024

NTERVENTION
/REMEDIATION PLAN FOR
THE IDENTIFIED LEARNING
GAPS IN THE DIFFERENT
LEARNING AREAS AND
GRADE
LEVELS
4. KONTEMPORANEONG DAGLI
Ang dagli ay isang anyong pampanitikan na maituturing na maikling kuwento. Bagamat
walang katiyakan ang pinagmulan nito sa Pilipinas, sinasabing lumaganap ito sa unang
dekada ng pananakop ng mga Amerikano. Wala ring nakatitiyak sa angkop na haba para
masabing dagli ang isang akdang pampanitikan. Subalit sinasabing kinakailangang hindi ito
aabot sa haba ng isang maikling kuwento.
Kilalang manunulat ng dagli:
 Inigo Ed. Regalado na may talipanpang Tengkeleng
 Jose Corazon De Jesus
 Rosauro Almario (Ric A. Clarin)
 Patricio Mariano
 Francisco Laksamana
 Lope K. Santos
Sa kasalukuyan, sinasabing nagpapalit-palit ang anyo ng dagli mula sa harap ng pahina ng
mga pahayagan hanggang sa maging nakakahong kuwento sa mga tabloid o tambok na
kuwento (feature story) sa mga kolum, pangunahing balita (headline) sa pahayagan, at
telebisyon. Sa kasalukuyan, nagkaroon na ng bagong kahulugan ang dagli. Hindi na
katawagan - anekdota, spice-of-life, day-in-the-life, at iba pa.

ANG PAGHIHINTAY
ni Hernan B. Estaloza
Labing tatlong taon pa lamang ako nang umusbong sa mura kong puso ang pagmamahal sa
kanya.
“Hintayin mo ang pagbabalik ko, Bela.” Natatandaan ko pa ang wika ni Kenneth nang lisanin
ng pamilya nila ang lugar namin labinglimang taon na ang nakalilipas. Papunta sila ng
Amerika noon. Matapos makapag-asawa ng Amerikano si Auntie Mona, ang Mama ni Kenneth,
ay niyaya na raw sila ng bagong asawa nito na doon manirahan.
Walang tigil sa pag-agos ng luha ko habang yakap-yakap niya ako. “O- oo...”Iyon lang ang
nasambit ko dahil sa lubos na kalungkutang nadarama. Ewan ko kung bakit ganoon na
lamang ang sakit na nadarama ko sa paglisan niya. Kung tutuusin, magkaibigan lang naman
kami. Pero sa mga murang puso namin, alam ko... pareho lang ang isinisigaw...
“Masaya ako para sa iyo anak”... Para akong nagising mula sa isang panaginip. Si Papa,
habang magkahawak kami ng aming mga kamay habang naglalakad patungong altar.
‘Asan ako? Bulong ko sa aking isipan. Nilibot ng aking mga mata ang paligid. Nasa simbahan
kami. Puno ng tao. Puno ng mga bulaklak.
Bigla akong napangiti. Oo nga pala, kasal ko pala ngayon. Sa altar ay naghihintay ang lalaking
aking mapapangasawa, walang iba kundi si Kenneth na abot hanggang langit ang ngiti. Iba
pala ang pag-ibig, marunong maghintay.

TUKLASIN Popular na Babasahin

Ang mga isinulat para sa masa at inilathala o ipinakalat para sa maraming mambabasa ay
kinikilala bilang popular na babasahin o tinatawag na panitikang popular. Ito rin ang
kasalukuyang mga umiiral na babasahin na naglipana kahit saan. Ang pangunahing layunin
sa pagsulat nito ay magbigay-aliw (entertain) at sumalamin sa pang-araw-araw na pangyayari

