Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 9

CUSTOMS OF THE TAGALOGS

Relacion de las Costumbres de Los Tagalos

Padre Juan de Plasencia

- Ipinanganak sa isang marangal na pamilya sa Portocarreros Plasencia


sa rehiyon ng Extremadura Spain noong 1520.

- Siya ay dumating sa Pilipinas kasama ng mga unang grupo ng mga


Misyoneryong Franciscano.

- Ang barkong sinasakyan nila ay dumaong sa pantalan ng Cavite noong


Hulyo 2, 1578.

Mga Tungkuling Ginampanan sa Pilipinas

- Pagkatapos ng dalawang buwan, siya ay sumapi sa pinagsamang lakas


ng isa pang Misyoneryo na si Diego de Oropesa.

- Ang dalawa ay parehong nangaral ng Katolisismo sa Laguna de Bay


hanggang Tayabas (ngayon ay tinatawag na Quezon Province)

- Ang kanyang buhay ay kinakitaan ng kasigasigan at taos-pusong


pagtatalaga sa mga espiritwal na gawain.

- Siya ay kinilala bilang tagapagtanggol ng mga katutubo, mga maysakit,


mga pinabayaan ng Lipunan at lumabas para sa kanilang Karapatan sa
maraming pagkakataon.

Mga Akda ni Padre Juan de Plasencia

Doctrina Cristiana – kauna-unahang aklat na nailimbag sa Pilipinas


- Ito ay nailimbag sa mga sumusunod na wika; Espanyolm Tagalog, Latin,
Baybayin ng mga katutubo, at Tsino.

La Santina – isang aklat na naglalaman ng panalangin at pagninilay na


nasusulat sa wikang Tagalog.

Relacion de Las Costumbres de los tagalos (1589)

- Akdang nakatulong upang maunawaan at mapanatili ang paniniwala at


kinagawian ng mga katutubo.

- Ang orihinal na sulat ni Juan de Plasencia ay base sa kaniyang sariling


obserbasyon.

- Masasabi na bago pa man sakupin ang Pilipinas ay mayroon na tayong


sariling pamamahala at paniniwala.

- Itinuring ng mga historyador ang gawa ni Plasencia bilang “Friar


Account”.

- Ang “Customs of Tagalog” na isinulat ni Plasencia ay kasalukuyang


nasa Archivo General de India (A.G.I.) Serville, Spain.

- Mayroon din itong kopya sa Archivo Franciscano Ibero – Oriental


(A.F.I.O.) sa Madrid Spain.

- Nagkaroon din ng English version sa Pilipinas na matatagpuan sa


Volume VII ng Blair and Robertson Collections.

Mga Gawi ng mga Tagalog

• Social Classes

• Kasal

• Ekonomiya
• Batas

• Pamahalaan

• Mga Paniniwala

Nilalaman at Kontribusyon sa Kasaysayan ng Pilipinas

1. Lipunan (Barangay, Dato, 3 Castes)

• Dato – pinuno ng pamayanan; sinusunod at iginagalang

- ang sinaunang mamamayan na makagawa ng sala laban sa kanya, o


sa kanyang pamilya, ay mapapatawan ng kaukulang parusa.

• Barangay – ito ay binubuo ng humigit-kumulang 30-100 kabahayan.


Nagmula ito sa pangalan ng isang sasakyang-pandagat na “balangay”.

Antas ng Lipunan

a. Maharlika – malaya o freemen

- hindi nagbabayad ng buwis o tribute

- tagapagsilbi ng Datu

b. Aliping Namamahay – nagsisilbi sa kanilang mga amo o panginoon.

- maaaring magkaroon ng sariling ari-arian

- hindi pwedeng ipagbili

c. Aliping sa Guiguilir/Saguiguilid – aliping nagsisilbi at maaaring


ipagbili ng kanilang panginoon.

2. Pagmamay-ari – ang bawat kasapi ng barangay ay may bahagi sa


lupa, lalo’t higit doon sa mga bahaging may irigasyon.

