Professional Documents
Culture Documents
6th Module 8
6th Module 8
6th Module 8
Supplementary Learning
Materials for
Junior High School
Grade Levels: Grade 8
LEARNING COMPETENCIES
Nagagamit ang mga wastong mga panandang anaporik at kataporik ng pangngalan
Page 1 of 23
ANAPORA AT KATAPORA
SIMULA
Sa aralin na ito ay ating matutunghayan ang iba’t -ibang paraan ng mga salita, kaiba sa
ating nasanayan. Sa aralin ding ito ating pag -aaralan ang tungkol sa anaporik at
kataporik Ang kataporik o katapora ay ang panghalip na ginagamit sa
unahan bilang pananda sa pinalitang pangalan sa hulihan samantalang
ang anaporik o anapora ay ang panghalip na ginagamit sa hulihan
bilang pananda sa pinalitang pangalan sa unahan.
ACTIVITY
Panuto: Basahin at unawain ang bawat pahayag.Isulat kung ito ay anaphora o katapora
1. Sina Jose Rizal at Andres Bonficio and mga bayaning Pilipino. Sila ay mga dakilang
Pilipino. ______________
2. Si Mina ay naglalakad sa kalye ngunit nadapa siya. ________________
3. Nakapili na ng damit na bibilhin si Trixie ngunit nakita niyang kulang ang perang dala
niya. ______________
4. Ito ay isang dakilang lungsod. Ang Maynila ay may makulay na kasaysayan.
____________
5. Siya ang dahilan kung bakit nabasag ang salamin. Tumatakbo si Marc sa loob ng silid
kanina. ____________
DISCUSSION
ANAPORA AT KATAPORA
Ang kataporik o katapora ay ang panghalip na ginagamit sa unahan bilang
pananda sa pinalitang pangalan sa hulihan samantalang ang anaporik o anapora ay
ang panghalip na ginagamit sa hulihan bilang pananda sa pinalitang pangalan sa
unahan. Ginagamit ang katapora at anapora upang hindi na paulit-ulit na banggitin ng
nagsasalita o ng manunulat ang isang pangngalan. Layunin ng katapora at anapora na
maiwasan ang nakakasawang pagbanggit ng tinutukoy na pangngalan sa isang talata.
Samakatuwid, ang anapora at katapora ay pawang mga panghalip na sumusunod o
sinusundan ang pangngalang tinutukoy sa magkaibang paraan at puwesto. Sa
ordinaryo nating pakikipagpanayam, nagagamit natin ang anapora at katapora nang
hindi sinasadya.
Page 2 of 23
ang lagi kong ginagamit araw-araw.” Paano nga ba nagiging katapora at anapora ang
mga panghalip dito?
Ang panghalip natin ay ito. ang ito ay tumutukoy sa payong. dahil nauuna ang
panghalip na ito sa pangngalan na payong, ito ay isang katapora.
Halimbawa:
Sina Bonifacio at Sulayman ang mga bayaning Pilipino. Sila ay mga dakilang Manileño.
Patuloy na dinarayo ng mga turista ang Dos Palmas Resort sa Palawan dahil sila'y
totoong nagagandahan dito.
Si Chloe Verhinks ay isa sa mga dayuhang turista na pumunta sa Dos Palmas Resort
dahil ayon sa kanya, paborito niya itong pasyalan.
Halimbawa:
Kahulugan ng Panghalip
Ang panghalip o pronoun sa wikang Ingles ay ang salitang pamalit o panghalili sa
ngalan o pangngalan na nagamit na sa parehong pangungusap o sa kasunod na
pangungusap, kasama din ito sa bahagi ng pananalita o Parts of Speech.
Uri ng Panghalip
1. Panghalip Panao ay mula ito sa salitang “tao”, kaya’t nagpapahiwatig na “para sa tao”
o “pangtao”. Ito ay kilala rin sa Ingles bilang personal pronoun. Panghalili ito sa ngalan
ng tao at ila sa mga salitang halimbawa ng panghalip panao ay ang ako (me), ko, akin
(mine), amin, kami (we), kayo, atin, inyo, kita, kata, mo (you), siya (he/she), kanila
(theirs), at kanya (hers/his).
2. Panghalip Pamatlig o demonstrative pronoun ay humahalili sa pangngalang
nagtuturo ng lugar na kinalalagyan ng pangngalan. Halimbawa ng salitang pamatlig: ito,
iyan, iyon, nito, niyan, niyon, ganito, ganyan, ganoon, dito, diyan, doon, narito, nariyan,
at naroon.