Inihanda ni : Jessa P. Enriquez, MAeD


IKATLONG MARKAHAN
INTERBENSYON SA FILIPINO 8
2023-2024

NTERVENTION
/REMEDIATION PLAN FOR
THE IDENTIFIED LEARNING
GAPS IN THE DIFFERENT
LEARNING AREAS AND
GRADE
LEVELS
sa buhay. Ang pagiging malikhain ng ganitong uri ng panitikan ay kakaiba sa mga tradisyunal
at sinaunang panitikan.
Narito ang iba’t ibang uri ng mga babasahing popular:
1. tabloid; pahayagang naglalaman ng mga balitang nakasulat sa
Tagalog o lokal na wika,
2. komiks; mga larawang-kuwentong sumasalamin sa mga
kasalukuyang isyung panlipunan,
3. magasin; babasahing nakapaloob ang mga nauuso o patok,
4. kontemporaryong dagli; maikling-maikling kuwentong mabilis ang
mga pangyayari, at iba pa.
Dahil ang mga sumusunod ay karaniwang nasa makabagong anyo
(kasabay ng pagbabago ng paraan ng pagsulat) kaalinsabay ng madalas na
paggamit ng multimedia, lumilikha rin ang mga manunulat (kasama ang
kabataang tulad mo) ng mga bagong terminolohiyang sumasabay sa
pagbabagong ito. Narito ang ilang mga salitang karaniwang mababasa mo
sa multimedia:
1. salakam – malakas
2. LF – looking for
3. Leg8 – legit
4. Gobas – sabog
5. Erp – pre
6. 2ll – utol o pare o kaputol
7. Omsim – mismo
8. N e wazeee – anyways
9. No cap – nangangahulugang walang halong biro
10. Mamshie – tumutukoy sa kaibigan, malapit na tao o maging sa
nakatatanda ngunit nasa malapit na edad

Ang mga salitang nabasa mo ay ginagamit sa impormal na komunikasyon. Ito ay


maaaring mapabilang sa balbal (salitang kalye o imbento), kolokyal (mga pinaikli o pagpapaikli
ng salita) o banyaga (salita mula sa ibang wika). Ang mga balitang araw-araw na nababasa sa
mga pahayagan, napapanood sa telebisyon (maging sa social media) at napakikinggan sa
radyo, kung ito’y nakasulat o nasa anyong e-balita (digitized), kabilang din sa mga popular na
babasahin. Kaya naman, ang balita ay isa sa pinakapopular na babasahin.

Uri ng Balita

1. Paunang Balita – nagbibigay ng mga paunang impormasyon sa


mangyayari sa isang event na inaasahang mangyari tulad ng
basketball at boxing.
2. Balitang ‘di inaasahan – isang ulat ito ng mga hindi inaasahan o
biglaang pangyayari tulad ng mga aksidente.
3. Balitang Itinalaga – batay ito sa ibinigay na paksa o assignment na
isusulat tulad ng pagdiriwang o paggunita.
4. Balitang Panubaybay – isa itong ulat sa kasunod na mangyayari na
nauna nang naiulat tulad ng isyu sa pork barrel scam, at COVID-19
vaccine.
5. Balitang Rutinaryo o Kinagawian – palaging nagaganap ang
pangyayari at regular itong nangyayari gaya ng pag-uulat sa bar exam,

Inihanda ni : Jessa P. Enriquez, MAeD


IKATLONG MARKAHAN
INTERBENSYON SA FILIPINO 8
2023-2024

NTERVENTION
/REMEDIATION PLAN FOR
THE IDENTIFIED LEARNING
GAPS IN THE DIFFERENT
LEARNING AREAS AND
GRADE
LEVELS
SONA ng pangulo, at pagtaas ng presyo ng mga bilihin.

Pamatnubay

Sa balita, karamihan sa mga mambabasa ay tumutuon sa pagbasa lamang ng unang bahagi o


talata nito. Ito ay tinatawag na pamatnubay. Nilalaman nito ang buod ng kabuuan ng balita
bilang mapang-akit na panimula. Sinasagot nito ang mga tanong na sino, ano, saan, kailan,
paano at bakit

SUBUKIN

Gawain 1

A. Panuto: Hanapin sa Hanay B ang angkop na kahuugan ng mga lingo o termino sa mundo
ng multimedia. Isulat sa papel ang titik ng tamang sagot.

