Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

ARALING PANLIPUNAN VI

Name: Teacher:

Grade level / Section: Q4 Week 1-2 Summative Test 1

A. Panuto: Tukuyin ang isinasaad ng mga sumusunod na pangungusap. Isulat ang titik ng tamang sagot sa
inyong sagutang papel.

____1. Ito ay isang marahas na hakbang na maaring isagawa ng pamahalaan upang maiwasan ang panganib tulad ng
paghihimagsik, rebelyon, paglusob at karahasan.
A. Batas Militar C. Communist Party of the Philippines (CCP)
B. Batas Sibil D. New Peoples’ Army

____2. Sino ang pangulo na nagdeklara ng Batas Militar?


A. Carlos P. Garcia C. Elpidio Quirino
B. Diosdado Macapagal D. Ferdinand E. Marcos

____3. Itinatag noong 1969 na binubuo ng mga magsasakang nakipaglaban dahil sa hindi kanais-nais na gawain ng mga
may-ari ng lupang kanilang sinasaka.
A. Batas Militar C. Communist Party of the Philippines (CCP)
B. Batas Sibil D. New Peoples’ Army (NPA)

____4. Ito ang samahang itinatag ni Jose Maria Sison noong 1968. Ano ito?
A. Batas Militar C. Communist Party of the Philippines (CCP)
B. Batas Sibil D. New Peoples’ Army (NPA)

____5. Ito ay binubuo ng mga Muslim na nais magtatag ng hiwalay na pamahalaan na tatawaging Republika ng
Bangsamoro.
A. Batas Militar C. Moro National Liberation Front (MNLF)
B. Communist Party of the Philippines (CCP) D. New Peoples’ Army (NPA)

___6. Alin sa mga sumusunod ang ipinatupad sa ilalim ng Batas Militar?


A. Pagbawal ng rali, demonstrasyon at pagwewelga
B. Pagpapairal ng curfew-hour mula alas dose ng hatinggabi hanggang alas-kwatro ng umaga
C. Pagkontrol ng pamahalaan sa pahayagan, radyo at telebisyon upang masala ng pamahalaan ang mga balitang
lalabas sa madla
D. Lahat ng nabanggit

___7. Alin sa mga sumusunod ang positibong nangyari ng ipinatupad ang Batas Militar?
A. Lumaganap ang paglabag sa karapatang pantao at iba pang pang-aabusong militar.
B. Nagkaroon ng mabilis na pagsulong sa ekonomiya noong unang tatlong taon ng pamamayani ng Batas Militar.
C. Ang pag-aresto o pagdakip sa mga kritiko at kalaban ng pamahalaan ay nagpatuloy sa kabila ng pagtutol ng mga
tao.
D. Hindi naging normal ang naging buhay ng mga Pilipino sapagkat ipinasara ni Marcos ang lahat ng pahayagan,
radyo at telebisyon.

___8. Ito ay isa sa pinakamapayapang rebolusyon sa kasaysayan ng mundo sa pagkamit ng pagbabago sa uri ng
pamahalaan at sa mga namamahala.
A. Batas Militar C. People Power I o Edsa Revolution
B. Batas Sibil D. Snap Election

____9. Anong taon idinaos ang halalan ng mga senador at mga opisyal ng pamahalaang lokal?
A. 1971 C. 1973
B. 1972 D. 1974

___10. Kailan natapos ang batas militar?


A. Enero 17, 1981 C. Marso 17, 1981
B. Pebrero 17, 1981 D. Abril 17, 1981

B. Isulat ang TAMA o MALI sa inyong sagutang papel.

___11. Negatibo ang naging pagtanggap ng mga Pilipino sa bagong sistema ng pamahalaang binuo ni Marcos sapagkat
sadyang nabawasan ang karapatan ng mga mamamayan

___12. Sa panahon ng batas militar, malayang nakapagbabalita ang mga mamamahayag.

___13. Hindi nakaranas ng krisis pang-ekonomiya at pampulitika ang bansa noong ipinatupad ang batas militar.

___14. Ang People Power 1 o “Edsa Revolution” ay isa sa pinakamapayapang rebolusyon sa kasaysayan ng mundo sa
pagkamit ng pagbabago sa uri ng pamahalaan at sa mga namamahala.

___15. Ang karanasan sa ilalim ng pagpapatupad ng Batas Militar ang nagbigay ng malaking aral sa mga Pilipino upang
hindi na muling maulit ang madilim na bahaging ito sa ating kasaysayan.
C. Piliiin ang letra ng tamang sagot sa kahon. Isulat ang sagot sa inyong sagutang papel.

A. EDSA C. Jaime Cardinal Sin E. Snap Election G. Writ of habeas corpus I. Joma Maria Sison
B. Juan Ponce Enrile D. People Power I F. Liberal H. MNLF J. Ferdinand E. Marcos

_______16. Siya ay alagad ng simbahan na may malaking bahagi sa matagumpay na People Power 1.
_______17. Ang patuloy na protesta at demonstrasyon ng iba’t ibang sektor ng mamamayan sa maraming lugar ang
nagdulot ng pagbagsak ng ekonomiya at krisis pampulitika sa bansa kaya nagdesisyon si Marcos
na papiliin ang mga tao kung nais pa nilang ipagpatuloy ang kanyang panunungkulan.
_______18. Ang kaniyang pagtiwalag kay Pangulong Marcos ay malaking tulong sa tagumpay ng People Power 1
_______19. Ito ay isa sa pinakamapayapang rebolusyon sa kasaysayan ng mundo sa pagkamit ng pagbabago sa uri ng
pamahalaan at sa mga namamahala.
_______20. Dito naganap ang makasaysayang People Power I.
_______21. Partido na nagpapahayag ng kandidatura sa Plaza Miranda ng maganap ang pagsabog na ikinamatay ng
maraming tao.
_______22. Karapatan ng mamamayan na sumasailalim sa tamang proseso ng paglilitis.
_______23. Ito ay binubuo ng mga Muslim na nais magtatag ng hiwalay na pamahalaan na tatawaging Republika ng
Bangsamoro.
_______24. Nagtatag ng Communist Party of the Philippines (CCP)
_______25. Pangulo na nagdeklara ng Batas Militar sa Pilipinas.

You might also like