Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 7

MGA TAUHAN NG NOLI ME TANGERE

Juan Crisostomo Ibarra - si Rizal – kumakatawan sa mga Pilipino na nakapg-aral at may maunlad at
makabagong kaisipan. Sa nobela, siya ang bugtong na anak ni Don Rafael Ibarra. Nagkaroon ng
mabuting edukasyon sa Europa. Ang matalino at maginoong binatang ito ay umibig sa kababatang si
Maria Clara. Nangarap siyang makapagpatayo ng paaralan upang mabigyan ng magandang
kinabukasan ang mga kabataan ng San Diego.

Elias – kumakatawan din kay Rizal. Ito ay makikilala sa kanyang mga pamamaraan lalong lalo na sa
kanyang pagsasalita, mga kilos at mga makabagong isipan. Sa nobela siya ang Piloto (bangkero) kung
siya ay tawagin; isang sawimpalad na magsasakang nagligtas kay Ibarra at tumulong sa kanya upang
makilala niya ang kanyang bayan at malaman ang mga suliranin nito.

Don Santiago de los Santos – isang mayamang mangangalakal buhat sa Malabon na hinagdan ang
mabuting pakikipag-kaibigan sa simbahan at sa pamahalaan upang magkamal ng limpak-limpak na
salapi. Sa nobela siya ay kilala sa tawag na Kapitan Tiyago sa siyang mangangalakal na taga-Binondo.

Maria Clara - Si Leonor Rivera ng Kamiling, Tarlac, na nag-asawa sa isang Ingles. Kasintahan ni
Crisostomo Ibarra. Sa nobela, siya ang anak ni Kapitan Tiyago; pinakamagandang dilag sa bayan ng
San Diego.

Sisa - ang ina ng dalawang batang sakristan na sina Basilio at Crispin, at asawa ng isang pusakal na
sugalero at lasenggo. Siya ay dating mayaman na pinaghirap ng asawa. Inilarawan siya sa nobela na
isang butihin at mapagmahal na ina, na maaaring pinaghanguan ni Rizal ay ang kanyang ina.

Don Rafael Ibarra – isa sa pinakamayaman sa San Diego na ama ni Crisostomo Ibarra;

Kinaiinggitan ng labis ni Padre Damaso. Namatay sa loob ng bilangguan.

Padre Damaso – kumakatawan sa mga prayle noong panahon ni Rizal. Sa nobela, siya ang paring
Pransiskano na matagal na panahong naglingkod bilang kura-paroko ng San Diego. Itinuring na
kaibigan ni Don Rafael Ibarra subalit nang mamamatay ang huli ay kaniya itong pinahukay at
ipinalipat sa libingan ng mga Insik.

Padre Salvi – si Padre Piernavieja, ang kinamumuhiang paring Agustino sa Cavite na napatay ng mga
rebulusyonaryo. Sa nobela siya ang kurang pumalit kay Padre Damaso, may lihim na pagtangi kay
Maria Clara.

Tiya Isabel – Sa kanyang katauhan ipinakita ni Rizal ang pag-iingat ng mga magulang noon sa ating
mga kadalagahan. Sa nobela siya ang pinsan ni Kapitan Tiyago na nag-alaga kay Maria Clara.

Donya Pia Alba – kumakatawan sa ating bansa na madaling nangayupapa sa kapangyarihan ng


dayuhan. Sa nobela siya ang ina ni Maria Clara na namatay pagkatapos siyang isilang.

Don Anastacio – si Paciano na kapatid ni Dr. Jose Rizal, sa nobela, kung tawagin siya ay Pilosopo
Tasyo o Tasyong baliw sapagkat marami siyang alam kaya’t nilalapitan siya ng mga tao sa San Diego
upang hingan ng payo.
Basilio at Crispin-magkapatid na Crisostomo na taga-Hagonoy. Sa nobela sila ang mga anak ni Sisa;
kapuwa sakristan at tagatugtog ng kampana sa simbahan ng San Diego. Si Basilio ang mas matanda
sa dalawa. Si Crispin ang napagbintangang nagnakaw ng dalawang onsa sa simbahan.

