ANG BUOD NG IBO WPS Office

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Filipino 7: Ikaapat na Markahan (Ibong Adarna)

Kaligiran ng Ibong Adarna


 Ang orihinal na pamagat ng Ibong Adarna ay Corrido at Buhay na Pinagdaanan nang Tatlong Principeng
Magcacapatid na Anac nang Haring Fernando at nang Reina Valeriana sa Cahariang Berbania.
 Ang Ibong Adarna ay bahagi ng panitikan at mitolohiyang Pilipino. Ito ay isang uri ng korido na binibigkas sa
pakantang pamamaraan.
 Naisulat at naitala sa kasaysayan ng panitikang Pilipno ang Ibong Adarna noong ikalabing-anim naraan siglo
na ang nakalilipas.
 Mula noon at hanggang sa kasalukuyan ay wala pa ring katiyakan kung sino ang totoo na sumulat ng
nasabing epiko.
 Mayroon nagsasabi na ito ay sinulat ni Jose dela Cruz (Huseng Sisiw) at may ibang ulat naman na ito raw ay
epiko ng mga Kastila na dinala ni Manuel Lopez de Legazpi noong siya ay pumunta ng Pilipinas.
 Ang kuwento ng Ibong Adarna ay isinulat bilang isang korido o isang uri ng awit na mayroong walong pantig
ang bawat taludtod. Ang mga korido ay isinusulat noon bilang panalanging iniaalay sa Birheng Maria.
 Hindi matukoy kung sino ang tunay na nagsulat ng akdang ito na naging malaking bahagi ng panitikan ng
Pilipinas. Ngunit sinasabing nagmula ang korido sa bansang Mexico at nakarating lamang sa Pilipinas noong
1610.
 Kahit hindi isinulat ng isang Pilipino, niyakap ito ng marami dahil naangkop sa kultura at pagpapahalaga ng
bansa ang takbo ng kuwento nito, kabilang ang pagmamahal sa pamilya, pagpapahalaga sa magandang
ugnayan ng bawat miyembro, at ang pagiging mabuting anak. Kabilang din sa aral na makukuha sa korido ay
ang pananampalataya.
 May haka-haka na ang manunulat na si Huseng Sisiw o Jose dela Cruz daw ang maaaring nagsulat o
nagsalin nito ngunit walang makapagpatunay.
 Ang orihinal na bersiyong nakarating sa Pilipinas ay mayroong 1,056 na saknong at ang kabuuan ng aklat ay
mayroong 48 na pahina.

Mga Tauhan sa Ibong Adarna

Birheng Maria - Siya ang pinagdasalan ng manunulat sa simula para magiging mabuti ang sinulat niyang korido.

Don Fernando - Si Don Fernando ay ang hari ng Berbanya. Siya ay ang asawa ni Donya Valeriana at ang ama ni
Don Pedro, Don Diego at si Don Juan. Kinalala ng ibang tao na siya ay isang maginoo.

Donya Valeriana - Si Donya Valeriana ay ang asawa ni Don Fernando. Kinala ng ibang tao na siya ay mabait at
maganda.

Don Pedro - Si Don Pedro ay ang panganay ni Don Fernando at Donya Valeriana. Sa tatlo, siya ang pinakamacho
ang katawan at kaiman ang postura.

Don Diego - Siya ang pangalawang anak ni Don Fernando at Donya Valeriana. Sa tatlo, siya ang pinakatahamik.
Lagi siyang sumusunod sa mga utos ni Don Pedro.

Don Juan - Si Don Juan ang bunso ni Don Fernando at ni Donya Valeriana. Sa tatlo, siya ang pinakamahal ni Don
Fernando dahil siya ay puno ng kabaitan. Mahal na mahal rin ni Don Juan ang mga kapatid niya.

Ang Manggagamot - Siya ay nanggamot kay Don Fernando. Sinabi niya na ang Ibong Adarna ang gamot sa sakit
niya.

Ang Leproso - Siya ay dinaanan ni Don Juan upang humingi ng pagkain. Isa siyang tao na may sakit na tinatawag na
lerprosyo.

Ermitanyo - Isa siyang tao na naninirahan sa bundok. Tumulong siya kay Don Juan upang hulihin ang Ibong Adarna.

Ang matanda - Pinahiran ng matanda ng gamot ang sugat ni Don Juan pagkatapos nang marinig ng matanda ang
dasal ni Don Juan. Masasabi mo na isa siyang “Good Samaritan” dahil sa ginawa niya.

