na nakasalaming may kulay. 2. Isagani-Ang makatang kasintahan ni Paulita. 3. Basilio Ang mag- aaral ng medisina at kasintahan ni Juli, 4. Kabesang Tales - Ang naghahangad ng karapatan sa pagmamay-ari ng lupang sinasaka na inaangkin ng mga prayle. 5. Tandang Selo Ama ni Kabesang Tales na nabaril ng kanyang sariling apo. 6. Ginoong Pasta Ang tagapayo ng mga prayle sa mga suliraning legal at sya rin ang takbuhan ng nangagaylangan at si ya rin ang pinaka bantog na manananggol sa bayan nila. 7. Ben Zayb - Ang mamamahayag sa pahayagan. 8. Placido Penitente Ang mag-aaral na nawalan ng ganang mag-aral sanhi ng suliraning pampaaralan 9. Padre Camorra - Ang mukhang artilyerong pari. 10. Padre Fernandez Ang paring Dominikong may malayang paninindigan. 11. Padre Florentino - Ang amain ni Isagani. 12. Don Custodio - Ang kilala sa tawag na Buena Tinta 13. Padre Irene - Ang kaanib ng mga kabataan sa pagtatatag ng Akademya ng Wikang Kastila. 14. Juanito Pelaez Ang mag-aaral na kinagigiliwan ng mga propesor, nabibilang sa kilalang angkang may dugong Kastila. 15. Makaraig Ang mayamang mag-aaral na masigasig na nakikipaglaban para sa pagtatatag ng akademya ng Wikang Kastila ngunit biglang nawala sa oras ng kagipitan. 16. Sandoval Ang kawaning Kastila na sang-ayon o panig sa ipinaglalaban ng mga mag-aaral. 17. Donya Victorina Ang mapagpanggap na isang Europea ngunit isa namang Pilipina; tiyahin ni Paulita. 18. Paulita Gomez-Kasintahan ni Isagani ngunit nagpakasal kay Juanito Pelaez 19. Quiroga - Isang mangangalakal na Intsik na nais magkaroon ng konsulado sa Pilipinas. 20. Juli Anak ni Kabesang Tales at katipan naman ni Basilio. 21. Hermana Bali Naghimok kay Juli upang humingi ng tulong kay Padre Camorra. 22. Hermana Penchang Ang mayaman at madasaling babae na pinaglilingkuran ni Juli 23. Ginoong Leeds - Ang misteryosong Amerikanong nagtatanghal sa perya. 24. Imuthis - Ang mahiwagang ulo sa palabas ni Mr. Leeds. Palaging tinitingnan si Padre Salvi, 25. Maria Clara- iniibig ni Simuon o Crisostomo Ibarra