AP9 Q3 Week4 V1

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 30

Araling Panlipunan

Aralin 4: IMPLASYON
Ikatlong Markahan
Araling Panlipunan – Ikasiyam na Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 1: Pamagat
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala
at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito
ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education – Region (Ex. Department of Education-Region III)


Office Address: ____________________________________________
____________________________________________
Telefax: ____________________________________________
E-mail Address: ____________________________________________
9

Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan – Modyul 3:
Aralin 4: IMPLASYON
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang (Asignatura at Baitang) ng Alternative
Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Pamagat ng Aralin !
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga
edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang
gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at
malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong
ito sa pinakakatawan ng modyul:

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

2
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa (Asignatura at Baitang) ng Alternative Delivery
Mode (ADM) Modyul ukol sa (Pamagat ng Aralin) !
Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa
pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin
nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.
Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga
Alamin dapat mong matutuhan sa modyul.

Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


Subukin ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.
Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral
Balikan upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


Tuklasin ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas
na suliranin, gawain o isang sitwasyon.
Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling
Suriin pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

3
Binubuo ito ng mga gawaing para sa
Pagyamanin malayang pagsasanay upang mapagtibay
ang iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.
Naglalaman ito ng mga katanungan o
Isaisip pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.
Ito ay naglalaman ng gawaing
Isagawa makatutulong sa iyo upang maisalin ang
bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na
sitwasyon o realidad ng buhay.
Ito ay gawain na naglalayong matasa o
Tayahin masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.

Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong


Karagdagang panibagong gawain upang pagyamanin ang
Gawain iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.
Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa
Susi sa Pagwawasto lahat ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:


Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa
paglikha o paglinang ng modyul na ito.
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na
papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.

4
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka
rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o
sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging
itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng
makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

5
Alamin
Ang mga gawain sa bahaging ito ay tutuklas sa inyong paunang kaalaman
tungkol sa IMPLASYON at kung ano mga palatandaan,epekto,at mga paraan sa
paglutas ng mga suliraning kaugnay nito.

Sa pagtatapos ng sesyon ang mga mag-aaral ay inaasahang:


● Nabibigyang kahulugan ang Implasyon.
● Naipapaliwanag ang mga uri ng implasyon.
● Natatalakay ang dahilan at bunga ng implasyon.
● Natatalakay ang mga uri ng price index;
● Nakapagtutuos ng Antas ng Implasyon, Consumer Price Index, at
Purchasing Power of Peso; at
● Napapahalagahan ang mga paraan ng Paglutas ng Implasyon.
● Naiisa-isa ang mga epekto ng implasyon;
● Nasusuri ang mga epekto ng implasyon;
● Natatalakay ang pamumuhunang isinasagawa sa bansa;
● Nakakalahok ng Aktibo sa mga hakbang sa paglutas sa suliranin
kaugnay sa implasyon.

Subukin

1
Subukin
Basahin at unawain ang bawat katanungan. Bilugan ang tamang sagot.
1. Tumutukoy sa pagtaas ng pangkalahatang presyo ng mga piling produkto
na nakapaloob sa basket of goods ayon sa ‘The Economics Glossary’ .
a. demand
b. implasyon
c. price index
d. consumer price index
2. Tawag kung saan ang presyo ay tumataas bawat oras.
a. demand pull
b. implasyon
c. nutrition
d. hyperinflation
3. Ito ang sumusukat sa pangkalahtang antas ng presyohe process by which
ng mga produkto at serbisyong nagawa ng ekonomiya sa loob ng isang taon.
a. Basket of goods
b. Consumer price index
c. GNP deflator
d. Poducer price index
4. Ito ay nagaganap kapag nagkakaroon ng paglaki sa paggasta ang
sambhayan,bahay-kalakal,pamahalaan at panlabas
a. Cost push
b. demand pull
c. basket of goods
d. assimilation

