Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Pangalan:________________ Petsa:_________________

Baitang/Pangkat:_____________________ Iskor:__________________

I. Kung mababago ang katangian ng mga tao at hindi na sila magtatapon ng basura kung saan saan,
ano kaya ang maaaring manyrai? Piliin ang letra ng tamang sagot.

1. Maiiwasan ang pagbaha sa bayang ito, dahil


A. Mali ang sistema ng koleksyon ng basura
B. Maayos na itinatapon ang mga basura sa tamang lalagyan
C. Magkahalo ang mga nabubulok at di nabubulok na basura.

2. Dadaloy nang maayos ang tubig sa kanal dahil


A. Wala ng lamok
B. Malakas ang agos ng tubig
C. Malinis at walang papel o plastik

3. Mawawala ang mabahong amoy ng paligid, dahil


A. Maraming puno
B. Maayos ang pagkabukod-bukod ng mga basura
C. Sagana sa basurahan ang pamayanan

4. Mahihirapan ang mga taong itapon ang kanilang basura


A. Walang maayos na sistema ng koleksyon
B. Mabigat dahil sa dami ng basura sa paligid
C. Hindi sumusunod sa ordinansya

5. Magkakaroon ng kaguluhan sa bayan, dahil


A. Hindi naipapatupad ng maayos ang batas
B. Walang disiplina ang mga tao
C. Lahat ng sagot ay tama

II. Suriin ang inyong basura sa tamang kulay. Isulat ang berde para sa nabubulok, dilaw sa mga papel
pula sa mga plastik, na basura at sa asul naman ay mga boteng babasagin.

1. Tuyong dahon
2. Plastik straw
3. Lumang magasin
4. Bote ng alak
5. Kaliskis at hasang ng isa

III. Isulat ang Darna kung ang bawat pahayag ay nagdudulot ng kabutihan sa kapaligiran at valentina
kung hindi.

1. Pansamantala kong nilalagay ang mga maliliit na basura tulad ng balat ng kendi sa aking bulsa
hanggang makakita ako ng isang tapunan ng basura.
2. Sinasabihan ko ang nakababata kong kapatid na iwan ang pinagbalatan ng saging sa harapan ng
basurahan.
3. Itinatapon ko ang aking basura sa tamang basurahan.
4. Kaya kong tukuyin kung ano ang nabubulok at hindi nabubulok na basura at tinatapon ko ang mga
ito sa angkop na basurahan.
5. Magalang kong tinatawag ang pansin ng mga taong nagtatapon ng kanilang basura sa kalye.

Bilang mag-aaral sa ika-apat na baitang, paano mo maipapakita ang didplina sapagtatapon ng basura?
5puntos.

You might also like