Banghay Aralin Sa HEALTH Masustansiya o Hindi

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Banghay Aralin sa HEALTH

Pinagsanib na aralin sa Science at Art


Unang Markahan
Pangalawang Linggo
(Ika-limang Araw)

I. Layunin:
Natutukoy kung ang pagkain ay masustansiya o hindi masustansiya.

II. Paksang Aralin


A. Masustansiya Ba o Hindi Gaanong Masustansiya?
B. Kagamitan: Larawan ng ibatibang pagkain
C. Sanggunian: k-12 Health
Modyul 1, Aralin 1 pah 3-4
Pupils’ Activity Sheet p. 10
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1. Balik-aral
Pumalakpak kung ang pagkain ay galing sa hayop at tumayo kung galing sa halaman?
2. Pagganyak:
Awit: Gatas, Itlog
B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad:
Iparinig ang kwento tungkol sa dalawang bata. Ang isa ay mahilig kumain ng prutas at gulay
ang isa naman ay mahilig sa mga sitsirya at sopdrink.
Sino sa palagay ninyo ang magiging malusog? Bakit?
2. Gawain:
Ipapili sa mga bata mula sa paskilan ang mga masusustansiyang pagkain. Ipalagay sa
kahon ang mga hindi gaanong masusustansiya.
3. Talakayan:
Bakit kailangan nating kumain ng mga pagkaing tulad ng inilagay ninyo sa basket?
C. Pangwakas na Gawain
1. Paglalahat
Anong uri ng pagkain ang dapat ninyong kainin upang ang katawan ay sumigla at lumusog?
2. Paglalapat
Pangkatang gawain (Gamit ang mga larawan ng mga pagkain ipagawa sa mga bata)
Pagbukurin ang mga dapat o di mo dapat kainin.
IV. Pagtataya
Lagyan ng / ang masustansiyang pagkain
Lagyan ng X ang di-gaanong masustansiyang pagkain.
_____1. mangga
_____2. pop cola
_____3. pritong isda
_____4. chiz curl
_____5. nilagang saging

V. Takdang Aralin
Magdikit ng mga masusustansiyang pagkain sa inyong kwaderno. Magpatulong sa magulang.

Puna

_____na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ___ang nagpakita ng ___ na bahagdan
ng pagkatuto ng aralin.

You might also like