Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Reviewer sa Araling Panlipunan 4

I. Isulat ang tama sa patlang kung ang pahayag ay totoo at isulat naman ang tamang
salita kung mali.

_________1. Inaangkop ng mga Pilipino ang kanilang kabuhayan at mga gawain sa


umiiral na klima sa bansa. Halimbawa, ibinabagay ng mga magsasaka ang
pananim sa klima.

_________2. Mapang pangklima ang nagsasaad ng iba't ibang klimang nararanasan


iba't ibang lugar sa mundo.

_________3. Ang soberaniya ay tumutukoy sa kapangyarihan ng bansa na malayang


pamahalaan ang kaniyang nasasakupan.

_________4. Ang pamahalaan ay tumutukoy sa organisasyong namumuno sa bansa.

_________5. Teritoryo ang bumubuo sa populasyon ng bansa

_________6. Ang Pilipinas ay may klimang tropikal.

_________7. Ang temperatura ay tumutukoy sa nararanansang init o lamig sa isang


lugar.

_________8. Ang panahon ay panandaliang lagay ng atmospera.

_________9. Ang klima ay ang pang matagalang lagay ng panahon.

_________10. Walang kaugnayan ang lokasyon sa nararanasang klima sa buong taon


ng isang bansa tulad ng Pilipinas.

II. Isulat sa patlang ang letrang A,B,C,D,E, at F upang pagsunud-sunurin ang mga pangyayari
Sa pamahalaan ng Pilipinas.

_______11. Nang matapos ang digmaan noong 1946, mga Pilipinong lider na ang namahala
sa bansa. Mula noon hanggang ngayon, mga Pilipino na ang ganap na namamahala sa Pilipinas.
_______12.Nang masakop ng mga Espanyol ang Pilipinas ang pinuno nito ay mga Espanyol na
nagmula sa Espanya.

_______13. Sa panahon ng Komonwelt ay ipinaubaya na sa mga Pilipino ang pamamahala


sa bansa, ngunit sa pamatnubay pa rin ng mga Amerikano.

_______14.Muling napasailalim sa pamahalaan ng mga dayuhan ang Pilipinas nang masakop


ito ng mga Hapones noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

_______15. Napasailalim naman ang Pilipinas sa mga Amerikano sa panahong ito, mga
Amerikano ang namuno sa pamahalaan hanggang sa unti-unting nailipat ito sa
mga Pilipino.

III. Bilugan ang titik ng tamang sagot.


16. Ipinakikita nito ang mga makasaysayang lugar sa bansa katulad ng mga parke,
bantayog at bahay ng mga bayani, mga tanggulan at makasaysayang gusali.
a. Mapang Politikal c. Mapang Ekonomiko
b. Mapang Pisikal d. Mapang Pangkasaysayan

17. Inilalarawan nito ang mga anyong-lupa at anyong-tubig.

a. Mapang Politikal c. Mapang Ekonomiko


b. Mapang Pisikal d. Mapang Pang-eronotical

16 . Inilalarawan nito ang mga uri ng produktong likha ng iba't ibang lugar.
a. Mapang Politikal c. Mapang Pandemograpiko
b. Mapang Ekonomiko d. Mapang Pang-eronotical

18. Alin sa mga sumusunod ang sangay ng heograpiyang pisikal ang nakatuon sa
pagaaral nang dahilan ng mga pagbabagong klima (climate change) at ang
mga epekto nito sa pamumuhay ng mga tao sa lugar.?
a. Geomatics c. Heograpiyang Pangklima
b. Geomorphology d. Oceanography

19. Alin sa mga sumusunod ang nagsasaad ng impormasyon na kailangan ng mga


Piloto?
a. Mapang Politikal c. Mapang Ekonomiko
b. Mapang Pisikal d. Mapang Pang-eronotical

20. Anong sangay ang nag - aaral sa natural na kapaligiran at galaw ng daigdig at
nag- aaral upang mabuo ang Global Positioning System at kung paano gamitin
ang mga bagong teknolohiya sa pagkuha ng mabilis na datos ukol sa mga
lugar sa mundo?

a. Biogeography c. Heograpiyang Pangklima


b. Geomatics d. Oceanography

21. Alin sa mga sumusunod ang nakatutulong ang mga datos na nakakalap ng mga
mananaliksik upang maging handa ang mga tao sa mga tsunami at iba pang
hamong dala ng paggalaw ng mga katubigan sa karagatan?

