1ST DLP Nasyonalismo

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

MASUSING BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN 7

I. LAYUNIN
a. nasusuri ang mga salik at pangyayaring nagbigay –daan sa pag-
usbong at pag-unlad ng nasyonalismo sa Silangan at Timog -
Silangang Asya;
b. naipapaliwanag ang iba’t ibang manipestasyon ng nasyonalismo sa
Silangan at Timog -Silangang Asya;
c. nabibigyang halaga ang papel ng nasyonalismo sa pagbuo ng mga
bansa sa Silangan at Timog -Silangan.

II. PAKSA
a. Paksa:Nasyonalismo sa Silangan at Timog- Silangang Asya
b. Integrasyon: Pagpapahalaga sa bansa.
B. Sanggunian: ASYA: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba"
c. Materyales: Laptop, T.V., PowerPoint Presentation, Cartolina

III. PAMAMARAAN
AKTIBIDAD NG GURO GAWAIN NG MAG AARAL
A. PANIMULANG GAWAIN

1. PANALANGIN
Bago po natin simulan ang ating discussion,
tayo muna ay tumayong lahat para sa
panalangin.
(Ang lahat ng mga mag-aaral ay tatayo)
2. PAGBATI
Magandang Umaga Grade 10
Magandang Umaga din po Ma’am!
Kamusta ang lahat?
Maayos naman po, Ma’am.
Alright, maganda kung ganon mga bata.

3. PAGTATALA NG LIBAN
Sino ang ating Class Secretary?
(Tatayo ang class secretary)
May lumiban ba sa klase ngayong araw?
Wala po Ma’am.
Alright, mabuti naman kung ganon.

4. PAGHAHANDA SA TALAKAYAN
Bago natin simulan ang ating discussion,
ilalahad ko muna sa inyo ang ilang rules sa
klaseng ito. Una, pakiayos ang mga upuan,
nais ko na bago
magsimula ang ating klase ay nasa ayos ito.
Pangalawa, pakipulot ang mga nakikitang (Ang lahat ng mga mag aaral ay tatayo upang ayusin
kalat sa paligid kung meron man. Pangatlo, ang upuan).
pakitago lahat ng mga bagay na hindi
related sa ating discussion tulad na lamang (Ang lahat ng mga mag aaral ay tatayo upang magpulot
ng cellphone, pagkain, at activity o ng mga kalat).
assignment sa ibang subject. Pang apat,
makikinig mabuti sa discussion ni teacher at
magtataas ng kamay kapag may gustong
sabihin. At ang pang huli ay, walang
magsasalita habang nagsasalita si teacher.
Nagkakaintindihan po ba tayo?

BALIK ARAL
Bago tayo magsimula sa ating activity at
discussion, balikan muna natin kung ano
ang huli nating tinalakay. Ma’am imperyalismo at kolonyalismo sa Silangan at
Timong Silangang Asya

Mahusay!

B. Paghahabi sa Layunin

WOULD YOU RATHER

Magbibigay ang guro ng dalawang


pagpipilian at ang mag aaral ay pipili kung alin sa
dalawa ang gusto nila. Tatandaan ng mag aaral ang
kanilang napili dahil ang guro ay magpapakita ng
larawan at gagayahin ng mga mag aaral ito base sa
kanilang sagot.

C. Pag uugnay ng halimbawa sa bagong


aralin

Put a finger down kung ikaw ba ay


nasyonalismo sa iyong bansa.

Paggamit ng maayos at may pagmamahal sa


wikang kinagisnan at wikang nakasanayan.
Pagtangkilik sa mga produkto ng bansa.
Pagmamahal at pagsasabuhay ng mga kultura at
mga tradisyon.
Paggalang sa watawat na sumisimbolo sa bansa at
maayos na pag-awit ng pambansang-awit.
Pagsunod sa mga batas at patakaran na dapat
sundin at isabuhay.
Pagmamalaki sa mga sariling likha.
Pagmamalaki na ikaw ay ipinanganak sa bansang
kinalakihan.
Paggampan sa mga tungkulin at responsibilidad.
Pangangalaga sa mga likas na yaman ng bansa.
Paggalang at pagrespeto sa kapwa mamamayan.
D. Pagtatalakay ng konsepto

Video analysis

Magkakaroon ng group activity ang mga mag


aaral. Ang guro ay magpapakita ng video
presentation, bawat grupo ay gagawa ng slogan
tungkol sa kanilang napanood at ipapaliwanag
ito sa harap. Gagawin ng mag aaral ang
actibidad sa loob ng 10 minutes.

Ano ang Nasyonalismo?