Page 3 of 23
3. Panghalip Pananong o interrogative pronoun sa wikang Ingles. Ilan sa mga
halimbawa ng panghalip na pananong o patanong ay ang mga salitang ano (what), anu-
ano, sino (who), sino-sino, nino, alin, at alin-alin.
4. Panghalip Panaklaw o Indefinite Pronoun ay mga panghalip na sumasaklaw sa
kaisahan at dami o kalahatan ng kinatawang pangngalan. Ilan sa mga halimbawa nito
ang lahat, madla, sinuman, alinman, anuman, pawang, saanman, ilan.
5. Panghalip Pamanggit o Relative Pronoun ang panghalip pamanggit ay mula sa
salitang banggit na may pakahulugang pambanggit o pangsabi. Ito ay kataga o parirala
ng tagapag-ugnay ng dalawang kaisipan o pananalita tulad ng daw, raw, umano,
diumano, ani, sa ganang akin/iyo.
6. Panghalip Patulad nagpapakilala ito ng pagkakawangis ng dalawang bagay.
Halimbawa: ITO ay mga taong di-sakdal. Ang mga bayani ay may mga magigiting na
katangian.
Halimbawa:
Page 4 of 23
Unang Panauhan: Ito, nito,dito
Halimbawa:
Halimbawa:
1. Si Gil ang aking minamahal. Siya lamang ang aking mamahalin habambuhay.
Ang paghalip na siya ay tumutukoy kay Gil. Ang salitang Gil ay nasa unahan
samantalang ang panghalip na tumutukoy sa kanya ay nasa hulihan. Ito ay halimbawa
ng anapora.
2. Dito na kami lumaki at nagkamulat sa bayan ng San Agustin.
Ang panghalip ay dito na tumutukoy sa San Agustin. Dahil nauuna ang panghalip sa
tinutukoy na pangngalan, ibig sabihin ito ay katapora.
Upang mapadali ang pagtukoy sa anapora at katapora, tandaan lamang ang mga
sumusunod.
Ang anapora at katapora ay mga panghalip (alam na natin kung ano ang panghalip)
Ito
Doon
Dito
Iyon
Sila
Siya
Tayo
Page 5 of 23
Kanila
Kaniya
EBALWASYON
Panuto : Sagutin ang mga sumusunod , isulat kung ito ay ANAPORA AT KATAPORA.
1. Siya ay isa sa mga dayuhang turista na patuloy na pumupunta sa Boracay dahil ayon
kay Chloed Gray paborito niya itong pasyalan. _____________
2. Sila ay laging nag-aagawan sa pila tuwing kainan. Makikita sa mukha ng mga kalahok
na kontento sila at nasisiyahan sa seminar. _______________
3. Sila ay sopistikado kung manamit. Nagustuhan din nila ang masasarap na pagkain at
alak. Ang mga taga-France ay masayahin at mahilig dumalo sa mga kasayahan.
_______________
4. Dahil sa magaganda ang kanilang tinig ay sina Ariel Rivera at Lea Salongga ang
hinahangaan kung mang aawit. ___________________
5. Ito nagbibigay ng liwanag sa kadiliman ng gabi ang bilog na buwan.
________________.
6. Si Chloed Gray ay isa sa mga dayuhang turista na pumunta sa Boracay Resort dahil
ayon sa kanya, paborito niya itong pasyalan.__________________
7. Sina Jared at Jake ang mga batang nangunguna sa klase. Sila ay mahilig magbasa ng
libro. ________________
8. Si Lea Salonga ang sikat at kilala sa buong mundo sa larangan ng pagkanta.
Hinahangaan siya ng lahat. ____________________
9. Laging naiiwan ni Pedro and kanyang gamit. Kaya siya ay laging pinaalalahanan ng
kanyang ina. _____________________
10. Ang mga kababaihan sa Pilipinas ay kilala bilang malambing at matapang ipinaglalaban
ang kanilang karapan. Sila ay hinahangaan ng mundo dahil sa mga katangiang ito.
_______________.
Page 6 of 23
TAKDANG ARALIN
Panuto: Gamit ang graphic organizer isulat ang kaibahan ng anapora at katapora
sa isa’t -isa.