a. Geomatics c. Heograpiyang Pangklima


b. Geomorphology d. Oceanography
22. Pinag-aaralan dito ang mga pagbabago sa mga anyong- lupa at ang mga
suliraning nararanasan kaugnay nito tulad ng erosion at desertification? Anong
sangay ito?

a. Biogeography c. Geomorphology
b. Geomatics d. Oceanography

23. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa isang bansa?

a. komunidad ng mga mamamayan na may iisang lahi


b. komunidad ng mga mamamayan na may iisang kasaysayan at wika
c. komunidad ng mga mamamayan na may iisang kultura
d. lahat ng nabanggit
24. Ito ay tumutukoy sa lawak ng lupain, katubigan, himpapawid, at kalawakan
na sakop ng isang bansa.

a.mamayan c. teritoryo
b.pamahalaan d. soberanya
25. Alin sa mga sumusunod ang tawag sa uri ng mga gubat sa Pilipinas na ang dahilan
ay mataas na halumigmig kaya madalas ang pag-ulan?

a. Tropical rainforest c. Dry rainforest


b. Temperate rainforest d. Amazon rainforest

IV. Pagtugmain ang kahulugan ng Mapa sa Hanay A at ang ibat-ibang uri ng mapa sa
Hanay B . Isulat ang letra ng tamang sagot sa patlang.

Hanay A Hanay B
______26. Uri ng hangin ang umiihip mula a. hanging amihan
sa hilagang-silangan na
nagdadala ng malamig na
temperature.

______27. Ito ay tumutukoy sa dami ng b. hanging habagat


water vapor o kahalumigmigan
ng atmospera.

______28. Uri ng hangin ang umiihip mula c. Pag-ulan


sa timog-kanluran na
nagiging dahlia ng pag ulan.

______29. Ito ay tumutukoy sa pagbagsak


d. Temperatura
ng tubig na naipon sa ulap.

______30. Ito ay tumutukoy sa e. Halumigmig (humidity)


nararanasang tindi ng init o lamig
sa isang lugar.

26

V. Piliin ang tamang sagot sa kahon at isulat sa patlang.

Bajo de Masinloc o Scarborough Shoal Exclusive Economic Zone

Sabah Batas Republika blg. 9522 Contiguous Zone

Kalayaan Island Group Doktrinang Pangkapuluan ng Pilipinas

Benham Plateau 7 641 Artikulo I ng Saligang Batas ng 1987


Relatibong lokasyon latitud lokasyon

International Date Line (IDL) longhitud

____________________________31. Isang grupo ng bahura at bato na matatagpuan malapit sa baybayin


ng Zambales.

____________________________32. Matatagpuan ang Sabah sa hilagang bahagi ng isla ng Borneo.

____________________________33. Pangkat ng mahigit na 50 iba't ibang anyong-lupa na napaliligiran ng


katubigan.

____________________________34. Kilala rin ang teritoryong ito bilang "Philippine Ridge" o "Philippine Rise.

____________________________35. Tumutukoy sa 200 nautical na milya mula sa baseline ng bansa.

____________________________36. Ayon sa batas na ito, tuwirang idineklara ang pagiging arkipelago ng


Pilipinas at pagsunod sa archipelagic baseline.

____________________________37. Batayan ng pagtukoy ng mga hangganan ng teritoryo ng Pilipinas sa


ngayon.

____________________________38. Tumatalunton hanggang sa 12 nautical na milya mula sa dulong sakop


ng dagat teritoryal ng bansa.

____________________________39. Kabuuang pulo ng Pilipinas.

____________________________40. Ayon sa probisyon na ito ng Saligang Batas, sakop ng Pilipinas


ang lahat ng mga pulo at mga karagatang nakapaloob dito na
napalilibutan ng baseline ng bansa.

____________________________41. Tinutukoy sa pamamagitan ng paglalarawan sa kinalalagyan ng pook

batay sa mga karatig na anyong-lupa at anyong-tubig nito.

____________________________42. Tawag sa sukat ng distansiya sa pagitan ng dalawang parallel.

____________________________43. Patuwid na linya o distansiya sa pagitan ng dalawang meridian.

____________________________44. Isang likhang-isip na guhit (na hindi tuwid katulad ng prime meridian)
na siyang batayan ng pagpapalit ng petsa sa mundo.

____________________________45. Tumutukoy sa kinalalagyan ng isang bagay o pook.

“Hiwaga ng karunungan matutuklasan, kung ang pagbasa ay pahalagahan”

You might also like