SAPERA CATEGORY 01 GRADE 6 Issa Dalawa Tatlo Nasaan Ang Papa at Mama Mo

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

ISSA, Dalawa, Tatlo, Nasaan ang Mama at Papa mo?

Isang maikling kuwento para sa Ikaanim na Baitang


ISSA, Dalawa, Tatlo, Nasaan ang Mama at Papa mo?
Isang maikling kuwento para sa Ikaanim na Baitang

ISSA, Dalawa, Tatlo, Nasaan ang Mama at Papa mo?

Sa Mababang Paaralan ng Maharlika, sa Ikaanim na Baitang, Pangkat

Mapagmahal, tatlumpo kaming mga mag-aaral ni Gng. Batumbakal.

“Kiko”, tawag ni Gng. Batumbakal habang nagte-tsek ng atendans.

“Present po”, sagot ko naman.

“Ema”, “Lina”, Sara”, pagpapatuloy ng aming guro at sunod-sunod

naman ang sagot na “Present po” ng aking mga kaklase.

“Juan, Pedro, at Jose!”, biglang malakas na tawag ni Gng.

Batumbakal. Napalingon ako at ang aking mga kaklase sa direksyon ng

tatlong nabanggit.

At hayun nga sila Juan, Pedro at Jose na ginugulo na naman si Issa,

isang bagong estudyante sa aming paaralan. Madalas mapagdiskitahan ng

tatlo si Issa dahil nais nilang malaman kung bakit maraming buwan na ang

lumipas ay hindi pa rin namin nakikita o nakikilala ang kanyang mga

magulang.

“Nasa ibang bansa ba sila Mama at Papa mo?”, tanong ni Juan.

“Nagtatrabaho ba sila kaya hindi sila pumupunta sa iskul?”, dagdag pa

ni Pedro.

1
ISSA, Dalawa, Tatlo, Nasaan ang Mama at Papa mo?
Isang maikling kuwento para sa Ikaanim na Baitang

“O ayaw mo silang ipakita sa amin? Nakakatakot ba sila?”, may

pangungutyang tanong muli ni Jose.

Ngunit mananatiling tahimik si Issa, nakayuko at mangiyak-ngiyak

na. Kaya madalas ding suwayin ni Gng. Batumbakal ang tatlong kaklase

namin.

Ako rin naman ay nagtataka. Dumaan ang miting ng mga magulang,

nagsabi si Issa na walang makadadalo para sa kaniya. Makikinig na lamang

siya at ipaparating sa mga ito ang napag-usapan sa pulong.

Dumaan din ang Card Day, ngunit wala ring nakakita sa amin na

may kumuha sa kanyang report card.

At lalo na ng Family Day ng paaralan. Halos lahat ay may dalang

Mama o Papa o parehong Mama at Papa. Kasama naming naglaro ang

aming mga magulang ng patintero, habulan, tagu-taguan at iba pang mga

larong Pinoy. Pero bukod sa hindi namin nakita ang magulang ni Issa, hindi

rin namin siya nakita ng araw na iyon.

Sabi ni Juan baka alien daw si Issa at galing siya sa kalawakan.

Sakay siya at ang kanyang pamilya ng spaceship papunta sa daigdig.

2
ISSA, Dalawa, Tatlo, Nasaan ang Mama at Papa mo?
Isang maikling kuwento para sa Ikaanim na Baitang

“Kaya siguro hindi pa nagpapakita ang Mama at Papa niya kasi nasa

ibang planeta pa”, ika ni Juan. Dadagdagan niya pa ito ng tunog na mala-

robot, “Beep Beep, Boop, Boop”.

Sabi naman ni Pedro, “Baka tumubo lang si Issa. Nagsimula sa isang

maliit na buto, tumubo at lumago. Pinitas na lamang siya sa loob ng

malaking-malaking bulaklak.”