Alperes – pinuno ng mga guwardiya sibil na matalik na kaagaw ng kurAlperes-pinuno ng mga


guwardiya sibil na matalik na kaagaw ng kura sa kapangyarihan sa San Diego kung kaya’t madalas na
nakakaaway ni Padre Salvi.

Donya Consolacion – Inilarawan sa nobela na isang babaing may mababang lipad na may maruming
isipan at pag-uugali. Mababakas sa kanya ang masasamang pananalita at di mabuting pag-aayos ng
sarili, dating labanderang naging maybahay ng alperes. Tinaguriang “Paraluman ng mga Guwardiya
sibil”. Kinatatakutan ng mga taga San Diego dahil sa kaniyang itsura at kasamaan ng ugali.

Donya Victorina de de Espadana – si Donya Agustina Medel de Asca, isang mayamang nag-aari ng
malawak na lupain. Sa nobela, siya ay isang babaing itinakwil ang pagiging Pilipina; nagpapanggap
siyang isang mestisang Espanol. Asawa ni Don Tiburcio de Espadana.

Don Tiburcio de Espadana – Espanol, pilay na napadpad sa Pilipinas upang maghanap ng magandang
kapalaran. Nagpapanggap na isang doktor. Napangasawa ni Donya Victorina.

Alfonso Linares – Kamag-anak ng mga de Espadana. Napili ni Padre Damaso na ipakasal kay Maria
Clara.

Sinang- inilarawan ni Rizal na isang tapat at masayahing kaibigan at halimbawa ng kasiglahan ng mga
kabataan. Sa nobela ay ang malapit na kaibigan ni Maria Clara.

Kapitan Heneral-kumakatawan sa Hari ng Espana. Pinakamakapangyarihan sa Pilipinas. Naging


kaibigan ni Ibarra.

Lucas-kapatid ng taong madilaw na napag-utusang pumatay kay Ibarra.

Don Filipo-Tinyente Mayor ng San Diego.

Padre Sibyla- Paring Dominiko, kura paroko ng Binundok

Tinyente Guevarra – Tinyente ng mga guwardiya sibil. Nagtanggol ky Ibarra.

Alam mo ba na…

Sa mga akdang pampanitikan, ang pagiging mabisang pampanitikan ay inihahain sa


pamamagitan ng pag-unawa sa mga malikhaing manunulat at katha. Ang lubos na kaalaman at
maayos na pag-unawa ay kinakailangan upang masuri ang nilalaman at kung paano nabuo ang akda.
Ang mga bisang pampanitikan ay kinakailangan upang higit na maunawaan ang bisa nito sa
mambabasa.

BISANG PAMPANITIKAN

Tumutukoy sa kahalagahang pangkatauhan. May tatlong uri ng bisang pampanitikan ito ay ang mga
sumusunod:
1. Bisang Pandamdamin – tumutukoy ito sa naging epekto o pagbabagong naganap sa
damdamin matapos mabasa ang akda.
2. Bisang Pangkaisipan – tungkol naman ito sa pagbabago sa kaisipan o pananaw dahil sa
natutunan sa mga pangyayaring naganap sa binasa.
3. Bisang Pangkaasalan – may kaugnayan naman ito sa pagkakaroon ng pagbabago sa ugali
batay sa mga kaisipang nakapaloob sa akda matapos itong mabasa.

Buod ng Kabanata 1-15

Isang malaking pagtitipon ang naganap sa bahay ni Kapitan Tiyago sa mga huling araw ng
Oktubre. Lahat halos ng kaniyang kakilala ay kaniyang inmbitahan kasama sina Padre damaso, Padre
Sibyla, Tenyente ng Guwardiya Sibil, Donya Victorina at iba pa.

Dumating si Kapitan Tiyago kasama si Crisostomo Ibarra. Nagulat sina Padre damaso at Padre
Sibyla nang makita ang binata. Ipinakilala ni kapitan Tiyago si Crisostomo Ibarra sa mga panauhin at
nagbibigay galang din siya sa kanila. Binati niya ang mga kadalagahan at kalalakihan. Inanyayahan siya
ni Kapitan Tinong na maghapunan sa kanila ngunit nagtaggi si Ibarra dahil pupunta pa siya sa san
Diego kinabukasan.

