Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
N a t i o n a l C a pi t a l Re g i o n
Sc h o o l s D i v i s i o n O f f i c e o f La s Pi ñ a s C i t y

Learning Activity Worksheets (LAW 4)


Filipino 10

Pangalan________________________ Petsa:_____________ Iskor:__________

Pagsasanay 1:
Panuto: Lagyan ng tsek (✓) sa patlang kung ang paghahambing sa pangungusap ay patulad.
Ekis (X) kung ang paghahambing ay di-patulad.

___ 1. Higit na maraming mag-aaral ang nakilahok sa paligsahan ngayon kaysa nakalipas na
taon.
___ 2. Si Rene ay di-gasinong masipag na gaya ni Ramil.
___ 3. Si Chester ay kasinggaling ni Danilo sa pagsayaw.
___ 4. Ang nakita naming buwaya sa lawa ay kasinlaki ng bangka.
___ 5. Ang pagsusulit natin ay di-lubhang mahirap na tulad ng nakaraang pagsusulit.

Pagsasanay 2:
Panuto: Isulat ang angkop na paghahambing gamit ang gabay na salita na nasa loob ng
panaklong. Isulat ang sagot sa patlang.

1. _______ (ganda) sina Paulita Gomez at Maria Clara.


a. sing b. kasing c. magkasing d.magkasin
2. Si Simoun ay __________ (mautak) kaysa kay Padre Damaso.
a. mas b.higit c.lalo d. napaka
3. Sina Basilio at Isagani ay__________ (bait) katulad ng kanilang mga magulang.
a. magkasing b. magkasim c. sim d. sing
4. ____ (talas) ng punyal ang galit ni kabesang Tales sa mga prayle.
a. sin b. sing c sim d. kasing
5. Ang mga pangarap ni Basilio ay _________ (tayog) ng nagtaasang gusali sa syudad.
a. kasin b. kasing c. magkasing d. magkasin

Markahan : 4__ Linggo: 7 at 8


MELC:
Nagagamit ang angkop na mga salitang naghahambing (F10WG-IVg-h-81)
Nasusuri ang tauhan na may kaugnayan sa: mga hilig/interes (F10PU-IVg-h-88)
Nasusuri ang tauhan na may kaugnayan sa: mga hilig/interes/kawilihan/kagalakan/ kasiglahan /pagkainip/
pagkayamot; pagkatakot; Pagkapoot; pagkaaliw/ pagkalibang at iba pa (F10PU-IVg-h-88)
Nasusuri ang nobela batay sa pananaw/ teoryang: romantisismo, humanism, naturalistiko, at iba pa Asya (F10WG-
IVg-h-81)
Nabibigyang-pansinang ilang katangiang klasiko sa akda. (F10PB-IVi-j-94)
(Pag-aari ng Pamahalaan. Hindi Ipinagbibili)
Pagsasanay 3:
Panuto:Tukuyin ang mga tauhan sa napakinggan/pinanood o nabasa na kabanata ng El
Filibusterismo na may damdaming kaugnay ng mga sumusunod.

1. Agad na ipinarating ni Basilio ang kagustuhan nitong umanib kay Simoun at sumama sa
mga plano.
a.Paghihiganti b. Pakikiisa c. Parerebelde d. Pakikisama
2. Nakita ni Basilio na bumaba sina Paulita at Juanito sa sasakyan bilang bagong kasal.
Nahabag siya para sa kaibigang si Isagani. Anong damdamin ang namayani kay
Basilio?
a.Pagkamuhi b. Pagkaawa c. Pananabik d. Pagkagalit
3. Humingi ito ng “pagpapakasakit” pa. Mula noon iniwasan na ito ng dalaga.
a.Pag-aalala b. Pagkagalit c. Pagkatakot d. Pagkamuhi
4. Si Padre Camorra ay humihingi ng “pagpapakasakit” sa dalagang si Juli kapalit ng
tulong nito.
a.Mapagsamanatala c. Mapagkagawanggawa
b.Matulungin d. Maalalahanin
5. Ang katunggali naman ni Tiyago na si Donya Patrocinio ay gusto na ring mamatay at
ilibing nang marangya. Anong damdamin ang masasalamin kay Don Patrocino.
a.Pagkaawa b. Pagkainggit c.Pagkahabag d. Pagkayamot

