IKA 8 LINGGO Sa Karaniwang Panahon

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Marcos

Noong panahong iyon, nag-aayuno ang mga alagad ni Juan Bautista at ang mga
Pariseo. May lumapit kay Hesus at nagtanong, "Bakit po nag-aayuno ang mga
alagad ni Juan Bautista at ang mga alagad ng mga Pariseo, ngunit ang mga
alagad ninyo'y hindi?" Sumagot si Hesus,"Makapag-aayuno ba ang mga
panauhin kasalan samantalang kasama nila ang lalaking ikinasal? Hindi! Kapag
wala na ang ikinasal, saka pa lamang sila mag-aayuno.

"Walang nagtatagpi ng bagong kayo sa lumang kasuotan; pag urong ng bagong


kayo, mababatak ang luma at lalong lalaki ang punit. Wala rin namang nagsisilid
ng bagong alak sa lumang sisidlang-balat,sapagkat papuputukin ng alak ang
balat. Kapwa masasayang ang alak at ang sisidlan. Bagong alak, bagong
sisidlang” balat!

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Pagbasa mula sa ikalawang sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga Corinto
Mga kapatid, kami ba ay tulad ng iba na kailangan pang may rekomendasyon
para sa inyo o mula sa inyo? Kayo na rin ang aming rekomendasyon, nakatitik sa
aming puso upang makilala at mabasa ng lahat. Kayo ang maliwanag na sulat ni
Kristo, ang sulat na ipinadala sa pamamagitan namin. Ito'y nasusulat,hindi ng
tinta kundi ng Espiritu ng Diyos na buhay, at hindi sa mga tapyas na bato kundi
sa puso ng tao. Nasasabi namin ang gayun dahil sa aming pagtitiwala sa Diyos sa
pamamagitan ni Kristo. Kung sa aming sarili lamang ay wala kaming sapat
nakakayahang gawin ito; ang Diyos ang nagkaloob nito sa amin. Niloob niyang
kami'y maging lingkod ng bagong tipan,tipang hindi nababatay sa Kautusang
natititik kundi sa Espiritu. Sapagkat ang dulot ng titik ay kamatayan, ngunit ang
Espiritu'y nagbibigay-buhay.

Ang Salita ng Diyos.

IKA-8 LINGGO SA KARANIWANG PANAHON – B

Pagbasa mula sa aklat ni propeta Oseas

Ito ang sinasabi ng Panginoon:


"Dadalhin ko siya sa ilang, kakausapin
nang buong giliw. At tutugon naman siya,
tulad noong panahon ng kanyang
kabataan, nang siya'y kunin ko sa lupain
ng Egipto.

"Ikaw ay magiging aking asawa magpakailanman, Israel; mabubuklod tayo sa


katuwiran at
Katarungan, sa matibay na pagmamahalan, at sa kaawaan.
lkaw ay magiging tapat kong asawa
at makikilala mo ako, ang Panginoon.”

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN :

Tugon: Ang ating mahabaging D’yos


ay nagmamagandang-loob.

Panginoo'y papurihan, purihin mo, kaluluwa


ang pangalan niyang banal purihin mo sa tuwina.
Ikaw, aking kaluluwa, ang Diyos ay papurihan,
at huwag mong lilimutin yaong kanyang kabutihan.

Tugon: Ang ating mahabaging D'yos ay nagmamagnadang-loob.

Ang lahat kong kasalana'y siya ang nagpapatawad,


at anumang aking sakit, ginagamot niyang lahat.
Sa bingit ng kamatayan ako ay inililigtas,
at pinagpapala ako sa pag-ibig niya't habag

Tugon: Ang ating mahabaging D'yos ay nagmamagandang-loob

Kay ganda ng kalooban, mahabagin itong Diyos,


kung magalit ay banayad, kung umibig nama’y lubos.
Kung siya ay magparusa, di katumbas ng pagsuway;
di na tayo sinisingil sa nagawang kasalanan.

Tugon: Ang ating mahabaging D'yos ay nagmamagandang-loob

Ang Silangan at kanluran kung gaano ang distansya


gayung-gayun ang pagtingin sa sinumang nagkasala.
Kung paano nahahabag ang ama sa anak niya
Gayun siya nahahabag sa mga may takot sa kanya.

Tugon: Ang ating mahabaging D'yos ay nagmamagandang-loob.


ALELUYA

Aleluya, Aleluya !
Magulang nati’y D’yos Ama,
Anak ng salita niya,
tayong mga aning una.
Aleluya, Aleluya !

You might also like