Donya Juana - Siya ay isang magandang princesa sa Armenya. Humahanga ang prinsipe sa kanyang kagandahan

Higante - Siya ay isang dambuhala na nagbabantay kay Donya Juana.

Leonora - Katulad ni Donya Juana, siya ay isang magandang princesa sa Armenya. Siya ang kapatid ni Donya
Juana.
Pitong Ulo serpyente - Siya ay isang serpyente na may pitong ulo. Kapag pinatulan mo ang isa, matutubo muli ang
ulo. Nagbabantay siya kay Leonora.

Agila – Ang malaking agila na naghatid kay Don Juan sa Reyno Delos Cristales.

Lobo – Ang alaga ni Donya Leonora na ginamot si Don Juan sa ilalim ng balon.

Ang Unang Ermitanyo - Siya ay tinanong ni Don Juan upang makarating siya sa Reyno De Los Cristales.

Pangalawang Ermitanyo - Siya ay tinukoy ng unang ermitanyo na puntahin. Binigyan nito ng isang pirasong tela kay
Don Juan para mabigay nito sa tatlong ermitanyo.

Tatlong Ermitanyo - Siya ang binigyan ng pirasong tela mula sa pangalawang ermitanyo.Sa pagbigay nito, tinanong
ni Don Juan kung saan yung Reyno De Los Cristal. Siya ang kapatid ng pangalawang Ermitanyo

Donya Maria - Siya ay isang magandang princesa sa Reyno De Los Cristales. Gumagamit siya ng puting majika.
Siya ang tinukoy ng Ibong Adarna kay Don Juan.

Donya Isabel – Ang kapatid ni Donya Maria Blanca.

Donya Juana – Isa pang kapatid ni Donya Maria Blanca.

Haring Salermo - Siya ang ama ni Donya Maria. Gumagamit siya ng itim mahika.

ANG BUOD NG IBONG ADARNA

Sa isang mapayapang kaharian ng Berbanya, may isang hari na ang pangalan ay si Don Fernando,ang
kanyang asawa ay si Donya Valeriana. Sila ay may tatlong anak na lalaki. Ang pinakamatanda aysi Don Pedro, ang
ikalawa ay si Don Diego at ang bunso ay si Don Juan.Isang gabi, samantalang natutulog si Don Fernando, nagkaroon
sya ng isang masamang panaginip atsya ay nagkasakit. Ang kanyang panaginip ay tungkol kay Don Juan na sya daw
ay inihagis sa isangbalong malalim ng dalawang lalaki. Kinabukasan, ipinatawag ang lahat ng manggagamot sa
Berbanyaupang gamutin ang hari, ngunit walang makapagpagaling sa kanya. Hangga't isang ermitanyo angdumating
at nagsabi na ang tanging makapagpapagaling sa kanya ay ang pitong awit ng IbongAdarna. Ang Ibong Adarna ay
matatagpuan sa puno ng Piedras Platas sa Bundok ng Tabor.Isinugo ng hari ang kanyang dalawang anak na lalaki
upang hanapin ang Ibong Adarna, ang una ay siDon Pedro at sumunod ay si Don Diego, ngunit sila ay nabigo sa
paghahanap sa Ibong Adarna. Dahilsa Labis na pagod, sila ay nakatulog sa ilalim ng isang puno na kumikislap ang
mga dahon na parangdiamante. Kapag dumapo ang Ibong Adarna sa kalaliman ng gabi ito ay umaawit at pagkatapos
ayumiipot. Nang mapatakan ng ipot ng ibong Adarna ang dalawang prinsipe, sila'y naging bato.Lumipas ang tatlong