Ma'am ang Nasyonalismo ay isang pagmamahal sa
nasyon o bansa.
Mahusay!Ang Nasyonalismo tumutukoy sa
pagmamahal sa sa bayan.

Ano kaya sa tingin niyo ang maaring maging


epekto ng patuloy na pagdanas ng pang
aabuso at pagmamalupit sa mga Asyano? Ma'am sa tingin ko po ang maaring maging epekto ng
patuloy na pagdanas ng pang aabuso at pagmamalupit
sa mga asyano ay hindi pa rin matatapos ang pag aaway
at hindi rin makakamit ang Kalayaan ng kanilang
ninanais.

Magaling!

Hindi man tuwirang nasakop ng mga


kanluranin, dumanas ng maigting na
imperyalismo ang Silangang Asya lalo na
noong Ika-18 siglo.

Ano nga ba ang ang na apekto ng


Imperyalismo sa kaunlaraning bansa sa
Silangang Asya?
Ma'am nagdulot ng epekto ng Imperyalismo sa
Silangang Asya ay ang kanilang kabuhayan.,
pamahalaan, Lipunan at kultura ng mga Asyano.
Mahusay!

Naghahangad ang mga Tsino at Hapones na


makawala mula sa imperyalismong
kanluranin dahil sa hindi mabuting Epekto
nito sa kanilang pamumuhay. Ang
paghahangad na ito ay nagbibigay-daan sap
ag- usbong ng Nasyonalismo sa dalawang
bansa.

Ano nga ba ang dalawang bansa na


nanghihingi ng Kalayaan sa mga kaunlaranin
asya?
Ma'am ang bansa sa Silangang asya na naghahangad ng
Kalayaan ay ang bansang China at bansang Japan.

Magaling!

Ang kahalagahan ng Nasyonalismo sa


bansang China ay nagkaroon sila ng
pagkakaisa laban sa mga pananakop ng mga
kaunlaranin.

Ano nga ba ang dalawang Rebelyon ng mga


Tsino? Ma'am ang daalawang rebelyon ng mga tsino ay ang
Rebelyong Taiping at Rebelyong Boxer.
Mahusay!

Ano nga ba ang kahalagahan ng Rebelyong


taiping(Taiping Rebellion) sa mga Tsino?

Ma'am ang kahalagahan ng Rebelyong Taiping ang


Magaling! gusto nilang makuhang pagbabago sa lipunan.

Kabilang din dito ang gusto nilang


magkaroon ng pagkapantay-pantay ng
Karapatan para sa mga kababaihan at
pagpalit ng mga relihiyong Confucianism at
Buddhism sa relihiyong Kristyanismo.

Sino naman kaya ang namuno sa Rebelyong


Taiping?

Ma'am ang namuno po sa Rebelyong Taiping ay si


Hung Hsui Ch'uan
Mahusay!

Si Hung Hsui Ch'uan ang namuno layunin


niyang mapabagsak ang Dinastiyang Qing
upang mahinto ang pamumuno ng mga
dayuhan.

Dumako na tayo sa Rebelyong Boxer.

Bakit nga ba tinawag na Rebelyong Boxer?


Ma'am tinawag po nilang Rebelyong Boxer dahil ang
mga naghimaksik ay miyembro ng samahang I-ho
C'huan o Righteous and Harmonious Fist.

Magaling!

Bukod sa pagtuligsa sa korupsyon sa


pamahalaan. Ang Pangunahing layunin ng
Rebelyong Boxer ay ang patalsikin ang lahat
ng mga dahuyan sa bansa, kabilang dito ang
mga kaunlaranin.

Dumako naman tayo sa Bansang Japan.

Sa tingin niyo ano-ano kaya ang ginawa ng


mga Hapones sa mga Kaunlaranin?
Ma'am sa tingin ko po ang kanilang ginawa ay
tinanggap nalang nila ang mga kaunlaranin sa bantang
Imperyalismo sa kanilang bansa/Teritoryo.

Mahusay!

Tinanggap ng bansang Japan ang mga


kaunlaranin nang hilingin nito na ipatupad
ang Open Door Policy noong 1853.

Sa panahon na ito umusbong ang damdaming


Nasyonalismo ng mga Hapones.Ipinakita ng
mga Hapones sa kabila ng pananatili ng mga
kaunlaranin sa kanilang teritoryo.
Subalit magkaiba ang naging pagtugon ng
dalawang bansa sa banta ng imperyalismo.
Sa tingin ninyo bakit kaya?
Ma'am sa tingin ko po ang bansang China ay patuloy na
sarado kaya't sapilitang pumasok ng mga Kanluranin sa
pamamagitan ng digmaan, Ngunit sa Bansang Japan ay
hinayaan nalamang nilang manatili ang mga
kaunlaranin sa kanilang teritoryo.