5. Index ng mga presyong binabyaran ng mga tindahang nagtitingi para


sa mga produktong muli nilang ibebenta sa mga namimili.
a. Consumer price index
b. Producer price index
c. Implicit price index
d. Gnp deflator
6. Ito ay ginagamit din upang masukat ang antas ng pamumuhay ng
mga consumer.

a. Goods
b. Basket of goods
c. Commercial basket
d. Grocery

2
7. Ang pagtaas ng mga gastusing pamproduksiyon ang siyang sanhi ng
pagtaas ng presyo ng mga bilihin.
a. Cost-push
b. Demand-pull
c. Imputs
d. Shortage
8. Ang nakatakdang halaga ng isang kalakal o paglilingkod.
a. Pisyolohikal
b. Presyo
c. Price elasticity of demand
d. Pagkonsumo
9. Tinitignan sa isang produkto upang masukat ang bilis at laki ng
pagbabago sa presyo.
a. Halaga
b. Timbang
c. Uri
d. Klase
10. Saang bansa naganap ang hyperinflation noong 1920.
a. Pilipinas
b. Korea
c. Japan
d. Germany

3
4
Aralin
4 IMPLASYON

Balikan
Magbalik Tanaw :
Magtanong sa inyong mga Magulang ,o lolo ,o lola ,o tita o Kamag-anak na
kasama sa Tahanan ang presyo ng mga sumusunod na produkto noong
kapanahunan nila. Isulat ang mga impormasyon sa talaan na nakikita at suriin
mabuti.

Presyo ng Produkto ( noong 3rd year high school sila)


Produkto Panahon ni Panahon ni Panahon ng Kasalukuyang
lolo lola magulang o taon
kasama sa
tahanan
nakakatanda
1 kilong bigas
1 latang
sardinas
1 kilong bigas
1 kilong
manok
I bote ng
softdrinks

5
Pamprosesong tanong :

1. Ano ang napansin mo sa presyo ng mga produkto ayon sa mga


panahong ibinigay ?
2. Sa inyong palagay , bakit nagkaroon ng pagbabago sa presyo ng
produkto ?
3. Paano naapektuhan ang inyong pamilya at ang ibang tao sa
pagbabago ng presyo ?

Tuklasin

Pamprosesong Tanong
1. Ano ang pinahihiwatig ng larawan?
2. Ano ang basehanng iyong nagging obserbasyon?
3. Sa iyong palagay ano ang maaaring maging
dahilan ng ganitong sitwasyon?

6
Suriin
Sa bahaging ito ng modyul matutuklasan ng mag-aaral ang kanyang paunang kaalaman
tungkol sa implasyon at kung ano ang mga palatandaan, epekto, at mga paraan sa paglutas ng
mga suliraninng kaugnay nito:
Gawain 1: WORD TWIST
Ayusin ang mga salitang ginulo.
1. Ang sa kasiglahan ng economic indicator ang inusukat
2. Gross National Income ang kabuuang pampamilihang halaha ang lahat ng produkto
na nabuong ginawa sa itinakdang panahon sa loob ng bansa
3. Gross Domestic Product. Ay naman pampamilihang halaga ay sumusukat ng lahat
produkto at serbisyo na ginawa sa loob ng tapos na kabuuang isang takdang panahon
isang bansa ng.

7
ANG IMPLASYON
Ang patuloy na pagtaas ng pangkalahatang presyo o halaga
ng halos lahat ng mga produkto at serbisyo sa ekonomiya ay tinatawag na
implasyon.Ito ay nangyayari kung ang kabuuang suplay ay hindi
nagbabago at nagagamit sa hangganan ng kapasidad nito para sa
industriya. Ayon sa The Economics Glossary, ang implasyon ay
tumutukoy sa pagtaas ng pangkalahatang presyo ng mga piling produkto
na nakapaloob sa basket of goods. Ayon naman sa aklat na Economics
nina Parkin at Bade (2010), ang implasyon ay pagtaas na paggalaw ng
presyo at ang deplasyon ay ang pagbaba sa halaga ng presyo. Kaya sa
tuwing may pagtaas sa pangkalahatang presyo ng mga bilihin sa isang
ekonomiya, ang kondisyon ng implasyon ay nagaganap. Dahil dito,
naapektuhan ang dami ng produkto na maaaring mabili ng mamimili.
Ang pagtaas ng presyo ay sinasabing kaakibat na ng ating
buhay. Hindi nabago sa mga bansa na makaranas ng implasyon, kahit sa
kasalukuyang panahon, ang implasyon ay isang suliraning hindi
mapipigilan, Ang mga pangunahing produkto tulad ng bigas, asukal,
manok, karne, isda at iba pa ay hindi nakaliligtas sa pag taas ng presyo.
PAMPROSESONG TANONG:
1. Ano ang implasyon?
2. Bakit nagkakaroon ng implasyon?
3. Paano mo malalaman na may implasyon?