taon ngunit hindi na nakabalik ang dalawang prinsipe, dahil dito natakot si DonFernando na isugo ang kanyang
bunsong anak na si Don Juan dahil baka magkatotoo ang kanyangpanaginip. Ngunit nagpumilit si Don Juan na
hanapin ang Ibong Adarna.Samantalang si Don Juan ay naglalakbay upang hanapin ang ibon, nakita nya ang isang
ketongin nahumingi sa kanya ng pagkain. Dahil si Don Juan ay may magandang kalooban, ibinigay nya angkanyang
kahuli-hulihang baon na tinapay sa matandang lalaki na ketongin. Dahil dito, tinulungan syang ketongin kung papaano
matatagpuan ang Ibong Adarna. Sinabi nito na mayroon isang maliit nabahay malapit sa bundok kung saan nakatira
ang isang ermitanyo na magbibigay sa kanya ngkaalaman kung papano mahuhuli ang Ibong Adarna. At ibinilin din ng
matanda na huwag syanghihimlay sa isang puno na kaiga-igaya ang anyo.At nagtungo si Don Juan sa bahay ng
ermitanyo, pinatuloy naman si Don Juan sa bahay ng ermitanyoat inanyayahang kumain. Nagulat si Don Juan nang
makita nya na ang pagkain na inaalok sa kanya ayang kanyang tinapay na ibinigay sa isang ketongin. Kaya't inisip ni
Don Juan na ang ermitanyo at angketongin ay iisa. Binigyan ng ermitanyo si Don Juan ng pitong dayap, matalim na
labaha, at gintongsintas. At kanyang sinabi na tuwing kakanta ang Ibong Adarna, kailangan sugatan nya ang
kanyangkatawan at patakan ng katas ng dayap ang sugat upang hindi sya makatulog. Kailangan din nyangumiwas
kung ang ibon ay umipot pagkatapos umawit ng pitong awit. At kapag nahuli na nya angIbong Adarna, dapat talian
nya ito ng gintong sintas na ibinigay sa kanya ng ermintanyo.Naging matagumpay si Don Juan na makita at mahuli
ang Ibong Adarna ayon sa bilin ng matanda.Dinala nya ang Ibong Adarna sa bahay ng ermitanyo na doon ay inilagay
sa isang hawla ang ibon.Kanya ring nailigtas ang kanyang dalawang kapatid nang buhusan nya ito ng tubig ayon s
autos ngermitanyo. Ngunit sa kabila ng mga ito, naiingit si Don Pedro kay Don Juan at sinabi nya kay DonDiego ang
kanyang masamang balak kay Don Juan. Sumang-ayon si Don Diego sa masamang balakng kanyang kapatid.
Kanilang sinaktan si Don Juan hanggang sya ay mawalan ng malay. Kinuha ninaPedro at Diego ang Ibong Adarna at
dinala ito sa hari. Gayunpaman, pagdating nila sa hari hindihumuni at umawit ang ibon.Samantala, nagdasal si Don
Juan dahil sa hindi sya halos makagapang sa bugbog na tinanggap mulasa dalawang kapatid. Isang matanda ang
tumulong sa kanya at sya'y hinilot hanggang gumaling.Dagli-dagli syang umuwi at sa kanyang pag-dating sa kaharian
nagpalit agad ng balahibo ang ibon atbigla itong umawit. Ang kanyang pitong mga awit ay patungkol sa ginawa ng
dalawang prinsipe kayDon Juan, na doon din gumaling ang hari.