At hindi naman nagpatalo si Jose, “Baka hulog ng langit si Issa! Iyon

kasi ang lagi kong naririnig kina Inay at Itay, kahit kina Lolo at Lola.”, ika

niya.

“Ang mga bata raw ay hulog ng langit. Baka ibinaba siya ng mga

anghel!”, pagpapatuloy pa ni Jose.

Dahil sa mga ideyang ito nina Juan, Pedro at Jose, napapaisip din

tuloy ako. Nagtataka na rin tuloy ang buong klase dahil ni minsan, hindi

namin nakita sa paaralan ang Mama at Papa ni Issa.

Isang araw, nag-imbita si Issa sa kanilang tahanan bilang selebrasyon

ng kanyang kaarawan. Nabigla man ang karamihan sa klase ay nasabik din

kami. Nasabik kaming mas makilala pa ang aming kaklase at nasasabik din

kami sa posibilidad na masagot ang aming katanungang, “Nasaan ba ang

Mama at Papa ni Issa?”

3
ISSA, Dalawa, Tatlo, Nasaan ang Mama at Papa mo?
Isang maikling kuwento para sa Ikaanim na Baitang

Dahil na rin malalakad mula sa paaralan ang kanilang bahay at

kasama rin si Gng. Batumbakal, marami sa amin ang nagpunta.

Nangunguna siyempre sa mga bisita sina Juan, Pedro at Jose.

Habang naglalakad papunta sa bahay nila Issa ay magkahalong kaba

at pananabik ang aming nadarama.

“Baka mag-isa lang siya sa bahay”, saad ng isa naming kaklase.

“Baka anghel talaga sila”, dinig na sinasabi ni Jose kina Juan at

Pedro.

“O baka nga kasi iyong mga mas bata, nagsasalitang bulaklak tapos

pagtanda nagiging puno”, pilit pa rin ni Pedro.

“Alien nga kasi.”, singit ni Juan.

Pagpasok sa bahay nila Issa, binati kami ng kanyang Lolo at Lola.

Walang pakpak, walang ugat, dahon o talulot at lalong hindi sila mukhang

galing sa ibang planeta. “Mali silang tatlo”, naisip ko.

Nagmano si Issa na sinundan naman ni Gng. Batumbakal kung

kaya’t nagmano kaming magkakaklase sabay bati ng “Magandang hapon

po”.

Bago namin kantahan ng “Happy Birthday” ang aming kaklase at

bago kumain, ipinakita ng Lola ni Issa ang litrato ng Mama at Papa ni Issa

4
ISSA, Dalawa, Tatlo, Nasaan ang Mama at Papa mo?
Isang maikling kuwento para sa Ikaanim na Baitang

kasama ang mas batang Issa. Kita ang saya ng pamilya sa litrato. Kita ang

saya ni Issa na hindi pa namin nakita sa maraming buwan naming

pagsasama-sama sa iisang silid-aralan.

“Wala na ang Papa at Mama ni Issa dahil sa isang aksidente”,

kuwento ng Lolo ni Issa.

“Hindi rin kami laging makadalaw sa paaralan dahil na rin sa

katandaan at kailangang may tumao sa tindahan”, paliwanag pa ni Lolo.

At tila nahihiya na kaming magkakaklase sa kung ano-anong

pumasok sa aming isip at imahinasyon. Nabigla ang lahat ng nanguna sa

paghingi ng tawad sina Juan, Pedro at Jose na sinundan naman ng halos

buong klase.

“Patawad, Issa. Patawad po, Lo at La”, halos magkakasunod na

sambit naming magkakaklase.

“Okey lang. Hindi lang ako nagsasalita kasi maiiyak ako kapag

ikekwento ko”, sagot ni Issa. May bilib na naramdaman ang buong klase

dahil iyon na ata ang pinakamahabang sinabi ni Issa sa pamamagitan ng

medyo malakas na boses.

“Oh huwag kang sumigaw, Issa”, pabirong sabi ni Juan.