DAHILAN NG IMPLASYON
1. DEMAND PULL
Bawat sector ng ekonomiya(sambahayan, bahay-kalakal,
pamahalaan at panlabas na sector) ay may kanya-kanyang
demand, ito ay bumubuo sa tinatawag na kabuuang demand o
aggregate demand.
Ang demand pull ay isang uri ng implasyon kung saan may
pagtaas sa demand para sa produkto bunga ng pagtaas sa
aggregate demand.sa kalagayang ito, mas marami ang aggregate
demand o kabuuang demand kaysa aggregate supply o kabuuang
suplay.
Sa ganitong uri, ang tanging dahilan ng implasyon ay galling
sa mamimili. Mayroong patuloy at walang tigil na pagtaas ng
demand.Kapag ang demand ay tumataas at hindi ito matugunan ng
suplay, ang pangkalahatang presyo ng bilihin ay tataas na nagiging
sanhi ng implasyon. Tumataas ang aggregate demand sanhi ng
ibat’ibang salik tulad ng pagtaas ng gastusin ng pamahalaan at
labis na dami ng salaping nasa sirkulasyon.
2. COST – PUSH

Ang pagtaas ng mga gastusing pamproduksyon ang siyang sanhi


ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin.Kung ang isang salik sa produksyon,
halimbawa ay ang lakas paggawa, ay magkakaroon ng pagtaas ng sahod,
maaari itong makaapekto sa kabuuang presyo ng mga produktong
ginawa.Maipapasa ng mga prodyuser ang
pagtaas sa halaga ng lakas paggawa sa mga mamimili.Kaya madalas na marinig sa
mga negosyante ang pagiwas sa pagtataas ng sahod ng mga manggagawa dahil sa

8
epekto nito sa kabuuang presyo ng produksyon.Gayun din ang maaaring mangyari
kung tataas ang presyo ng mga inputs o hilaw na materyales o sangkap ng
produksyon. Ang karagdagang gastos ng mga ito ay makapagpapataas sa kabuuang
presyo ng mga produkto dahil hindi nanaisin ng prodyuser na pasanin ang bigat ng
pagbabago sa presyo ng produksyon.
DAHILAN AT BUNGA NG IMPLASYON
Maraming salik ang nakaaapekto sa presyo sa pamilihan na nagiging daan sa
pagkakaroon ng implasyon.
DAHILAN NG IMPLASYON BUNGA NG IMPLASYON

9
PAMPROSESONG TANONG
1. Paano nakakaapekto ang mga mataas na kita ng mga tao o mataas na suplay ng salapi
sa ekonomiya sa presyon ng mga produkto?
2. Anong dahilan ng bansa kung bakit nakadepende ito sa pang-aangkat ng produkto sa
ibang bansa?
3. Bakit nahihikayat ang mga negosyante na magluwas ng rodukto o magtinda ng
kalakal nila sa labas ng bansa?
4. Paano magiging dahilan ang pagtaas ng presyo ng produkto sa pamilihan ang mga
monopolista at myembro ng kartel?
5. Ipaliwanag ang kaugnayan ng pagtaas ng buwis sa pagtaas ng presyo ng mga
produkto at serbisyo.

