Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 3

PAGBASA

- tawag sa sistematikong proseso ng biswal na pagkilala at pagbibigay interpretasyon sa mga nakaimprentang simbolong pangkomunikasyon
- Ayon kay Goodman, ito ay psycholinguistic guessing game kung saan ang nagbabasa ay nagbubuong muli ng isang mensahe o kaisipan
na hinango sa tekstong binasa.

Mapanuring Pagbasa
➢ Ito ay ang pagsisiyasat ng isang tekstong babasahin.
➢ Nangangailangan ng maingat, aktibo, replektibo at mapamaraang pagbasa.

Katangian ng Mapanuring Pagbasa


1. Maingat – Kailangang usisain, busisiin ang mga ebidensiya at suriin kung gaano kalohikal ang teksto.
2. Aktibo – Habang nagbabasa ay may pagtatala at anotasyong isinasagawa ang mambabasa upang maging malinaw ang pagpapahayag ng teksto.
3. Replektibo – Nabibigyang-katibayan o patunay ang nabasa kaugnay ng mga kaalaman at sariling kaalam o karanasan ng mambabasa.
4. Mapamaraan – Nahahati sa dalawa ang pangkalahatang kategorya o paraan ng mapanuring pagbasa. Ito ay ang Intensibo at Ekstensibo. Mula sa
kahulugan ng mga salita, mahihinuha na ang intensibong pagbasa ay may kinalaman sa masinsin at malalim na pagbasa ng isang tiyak na teksto
habang ang ekstensibong pagbasa naman ay may kinalaman sa pagbasa ng masaklaw at maramihang materyal.

Estratehiya sa Pagbasa
1. Scanning – Mabilisang pagbasa ng isang teksto na ang pokus ay hanapin ang ispesipikong impormasyon na itinatakda bago bumasa.
Kinapalolooban ito ng bilis at talas ng mata sa paghahanap hanggang sa makita ng mambabasa ang tiyak na kinakailangang impormasyon.
2. Skimming – Mabilisang pagbasa na ang layunin ay alamin ang kahulugan ng kabuoang teksto, kung paano inorganisa ang mga idea o kabuoang
diskurso ng teksto at kung ano ang pananaw at layunin ng manunulat.
3. Contextualizing – Pagsasaayos ng teskto sa paraang historikal, biograpikal at nakabatay sa kontekstong kultural.

Antas ng Pagbasa
1. Primarya – Ito ang pinakamababang antas ng pagbasa at pantulong upang makamit ang literasi sa pagbasa. Kinapalolooban lamang ng pagtukoy
sa tiyak na datos at ispesipikong impormasyon gaya ng petsa, lugar, o mga tauhan sa isang teksto.
2. Mapagsiyasat – Sa antas na ito, nauunawaan na ng mambabasa ang kabuoang teksto at nakapagbibigay ng mga hinuha o impresyon tungkol dito.
3. Analitikal – Sa antas na ito ng pagbasa, ginagamit ang mapanuri o kritikal na pag-iisip upang malalimang maunawan ang kahulugan ng teksto at
ang layunin o pananaw ng manunulat.
4. Sintopikal – Ito ay hindi lamang pag-unawa sa mga nariyan nang mga eksperto sa isang larangan o disiplina, kundi ang pagbuo ng sariling sistema
ng kaalaman at pag-unawa mula sa pagbasa sa mga ekspertong ito.

• Opinyon- tawag sa mga pahayag na naglalahad ng mga ideyang nakabatay sa personal na paniniwala ng isang indibidwal

Mga Kasanayan sa Mapanuring Pagbasa


1. Bago Magbasa- Sinisimulan ang pagbasa sa pagsisiyasat ng tekstong babasahin. Ang pagsusuri ng panlabas na katangian ng teksto ay mahalaga
upang malaman ang tamang estratehiya sa pagbasa batay sa uri at genre ng teksto o kung kinakailangan ba ito ayon sa itinakdang layunin ng pagbasa
2. Habang Nagbabasa- Nangyayari ang pinakamalaking bahagi ng kognisyon habang nagbabasa. Sa bahaging ito, sabay-sabay na pinagagana ng
isang mambabasa ang iba’t ibang kasanayan upang lubusang maunawaan ang teksto. Narito ang ilan pang pamamaraan upang maging epektibo ang
pagbasa:
• Pagtantiya sa bilis ng pagbasa
• Biswalisasyon ng binabasa
• Pagbuo ng koneksiyon
• Pagsubaybay sa komprehensiyon
• Muling pagbasa
• Pagkuha ng kahulugan mula sa konteksto
3. Pagkatapos Magbasa- Upang maipagpatuloy ang malalim na pag-unawa at pag-alala sa teksto kahit natapos na ang proseso ng pagbasa,
mahalagang isagawa ng isang mambabasa ang sumusunod:
• Pagtatasa ng komprehensiyon
• Pagbubuod.
• Pagbuo ng sintesis.
• Ebalwasyon

