Aginaldo NG Mga Mago LP

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 11

Gurong Nagsasanay: Christyl Joy F.

Galindo
Gurong Kritiko: Genevieve K. Lachica
Asignatura: Filipino
Baitang: Baitang 10- Jupiter
Pamamaraan: Basal

Pamantayang Nilalaman : Naipapamalas ng mag-aaral ang pag-unawa at


pagpapahalaga sa mga akdang pampanitikan ng mga bansang
kanluranin
Pamantayan Sa Pagganap: Ang mag-aaral ay nakapaglalathala ng sariling akda sa hatirang
pangmadla ( social media )

I. Layunin:
a. Nabibigyang-reaksiyon ang pagiging makatotohanan/ di-
makatotohanan ng mga pangyayari sa maikling kuwento. (F10PB-IIe-76)
b. Nabibigyang-halaga ang mga kaisipan sa binasang kwento sa
pamamagitan ng pagsagot sa dayagram.
c. Nakapapaliwanag sa kahalagahan ng tunay at tapat na pagmamahal.

II. Paksang Aralin: . Aginaldo ng mga Mago


Sanggunian: Filipino Modyul 10 para sa Mag-aaral ni Vilma C. Ambat et al, pp. 219-
222
Kagamitan: TV, cartolina Strips, Whiteboard marker
Gawain: Choose a Briefcase
Integrasyon ng Asignatura: Edukasyong Pagpapahalaga

III. Istratehiya:

Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral


I. Balik-aral

A. Pagsasanay

Upang matiyak ko kung talagang naunawaan ninyo


ang nakaraang aralin ay magkakaroon tayo ng isang
gawain. Ang tawag sa gawain na ito ay “Choose a
Briefcase”. Simple lang ang gagawin ninyo. Pipili
kayo ng briefcase at sagutan ang mga tanong na nasa
loob nito.

1. Sino ang makatang nagsalin ng


tula sa Filipino? 1. Ang makatang nagsalin ng tula sa Filipino ay
si Alfonso Santiago.

2. Anong klaseng pag-ibig ang


nararamdaman ng makata? 2. Isang wagas na pag-ibig ang
nararamdaman ng makata.

3. Saan napatutungkol ang tula? 3. Ang tula ay napapatungkol sa pag-ibig.


Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral

4. Hindi puro kasiyahan ang mararamdaman


dahil kaakibat ng pag-ibig ay mga
pagsubok.

5. Ipinahayag ng makata ang kanyang


nararamdaman sa pamamagitan ng
pagsusulat ng tula.

II. Bagong Aralin


A. Paghahanda

Ano ba ang ibig ipahiwatig tuwing tumutuntong na


nang September 1 o kapag bermonths na? Pasko po titser.

May ipapakita akong larawan, gusto kong sabihin


niyo sa akin kung ano ang nakikita ninyo.

Christmas symbol po titser.

Alam niyo ba kung saan ito? Sa Tangub po titser.

Para sa inyo, ano ba ang tunay na simbolo ng pasko


sa atin na mga Pilipino? Pagbibigayan po at saka ang aginaldo na
matatanggap.

Handa na ba kayong makatatanggap ng aginaldo?


Opo titser.
Mayroon ako ritong mga regalo para sa inyo, gusto
ko ng isang estudyante upang buksan ang unang
regalo.
Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral

Ano ang laman ng unang regalo?


Damit po titser.
Anong mararamdaman mo kung ikaw ang bibigyan
ng regalong damit?
Masisiyahan po titser.
Buksan naman natin ang pangalawang regalo.

Anong laman ng regalo?


Suklay po titser.
Anong mararamdaman mo kung ikaw ang bibigyan
ng suklay?
Okay lang po titser. Masaya po titser. Kahit
na gaano kaliit ang regalo basta galing sa puso
ay masaya na ako.

Tama! Kahit na anong bagay ang ibigay kung galing


naman ito sa puso at may pagmamahal ay ito na ang
pinakamalaking regalo na matatanggap natin.

Ngayon, alam ba ninyong may isang kwento na


napatutungkol sa mag-asawa kung saan ipinapakita
nila ang kanilang wagas na pag-ibig sa isa’t isa sa
pamamagitan ng isang regalo?

B. Paglalahad Hindi po titser.


Ngayon ay bibigyang reaksiyon natin ang pagiging
makatotohanan at di makatotohanan ng mga
pangyayari sa maikling kwento na “Aginaldo ng mga
Mago”. Na may layunin na:

a. Nabibigyang-reaksiyon ang pagiging


makatotohanan/ di-
makatotohanan ng mga pangyayari sa maikling
kuwento.
b. Nabibigyang-halaga ang mga kaisipan sa binasang
kwento sa pamamagitan ng pagsagot sa
dayagram.
c. Nakapapaliwanag sa kahalagahan ng tunay at tapat
na pagmamahal.

C. Pagtatalakay
a. Pagpapalawak ng Bokabularyo
Bago natin panoorin ang maikling kwento na
pinamagatang “ Aginaldo ng mga Mago” ay
magkakaroon muna tayo ng gawain. Kinuha ko muna
ang mga matatalinghagang salita na mapapanood
ninyo mamaya at upang mas maintindihan ito nang
mabuti ay ginamit ko ito sa pangungusap. Ang
Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral
kailangan ninyo lang gawin ay itapat sa gilid ang
christmas balls sa mga kasing-kahulugan ng mga
salitang sinalungguhitan na nasa Christmas tree.
Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral

b. Gabay na Katanungan
Upang magabayan kayo sa talakayan ay mayroon
ako ditong mga nakahandang tanong.