Gawain 3: DAHILAN O BUNGA


Suriin ang sumusunod na sitwasyon. Tukuyin kung ano ang mga ito ang dahilan ng
implasyon o (DI) o bunga ng implasyon o (BI).
1. Malaking bahagi ng badyet ng bansa ang napupunta sa pambayad-utang.
2. Mas malaki ang gastusin sa military kaysa sa agrikultura.
3. Maraming produkto ang hindi kayang bilhin ng mamamayan.
4. Maraming mag-aaral ang hindi na kayang pag-aralin ng kanilang mga magulang.
5. Paghingi ng karagdagang sahod ng mga manggagawa.
6. Mataas na halaga ng mga materyales na kailangan sa produksyon.
7. Mataas na interes ang ipinapataw sa mga utang.

Gawain 4: LADDER WEB


Punan ang hinihingi ng bawat kahon na may kaugnayan sa implasyon.

10
PAGYAMANIN:

PAGSUKAT NG IMPLASYON
Karaniwang ginagamit sa pagsukat ng implasyon ang consumer price index (CPI)
upang mapag-aralan ang pagbabago sa presyo ng mga produkto. Ang Price Index ay ang
average ng presyo ng mga pangunahing bilihin. Ito ay inihahambing sa presyo ng isang
batayang taon. May tatlong element na dapat bantayan sa pagbuo ng price index.
● Ang mga produkto na kasama sa market basket.
● Ang halaga ng bawat produkto na kasama sa market basket.
● Ang batayang taon na gagawing punto ng paghahambing.

IBAT’IBANG URI NG PRICE INDEX


Dahil sa pagbago-bago sa presyo ng mga produkto, nabuo ang isang mekanismo
upang masukat ang laki ng pagbabago sa presyo.Ilan sa mga panukat ang sumusunod.
1. GNP Implicit Price Index o GNP Deflator. Ito ang average price index na
ginagamit para mapababa ang halaga ng kasalukuyang GNP at masukat ang
totoong GNP.Ito ang sumusukat sa pangkalahatang antas ng presyo ng mga
produkto at serbisyong nagawa ng ekonomiya sa loob ng isang taon.
2. Wholesale or producer price Index (PPI). Index ng mga presyong binabayaran
ng mga tindahang ngtitingi para sa mga produktong muli nilang ibebenta sa mga
mamimili.
3. Consumer price Index (CPI). Sinusukat ang pagbabago sa presyo ng mga
produkto at serbisyong ginagamit ng mga konsyumer. Batayan sa pagkompyut ng
CPI ang presyo at dami ng produktong kadalasang kinokonsumo ng bawat
pamilya na nasa loob ng tinatawag na market basket. Ang market basket ay
ginagamit din upang masukat ang antas ng pamumuhay ng mga konsyumer.

PAMPROSESONG TANONG
1. Ano- ano ang ibat’ibang uri ng Price Index?
2. Ano ang kahalagahan ng CPI sa pagtutuos ng antas ng implasyon at kakayahan ng
piso na makabili?
3. Bakit mahalagang matuos ang antas ng implasyon?
4. Paano tinutuos ang CPI, IR at PPI?

Makikita sa talahanayan ang pangkat ng mga produktong karaniwang kinokonsumo


ng pamilyang Pilipino.

11
Weighted Price ng Pangkat ng mga produktong kinokonsumo ng isang pamilyang
Pilipino (sa piso)
Aytem 2011 2012
Bigas 700 750
Asukal 120 130
Mantika 200 220
Isda 175 190
Karne ng baboy 250 300
Total weighted Price 1,445 1,590

Upang makuha ang consumer price index, gamitin ang pormula sa ibaba. Pagbatayan ang
talahanayan sa itaas at gamitin ang taong 2011 bilang batayang taon. Tandaan ang consumer
price index ay sumusukat sa average na pagbabago ng mg aproduktong karaniwang
kinokonsumo ng pamilyang Pilipino.
Total Weighted Price ng kasalukuyang taon X 100
CPI = Total Weighted Price ng Basehang Taon
Batay sa naturang formula ang consumer price index ay.
CPI= 1,590 x 100