Markahan : 4__ Linggo: 7 at 8


MELC:
Nagagamit ang angkop na mga salitang naghahambing (F10WG-IVg-h-81)
Nasusuri ang tauhan na may kaugnayan sa: mga hilig/interes (F10PU-IVg-h-88)
Nasusuri ang tauhan na may kaugnayan sa: mga hilig/interes/kawilihan/kagalakan/ kasiglahan /pagkainip/
pagkayamot; pagkatakot; Pagkapoot; pagkaaliw/ pagkalibang at iba pa (F10PU-IVg-h-88)
Nasusuri ang nobela batay sa pananaw/ teoryang: romantisismo, humanism, naturalistiko, at iba pa Asya (F10WG-
IVg-h-81)
Nabibigyang-pansinang ilang katangiang klasiko sa akda. (F10PB-IVi-j-94)
(Pag-aari ng Pamahalaan. Hindi Ipinagbibili)
Pagsasanay 4:
Panuto: Basahin ang piling bahagi ng kabanata 30 sa El Filibusterismo at pagkatapos suriin ito
gamit ang mga gabay na tanong sa ibaba.

Kabanata 30: Si Huli

Naging malaking balita ang pagkakahuli kay Basilio at labis itong pinagalala ni Juli. Siya ay
binabangungot sa kakaisip kay Basilio. Sa pagnanais niyang makalaya si Basilio ay naisip niya si
Padre Camorra. Isang salita lamang ni Padre Camorra ay makakalabas ng kulungan si Basilio.

Siya na lamang ang natira sa bilangguan dahil wala siyang tagapagtanggol at wala rin
naman kamag-anak.

Ayaw pumunta ni Juli sa kumbento dahil natatakot siya kay Padre Camora ngunit pinilit
siya ni Hermana Bali. Nang makapasok na sila sa kumbento, kinahapunan ay may nangyaring
hindi maganda. May babaeng tumalon sa bintana at namatay at may babaeng nagtatakbong
lumabas ng kumbento na tilawala na sa katinuan.

Pinuntahan ni Tata Selo ang kumbento at hinahanap si Juli ngunit hind siya pinapasok at
sa halip ay pinagtabuyan pa. Hinanap niya ang gobernadorsilyo, Juan de Paz at tinyente ngunit
wala ang mga ito. Narinig sa bayan ang panaghoy ni Tata Selo at kinabukasan ay dinala niya ang
kanyang itak at nilisan ang lungsod. (Upang sumapi sa mga tulisan)

Markahan : 4__ Linggo: 7 at 8


MELC:
Nagagamit ang angkop na mga salitang naghahambing (F10WG-IVg-h-81)
Nasusuri ang tauhan na may kaugnayan sa: mga hilig/interes (F10PU-IVg-h-88)
Nasusuri ang tauhan na may kaugnayan sa: mga hilig/interes/kawilihan/kagalakan/ kasiglahan /pagkainip/
pagkayamot; pagkatakot; Pagkapoot; pagkaaliw/ pagkalibang at iba pa (F10PU-IVg-h-88)
Nasusuri ang nobela batay sa pananaw/ teoryang: romantisismo, humanism, naturalistiko, at iba pa Asya (F10WG-
IVg-h-81)
Nabibigyang-pansinang ilang katangiang klasiko sa akda. (F10PB-IVi-j-94)
(Pag-aari ng Pamahalaan. Hindi Ipinagbibili)
Sundin ang mga gabay sa Pagsusuri:
1. Uri ng Panitikan:_______________________________________________
2. Paglalapat ng Teoryang Pampanitikan:__________________________
3. Tema o Paksa ng Akda:__________________________________________
4. Mga Tauhan_____________________________________________________
5. Katangiang Akdang Klasiko:_____________________________________
6. MgSaloobin/damdamin sa Akda:_________________________________

Inihanda ni:
Elizabeth T. Eder
Master Teacher II
Las Piňas North National High school

Markahan : 4__ Linggo: 7 at 8


MELC:
Nagagamit ang angkop na mga salitang naghahambing (F10WG-IVg-h-81)
Nasusuri ang tauhan na may kaugnayan sa: mga hilig/interes (F10PU-IVg-h-88)
Nasusuri ang tauhan na may kaugnayan sa: mga hilig/interes/kawilihan/kagalakan/ kasiglahan /pagkainip/
pagkayamot; pagkatakot; Pagkapoot; pagkaaliw/ pagkalibang at iba pa (F10PU-IVg-h-88)
Nasusuri ang nobela batay sa pananaw/ teoryang: romantisismo, humanism, naturalistiko, at iba pa Asya (F10WG-
IVg-h-81)
Nabibigyang-pansinang ilang katangiang klasiko sa akda. (F10PB-IVi-j-94)
(Pag-aari ng Pamahalaan. Hindi Ipinagbibili)

You might also like