Fil Talumpati

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Maraming Salamat Ginoong,Evangelista!

Ako ngayon ay nakatayo sa inyong harapan, upang lubusan ninyong


maunawaan at malaman ang mga pangyayari na kinakaharap ng ating bansa.
Ang aking pakay sa ngayon ay ang Drug Trafficking.

Droga, Pangunahing problema ng ating bansa at dahil dito marami ng buhay


ang nasira. Walang magandang epekto ang ipinagbabawal na gamot na ito
kaakibat na rin ang korapsyon, at kapangyarihan na siyang dahilan kung
bakit naghihirap ang ating bansa. Isa rin itong hadlang sa bawat
mamamayang nais ng kalayaan katulad na lamang ng ating kababayan na
napipigilan sa pagtupad ng kanilang mga pangarap.

Hindi ko lubos maisip, mismong ating kababayan ay nagpapatayan ng dahil


lamang sa temporaryong kasiyahan, pera at kapangyarihan ngunit kapalit
naman nito ang ginintuang buhay na lubos na nakakapanghinayang.

Ang ipinagbabawal na mga gamot, ilegal na mga droga, inaabusong mga


gamot at mapanganib na mga gamot ay tumutukoy sa anumang sangkap,
hindi kasama ang tubig at mga pagkain, na nakakapagpabago sa takbo ng
kaisipan ng tao at katawan din ng tao. Maaaring makaapekto ang droga sa
isip lamang ng tao o sa katawan ng tao, subalit maaari ring parehong
makapekto ang mga ito.

Isa pa ay nadadamay na rin ang minor de edad paano na ang sinasabi nilang
"Ang kabataan ang pag-asa ng ating bayan" kung sa sariling kasamaan tayo'y
nagkakasiraan ng buhay paano na ang ating kinabukasan ano na ang
kahihinatnan nito sa nilalakbayan nating henerasyon at ang ating hinaharap.

Sa aking mga itinuring, Tama! ang droga ang puno't dulo ng kasamaan at
suliranin ng bansa, may isa lamang akong katanungan mangyari nawa'y
nasabing masama ngunit bakit tila hindi ito mapuksa? Dahil ba sa katumbas
nitong halaga at natutukso tayo sa malaking pera?

Minamanal kong mamamayan, Tama na ang pagbulag bulagan. Panahon na


upang gumising sa katotohanan. Dito sa bansang ating sinilangan, nararapat
lamang na tayo ay magkaisa at magtulungan.

"Droga ay iwasan upang maayos na buhay ay ating makamtan".

You might also like