February

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

February

KALAYAAN AT PANANAGUTAN
Explanation: Ang Kalayaan ay pagpapahayag at pagpapakita ng saloobin sa
mga bagay-bagay na naaayon sa katangian nito. Kaakibat ng Kalayaan ay ang
pananagutan na nasasaklaw nito.
WALONG (8) MAHAHALAGANG BAGAY NA MAGAGAWA NG
BAWAT MAMAMAYAN NG REGION VIII
1. Ipagtanggol ang Kalayaan sa mapang-aping isipan, Gawain o istraktura.
Explanation: Ito ay isa sa mahalagang aspeto ng Lipunan at sa
pamamagitan ng edukasyon at kampanya, mababawasan ang paglaganap
ng mapanlinlang na ideolohiya. Ang pagtataguyod ng
mga institusyong nagtataguyod ng Karapatan at demokrasya ay
nagbibigay ng proteksyon sa Kalayaan ng bawat isa.
2. Maging makatotohanan sa pagpapahayag at panindigan ang ipinahayag
na katotohanan.
Explanation: Ang pagsusumikap na maging makatotohanan sa
pagpapahayag at paninindigan ay nagbibigay ng pundasyon ng tiwala at
integridad sa pakikipagtalastasan. Sa pagtataguyod ng katotohanan,
itinatanggi ng isang tao ang pagsisinungaling at nagpapakita ng tapat na
representasyon ng pangyayari.
3. Maging mapanuri sa mga pamamahayag.
Explanation: Ang tamang pagsusuri ng pamamahayag at ang pinagmulan
ng impormasyon ay nagbibigay ng proteksyon laban sa maling
impormasyon. Sa pagiging mapanuri, nakatutulong ito sa pagbuo ng
masusing opinyon at pag-unlad ng masusing kamalayan sa mga
pangyayari sa paligid.
4. Maging matatag at handa sa anumang mga pagsubok sa pamayanan at
Lipunan.
Explanation: Ang pagiging matatag sa mga pagsubok sa pamayanan at
Lipunan ay naglalaman ng pagkakaroon ng resiliency at determinasyon
sa harap ng mga hamon. Ito ay maaaring makamit sa pamamagitan ng
pagbuo ng masusing plano para sa pangangailangan ng komunidad,
pagtataguyod ng kooperasyon at pagkakaisa, at pagpapalakas ng mga
institusyon na nagtataguyod ng katarungan at kaayusan.
5. Igalang ang pagkaiba-iba ng desisyon/mungkahi/opinion.
Explanation: Maging bukas tayo sa mga opinyon ng iba, ngunit
kailangan muna nating suriin kung ito ba ay makakabuti o makakasama
hindi lamang para sa sarili kundi para sa lahat. Ang paggalang sa mga
opinyon ng ibang tao ay tutulong sa atin sa pagtukoy kung ano ang
nararapat na gawin. Isaalang-alang ang desisyon ng karamihan upang
makuha ang pananaw ng lahat.
6. Matutong magkaroon ng “consensus” kaysa pagkahati-hati.
Explanation: Ang pagtataguyod ng “consensus”, o pagsang-ayon ng
karamihan, nagkakaroon ng pagkakaisa at mas mataas na antas ng
suporta mula sa iba’t ibang sektor ng Lipunan. Ito ay nagbibigay daan
para sa mas mabisa at mas maayos na implementasyon ng mga plano at
proyekto.
7. Ipaubaya ang pansariling layunin para sa kabutihan ng nakararami.
Explanation: Ang pagpapaubaya ng pansariling interes para sa kabutihan
ng nakararami ay nagpapahayag ng pagmamalasakit at pagkakaisa, na
maaaring maging inspirasyon sa iba upang gawin rin ang kanilang
bahagi sa pagtataguyod ng kabutihan ng nakakarami. Ito ay nagbubunga
ng mas maligaya at masayang Lipunan.
8. Umiwas sa sistemang “kanya-kanya” sa pagkamit ng pangkalahatang
layunin.
Explanation: Kinakailangang ang bawat isa ay magtulungan. Hindi
maaaring iisang tao lamang ang kumilos at magpursige na makamit ang
hangarin na kung saan ang nakararami ay siyang makikinabang.
Nararapat lamang na magkaisa at magkaroon ng maayos na
pagtutulungan para mas mapadali ang bawat suliranin at pagsubok na
kakaharapin.

You might also like