Nagtungo sa hapag kainan ang mga panauhin. Galit na sinisikaran ni Padre Damaso ang mga
upuang nakaharang sa kaniya. Si Donya Victorina ay nagalit sa Tenyente dahil naapakan nito ang
buntot ng kaniyang bestido. Lalong nagalit si Padre Damaso nang mapunta sa kaniya ang leeg at
makunat na pakpak ng manok. Lalong humanga ang mga besita nang malaman nila na nalibot ni
Ibarra ang buong Europa at makapagsalita ng iba’t ibang wika. Nayamot si Padre Damaso at kinutya
si Ibarra. Sa halip na magalit maayos parin ang tugon ni Ibarra sa pare at magalang na nagpaalam sa
mga naroroon.

Pagkaalis ni Ibarra sa bahay ni Kapitan Tiyago, nilapitan siya ni Tinyente Guevarra. Nalaman ni
Ibarra mula kay Tenyente Guevarra ang tungkol sa pagkamatay ng kaniyang ama. Ayon sa Tenyente
hinuli at kinulong ang kaniyang ama dahil sa pagkamatay ng artilyerong Kastila nang tumama ang ulo
nito sa bato dahil sa pagtanggol ng kaniyang ama sa batang lalaking pinukol niya ng baston sa ulo.
Huli na ang lahat nang mapatunayang walang kasalanan ang kaniyang ama.

Dumating si Ibarra sa kaniyang tinutulugan sa Fonda de Lala na gulo ang isip. Hindi mawala
sa kaniyang isipan ang nangyari sa kaniyang ama. Hindi niya nakita ang kasiyahan ng mga kababaihan
sa kabilang ibayo ng ilog na kung gamitan ng largabista kitang-kita niya ang kahanga-hangang
kasiyahan na ang pinakatampok ay si Maria Clara.
Nang dumating si Maria Clara sa bahay ng kanyang ama ay kitang-kita ang pagkahanga ng
lahat sa kagandahan niya. At tuwang-tuwa ang ama niya na si Kapitan Tiyago dito. Si Kapitan Tiyago
ay isa sa mga pinakamayaman sa Binondo. Siya ay anak ng isang may tubuhan sa Malabon at dahil
ang ama niya ay napakaramot hindi siya pinaaral. Naging katulong siya ng isang paring dominiko at
nakapag-asawa kay Pia Alba. Anim na taon na hindi sila nagkaanak at nagpanata si Donya Pia sa
Ubando sa parokya ni Padre Damaso. Siya ay naglihi at namatay nang ipinanganak si Maria Clara.
Naging amain ni Maria Clara si Padre Damaso. Lumaki siya sa pangangalaga ni Tiya Isabel.

Kinabukasan, nagpunta si Crisostomo Ibarra sa bahay ni Kapitan Tiyago. Hindi malaman ni


Maria Clara kung ano ang kaniyang gagawin nang makita si Crisostomo Ibarra. Nag-usap sila sa
Azotea at doon nila sinariwa ang kanilang nakaraan. Hindi nagtagal, nagpaalam si Crisostomo Ibarra
dahil pupunta pa siya sa San Diego para dalawin ang libing ng kaniyang mga magulang dahil
kinabukasan ay araw ng mga patay.

Sakay ng kaniyang sasakyan, nakikita ni Ibarra na walang pagbabagong nangyari sa kaniyang


dinadaanan. Ganoon pa rin ang kalagayan ng Maynila. Nalulungkot siyang isipin na ang mga lugar na
kaniyang napuntahan sa Europa ay mabilis ang pag-unlad samantala ang kaniyang sariling bayan ay
nangarap na uunlad ngunit bigo pa rin hanggang ngayon.

Sa gitna ng maraming sasakyan nakita niya si Padre Damaso na sakay sa kaniyang magarang
na Victoria. Nadatnan ni Padre Damaso sina Maria Clara at Tiya Isabel pasakay sa isang karwahe
upang kunin ang mga natirang gamit ni Maria Clara sa beateryo. Tumuloy siya sa bahay at kinausap si
Kapitan Tiyago. Samantala si Padre Sibyla matapos makapagmisa nang maaga nagtungo sa kumbento
ng kanilang korporasyon at kinuwento sa matandang paring maysakit ang tungkol sa pagdating ni
Ibarra at ang pagpapakasal nito kay Maria Clara.