At nangiti lamang si Issa.

Lahat ng mga “baka” at haka-haka ay napawi ng kuwento ng

kaniyang Lolo at Lola at siyempre, ng handang pagkain. Makikita sa ibabaw

5
ISSA, Dalawa, Tatlo, Nasaan ang Mama at Papa mo?
Isang maikling kuwento para sa Ikaanim na Baitang

ng mesa ang ispageti at pansit, maging ang keyk at puto. Mayroon ding

kanin, adobo at matamis na leche flan.

Kinantahan na ng buong klase si Issa at muli, natunghayan namin

ang ngiti ng isang masayahing Issa. Ang ngiti ng isang masayahing Issa na

nauna na naming nakita sa litrato niya kasama ang kanyang Mama at

Papa. Matapos magdasal at magpasalamat sa biyayang pagkain at sa mas

naging matibay na samahan naming magkaklase, aming binusog ang aming

sarili ng pagkain, kuwento, at halakhakan.

Matapos ang handaan ay kaniya-kaniya na kaming nagsi-uwian.

Nagpaalam, nagpasalamat at bumating muli kina Issa at sa kanyang Lolo at

Lola. May mga naglakad kasabay ng ibang kaklase habang ang iba naman

ay sinundo ng kani-kanilang mga magulang.

Habang naglalakad na ako pauwi, naisip kong sa susunod na sabihan

nating nagmula sa angkan ng alien, o bunga ng halaman at puno o ibinaba

ng isang anghel ang isa sa ating mga kaklase o kaibigan, kilalanin muna

natin siya, alamin natin ang kaniyang tunay na kuwento.

Napagtanto ko ring maaring iba’t iba ang uri o itsura ng isang

pamilya. Maaring ang iba sa atin ay inaaruga ng lolo at lola gaya ni Issa,

samantalang ang iba ay maaring may dalawang ama o dalawang ina, o

6
ISSA, Dalawa, Tatlo, Nasaan ang Mama at Papa mo?
Isang maikling kuwento para sa Ikaanim na Baitang

maaari namang inalagaan at pinalaki ng mag-isa ng kanyang Papa o kagaya

ko na inaalagaan at pinapalaki mag-isa ng aking Mama. Pagdating ko sa

bahay ay nagmano na ko sa aking ina, niyakap siya sabay sabing, “Ma,

nakauwi na po ako.”

MOST ESSENTIAL LEARNING COMPETENCIES:


GRADE LEVEL: Grade 6
SUBJECT: Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP)
MELC: 1. Nakagagamit ng impormasyon ( wasto / tamang impormasyon) (EsP6PKP- Ia-i–
37)
2. Naipakikita ang kahalagahan ng pagiging responsable sa kapwa: 4.1 pangako o
pinagkasunduan; 4.2 pagpapanatili ng mabuting pakikipagkaibigan; 4.3
pagiging matapat (EsP6P- IIa-c–30)
SUBJECT: Filipino
MELC: 1. Nagagamit ang magagalang na pananalita sa iba’t ibang sitwasyon (F6PS-Id-
12.22, F6PS-IIc-12.13, F6PS-IIIf-12.19, F6PS-IVg-12.25, F6PS-IVh-
12.19):
• sa pagpapahayag ng saloobin/damdamin,
• pagbabahagi ng obserbasyon sa paligid
• pagpapahayag ng ideya
• pagsali sa isang usapan
• pagbibigay ng reaksiyon
2. Naipapahayag ang sariling opinyon o reaskyon sa isang napakinggang balita isyu o usapan
(F6PS-Ij-1)
3. Nasusuri kung ang pahayag ay opinyon o katotohanan (F6PB-IIIj-19)
SUBJECT: TECHNOLOGY AND LIVELIHOOD EDUCATION COMPONENT: HOME
ECONOMICS
MELC: 1. Identifies family resources and needs (human, material, and nonmaterial)
(TLE6HE-0a-1)

You might also like