Inihanda ni : Jessa P. Enriquez, MAeD


IKATLONG MARKAHAN
INTERBENSYON SA FILIPINO 8
2023-2024

NTERVENTION
/REMEDIATION PLAN FOR
THE IDENTIFIED LEARNING
GAPS IN THE DIFFERENT
LEARNING AREAS AND
GRADE
LEVELS
B. Panuto: Tukuyin ang mga lingo o terminong madalas binabanggit sa mga popular na
babasahin gaya ng pahayagan, komiks, at magasin. Kumpletuhin ang crossword puzzle sa
tulong ng mga gabay o clue sa ibaba.

Gabay:
Pahalang
1. Mga bagong estilo ng pananamit.
3. Makabagong teknolohiya gaya ng cellphone o computer.
5. Pamamaraan ng pagkuha ng mga bagay sa internet.
10. Pinaikling bersiyon ng advertisement o patalastas.
11. Lathalain
13. Nakalimbag na pamagat (pangalan at logo) ng isang pahayagan.
15. Pabalat ng magasin o pahayagan.

Pababa
2. Pamagat ng isang balita na makikilala sa pamamagitan ng higit na malaking titik sa
nilalaman.
4. Isang network ng mga computer at iba pang mga gadgets.
6. Seksiyon sa pahayagan para sa mga naghahanap ng trabaho.
7. Seksiyon sa pahayagan para sa malusog na pamumuhay.
8. Isang uri ng larong puzzle na karaniwang makikita sa pahayagan.
9. Isang uri ng kuwento o genre na batay sa agham.
12. Makina na naglilimbag ng pahayagan.
14. Sinasabi nito ang presyo at pangkalahatang kalidad ng magasin.

Inihanda ni : Jessa P. Enriquez, MAeD


IKATLONG MARKAHAN
INTERBENSYON SA FILIPINO 8
2023-2024

NTERVENTION
/REMEDIATION PLAN FOR
THE IDENTIFIED LEARNING
GAPS IN THE DIFFERENT
LEARNING AREAS AND
GRADE
LEVELS
SUBUKIN

Gawain 2
A. Panuto: Magtala ng mga salitang kinabibilangan ng balbal, kolokyal at banyagang salita na
ginagamit sa mundo ng social media/ multimedia. Ibigay ang kahulugan nito ayon sa
pagkakagamit mula sa iba’t ibang sitwasyon

B. Panuto: Tukuyin ang wastong ekspresyong hudyat ng kaugnayang lohikal na ginamit sa


bawat bilang.

A. Dahilan at bunga
B. Paraan at layunin
C. Paraan at resulta
D. Kondisyon at kinalabasan

1. Nagtatapon sila ng mga basura kung saan-saan kaya naman nagbara ang mga kanal.
2. Nagsasanay siya araw-araw upang mapaghandaan ang nalalapit na palarong-
pampalakasan.
3. Naitaguyod ni Mang Andres ang kaniyang mga anak dahil sa kaniyang pagiging tsuper.
4. Humanap si Lila ng mapagkakakitaan upang maipandagdag sa pagbili ng proyekto.
5. Nagpabaya siya sa kaniyang pag-aaral kaya naman siya ay bumagsak sa pagsusulit.
6. Sinikap niyang buoin ang jigsaw puzzle upang mairegalo sa kaniyang matalik na
kaibigan.
7. Naging matagumpay ang kanilang presentasyon dahil sa masikap nilang pagsasanay.
8. Matatamo ng isang kabataan ang kaniyang mga pangarap kung siya ay magsusumikap
sa buhay.
9. Matibay ang pundasyon ng itatayong bahay kung magandang klase ng materyales ang
kanilang gagamitin.
10. Ang naglipanang langaw ang itinuturong dahilan ng pagkakasakit ng mga bata sa
kanilang lugar.