Page 7 of 23
TAGUM CITY COLLEGE OF SCIENCE AND TECHNOLOGY FOUNDATION INC.
Elpidio M. Gazmen Compound, Gazmen Road, Tagum City
SEC. Reg. No. 200630691 / Tel. No. 216-6824
E-mail Address: tcit2007@yahoo.com
Supplementary Learning
Materials for
Junior High School
Grade Levels: Grade 8
Core Subject: Filipino 8
QUARTER 3 - MODULE 6
LEARNING COMPETENCIES
Nasusuri ang mga salitang ginamit sa pagsulat ng balita ayon sa napakinggang
halimbawa
Page 8 of 23
PAGSULAT NG BALITA
SIMULA
Ang balita nakapagdaragdag sa atin ng karunungan at kaalaman tungkol sa ating
kapaligiran, nakapagpapalawak ng talasalitaan, nakapaghahatid ng lagay ng panahon,
nakapagdulot ng kasanayang makipag-ugnayan at nakapagpapa-isip sa atin. Ang
'balita' o 'news' sa ingles ay isang impormasyon o ulat tungkol sa mga pangyayaring
naganap kamakailan lamang, nagaganap sa kasalukuyan at magaganap pa lamang. Ito
ay makatutulong upang mas mapalawak ang ating kaalaman tungkol sa ating lipunan.
ACTIVITY
Panuto: Isulat ang iyong opinion tungkol sa ULO NG BALITA O HEAD LINES na ipinapakita
ng larawan sa ibaba.
Page 9 of 23
SARILING OPINYON : ________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
GABAY NA TANONG.
1. Ano ang balita?
2. Magbigay ng katangian ng isang balita?
3. Paano nakatutulong ang isang balita sa ating pang araw - araw?
4. Gaano kahalaga ang isang balita sa ating lipunan lalo na sa panahon ng
pandemya?
DISCUSSION
PAGSULAT NG BALITA
Ang balita - ay isang ulat na hindi pa nailathala, hinggil sa mga ginagawa ng mga
tao na inaakalang pananabikang mabatid at mapaglilibangan ng mga mambabasa
(Alejandro)
■Ito ay maaaring isang ulat ng pakikipagsapalaran ng tao hinggil sa kanyang layunin
pagnanais at pananaliksik.
■Maaari rin naman, ito ay ang anumang bagay na ngayon mo lamang nalaman at
bago sa iyong kabatiran na makapagdaragdag sa iyong kaalaman.
Page 10 of 23
Upang sagutin ang iyong katangungang “Paano gumawa ng isang balita?",ating
tatalakayin ang mga sumusunod na paksa na magiging gabay sa pagsulat ng isang
balita.:
Page 11 of 23
1. Ang balita ba ay sumasagot sa mga katanungang: Sino, Saan, Kailan, Ano, Bakit at
Paano?
2. Mayroon bang maaksyong ulo ng balita o Headline?
3. Ang isinulat bang balita ay may malinaw na pamatnubay(lead)?
4. Maaksyon ba ang nilalaman ng balitang isinulat?
5. Sumusunod ba ang sa Inverted Pyramid o Decreasing Importance ang pagkakasulat ng
balita – Pamatnubay, Katawan at Pangwakas?
6. Buo ba ang mga detalyeng inilhad?
7. Wala bang paligoy-ligoy ang pagkakasulat?
8. Wala bang opinyon na kasali?
Ang unang bahagi ay pamatnubay. Ito ay sumasagot sa mga tanong katulad ng sino,
kailan, ano, bakit at paano. Ito ay makikita sa unahan ng balita. Ang sumunod naman
ay katawan ng balita na naglalahad naman ng mga karagadang detalye upang mas
mapalawak ang impormasyong hatid ng balita.
(1) Lokal na balita - ang mga balitang ito ay naganap sa pamayanang kinabibilangan o
kinatitirahan ng tagapakinig, tagapagbasa o tagapanuod nito.
(2) Balitang dahuyan - masasabing ang isang balita ay balitang dayuhan kung ang
pangyayari ay naganap sa labas ng bansa na kinabibilangan ng tagapakinig,
tagapagbasa o tagapanuod nito.
HALIMBAWA NG BALITA
Laman kahapon, ika-10 ng Oktubre ng iba’t ibang pahayagan at telebisyon ang isang
pahayagan ng French na tinatawag na ‘serial killer’ si Pangulong Duterte dahil sa
madugong kampanya nito kontra sa illegal na droga.