Pagsulat ng Paraphrase, Abstrak, at Rebyu


1. Paraphrase – Ito ay tumutukoy sa muling pagpapahayag ng idea ng may-akda sa ibang pamamaraan at pananalita upang padaliin at palinawin ito
para sa mambabasa.
2. Abstrak – Ito naman ay isang buod ng pananaliksik, tesis, o kaya ay tala ng isang komperensiya o anomang pag-aaral sa isang tiyak na disiplina
o larangan. Uri ng akademikong sulatin ang naghahayag sa kabuuang latag ng pananaliksik
3. Rebyu – Ito naman ay isang uri ng pampanitikang kritisismong ang layunin ay suriin ang isang aklat batay sa nilalaman, estilo, at anyo ng
pagkakasulat nito.

TEKSTONG IMPORMATIBO- tinatawag ding ekspositori, ay mga babasahin at akdang nagbibigay ng impormasyon, kaalaman, at paliwanag tungkol
sa isang tao, bagay, lugar, hayop, o pangyayari. Karaniwang sinasagot nito ang tanong na ‘ano,’ ‘sino,’ at kung minsan ay ‘paano.’

Iba’t Ibang Paraan ng Paglalahad:


1. Pagbibigay ng Katuturan o Depinisyon – ito ay tumutukoy sa pagbibigay ng kahulugan sa isang salita, parirala o kaisipang inilalahad. Ito ay
karaniwang nagagawa sa pamamagitan ng pagtingin sa diksyonaryo at ensayklopediya.
2. Paghahambing at Pagtutulad – ang ganitong paraan ng paglalahad ay ginagamit kung ang paksang tinatalakay ay hindi kilala o pamilyar.
Inihahambing ito sa mga bagay na kilala upang higit na makilala. Sa ganoong paraan, nagiging higit na madali ang pag-unawa sapagkat naiuugnay
ang paksa sa mga bagay na pinaghahambingan.
3. Paghahalimbawa – ginagamit ang paglalahad na ito kung ang paksa ay hindi kongkreto at may kalabuan. Sa paraang ito inilalarawan ang kahulugan
ng salita o paksang ipinaliliwanag sa paraang nagbibigay ng mga tiyak na bagay na kasangkot o nasa ilalim ng uring ito
4. Pag-uulit – ginagamit ang pag-uulit upang bigyang-diin, linaw at bigat ang naunang kahulugan ng isang paksang tinatalakay. Mabisang gamitin
ang pag-uulit sa pagkikintal ng isang kaisipan sa mambabasa.
5. Pagpapahindi – pinabubulaanan ng pagpapahindi ang mga unang katuturang ibinigay sa isang paksa. Binabanggit ang mga bagay o sangkap na
karaniwang ipinagkakamali sa salita o paksang tinuturan
6. Pagpapakilala ng Pinagmulan, Sanhi, at Bunga – Dito’y ipinaliliwanag ang pinanggalingan ng isang bagay o paksa, bakit nagkagayon at ano ang
mapakikinabangan
7. Pag-uuri at Pagbubukod o Paglilista ng Klasipikasyon – Ito’y isang paraan ng pag-alam ng mga katangian ng isang tao, bagay, hayop, halaman
o wika, na inuuri batay sa klasipikasyong may kadakilaan; sistema o pilosopiya ng mga sistema.

TEKSTONG DESKRIPTIBO- uri ng teksto ang naglalayong magkintal ng detalyadong imahen na makapupukaw sa damdamin at isip ng mga
mambabasa

Kasangkapang Ginagamit sa Malinaw na Paglalarawan


1. Wika –-Kinakailangang ang isang naglalarawan ay mabisang nakagagamit ng mga salitang nagpapalinaw ng kaisipan at nagbibigay ng tatak o
kakintalan sa mambabasa.
2. Detalye –Ito ay ginagamit upang maging malinaw ang paglalarawan sa mga suportang detalye na magpapatibay ng pagpapahayag.
3. Pananaw – Magkakaiba-iba ang paglalarawan subalit kailangang pinakaangkop sa lahat ng paglalarawan ang gamitin para ibahagi ang malawak
na pananaw ng manunulat na nasasaklaw at nailalagay ang sarili sa lugar ng mambabasa.
4. Impresyon – Layunin ng paglalarawan ang makabuo ng malinaw na larawan sa imahinasyon ng mambabasa, kaya mahalaga na ang manunulat
ay makabubuo ng imahen sa imahinasyon ng mambababsa mula sa paraang paglalarawan.