1,445

= 110.03

Upang makopyut ang antas ng implasyon, gamitin ang poumula:

CPI ng Kasalukuyang Taon-CPI ng Nagdaang Taon


Antas ng implasyon = X100
CPI ng Nagdaang Taon

Antas ng implasyon= 110.03 -100 x100

100

= 10.03%

Sa pamamagitan ng CPI, maaari nang makuha ang kakayahan ng piso bilang gamit sa
pagbili o purchasing power, gamitin ang pormulang ito:

100 x 100
Purchasing Power =
110.03

12
= 0.9088

Ang kakayahan ng piso bilang gamit sa pagbili sa taong 2012 ay 0.9088. Ibig sabihin,
ang piso sa taong 2012 ay makakabili na lamang ng halagang .91 sentimos batay sa presyo
noong taong 2011 dahil sa implasyon.Mahalagang malaman na lumiliit ang halaga ng piso
habang tumataas ang CPI. Mapapansin na habang tumataas ang CPI ay bumababa naman ang
kakayahang bumuli ng piso.

Gawain 5: Pagtutuos ng CPI

Gawain 6: Magkompyut Tayo

EPEKTO NG IMPLASYON SA MGA MAMAMAYAN


Mga Nakikinabamg sa implasyon Halimbawa

13
Mga Umuutang Ang mga umuutang ay may 10% interest sa
kanilang hiniram na pera. Ang ibinayad ng
nangutang kasama ang interes ay Php 1,000.
Ngunit dahil sa 15% ng implasyon, ang
halaga ng buong ibinayad ay Php 935 lamang
kaya sya ay nakinabang.
Mga negosyante/may-ari ng kompanya Retailer ng gasoline ang isang tao at marami
syang imbak nito. Kapag tumaas ang presyo
ng gasoline, tataas ang kanyang kita nang
hindi inaasahan.
Mga speculator at mga negosyanteng may Mga real state broker, ngtitinda ng mga
malakas ang loob mamuhunan alahas at iba pa na nagspeculate na tataas ang
presyo sa hinaharap.
Mga Taong Nalulugi Halimbawa
Mga taong may tiyak ang kita Ang mga empleyado tulad ng guro, pulis,
klerk, nars, at iba pang tumatanggap ng tiyak
na kita bawat buwan ay matinding
naaapektuhan sa pagtaas ng presyo. Ang
dating dami na nabibili ay nababawasan dahil
bumababa ang tunay na halaga ng salapi.
Ang mga taong nagpapautang Ang taong nagpapautang ay umaasa na kikita
ng 10% interes sa kaniyang pinahiram na p
era.Ang binayad ng nangutang kasama ang
interes ay Php 1000. Ngunit dahil sa 15% na
implasyon, ang halaga ng kanyang tinanggap
ay Php 935 lamang kaya sya ay nalugi.
Mga nag-iimpok Sila ay nalulugi kapag ang interes ng
kanilang inimpok s bangko ay masmaliit
kompara sa antas ng implasyon. Ang real
value o tunsy ns hslsgs ng dslsping nasa
bangko ay bumababa bunsod ng mas
mababang kinikita nito mula sa interes.

Pamprosesong Tanong:

1. Paano nakikinabang ang mga umuutang kapag may implasyon?


2. Bakit nakakaengganyo para sa mga prodyuder ang gumawa ng produkto kapag mataas ang presyo
nito?
3. Paano kumikita ang mga speculator kapag may implasyon?
4. Bakit mahirap para sa mga nagtatrabaho na may tiyak na kita ang pagkakaroon ng implasyon?
5. Paano nalulugi ang mga nagpapautang kapag may implasyon?
6. Mainam bang mag-impok kapag may implasyon? Bakit?