Sa isang pakikipanayam kay Interior Secretary Mike Sueno, sinabi niyang ang
pagtawag ng ‘serial killer’ kay pangulong Duterte ay sobra. “Hindi nila nauunawaan ang
ating sitwasyon”, dagdag niya.
Sa isang pahayag naman ni Spokeperson Ernesto Abella, sinabi niyang ang artikulo ay
nagpapakita ng irresponsible at kulang ng pagkakaintindi sa kalagayan ng ating bansa.
Sa kabila nito, marami pa rin ang natutuwa sa ginagawa ng pangulo. Tinuturing ng iba
na meseyanik o may divine mission ang pangulo para sa ating bansa.
Page 12 of 23
EBALWASYON
Panuto: Sumulat ng napapanahong balita. Isulat ito sa isang malinis na
papel at pagkatapos ay ilagay sa brown folder.
PAMANATAYAN
PAMAGAT – 10 PTS.
KALINISAN – 10 PTS.
NILALAMAN – 20 PTS.
TAKDANG ARALIN
Bilang isang mamamayang Pilipino paaano mo mapapalawak ang iyong kaaalaman
tungkol sa isang magandang balita na maaaring makapagbibigay ng magandang
epekto sa iyong lipunan. 20 pts.
Page 13 of 23
TAGUM CITY COLLEGE OF SCIENCE AND TECHNOLOGY FOUNDATION INC.
Elpidio M. Gazmen Compound, Gazmen Road, Tagum City
SEC. Reg. No. 200630691 / Tel. No. 216-6824
E-mail Address: tcit2007@yahoo.com
Supplementary Learning
Materials for
Junior High School
Grade Levels: Grade 8
Core Subject: Filipino 8
QUARTER 3 - MODULE 7
LEARNING COMPETENCIES
Natutukoy ang datos na kailangan sa paglikha ng sariling ulat – balita batay sa material
na binasa.
Page 14 of 23
ULAT BALITA
SIMULA
Ang ulo ng balita o headlines ayang pamagat ng isang balita na makikilala sa
pamamagitan ng paggamit ng higit na malalaking titik kaysa sa nilalaman. Ang balita
nakapagdaragdag sa atin ng karunungan at kaalaman tungkol sa ating kapaligiran,
nakapagpapalawak ng talasalitaan, nakapaghahatid ng lagay ng panahon,
nakapagdulot ng kasanayang makipag-ugnayan at nakapagpapa-isip sa atin . Ang
'balita' o 'news' sa ingles ay isang impormasyon o ulat tungkol sa mga pangyayaring
naganap kamakailan lamang, nagaganap sa kasalukuyan at magaganap pa lamang. Ito
ay makatutulong upang mas mapalawak ang ating kaalaman tungkol sa ating lipunan.
ACYIVITY
Panuto: Tingnang Mabuti ang larawan na nasa ibaba , magbigay ng mensahe sa mga
taong nagpapakalat ng ganitong mga balita.
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
Page 15 of 23
__________________________________________________________________________.
GABAY NA TANONG
1. Ano ang editorial?
2. Paano nito nakukumbense ang kanyang taga basa?
3. Ang mga editorial ba ay nagpapakita ng mensahe?
4. Sa pagsulat ng isang editorial nararapat ba na magkaroon ng isang katibayan?
DISCUSSION
ULAT BALITA
Page 16 of 23
inilalagay sa itaas ng pinakaulo sa bandang kaliwa nito o sa sentro. Ito’y nagtataglay ng maliit
na tipo at sinalungguhitan. Ginagamit itong pang-akit sa bumabasa. Maaaring ito’y isang
salita o parirala lamang. Kung ang taglayn ay mas malaki kaysa ulo ng balita ito’y tinatawag
na hamer (hammer).
8. nakakahong ulo (boxed head) - ulo ng balita na kinulong sa mga guhit para maipakjta ang
kahalagahan.
9. talon-ulo (jump head) - ulo ng jump story na nasa ibang pahina.
2. Draplayn (dropline or step form) -binubuo ng dalawa o higit pang linya na ang unang linya
ay pantay kaliwa at ang bawat kasunod na linya ay inuurong pakanan.
