Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Filipino

Pamagat:Ating Damhin ang Ganda ng Pieza DamGusto mo bang mamasyal?Gusto mo bang mag muni-
muni sa lugar namakakalimutan mo ang iyong mga problema?Tara,pasyal tayo sa Pieza Dam.Ang
PiezaDam ay isang natatanging pook pasyalan ng mga turista sa Brgy. Pieza Villaverde, saprobinsya ng
Nueva Vizcaya.Ang Dam na ito ay malawak at matatag na kahit maramingbagyo ang dumaan at kahit
anong lakas ng agos ng tubig ay hindi mabubuwag.Maramingpuno ang nakapaligid sa dam na ito kung
kaya presko ang hangin at dito sa lugar na itoay may mga taong nakatira.

Maraming tao ang pumupunta sa Pieza Dam kung kaya kami ay nahikayat at hindinag-atubiling pumunta
sa lugar na ito upang magnilay-nilay at damhin ang simoy nghangin.Lubak-lubak at maputik man ang
daan papunta sa lugar na ito ay sulit pa rinsapagkat kapag sa oras na narinig mo na ang agos ng tubig ay
matutuwa ka talaga atpapasok sa iyong isipan kung ano kaya ang mga natatagong ganda ng pook
naito.Gayunpaman,ang aming pagpunta sa Pieza dam ay nakaka-engganyo sapagkatpagsungad palang
namin sa paanan nito ay aming makikita ang estruktura ng dam,mga

bahay na nakapaligid dito,at mga punong nakapaligid na siyang nagpapaganda satanawin nito.Nang
kami ay pumunta sa tulay kung saan umaagos ang tubig ay nakakitakami ng mga maliliit na isda.Dali
daling pumunta sa tabi ng dam ang dalawa namingkasama upang manghuli ng maliliit na isda.Galak na
galak sila gayundin kaming mgakasama nila dahil kahit wala kaming nahuling isda ay nag-enjoy naman
ang bawat isa saamin.Malamig ang simoy ng hangin at malamig din ang tubig kaya naman agad
nanagtampisaw ang aming dalawang kasama.Pagkatapos nito ay kumuha kami ng mgabato na aming
pinagpatong-patong at kumuha ng mga larawan bilang tanda na kami aynakapunta sa lugar na ito,ang
Pieza Dam.Sa aming pag-uwi ay mababakas sa mukha ngbawat isa ang kasiyahan dahil sa tagal ng
panahon ay nasilayan din namin muli angnatural na ganda ng dam na ito.

Ang bawat isa sa atin ay kailangan ng mga lugar kung saan doon natinmakakalimutan ang ating
nararamdamang pagod at mga dinadalang problema kung kayanais naming hikayatin ang mga taong
hindi pa nakakapunta sa Pieza Dam na pumunta atdamhin ang umaagos na ganda ng tanawin nito.Ang
mga taong pupunta sa dam na ito ayhindi magsisi sapagkat agos palang ng tubig at lawak nito ay mag-
eenjoy kana.Anongpang hinihintay mo,punta ka na sa magandang tanawin na ito!Ang Pieza Dam.

You might also like