Professional Documents
Culture Documents
Ap8 - Q4 Melc 1
Ap8 - Q4 Melc 1
Ap8 - Q4 Melc 1
Modyul 1: Nasusuri ang mga dahilan, mahahalagang pangyayaring naganap at bunga ng Unang
Digmaang Pandaigdig (AP8AKD-IVa-1) – MELC 1
Halimbawa: Ang aristokrasyang militar ng Germany, ay naniwalang sila ang nangungunang lahi sa
Europe.
May mga bansang masidhi ang paniniwalang karapatan nilang pangalagaan ang mga kalahi nila kahit
nasa ilalim ng kapangyarihan ng ibang bansa. Isang halimbawa ay ang pagnanais ng Serbia na
angkinin ang Bosnia at Herzegovina na nasa ilalim ng Austria.
2. IMPERYALISMO
– Isa itong paraan ng pang-aangkin ng mga kolonya at pagpapalawak ng pambansang kapangyarihan
at pag- unlad ng mga bansang Europeo. Ang pag- uunahan ng mga makapangyarihang bansa na
sumakop ng mga lupain at magkaroon ng kontrol sa pinagkukunang-yaman at kalakal ng Africa at Asia
ay lumikha ng samaan ng loob at pagaalitan ng mga bansa.
Halimbawa: Sinalungat ng Britanya ang pag-angkin ng Germany sa Tanganyika (East Africa) sapagkat
balakid ito sa kanyang balak na maglagay ng transportasyong riles mula sa Cape Colony patungong
Cairo.
3. MILITARISMO
-Upang mapangalagaan ang kani-kanilang teritoryo, kinakailangan ng mga bansa sa Europe ang
mahuhusay at malalaking hukbong sandatahan sa lupa at karagatan, gayundin ang pagpaparami ng
armas. Ito ang naging ugat ng paghihinalaan at pagmamatyagan ng mga bansa. Nagsimulang
magtatag ng malalaking hukbong pandagat ang Germany. Ipinalagay na ito'y tahasang paghamon sa
kapangyarihan ng Inglatera bilang Reyna ng Karagatan.
1
Ang Pagsisimula at Mahahalagang Pangyayari sa Unang Digmaang Pandaigdig
I. Ang krisis na naganap sa Bosnia noong 1914 ang naghudyat sa pagsisimula ng World War
Noong Hunyo 28,1914, pinatay si Archduke Franz Ferdinand at ang asawa nitong si Sophie ni Gavrilo
Princip habang sila ay naglilibot sa Bosnia na noon ay sakop ng Imperyong Austria-Hungary. Narito
ang mga pangyayaring nagbunsod sa Unang Digmaang Pandaigdig
Nang dumating ang saklolo ng Germany, natalo ang hukbong Ruso sa Digmaan ng Tannenberg.
Nagtagumpay ang Hukbong Ruso sa Galicia. Ngunit hindi nagtagal ang tagumpay nila. Sila ay
pinahirapan ng mga Aleman sa Poland. Dito tuluyang bumagsak ang hukbong sandatahan ng Russia.
Ang sunod-sunod nilang pagkatalo ang naging dahilan ng pagbagsak ng dinastiyang Romanov noong
Marso 1917 at ang pagsilang ng Komunismo sa Russia. Upang makaiwas ang Russia sa digmaan,
nakipagkasundo si Lenin sa ilalim ng pamahalaang Bolshevik sa Germany sa pamamagitan ng
paglagda sa Treaty of Brest-Litovsk. Iniwan ng Russia ang mga Alyado at sumapi sa Central Powers.
3. Digmaan sa Balkan
Lumusob ang Austria at tinalo ang Serbia pagkaraan ng ilang buwan. Upang makaganti ang Bulgaria
sa pagkatalo, sumapi ito sa Central Powers noong Oktubre, 1915. Sa taong 1916, karamihan sa mga
estado ng Balkan ay napasailalim na ng Central Powers. Ang Italya naman ang tumiwalag sa Triple
Alliance at nanatiling neutral. Noong 1915, sumali ito sa magkaanib na bansa. Hinangad na maangkin
ang mga teritoryong Latin na hawak ng Austria (Italy Irrendenta) at ang mga kolonya nito sa Africa.
Ang Turkey ay kumampi sa Germany upang mapigilan ang Russia sa pag-angkin sa Dardanelles.
4. Ang Digmaan sa Karagatan
Sa unang bahagi ng digmaan ay nagkasubukan ang mga hukbong pandagat ng Germany at Britanya.
Ang naitaboy ng mga barkong pandigma ng Germany mula sa Pitong Dagat (Seven Seas) lakas
pandagat ng Britanya. Dumaong ang bapor ng Germany sa Kanal Kiel at nagging mainit ang labanan.
Makapangyarihan ang hukbo ng mga alyado sa dagat. Sa kabilang dako, ang mabibilis na raider at
mga sumbarinong U-boats ng kanilang kalaban ay nakagawa ng malaking pinsala sa kalakalang
pandagat ng mga Alyado. Ang pinakamabagsik na raider ng Germany ay ang Emden. Sa dakong huli,
napalubog itong Sydney, isang Australian cruiser.
2
GAWAIN I
7.
8.
9.
10.
3
TAYAHIN:
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang sumusunod na katanungan. Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat ito sa
iyong papel.