- walang sinumang maaaring magsaka na di kabilang sa barangay


maliban kung ito ay minana o nabili.
- ang pangisdaan ng datu ay may takdang hangganan.

- kung hindi napapabilang sa barangay, kinakailangang magbayad upang


makapangisa.

- the lands of the tingues, or mountain ridges, are not divided but owned
by the barangay as a whole.

- Sistema ng Ekonomiya: pagbabayad ng gintong tael or pakikipagppaliy


ng ari-arian.

3. Paniniwala at gawi ukol sa kasal, pag-aampon at paghihiwalay

• Pagkakasal – hindi pwedeng umalis o lumipat ng barangay ang isang


Maharlika pagkatapos nitong makasal nang hindi nagbabayad ng
karampatang bilang ng ginto (isa hanggang tatlong gintong tael at
padespedida sa buong barangay)

Dowries – given by men to the women’s parents before marriage. If the


parents are both alive, they both enjoy the use of it; ito ay maaaring
maging pera, ari-arian, crops at iba pa.

-ito ay may iba’t ibang uri o tinatawag ding form of dowries, ito ay
nakatuon sa mga ginawang pag-aalaga ng mga magulang o
kamag-anakan para sa kanyang pakakasalang babae.

Panghimuyat – pagpupuyat ng mga magulang sap ag-aalaga sa babae


noong ito ay sanggol/bata pa

Bigay suso – pagpapadede/pagpapasuso sa bata ng kanyang ina

Himaraw – pagpapakain sa babae

Sambon – popular sa mga babaeng lubos o lumaki sa puder ng


kamag-anakan ay nakatuon naman itong uri ng dowry sa kanila
(Ang lalaki ay pipili kung anong form of dowry/ies ang ibibigay, anuman
ang piliin niya ay mapapakinabangan naman ito ng magulang o
kamag-anakan ng babae.)

• Paghihiwalay

- Babae ang umiwan sa kanyang asawa upang magpakasal sa iba

- Babae ang umiwan sa kanyang asawa ngunit walang layunin


mag-asawa muli

- Lalaki ang umiwan at nagpakasal ulit

- Kapag silang dalawa ay mayroong mga anak

*Hindi maaaring magdivorce ng basta-basta, may basis ito, maaaring


mapatunayan if:

1. May nagcheat

2. May pang-aabusong nangyayari o kasakiman

3. Pag-iwan ng lalaki sa babae

4. Insanity or in layman’s term ay pagkabaliw

Pag-aampon – ang bata ay makatatanggap ng doble sa halaga ng pagkakabili


sa kaniya. Investigations and sentences for the accused shall be presented
and read in front of the tribe.

4. Pananampalatay kabilang ang Relihiyon

- Walang templo o sagradong lugar ang mga Pilipino


- Ang salitang simbahan ay nangangahulugang lugar ng
pananampalataya

- Itinatayong malaking tahanan ng Datu, kung saan ang mga tao ay


nagdiriwang, katulad ng pandot

Pandot – tumatagal ng apat na araw, may mga tambol na pinapatugtog

Nagaanitos – pagsamba sa mga anito

Sibi – pansamantalang tirahan sa mga nagtitipon, na matatagpuan sa


magkabilang panig ng bahay ng datu.

Bathala – ang pinakamataas sa kanilang mga pinaniniwalaan

Araw – pangkalahatang iginagalang dahil sa taglay na kagandahan

Buwan – sila’y nagdiriwang, lalo na kung may bagong buwan

Bituin – hindi nila pinangalanan ang mga bituin, maliban sa isa na tinatawag
na tala

Balatic – malaking kumpol ng mga bituin

Mapolon – pagbabago ng panahon

Lic-ha – mga imahen na may iba’t-ibang hugis

Dian masalanta – patron ng mangingibig at salinglahi

Lacapati at Idianale – patron ng mga sakahan at paghahayupan

Buaya – iniiwasang magalit ng mga Tagalog dahil sa kanilang takot na sila


ay gantihan at masaktan. Iniaalay nila ang bahagi ng kung ano ang meron
silang dala-dala sa kanilang bangka
Labindalawang Pari ng Kasamaan (12 Priests of the Devil)