Iba’t Ibang Uri ng Paglalarawan


1. Karaniwang Paglalarawan – Tumutukoy sa karaniwang anyo ng paglalarawan na naayon sa nakikita. Impormasyon lamang ukol sa inilalarawan
ang isinasaad, hindi ito nahahaluan ng anomang emosyon, saloobin at idea.
HALIMBAWA: Ang Mamasapano ay isang 5th class municipality. lbig sabihin, atrasado ang lugar, mabagal ang pag-unlad, at naghihirap ang mga
tao
2. Masining na Paglalarawan – tumutukoy sa mga akdang napalolooban ng damdamin at pananaw ng manunulat ukol sa kaniyang inilalarawan.
Ang ganitong uri ng paglalarawan ay naglalarawan ng isang paksa batay sa kung paano ito binibigyang kahulugan o tinitignan.
HALIMBAWA: Mabilis na lumatag ang gabi sa kapaligiran at dumantay ito sa mukha ng mga taong pagal.
3. Teknikal na Paglalarawan – Ginagamit sa pagbibigay katangian sa larangan ng agham at mga teknikal na sulatin
HALIMBAWA: Anatomika ng katawan ng tao.

TEKSTONG NARATIBO
Pagsasalaysay- pinakagamiting uri ng teksto sa pang-araw-araw na pakikipagtalastasan ng tao sa kaniyang kapwa. Nagsasaad ito ng mga pangyayari
at karanasang magkakaugnay. Tinuturing ang pagsasalaysay bilang isa sa pinakamatandang uri ng pagpapahayag sapagkat likas sa tao ang maging
mahilig sa kuwento.
Tekstong Naratibo- nagsasalaysay o magkuwento batay sa isang tiyak na pangyayari, totoo man o hindi.

Mga Elemento ng Tekstong Naratibo:


1. Paksa – Pumili ng paksang mahalaga at makabuluhan. Kahit na nakabatay sa personal na karanasan ang kuwentong nais isalaysay, mahalaga pa
ring maipaunawa sa mambabasa ang panlipunang implikasyon at mga kahalagahan nito.
2. Estruktura – Kailangang malinaw at lohikal ang kabuoang estruktura ng kuwento. Madalas na makikitang ginagamit na paraan ng narasyon ang
iba’t ibang estilo ng pagkakasunod-sunod ng pangyayari.
3. Oryentasyon – Nakapaloob dito ang kaligiran ng mga tauhan, lunan o setting, at oras o panahon kung kailan nangyari ang kuwento.
4. Pamamaraan ng Narasyon – Kailangan ng detalye at mahusay na oryentasyon ng kabuoang senaryo sa unang bahagi upang maipakita ang
setting at mood. Iwasang magbigay ng komento sa kalagitnaan ng pagsasalaysay upang hindi lumihis ang daloy. May iba’t ibang paraan ng narasyon
na maaaring gamitin ng manunulat upang maging kapana-panabik ang pagsasalaysay.

a. Diyalogo – Sa halip na direktang pagsasalaysay ay gumagamit ng pag-uusap ng mga tauhan upang isalaysay ang nagyayari.
b. Foreshadowing – Nagbibigay ng mga pahiwatig o hints hinggil sa kung ano ang kahihinatnan o mangyayari sa kuwento.
c. Plot Twist – Tahasang pagbabago sa direksyon o inaasahang kalabasan ng isang kuwento.
d. Comic Book Death – Isang teknik kung saan pinapatay ang mahahalagang karakter ngunit kalaunan ay biglang lilitaw upang magbigay-linaw sa
kuwento.
e. Reverse Chronology – Nagsisimula sa dulo ang salaysay patungong simula.
f. In medias res – Nagsisimula ang narasyon sa kalagitnaan ng kuwento. Kadalasang ipinapakita ang mga karakter, lunan, at tensyon sa pamamagitan
ng mga flashback.
g. Deux ex machina – (God from the machine) Isang plot device na ipinaliwanag ni Horace sa kaniyang “Ars Poetica” kung saan nabibigyang-
resolusyon ang tunggalian sa pamamagitan ng awtomatikong interbensyon ng isang absolutong kamay. Nagbabago rin ang kahihinatnan ng kuwento
at nareresolba ang matitinding suliranin na tila walang solusyon sa pamamagitan ng biglaang pagpasok ng isang tao, bagay at p angyayari na hindi
naman naipakilala sa unang bahagi ng kuwento.
h. Analepsis (Flashback) – Dito ipinapasok ang mga pangyayaring naganap sa nakalipas.
i. Prolepsis (Flashforward) – Dito nama’y ipinapasok ang mga pangyayaring magaganap pa lang sa hinaharap.
j. Ellipsis – May mga puwang o patlang sa pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari na nagpapakitang may bahagi sa pagsasalaysay na tinanggal
o hindi isinama