TUKLASIN

Kontemporaryong Programang Panradyo

Inihanda ni : Jessa P. Enriquez, MAeD


IKATLONG MARKAHAN
INTERBENSYON SA FILIPINO 8
2023-2024

NTERVENTION
/REMEDIATION PLAN FOR
THE IDENTIFIED LEARNING
GAPS IN THE DIFFERENT
LEARNING AREAS AND
GRADE
LEVELS
Ang radyo ang itinuturing na una sa pinakapinagkakatiwalaang
pinagkukunan ng pampolitikang impormasyon sa Pilipinas. Sa kasalukuyan,
pumapangalawa ang radyo at telebisyon bilang pinakaginagamit na media sa
bansa. Ayon sa Philippine Statistics Authority noong 2013, tinatayang 2/3 bahagi ng
populasyon ng bansa ang nakikinig sa radyo, na may 41.4 porsiyento ng tagapakinig minsan
sa isang linggo. Nananatili rin itong pinakalaganap na media na nakaaabot kahit
na sa pinakaliblib na mga lugar sa bansa. May dalawang pamimiliang pangunahing istasyon
sa radyo, ito ay ang Amplitude Modulation (AM) at Frequency Modulation (FM). Ang mga
istasyon na FM ay nakapokus ang nilalaman unang-una sa musika samantalang ang
mga istasyon na AM ay nag-uulat ng mga balita, kasalukuyang pangyayari, serbisyo publiko,
seryal na drama at mga programang tumatalakay sa mga napapanahong isyu. Mas nakikinig
ang mga tao sa FM kaysa sa AM na istasyon ng radyo kaya mas maraming istasyon ng FM ang
mayroon sa bansa. Batay sa datos mula sa National Telecommunications Commission (NTC)
noong Hunyo 2016, may 416 na istasyon na AM at 1,042 istasyon na FM sa buong
bansa, kasama na ang mga aplikasyong hindi pa napagpapasyahan. May iba’t ibang
programang panradyo sa bansa na may layuning magbigay ng kasiyahan, libangan at
kaalaman sa tagapakinig. Ilan sa mga kontemporaryong programang panradyo ay ang dulang
panradyo, game shows, reality shows, teleserye, teleradyo at komentaryong panradyo na iyong
nabasa sa unang bahagi ng modyul na ito.
Ang komentaryong panradyo ayon kay Elena Botkin-Levy, Koordineytor ng ZUMIX
Radio, ay ang pagbibigay ng oportunidad sa kabataan na maipahayag ang kanilang mga
opinyon at saloobin kaugnay sa isang napapanahong isyu, o sa isang isyung kanilang napiling
talakayin at pagtuunan ng pansin. Ang pagbibigay-opinyon ayon kay Levy ay
makatutulong nang malaki upang ang kabataan ay higit na maging epektibong tagapagsalita.
Ayon pa rin sa kaniya, ang unang hakbang upang makagawa ng isang mahusay at epektibong
komentaryong panradyo ay ang pagkakaroon ng malawak na kaalaman sa pagsulat ng isang
sanaysay na naglalahad ng opinyon o pananaw.

Katotohanan, Hinuha, Opinyon at Personal na Interpretasyon


Sa pagpapahayag ng isang broadcaster sa kaniyang programa, malimit na gumagamit ng
makatotohanang pagpapahayag na kung saan ang impormasyon ay balido dahil may
pinagbatayan, ito ang nagiging daan upang ang isang broadcaster ay magkaroon ng
kredibilidad sa pamamahayag. Ngunit may mga pagkakataong sila rin ay nagbibigay ng
hinuha, mga sapantaha, o palagay sa isang isyu o paksa na kanilang tinatalakay. May
interaksyon ding namamagitan sa radio broadcasting dahil hindi maaaring magkaroon ng dull
time o patay na oras habang on air ang isang broadcaster. Kalimitang nagpapahayag sila ng
opinyon at maaari ding pinalalawig ito ng mga taong nakapakinig sa kanila na maaaring co-
broadcaster o tagapakinig ng programa sa pamamagitan ng mga personal na interpretasyon.