I. Catolonan – pinangungunahan ang pag-aalay ng para sa piging at ang


pagkain na kakainin ay inialay sa mga demonyo

II. Manggagauay – sila’y nagbabalatkayong nagpapagaling ng maysakit


upang makapanlinlang

III. Manyisalat – sila’y gumagamit ng kapangyarihan upang maghiwalay


ang mag-asawa

IV. Mancocolam – may taglay na kapangyarihang apoy

V. Hocloban – higit na makapangyarihan kaysa sa manggagauay, may


kakayahang pumatay nang hindi gumagamit ng anumang gamut. Sila
ay nakapagpapagaling din ng maysakit

VI. Silagan – may kakayahang dukutin at kainin ang atay ng sinumang


nakaputi

VII. Magtatangal – lumalabas sa gabi na walang ulo at ibinabalik ito bago


sumikat ang araw

VIII. Osuang – nakakalipad at pumapatay ng tao at kinakain ang laman


nito

IX. Mangagayoma – may taglay na kapangyarihan upang akitin ang


kanilang kabiyak at ito ay linlangin

X. Sonat – tumutulong sa pagpatay sa tao. May taglay din silang


kapangyarihan upang malaman kung ang kaluluwa ay masasagip o
hindi.

XI. Pangatahojan – manghuhula


XII. Bayoguin – lalaking nag-aanyong babae

(Itinuturing ni Juan de Plasencia ang mga ito na mangkukulam na gumagawa


ng mapanlinlang na panggagamot, ngunit hindi niya ito kinilala bilang
mahalagang bahagi ng buhay ang mga paniniwala ito ng ating mga ninuno.)

5. Mga Pamahiin – ang bawat pangyayari sa kanilang buhay ay


binibigyang kahulugan

Halimbawa:

• Pagbahing o may nadaanang daga or serpent

• Ang ibong tigmamanuguin ay may dalawang uri ng kanta; isang mabuti


o isang masama

• Kauna-unahang buwanang dalaw ng dalaga

6. Paniniwala ukol sa paglilibing

- Sa paglilibing, ang labi ng namatay ay inilalagay malapit sa kanilang


tahanan, at pinaglalamayan ng apat na araw.

- Inilalagay sa isang bangka na nagsisilbing kabaong ng pumanaw; ito ay


binabantayan ng isang alipin

- Ang pagluluksa ng mga kaanak ay sinusundan ng isang pagdiriwang na


may kainan at inuman

Kaugnayan at Kahalagahan ng Dokumento sa Kasalukuyan


- Mahalagang tunghayan ang nakaraan upang ating maintindihan ang
kasalukuyan

- Unang batas sibil

- Kultura, paniniwala at uri ng gobyerno

- Ang mga tradisyon at paniniwala

- Sobrang patubo (Usury)

Aral

- Nagkaroon tayo ng sariling sistema, pamamahala at tradisyon bago pa


man tayo sakupin ng ibang bansa

- Pagkakaiba-iba/natatanging paglago ng kultura

Judicial System

Trial by ordeal – napapasailalim dito ang mga taong may mabibigat na


kasalanan katulad ng pagpatay at pang aalipusta sa datu o kamag-anakan
niya (ito ay nakadepende sa datu)

- Kung malalagpasan ng tao ang mga pagsubok na ito, ibig sabihin ay


inosente siya, ngunit kapag ‘di niya ito napagtagumpayan at namatay,
guilty siya.

Halimbawa ng trial by ordeal

- Pagkuha ng bato sa kumukulong tubig

- Paglublob at pagtawid sa ilog na may mga nakalublob na mga armas

- Pagpapalunod o paglubog sa tubig

You might also like