5. Komplikasyon – Karaniwang nakapaloob sa tunggalian ang pangunahing tauhan. Ito ang mahalagang bahagi ng kuwento na nagiging batayan ng
paggalaw o pagbabago sa posisyon at disposisyon ng mga tauhan. Nagtatakda rin ang tunggalian ng magiging resolusyon ng kuwento.
6. Resolusyon – Ito ang kahahantungan ng komplikasyon o tunggalian. Maaaring ang resolusyon ay masaya o hindi batay sa magiging kapalaran ng
pangunahing tauhan.

** Ang tekstong naratibo ay nasa tuwirang paglalahad kung ito ay ginagamitan ng panipi
** Ginagamit ang panghalip na “siya” kung ang teksto ay gagamitan ng ikatlong panauhan
** Creative Nonfiction- bagong genre sa malikhaing pagsulat na gumagamit ng istilong pampanitikan upang makabuo ng makatotohanan at tumpak
na narasyon.

TEKSTONG ARGUMENTATIBO- uri ng teksto ang naglalayong makapaglahad ng katuwiran hinggil sa isang paksa
Pangangatuwiran- uri ng pagpapahayag ang naglalaman ng sapat na katibayan at paninindigan upang ang isang teksto ay maging kapani-paniwala
at katanggap-tanggap

Elemento ng Pangangatuwiran
1. Proposisyon- Isang bagay na pinagkakasunduan bago ilahad ang katuwiran ng dalawang panig.
2. Argumento- paglalatag ng mga dahilan at ebidensiya upang maging makatuwiran ang isang panig.

** DAPAT isagawa sa pagsusulat ng Tekstong Argumentatibo: Basahing muli ang isinulat upang maiwasto sakaling mayroong pagkakamali
Halimbawa: Sumasang-ayon sa pagsubok ng mga gamot sa mga hayop imbes na sa tao ang 99 porsiyento ng mga doktor.

TEKSTONG PERSUWEYSIB- uri ng di-piksiyon na pagsulat upang kumbinsihin ang mga mambabasa na sumang-ayon sa manunulat hinggil sa isang
isyu.

Mga Paraan ng Panghihikayat


Inilarawan ng Griyegong pilosopo na si Aristotle ang tatlong paraan ng panghihikayat o pangungumbinsi. Ito ay ang sumusunod:
1. Ethos – Tumutukoy ito sa kredibilidad, imahen, reputasyon o karakter ng manunulat o tagapagsalita.
2. Pathos – Ayon kay Aristotle, karamihan sa mga mambabasa ay madaling madala ng kanilang emosyon. Ang paggamit ng kanilang paniniwala at
pagpapahalaga ay isang epektibong paraan sa pangungumbinsi.
3. Logos – Tumutukoy ito sa paggamit ng lohika upang makumbinsi ang mambabasa. Kailangang mapatunayan ng manunulat sa mga mambabasa
na batay sa impormasyon at datos na kaniyang inilatag mula sa kaniyang pananaw o punto de vista ang dapat paniwalaan.