1. Paano nila ipinamalas ang masidhing pagmamahal


sa isa’t isa?
2. Dala ng kahirapan kaya naging suliranin nina Jim
at Della ang paghahanda ng pamasko sa isa’t isa.
Sa iyong palagay, makatuwiran ba ang ginawa
nilang paraan upang malutas ang kanilang
suliranin? Pangatuwiran.
3. Naging mapanghamon ba sa iyong isipan ang
wakas ng kuwento? Patunayan.
4. Kung ikaw si Della at Jim, handa ka rin bang
isakripisyo ang mga bagay na itinuturing mong
kayamanan para sa iyong minamahal? Ipaliwanag.
5. Ano ang makabuluhang kahulugan ng
pagbibigayan ng regalo sa pasko ang ipinakita sa
maikling kuwento? Patunayan.
6. Makatotohanan ba ang mga pangyayari na nasa
kwento o hindi makatotohanan ? Pangatwiranan.

c. Tuntunin sa panonood
Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral
Sa mahusay na pakikinig, ano ba ang dapat nating
gawin?
1. Tamang ayos o posisyon.
2. Mata lamang at ang tainga ang gagamitin.
3. Basahin nang maayos ang mga linya sa videoklip.

Ngayon ay panonoorin na natin ang kwentong “


Aginaldo ng mga Mago”

d. Komprehensyon Tsek
Ngayon ay magkakaroon tayo ng gawain. Mayroon
akong mga pangalan ninyo rito sa popsicle sticks na
nasa loob ng mahiwagang jar at bubunot ako ng
pangalan ng isang estudyante na siyang kukuha ng isa (Nanonood na ang mga mag-aaral)
sa mga makukulay na Christmas balls sa Christmas
tree. Mayroong anim na makukulay na Christmas balls
na naglalaman ng numero. Bawat numero ay may
katumbas na katanungan. Kung sino man ang
mabubunot kong pangalan ang siyang sasagot sa
tanong.

Nagkakaintindihan ba tayo?

Opo titser.

Ipinamalas nila ang kanilang pagmamahalan


sa pamamagitan ng pagbenta ng kanilang mga
pinakamahalagang bagay na mayroon sila
upang makabili ng regalo para sa isa’t isa.

Bilang praktikal na tao, kung wala ka namang


ibubuga ipakita mo nalang ang pagmamahal mo
sa kanya sa pamamagitan ng pagsulat kaysa
Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral
naman na bumili lang talaga kahit na walang
wala na.

Oo, dahil kahit na walang-wala na sila ay


nakuha pa nilang ipagbili ang kanilang mga
pinakamahalagang bagay upang makabili sila
ng mga aginaldo para isa’t isa.

Oo, dahil kung mahal mo talaga ang isang tao


ay kaya mong ibigay sa kanya ang lahat kahit
na walang-wala ka na dahil ang kasiyahan niya
ay kasiyahan mo na rin.

Ang makabuluhang kahulugan ng


pagbibigayan ng regalo sa pasko ay ang
pagmamahal mo sa isang tao kasi ibinenta nila
ang mga mahalagang bagay para sa kanila
upang maipakita kung gaano ka niya kamahal.

Makatotohanan po titser, dahil sa panahon


ngayon ay gagawin pa din nila ang lahat para sa
mahal nila kahit na walang hinihinging kapalit.
D. Paggamit

Ngayon ay magkakaroon tayo ng gawain.


Papangkatin ko kayo sa apat na grupo.

TEAM 1
Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral
Ang unang pangkat ay gagawa ng isang maikling dula-
dulaan batay sa napanood na kwento.

TEAM 2
Ang pangalawang pangkat ay gagawa ng isang awitin
tungkol sa pagmamahalan ng dalawang tauhan.

TEAM 3
Ang pangatlong pangkat ay gagawa ng maikling tula at
ibabahagi ito nang may damdamin.

TEAM 4
Ang pang-apat na grupo ay magTV Broadcasting at
ireport ang mahahalagang mensahe /kaisipan batay sa
binasang akda. Bibigyan ko lamang kayo ng limang
minuto sa pagsasagawa ng gawain. Ibabatay ang
inyong marka sa rubrik na ito.

RUBRIK
20 18 16 15
Kasanayan Saulong-saulo May iilang Maraming linya ang Iilan lamang
ang mga nakalimutan at di- nakalimutan at di- ang nasaulo at
linyang gaanong nakasabay gaanong nakasabay halos nawawala
binitawan sa takbo ng usapan sa takbo ng usapan sa usapan

Tono at Madamdamin Madamdamin ang Kulang sa damdamin Matamlay at


boses ang paglalahad paglalahad ngunit ang paglalahad walang
at malakas ang medyo hindi ngunit medyo di damdamin ang
boses. malakas ang boses. malakas ang boses. paglalahad at
mahina ang
boses.

Ekspresyon Makahulugan Di- gaanong Kulang na kulang angWalang


ng mukha ang nabigyang pagbibigay damdaming
pagpapakita ngkahulugan ang kahulugan sa nabigyang
damdamin damdamin damdamin. kahulugan

Kooperasyo Buong pusong Nakikilahok ngunit Hindi kusang Hindi


n nakikilahok sa medyo nag-aatubili nakikilahok nakikilahok at
gawain walang
pakialam.

IV. Pagsusulit
Panuto: Magbigay ng kaugnay na kaisipan sa pahayag
na nasa kasunod na strips. Iugnay ito sa iyong sariling
karanasan sa pamamagitan ng pagsulat gamit ang
dayagram at ilahad ang sariling karanasang
magpapatotoo rito.
Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral

V. Takdang Aralin
Anong mahalagang mensahe/kaisipan ang ibinigay ng
akda? Magbigay ng tiyak na mga halimbawa kung
papaano mo ito isasabuhay. Gamitin ang dayagram sa
pagsagot.
Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral

You might also like