Nais ni Don Fernando na parusahan ang kanyang dalawang anak dahil sa kanilang ginawa kay DonJuan,
nguni't paglao'y nagbago din ang kanyang isip dahil sa paki-usap na rin ni Don Juan.Ngunit isang gabi na
nagbabantay si Juan sa ibong Adarna, siya ay nakatulog at hindi namalayan napinakawalan nina Pedro at Diego ang
Ibon at lumipad ang ibon papalayo sa kaharian ng Berbanya.Ipinasya ni Juan na umalis at magpunta sa bundok ng
Armenia dahil sa takot na sya angpagbintangan na nagpalaya sa ibon. Ngunit sya ay ipinahanap ng hari sa kaniyang
dalawang kapatid.Natagpuan ni Don Pedro at Don Diego si Don Juan sa Armenia. Sa kanilang paglalakbay pabalik,
isangaraw nakakita sila ng isang balon, sila'y bumaba doon ngunit tanging si Juan lang ang nakaabot sapondo ng
balon at sa ibaba nito nakita nya ang isang napakagandang ginintuang palasyo. Doon nakitadin niya ang mga
magagandang prinsesa na si Juana at Leonora, nguni't sila ay binabantayan ngserpente na may pitong ulo at higante.
Napatay ni Juan ang higante at ang serpente. Dahil doon,sumama sila Prinsesa Juana at Leonora kay Juan palabas
ng balon, nguni't naiwan ni Leonora angkanyang singsing sa isang mesa. Dagling binalikan ni Juan ang singsing,
nguni't sampung dipa palamang si Juan patungo sa ilalim ng balon ay dagling pinutol ni Pedro ang lubid. Nahulog si
Juan saibaba ng balon at sya'y labis na nasaktan. Subalit inutusan ni Leonora ang kanyang alagang loboupang
tulungan si Juan at sila ay umalis na patungo ng Berbanya.Nang makarating sa Berbanya, Si Diego ay ikinasal kay
Juana, ngunit si Prinsesa Leonora ay huminging pitong taon bago magpakasal kay Pedro. Si Don Juan naman ay
nakaligtas na rin mula sa balon satulong ng lobong alaga ni Leonora, nakuha na rin nya ang singsing nito.
Samantalang sya'y pabalik nasa Berbanya, nakatulog sya sa ilalim ng isang puno na sya'ng pagdating ng Ibong
Adarna. Nguni't syaay nagising at nirinig ang awit ng ibon tungkol sa isang mas magandang prinsesa na si Maria
Blancana anak ni Haring Salermo ng kaharian ng Delos Cristal. Nang marinig nya ito, sya ay nagpasya nahanapin
ang kaharian ng Delos Crsital. Nguni't hindi nya ito matagpuan hanggang maglakbay sya saikapitong bundok upang
hanapin ang isang ermitanyo na may edad na 500 sunbalit hindi rin alam ngermitanyong ito ang Delos Cristal, kaya
ipinasya ng ermitanyo na sya'y papuntahin sa ikapitongbundok upang hanapin ang isang ermitanyo na may edad na
800, sa tulong ng isang agila na sinakyanni Juan, siya'y nakarating sa kaharian. Nguni't ang bilin ng agila, sya'y dapat
magtago kung angtatlong prinsesa ay maliligo tuwing ikaapat. Pagkagayon itinago ni Juan ang damit ni Donya Maria
atpagkatapos maligo nito hinanap ni Maria ang kanyang damit ngunit paglipas ng isang oras aynagpakita na rin si
Juan at ipinahayag ang kanyang malinis na layunin sa prinsesa. Gayunpaman,hindi nagalit ang prinsesa at ibinilin nya
ang kanyang gagawin kapag sya ay makita ni HaringSalermo.Sinubok ni Haring Salermo si Juan, naging mahigpit ang
mga pagsubok na ibinigay ni Haring Salermokay Juan. Ang unang pagsubok ay ang pagtibag ng bundok, pagpapatag
nito at pagtatanim ng trigona kinakailangan kinabukasan ay may mainit na tinapay na magagawa kaagad si Juan at
maibibigaysa hari. Ang ikalawa ay ang paghuli sa 12 negrito na pinakawalan sa karagatan. Ang ikatlo ay
angpaglalagay ng bundok sa gitna ng dagat at gagawing kastilyo, na banding huli ay kanya ring pina- alisang
kastilyong ito upang makita ang nahulog na singsing ng hari sa karagatan. Ang pinakamahirap ayang paghahanap
nito ng singsing ng hari na kanyang pinaghati-hati ang katawan ni Maria upanghanapin ang singsing ng hari, dahil dito
nawala ang isa sa mga daliri ni Maria. Gayunpaman, laginitong napagtatagumpayan ang lahat ng pagsubok ng hari sa
tulong na rin ng Mahika Blanka ni DonyaMaria. Dahil doon napilitan si Haring Salermo na ipakasal ang isa sa kanyang
mga prinsesa Ang napilini Juan ay si Maria kahit hindi ipinakita sa kanya ang mukha ng prinsesa. Dahil na rin sa
naputol nadaliri ni Maria bilang naging palatandaan ni Juan sa kanya. Nang malaman ni Haring Salermo namatagal
ng magkakilala sila Juan at Maria nagalit sya at kanyang isinumpa ang anak na si DonyaMaria. Ang sumpa ay, sya ay
makakalimutan ni Juan at pakakasal sa iba.Dagling umalis sila Juan at Maria patungo sa Berbanya. Nang malapit na
sila Juan at Maria sa kaharianng Berbanya pansamantalang iniwan ni Juan si Maria sa labas ng kaharian. Nguni't ng
malaman niLeonora na dumating na si Juan, sya'y lumapit kay Juan at nakalimutan ni Juan si Maria. Doonitinakda
ang kasal nila Leonora at Juan, nguni't nang dumating si Maria, namangha sya sa napipintong kasal ng dalawa kaya
sya ay humiling ng isang palaro na naging dahilan upang maalala ni Juan angkanilang nakaraan ni Maria. Isang
negrito at negrita ang inilabas ni Maria. Sa tuwing papalo angnegrita, hindi nasasaktan sng negrito. Ang nasasaktan
ay si Don Juan. Unti-unting nagbalik ang ala-ala ni Juan at sila ay nagpakasal ni Maria. Samantalng si Leonora
naman ay nagpakasal kay Pedro.Pagkaraan nito umuwi sila Don Juan at Donya Maria sa Delos Cristal at sila ang
tinanghal na Hari atReyna sa kaharian. Pinamunuan nila ang kaharian na makatao, makatarungan at makaDiyos
napamumuno. Dahil ditto sila'y minahal ng taong-bayan.

You might also like