Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 1

Caspher F.

Ramos

MULAT NA DIWA

Ang puso ng isang makabayan


Layunin ay natatangi
Mga talata ng katarunga’y itanim
Pagsusumamo sa pagkakapantay-pantay ang mithiin
Saloobing sa tinta at pananaw maingat na inihayag
Karapatang pantao ay natapakan
Para sa umalipin sa inang bayan nanlilibak
Noli Me Tangere at El Filibusterismo ang dahilan sa kalayaang natatamasa

Sa mundong walang kasiguraduhan


May nag-iisang tiyak
Buhay ng bawat isa'y iisa ang patutunguhan
Lahat ay may katapusan
Sa limitadong oras ng pananatili
Huwag nating hayaan
Maging isang alaala na lamang
Mga sulating nagpalaya sa ating bayan

Isang makatang ginoo labis ang pag-aalinlangan


Sa bayang tagilid ang kalagayan
Buhay na marangya’y kanyang tinalikuran
Upang magsaliksik ng kaalaman
Labis ang paghihirap na dinanas ng sambayanan
Makamtan lamang ang hinahangad na kalayaan
Hindi nagdalawang isip na lisanin ang bayan
Sapagkat sa sariling bayan nakalaan

Ang bayang sinilangan sa panahon ng dayuhan


Taglay na karikitan ay walang paglagyan
Sa kanyang mga akda’y nakasiwalat lahat-lahat
Kagandahan ng bayang tuluyang nilapastangan
Inilahad sa mayamang imahinasyon
Ang samut-saring matututunang leksyon
Maging ang kaugalian ng mga Pilipino noon
Nagpapaalala sa mayamang historya ng nayon

Sa pamamagitan ng mga tula


Namulat ang kanilang mga mata
Sa bawat pahina ng kanyang isinulat na mga aklat
Ay ang nag-aalab na damdamin ng lahat
Sagana sa katotohanang nangyari sa ating bayan
Sa pamamagitan ng kanyang mga taludtod
Ay ang liwanag ng kalayaan
Ang pagkakaisa ng bayan

Pagiging sakit ng lipunan ay iwasan


Upang lubos itong malunasan
Sa halip, mahalin ang inang bayan
Magbaliktanaw sa makulay na nakaraan
Ayon sa ating pambansang bayani
Dr. Jose Rizal na katangi-tangi
Kabataan ang pag-asa ng bayan
Kung kaya’t mga likha niya’y marapat na tunghayan

You might also like