Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION X – NORTHERN MINDANAO
DIVISION OF ILIGAN CITY

BANGHAY ARALIN PARA SA ARALING PANLIPUNAN IV


(IKATLONG MARKAHAN)

I. Layunin:
Pagkatapos ng gawain, 75% ng mag-aaral ay inaasahang:
A. Naipamalas ang png-unawa sa bahaging ginagampanan ng pamahalaan sa lipunan,
mga pinuno at iba pang naglilingkod sa pagkakaisa, kaayusan at kaunlaran ng bansa.
B. Nakapagpapakita ng aktibong pakikilahok at pakikiisa sa mga proyekto at gawain ng
pamahalaan at mga pinuno nito tungo sa kabutihan ng lahat.
C. Nasusuri ang mga programang pangkalusugan ng pamahalaan.

II. Paksa:
Programang Pangkalusugan ng Pamahalaan

III. Mga Kagamitan sa Pagtuturo


A. Mga Sanggunian
Most Essential Learning Competencies Code: AP4PAB-IIIa-1
Araling Panlipunan (Kagamitan ng Mag-aaral
https://www.youtube.com/watch?v=P-wb_l4vv6U&t=121s
https://www.youtube.com/watch?app=desktop&v=5vAe5qi441o
B. Iba pang kagamitan: laptop, projector, speaker, manila paper

IV. Proseso ng Pagkatuto


A. Panimulang Gawain
1. Panalangin
2. Pagbati
3. Pagpapanatili ng Kaayusan at Kalinisan
4. Pagtala ng Liban
5. Pagbabalik-aral
Ibigay ang kahulugan ng mga simbolo na nakapaloob sa sagisag ng
Pangulo ng Pilipinas.

6. Paglalahad ng Layunin
- Ipabasa sa piling mag-aaral ang mga layunin.

B. Paglalahad ng Aralin
1. Paglahok ( Elicit)
Magpakita ng larawan ng malusog na bata at batang masakitin. Ipalarawan
sa mga mag-aaral ang mga bata sa larawan sa pamamagitan ng pagsulat ng pang-uri sa
strip ng papel at idikit ito sa may larawan na kanilang inilalarawan.

*Filipino Integration (Pang-uri)

2. Pagpukaw ng Interes (Engage)


A. Pagtatanong :
-Kayo ba ay malusog?
- Nakaranas na ba kayo na magkasakit?
- Nakaranas na ba kayo na ay maospital?
- Nakatulong ba ang pamahalaan natin noong kayo ay nagkasakit?
B. Magpanood ng video clip tungkol sa mga programa ng pamahalaan
tungkol sa kalusugan.
Pagtatanong: Ano-ano ang iba’t ibang programang pangkalusugan ng
pamahalaan?

3. Paggalugad (Explore)
 Pangkatin ang klase sa tatlong grupo.
 Magbigay ng talata na may iba’t ibang senaryong pangkalusugan.
 May mga tanong ukol sa talatang nakatalaga. Isusulat ng bawat grupo
ang kanilang sagot sa ibabang bahagi ng talata.
 Pipili ang bawat grupo ng miyembro na maglalahad sa harap ng kanilang
mga sagot.
 Gagamitin bilang pamantayan sa paggawa ang rubric na makikita sa
ibaba.