Sa kabilang dako, patuloy ang pagsasalitaan ni Padre Damaso at Kapitan Tiyago. Sinabihan
niya si Kapitan Tiyago na huwag magpadalos-dalos sa pagdesisyon lalong lalo na kung may kaugnayan
kay Maria Clara.

Ang bayan ng san Diego ay nasa pagitan ng mga palayan malapit na malapit sa lawa.
Masagana ang ani sa iba’t ibang uri ng pananim na ibinibinta sa labas ng bansa. Mula sa taluktok ng
kampanaryo makikita ang mahabang ilog na tila ahas at isang gubat na napapagitan sa mga linang na
lupa. Ito ay kinatitirikan pa lamang ng ilang mga dampa. Isang araw, may dumating na isang
matandang Kastila na magaling magsalita ng Tagalog. Nagtanong siya kung sino ang nagmamay-ari ng
lugar na iyon at marami ang umangkin. Sila ay binayaran niya ng mga damit, salapi at mga alahas.
Biglang nawala ang matanda at nakita ng isang pastol ang kanyang katawan na nakabitin sa puno ng
balete. Nagkaroon ng sabi-sabi na siya ay naengkanto kaya natakot ang mga tao at kanilang itinapon
sa ilog at sinunog ang kaniyang mga ibinigay. Pagkalipas ng ilang buwan ng, dumating ang isang
mestisong Kastila at nagpakilala na anak siya ng namatay. Doon siya namuhay at nakapag-asawa ng
taga- Maynila. Sila ang mga magulang ni Don Rafael Ibarra na ama ni Crisostomo Ibarra.

Sino-sino ang makapangyarihan sa san Diego? Hindi pwedeng si Don Rafael Ibarra, ang
pinakamayaman at mabuting tao sa kapwa. Hindi naman pwedeng si Kapitan Tiyago o ang Alkalde.
Ang mga makapangyarihan ay sina Padre Salvi at ang Alferes. Si Padre Salvi ay humalili kay Padre
Damaso sa San Diego. Palagi niyang pinasasara ang pintuan ng simbahan tuwing siya’y sesermon
lalong-lalo na kung nadoon ang atferes. Siya ang tanging kalaban ng kura at asawa niya si Donya
Consolacion. Upang makaganti ang alferes sa kura, ang katulong nito ay pinalilinis niya ng kuwartel at
pinalalampaso sa kaniyang bahay. Pero sa tuwing magkikita ang alferes at ang kura magkakamay sila
at mag-usap na parang tunay na magkaibigan. Magkaibigang putik sa tunay na buhay.

Araw na ng mga patay, lahat ay abala sa paghahanda para pumunta sa libingan. Maraming
tao ang libingan ng San Diego na dumadalaw sa libing ng kanilang mahal sa buhay. Sa di kalayuan
makikita ang dalawang mamang pawisang naghuhukay ng libing. Nandidiri ang isa dahil sariwa pa
ang kanilang hinuhukay. Ikinuwento sa kanya ng kaniyang kasama na sobra pa ang kaniyang
naranasan noon. Inutusan siya ng kurang malaki na hukayin ang kalilibing pa lamang na bangkay at
ilipat sa libingan ng mga Intsik. Dahil gabi at umuulan pa itinapon niya ito sa lawa.

Kasama ng matandang katulong, dinalaw ni Ibarra ang libing ng kaniyang ama pero hindi nila
nakita. Nagtanong sila sa dalawang tagapaglibing at sinabi na hinukay at ipinalipat sa kaniya libingan
ng mga Intsik, sa halip itinapon niya sa lawa dahil gabi at umuulan pa noon. Nagalit at niyogyog siya
ni Ibarra. Nagmakaawa siya at sinabi na inutusan lamang siya ng kurang malaki. Galit na lumabas sa
sementeryo si Ibarra. Nasalubong niya si Padre Salvi at sa sobrang galit diniinan niya ito sa leeg at
napaluhod ang kura. Takot na sinabi ng kura na ang may kagagawan ay si Padre Damaso. Binitiwan
siya ni Ibarra at tinulungan siya ng matandang utusan na makatayo.