Isaisip

14
1. The basic characteristics of living things include movement, metabolism,
growth, response, and reproduction.
2. Metabolism is the sum of all chemical activities essential to life. Ingestion,
digestion, respiration, and excretion are metabolic activities that occur in all
organisms.
3. Life span is the maximum length of time a particular organism can be
expected to live.
4. A living thing reacts to a stimulus, which is a change in the environment,
by producing a response.
5. Reproduction is the process by which organisms produce offspring.
6. Asexual reproduction requires only one parent while sexual reproduction
requires two parents.
7. Living things need energy for metabolism. The primary source of energy for
all living things is the sun.
8. Oxygen in the air or dissolved in water is used by all organisms during
respiration.
9. Carbon dioxide is used by plants to make food.
10. Homeostasis is the ability of an organism to keep conditions constant inside
its body when the outside environment changes.

15
Isagawa

Tayahin

Basahin at unawain ang bawat katanungan. Bilugan ang tamang sagot.


11.Tumutukoy sa pagtaas ng pangkalahatang presyo ng mga piling produkto
na nakapaloob sa basket of goods ayon sa ‘The Economics Glossary’ .
a. demand
b. implasyon
c. price index
d. consumer price index
12.Tawag kung saan ang presyo ay tumataas bawat oras.
e. demand pull
f. implasyon
g. nutrition
h. hyperinflation

16
13.Ito ang sumusukat sa pangkalahtang antas ng presyohe process by which
ng mga produkto at serbisyong nagawa ng ekonomiya sa loob ng isang taon.
i. Basket of goods
j. Consumer price index
k. GNP deflator
l. Poducer price index
14.Ito ay nagaganap kapag nagkakaroon ng paglaki sa paggasta ang
sambhayan,bahay-kalakal,pamahalaan at panlabas
m. Cost push
n. demand pull
o. basket of goods
p. assimilation

15. Index ng mga presyong binabyaran ng mga tindahang nagtitingi


para sa mga produktong muli nilang ibebenta sa mga namimili.
q. Consumer price index
r. Producer price index
s. Implicit price index
t. Gnp deflator
16. Ito ay ginagamit din upang masukat ang antas ng pamumuhay ng
mga consumer.

u. Goods
v. Basket of goods
w. Commercial basket
x. Grocery

17. Ang pagtaas ng mga gastusing pamproduksiyon ang siyang sanhi


ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin.
y. Cost-push
z. Demand-pull
aa.Imputs
bb. Shortage
18. Ang nakatakdang halaga ng isang kalakal o paglilingkod.
cc.Pisyolohikal
dd. Presyo
ee.Price elasticity of demand
ff. Pagkonsumo
19. Tinitignan sa isang produkto upang masukat ang bilis at laki ng
pagbabago sa presyo.
gg.Halaga

17
hh. Timbang
ii. Uri
jj. Klase
20. Saang bansa naganap ang hyperinflation noong 1920.
kk. Pilipinas
ll. Korea
mm. Japan
nn. Germany

18
Karagdagang Gawain
ELEKTRONIKONG GAWAIN
Pumunta sa DepEd Commons at sagutan ang mga Gawain sa Yunit III – Aralin 3 –
Implasyon.

19
Susi sa Pagwawasto

20
Sanggunian
Kamalaysayan: Serye sa Araling Panlipunan FNB EDUCATIONA Inc.
Lucila Perez-De Guzman pahina 299-306
Department of EducationModyul sa Araling Panlipunan IX Pahina 272-281
. (2020) Daily Lesson Plan (Ikatlong Markahan) 9-Ekonomiks (MELCs). Unpublished

Elektronikong Sanggunian:

http://www.slideshare.net/sirarnelPHhistory/k12-aralin-15-produksiyon-at-kita-ng-pambansang-eko
nomiya3.
Google.com/search capital finance international

Brigada: Epekto ng Inflation Rate sa Bansa

https://youtu.be/Sczl-ox2d6k
Brigada: Pamilyang Pilipino, paano naapektuhan ng pagtaas ng inflation rate sa bansa?
https://youtu.be/YiP7pRFelRA

21

You might also like