Seminar sa kabutihang asal
gaganapin sa Paaralang Normal
3. Bitin-Pantay (hanging indention) -binubuo ng maraming linya -ang unang linya ay pantay
kaliwa, at ang dalawa o tatlong magkakapantay na linya ay inurong pakanan
Punong patnugot
nahalal na pinuno
ng NSPCAA
4. Baligtad na piramide o tagilo (inverted pyramid) binubuo ng dalawa o higit pang linya na
paikli nang paikli ang haba, na ang huli at pinakamaikling linya ay nakasentro. Nagkamit ng
unang gantimpala
sa sabayang bigkas
ang paaralan
Page 17 of 23
5. Kroslayn o Barlayn (crossline or barline) binubuo ng isang linya lamang na maaaring
sumakop ng dalawa o tatlong kolum.
Torchbearer, nanguna sa NSPC
6. Plaslayn (flushline or full line) - dalawa o higit pang magkasinghabang linya na umaabot sa
kaliwa at kanang mardyin.
Buwan ng Wika, Inilunsad,
Pineda, Punong Tagapagsalita
Page 18 of 23
13. Gamitin ang maikli at kilalang salita.
Masalita: Bayang Pilipinas, sasali sa pandaigdig na palaro
Maikli: RP, sasali sa olimpiyada
14. Iwasan ang paghihiwalay ng pang-ukol at ng layon nito lalo na sa unang linya (Avoid
hanging prepositions)
Mali: Pagligsahan sa
pamamahayag,
gaganapin sa Tagaytay
Tama: Paligsahan sa pamamahayag, gaganapin sa Tagaytay
4. Huwag gamitan ng gatlang (dash) sa malalaking tipo. Maaaring gamitin ito sa maliit sa
kubyerta lamang
5. Iwasan ang paggamit ng dobleng panipi (double quotation). Gamitin ang bugtong na
panipi (single quotation)
Sa ulo ng balita:
Page 19 of 23
Mahalin ang sariling Wika’
- Pineda
Pagbilang ng Yunits
Bawat pahayagan ay may takdang sukat ng kolum. Ang karaniwang pampaaralang
pahayagan na sukat tabloyd (12" x 18") ay nagtataglay ng limang kolum na ang bawat
sukat ay 12 ems (dalawang pulgada o dali). Bawat laki at istilo ng tipo ay may tiyak na
bilang para sa espasyong kalalagyan.
1/2 yunit - jiltf at lahat ng bantas, maliban sa (em dash), dobleng panipi (double quotation
marks) at sa tandang pananong (question mark)
n.b. Kung computer ang gagamitin sa pag layout hindi na kailangang magbilang ng
yunits. Gagampanan na ng computer ito subalit kailangan ding malaman ang basics ng
headline writing. Hindi lahat ng paaralan ay may computer:
2 Yunits M at W (Capitals)
Ipinatuturo
1/2 1 1/2 1 1 1/2 1 1/2 1 1 1=12
pagpaplano
111111 1/2 111 = 9 1/2
ng pamilya
1 1 1 1 1 1/2 1/2 1/2 1 = 9 1/2
2. Pagsipi o paggupit ng halimbawa ng iba’t ibang uri ng ulo ng balita at pagdidikit ng mga
ito sa isang iskrapbuk.
Page 20 of 23
3. Pagpuna sa mga ulo ng balita na lumalabag sa tuntunin ng pagsulat ng ulo ng balita.
4. Pagsasanay sa pagbilang ng mga yunit ng mga titik at mga bantas sa ulo ng balita.
10. Pag-aralang muli ang mga back issues ng inyong pampaaralang pahayagan at suriin
kung ang mga ulo ng balita ay nasa wastong pagkaayos batay sa kahalagahan (properly
graded) at kaanyuan (properly laid out).
EBALWASYON
Panuto: Gamit ang isang coupon bond , cartolina o di kaya’y brown folder na maaari
ninyong gamitin sa pagbuo ng inyong Gawain. Gamit ang mga nasabing kagamitan
gumawa ng sariling HEAD LINES O ULO NG BALITA na siguradong makakakuha ng
atensyon, maaaring kulayan at pagandahin.
Page 21 of 23
Pamantayan
Kalinsan – 15
Pagkamalikhain – 10
40pts.
TAKDANG ARALIN
Panuto : Ayon sa larawan sa ibaba isulat ang detalye na ipinapakita ng babae
batay sa kanyang ginagawang aksyon mula 1 -4.
1.____________________________
Page 22 of 23
2.____________________________
3.____________________________
4.__________________________
Page 23 of 23