SUBUKIN

Gawain 3
A. Panuto: Batay sa binasang komentaryong panradyo, napag-iiba-iba ang

Inihanda ni : Jessa P. Enriquez, MAeD


IKATLONG MARKAHAN
INTERBENSYON SA FILIPINO 8
2023-2024

NTERVENTION
/REMEDIATION PLAN FOR
THE IDENTIFIED LEARNING
GAPS IN THE DIFFERENT
LEARNING AREAS AND
GRADE
LEVELS
Katotohanan, Hinuha, Opinyon, o Personal na Interpretasyon. Isulat ang K kung katotohanan,
H kung hinuha, O kung opinyon at P kung personal na interpretasyon ang mga sumusunod na
pahayag. Isulat sa hiwalay na papel ang tamang sagot.
_____1. Naku, ‘di ba delikado pa rin ‘yong ganoon, partner.
_____2. Hindi ba lagi na lang pinapaboran ni Pangulong Duterte ang mga sundalo at kapulisan.
_____3. Sa isang banda partner, mainam din ngang unang mabakunahan
ang mga sundalo at kapulisan dahil sila talaga ang laging nakasuong sa laban kontra
COVID-19.
_____4. Partner, ayon sa World Health Organization (WHO), wala talagang vaccine ang
magkakaroon ng 100% efficacy rate. Maging ang gawa ng U.S. drugmakers na Pfizer-
BioNtech at Moderna ay may efficacy rate na 95%. Ang mahalaga raw ay umabot ito ng
50% at ito ay magiging safe na para gamitin.
_____5. Sabi nga ng iba, hindi lang naman mga sundalo at kapulisan ang
frontliners. Nariyan din ang mga guro at iba pang empleyado ng gobyerno.

B. Panuto: Basahin at unawain ang mga katanungan. Isulat sa hiwalay na papel ang letra
ng tamang sagot.
1. Ano ang paksa ng pamatnubay na ito? Itinaas na ng PAGASA sa red signal warning ang
LPA na inaasahang papasok sa PAR ngayong Miyerkules
A. ang LPA warning C. ang paparating na bagyo
B. ang inaasahang bagyo D. ang pagtataas ng warning
2. Paano binuo ang pamagat ng dagling, “Raos”?
A. maikli C. napakagulo
B. mahaba D. napakahaba
3. Ano ang kahulugan ng salitang nakasalungguhit ayon sa
pagkakagamit? G na G oyat ah. Arat na sa plaza.
A. game C. tara
B. go D. tayo
4. Ano ang ibig sabihin ng omsim sa: Ako den. Osmin na omsim.
A. ako C. talaga
B. mismo D. totoo
5. Naging anyways ang salitang “N e wazeee”?
A. dahil may kamukhang mga letra C. dahil sa kaartehan ng sumusulat
B. dahil nakikisabay lamang sa uso D. dahil kung bibigkasin ito, katunog
6. Ano ang unang dapat gawin sa pangangalap ng datos sa
pananaliksik?
A. Mangolekta ng mga datos sa iba’t ibang lugar. C. Bumuo ng balangkas sa pagkakasunod.
sunod.
B. Alamin ang paksang gagawan ng pananaliksik D. Iayos ang nakolekta nang ayon sa
binuong balangkas.
7. Alin sa mga sumusunod ang pinakamainam na pagkunan ng datos sa
pananaliksik kaugnay sa vlog ng kabataan?
A. Instagram C. Twitter
B. Facebook D. Youtube
8. Anong uri ng balita ang kasunod na mangyayari sa naunang balita?
A. itinalaga C. panubaybay
B. ‘di inaasahan D. pauna
9. Anong uri ng impormal na komunikasyon kung ikaw ay sasabihan ng
isang online gamer na: “Awit naman talaga sa iyo. Awitized”?

Inihanda ni : Jessa P. Enriquez, MAeD


IKATLONG MARKAHAN
INTERBENSYON SA FILIPINO 8
2023-2024

NTERVENTION
/REMEDIATION PLAN FOR
THE IDENTIFIED LEARNING
GAPS IN THE DIFFERENT
LEARNING AREAS AND
GRADE
LEVELS
A. balbal C. kolokyal
B. banyaga D. pormal
10. Paano mo sasabihin nang pinakaimpormal ang salitang: Pare, legit ito?
A. 2ll, leg8? C. pare, talaga?
B. pare, 22o? D. repa, true ba?

Inihanda ni : Jessa P. Enriquez, MAeD

You might also like