Ang lahat ng pangyayaring iyon ay nasaksihan ni Pilosopo tasyo. Marahan siyang umiling at
nagwikang “Masamang pangitain”. Si Tasyo ay dating estudyante sa Pilosopiya. Pinahinto siya ng
kaniyang ina dahil natakot itong makalimutan ni Tasyo ang Diyos. Magkasunod na namatay ang
kaniyang asawa at ina kaya tumutok na lamang siya sa pagbabasa ng mga aklat. Mga makahulugan
ang kanyang mga sinasabi na hindi naunawaan ng iba kaya tinawag siya na Pilosopo Tasyo at ang iba
nama’y baliw. Dinaanan niya ang dalawang magkapatid na si Crispin at Basilio. Sinabihan niya na
hinihintay sila ng kanilang ina at pinaghanda sa araw ng mga patay.

Nasa ikalawang palapag ng kampanaryo ang dalawang magkapatid na sakristan. Hindi


pinayagan ng sakristang mayor si Crispin na makauwi dahil pinagbintangan niya na kumuha ng
kuwalta. Kinaladkad niya ang bata pababa ng hagdan at mapakinggan ang iyak ng bata na humihingi
ng tulong sa kapatid. Tumakas si Basilio at sa kalagitnaan ng dilim marinig ang dalawang putok ng
baril.

Alam mo ba na…

Ang Paglalarawan ay isang diskurso na ang layunin ay ipamalas sa nakikinig o bumabasa ang
nakikita ng mata, ang naamoy ng ilong, ang nararamdaman ng balat o ng katawan, ang nalalsahan ng
dila o kaya naman naririnig ng tainga. Ito’y isang anyo ng pagpapahayag na naglalayong bumuo ng
isang malinaw na larawan sa isip ng mga mambabasa o nakikinig. Sa pamamagitan ng paggamit ng
tiyak na salitang naglalarwan, gaya ng pang-uri at pang-abay, malinaw na naipakikita ang katangian
ng tao, bagay, lugar o pangyayari na ating nakikita, naririnig o nadarama. Napapagalaw at napaiikot
din ng paglalarawan ang ating mga guni-guni, imahinasyon at nakatatawag ng paningin at pansin ng
mga mambabasa.

Dalawang uri ng Paglalarawan Karaniwan at masining na paglalarawan

1. Karaniwan o konkretong Paglalarawan (teknikal) – layunin nito ang magbigay ng kaalaman


hinggil sa isang bagay ayon sa pangkalahatang pangmalas ng manunulat. Sa pamamagitan ng
tiyak na salitang naglalarawan, naipapakita ang pisikal o konkretong katangian. Higit na
bibinibigyang-diin sa paglalarawang ito kung ano ang nakikita at hindi ang nilalaman ng
damdamin o kuru-kuro ng manunulat. Payak ang paggamit ng mga salita upang mgbigay
kabitiran sa ayos at anyo ng tao o bagay na inilarawan nagbibigay lamang ng impormasyon sa
inilalarwan.
a. ang pisikal na anyo b. antas ng pamumuhay c. pag uugali d.mga nakasanayan atbp.

2. Masining o abstraktong Paglalarawan – naglalayung pukawin ang guni-guni at damdamin ng


mambabasa. Higit na nabibigyang diin dito hindi ang tiyak na larawang nakikita kundi ang
makulay na larawang nililikha ng imahinasyon. Gumagamit ito ng mga salitang nagpapaganda
rito gaya ng mga tayutay at iba pang mga salitang patalinhaga.

Mga Halimbawa ng Masining o Abstraktong Paglalarawan:

1. Paglalarawan sa Tao – Mga mata niya’y bilugan, may pilat sa mukha, pawisan ang noo at
halatang pagod na pagod na.

Sa pagpapahayag ng sariling pananaw o opinyon ginagamit ang mga sumusunod:

• Ang masasabi ko..


• Ang pagkakaalam ko…
• Ang paniniwala ko… Kung ako ang tatanungin…

Para sa akin…
• Sa aking palagay…
• Sa tingin ko…
• Sa ganang akin
• At iba pa

Sa pagpapahayag ng katotohanan o patotoo, ginagamit naman ang mga sumusunod na pahayag:

• Totoo ang..
• Napatunayan na…
• Tumpak ang…
• Tunay na..
• Talaga…
• At iba pa.

You might also like