Mahusay!

Ano kaya ang kahalagahan sa pag papanatili


ng mga Hapones sa mga kaunlaranin?
Ma'am nagkaroon sila ng magandang pagsasama lalo
na sa Edukasyon.

Magaling!

Sa Edukasyon ay nagkaroon ng Compulsory


Education o sapilitang pag aaral sa mga
Elementary. Nag imbita pa ng mga
mahuhusay nahusay na guro mula sa ibang
bansa.

Ano pa ba ang mga ginawa ng mga Ma'am mas gumanda ang kanilang Ekonomiya at ang
Kaunlarnin sa bansang Japan?
Sandatahang Lakas.

Mahusay!

Sa ekonomiya nakagagawa na ng mga


kalsada,Tulay, linya ng kuryente at
napaunlad sa Sistema ng komunikasyon at
Transportasyon sa bansang Japan.

Ano naman kaya sa tingin ninyo ang


napabago sa sandatahang lakas ng mga
Hapones? Ma'am mas pinalakas sa pamamagitan ng paggawa ng
makabagong barko at kagamitang pandigma.

Magaling!

Isinaayos ang pagsasanay ng mga sundalong


Hapones. Dahil diyan mas maganda ang
pagsasama ng bansang Japan at kaunlaranin
at mas nagkaroon ng Nasyonalismo ang
bawat teritoryo nila. Ganyan niyakap ng mga
hapones ang Sistema nagmula sa kaunlaranin
para mapaunlad ang kanilang bansa.

Ano ang nasyonalismo sa Pilipinas?

Pinasimulan ng Kilusang Propaganda mula 1872-


1892.
Kauna-unahang rebolusyong nasyonalista sa Asya.
Nalinang lamang nang ang bansa ay may mahigit
na 300 taon nang sakop ng mga Kastila.

Pagbubukas ng Pilipinas sa Pandaigdigang


Kalakalan

Ito ang nagbigay-daan sa paglinang ng pangkat ng


mga edukadong Pilipino na tinatawag na Ilustrado.

Ma’am si Gomburza, Dr. Jose Rizal, Andres Bonifacio,


Emilio Aguinaldo

Nasyonalsimo sa Burma

Ang bansa ay naging kolonya ng mga British


noong 1896 bilang isang lalawigan ng India.
General Council of Burmese Association- kilusang
naglalayong makakuha ng suporta mula sa mga
pangkat etniko ng bansa.

Nasyonalismo sa Indonesia

Sinimulan ng mga kabataang nakapag-aral ang


pagtatag ng samahang nasyonalista.
Budi Otomo o Dakilang Pagpupunyagi- layunin
nitong ibangon ang kalagayan ng mga magbubukid
sa Java.
Itinatag at pinamunuan ito ni Wahidin
Sudirobusodo.

Nasyonalismo sa Vietnam

Ang pagpapahalaga ng mga French sa panlipunan


at pampolitikal na pananaw ang nagtanim ng
damdaming Nasyunalismo sa mga Vietnamese.

E. Paglalapat ng aralin

Bilang isang mag-aaral ano ang magandang


naidulot ng nasyonalismo sa bansa

Bakit mahalaga ang kalayaan?

Paano mo ipapakita ang pagmamahal sa


bansang sinilangan?

F. Paglalahat

Gamit ang acronym na N-A-S-Y-O-N-A-


L-I-S-M-O. Magbigay ng mga salita na
nauugnay sa ating paksa na nagpapakita ng
iyong pag-unawa at pagkatuto tungkol sa
ating talakayan.
H.PAGTATAYA NG ARALIN
PAGTATAYA TAMA O MALI
Panuto: Tukuyin kung wasto o hindi wasto ang isinasaad ng bawat pahayag.Isulat ang TAMA
kung wasto at MALI kung hindi wasto.
_______1. Ang nasyonalismo ay ang pagmamahal sa bayan.
_______2. Sa Tsina naganap ang Rebelyong Taiping at Boxer.
_______3. Sa bansang Pilipinas ipinatupad ang Open Door Policy.
_______4. Sa bansang Japan ipinatupad ang sapilitang edukasyon para sa Elementary
_______5. Sa bansang China namuno si Emperador Mutsuhito.

6-10 Ibigay ang limang bansa na natalakay sa nasyonalismo sa Silangan at Timog Silangang
Asya.

E, KASUNDUAN
Panuto: Gamit ang inyong teknolohiya gumawa ng tula patungkol sa kalayaan gamot ang digital
poster at ipapasa ito sa gdrive na isesend ng guro.

You might also like