Mga Propaganda Device sa Panghihikayat


1. Name Calling – Ginagamit ito sa pagbibigay ng hindi magandang taguri sa isang produkto o katunggali, pang-iinsulto at paninirang puri sa kalaban
upang hindi tangkilikin. Hindi ito propesyonal at ito’y kinasusuklaman sa propesyonal na paligid, ngunit laganap ito’t ginagamit maya’t maya, katulad
na lamang sa pang-iinsulto ng isang kaklase sa kalaban nito sa pagkapresidente sa paaralan o paninira ng isang kabit sa asawa ng kaniyang
kinakasama.
2. Glittering Generalities – Mas kilala sa tawag na flattery, ginagamit ito sa pagliligo sa mga hinihikayat nito ng mga magagandang salita, nakasisilaw
na pahayag, parangal, at papuri ukol sa isang produktong tumutugon sa mga paniniwala at pagpapahalaga ng mambabasa hanggang tangkilikin ang
panig o produktong sinususulong. Kadalasan sa mga papuring ito’y kasinungalingan o pagmamalabis, kung kaya’t kinakailangang maalam ang mga
hinihikayat kung ano ang tama o hindi.
3. Transfer – Isa itong uri ng panghihikayat na kung saan ginagamit ang kasikatan ng isang personalidad o ahensiya upang mailipat ang kasikatan o
pasikatin ang isang produkto o proyektong hindi masyadong kilala. Halimbawa nito’y ang endorsement deals ng mga sikat na artista kagaya ni Maine
Mendoza sa mga produktong hindi masyadong kilala.
4. Testimonial – Ang uri ng panghihikayat na kung saan ay ginagamit ang sariling karanasan na maaaring may bahid ng pagmamalabis upang
mahikayat ang ibang bumili o tumangkilik ng isang idea o proyekto. Maaari ding mangyari ito kapag ang isang sikat na tao ay tuwirang nag-endorso
ng isang tao o produkto.
5. Plain Folk – Ang pagsuot ng mumurahing damit at pagkilos kagaya ng mga regular na mamamayan ng isang bansa upang mabigyan ng sense of
belongingness ang mga hinihikayat. Ito ay ang paggamit sa konsepto ng pagiging isang normal na kababayan upang mahikayat ang karamihan.
Karaniwan itong ginagamit sa eleksyon, kagaya na lamang ng sikat na mga katagang ‘Nakaligo ka na ba sa dagat ng basura? Nag-Pasko ka na ba
sa gilid ng kalsada?’ at ‘Nognog. Pandak. Laki sa hirap.’
6. Card Stacking – Ito ang uri ng panghihikayat na kung saan ay hindi sinasabi ang mga masasamang dulot nito at sa halip ay binibigyan ng diin ang
mga magagandang epekto nito, gaano man kaliit. Isang halimbawa nito ay ang mga patalastas sa alak, na hinihikayat ang pag-iinom pagkatapos
magtrabaho ngunit sa katotohana’y nakasisira ito ng plano, nagdudulot ng sakit sa ulo kinaumagahan, at nagpapahina ng productivity level sa susunod
na araw.
7. Bandwagon – Uri ng panghihikayat na kung saan ay ginagamit ang kaisipan na ang pangkalahatan ay gumagamit na nito maliban sa hinihikayat.
Nagbibigay ito ng pressure na kung saan ay sinasabing kinakailangang tangkilikin na rin ito ng hinihikayat dahil mapag-iiwanan ito.

TEKSTONG PROSIDYURAL- uri ng tekstong tungkol sa mga serye ng mga gawain upang matamo ang inaasahang hangganan o resulta

Mga Halimbawa ng Tekstong Prosidyural


1. Paraan ng pagluluto (Recipes) – Pinakakaraniwang uri ng Tekstong Prosidyural. Ito ay nagbibigay ng panuto sa mambabasa kung paano magluto.
Sa paraan ng pagluluto, kailangan ay malinaw ang pagkakagawa ng mga pangungusap at maaring ito ay magpakita rin ng mga larawan.
2. Panuto (Instructions) – Ito ay naggagabay sa mga mambabasa kung paano maisagawa o likhain ang isang bagay.
3. Panuntunan sa mga laro (Rules for Games) – Nagbibigay sa mga manlalaro ng gabay na dapat nilang sundin.
4. Manwal – Nagbibigay ng kaalaman kung paano gamitin, paganahin at patakbuhin ang isang bagay. Karaniwang nakikita sa mga bagay na may
koryente tulad ng computers, machines at appliances.
5. Mga eksperimento – Sa mga eksperimento, tumutuklas tayo ng bagay na hindi pa natin alam. Karaniwang nagsasagawa ng eksperimento sa
siyensya kaya naman kailangang maisulat ito sa madaling intindihing wika para matiyak ang kaligtasan ng magsasagawa ng gawain.
6. Pagbibigay ng direksyon – Mahalagang magbigay tayo ng malinaw na direksyon para makarating sa nais na destinasyon ang ating ginagabayan

You might also like