Kriterya Magaling Mas Magaling Pinakamagaling


Kasanayan Hindi nasagot ng Nakasagot ng isang Nasagot lahat ng
sa Prosesotama ng grupo ang tama ang grupo sa tama ang mga
mga katanungan mga katanungan katanungan ukol sa
ukol sa talata. ukol sa talata. talata.
Pamamahala Hindi natapos ng Natapos ng grupo Natapos ng grupo
ng Oras grupo ang ang pangkatang ang gawain ng mas
pangkatang gawain. gawain ngunit maaga kaysa
naabutan ng timer. tinakdang oras
namay kompletong
sagot.
Pakikipagtul Hindi naitakda ng Naitakda ng tama Nahati ng maayos
ungan sa mga miyembro ang ang iba’t ibang parte ang mga gampanin
Pangkatang kanilang mga parte sa pangkatang sa pangkatang
Gawain sa pangkatang gawain ngunit may gawain at walang
gawain at may tunggalian sa grupo. tunggalian sa grupo.
tunggalian sa grupo.
Kalinisan at Magulo at madumi May konting dumi Malinis at maayos
Kaayusan ang pinaggawaan sa lugar na ang lugar na
pinaggawaan pinaggawaan.
Kakayahan Ang grupo ay Ang grupo ang Hindi kinailangan
sa Pag-gawa kailangan ng gabay nangangailang ng ng grupo ang gabay
ng Gawain ng guro sa buong konting gabay ng ng guro sa
ng Nakapag- oras ng pangkatang guro sa paggawa ng pangkatang gawain.
iisa gawain. pangkatang gawain.

4. Pagpapaliwanag (Explain)
 Pagwawasto ng guro at ng klase sa isinagawang gawain at mamarkahan ito
batay sa pinagkasunduang pamantayan.
 Maikling pagtatalakay sa iba’t ibang programa ng pamahalaan tungkol sa
pangkalusugan. Hanggat maaari ay manggagaling sa mga mag-aaral ang
sagot sa pagtatalakay.

5. Pagpapalawak (Elaborate)
Pula o Berde
Basahin ng maigi ang bawat bilang. Itaas ang kulay berde kung ang gawain ay
mabuti sa kalusugan at pula kung ito ay nakakasama sa kalusugan.
1. Si Nena ay kumakain ng prutas at gulay.
2. Hindi naliligo si Leni araw-araw.
3. Si Juan ay nagsisipilyo lamang kung mabaho na ang kaniyang hininga.
4. Madalas kumain ng kendi si Maya.
5. Naghuhugas ng kamay si Josep pagkatapos gumamit ng banyo.
6. Nagpupuyat si Jen dahil naglalaro siya ng computer games.
7. Naghuhugas ng kamay si Vic bago kumain.
8. Mas gusto ni Kevin uminom ng softdrinks kaysa tubig.
9. Natutulog ng maaga si Flor gabi-gabi.
10. Naglalaro si Dan sa labas kahit siya ay may lagnat.
*Integration in Health

6. Pagpapalawig (Extand)
Think-Pair-Share
Humanap ng kapareha. Mag-isip ng pagkakataon kung saan natamasa
ninyo ang programa ng pamahalaan tungkol sa pangkalusugan. Ibahagi ito sa
iyong kapareha at maghandang magbahagi sa buong klase.

7. Pagtataya (Evaluate)
A. Suriin ang bawat bilang at iugnay ito sa naangkop na programang pangkalusugan ng
pamahalaan. Isulat ang letra ng sagot sa patlang bago ang bilang.
Hanay A Hanay B
___ 1. Ito ay itinatag upang magkaroon A. Programa sa mga Ina at
ng seguro ang lahat ng mamamayan at Kababaihan
mapagkalooban ng may kalidad na mga B. Philhealth
psailidad at serbisyong pangkalusugan. C. Pagbabakuna
__ 2. Layunin na marating ang D. Complete Treatment Pack
pinakamahirap na mamamayan at
mabigyan ng kumkpletong gamot lalo
na sa mga pangunahing sakit sa bansa.
__ 3. Pagbibigay ng imunisasyon laban
sa mga sakit gaya ng diarrhea, polio,
tigdas, at trangkaso
__ 4. libreng pagpapatingin sa mga
nagdadalang tao, libreng bitamina para
sa kanila, at libreng bakuna laban sa
neo-tetanus.

B. Karagdagang Pagsasanay
Gumawa ng interview sa magulang o nakatatanda sa bahay. Tanungin
kung anong programang pangkalusugan na ang naranasan ninyong pamilya.
Gumawa ng maikling talata tungkol dito.

Repleksyon ng Guro:

_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________

Inihanda ni: Sinuri ni:

MICHELLENE J. PALLER CORAZON B. DUHAYLUNGSOD


Teacher I Principal I

You might also like