Filipino 10 Pagsusulit 1 Modyul 1 2

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION X – NORTHERN MINDANAO
SCHOOLS DIVISION OF OZAMIZ CITY

Baitang 10 – Filipino
Unang Markahan
Unang Pagsusulit –Modyul 1-2
Pangalan: __________________________________________Iskor: _______

A. Panuto: Basahing mabuti ang bawat aytem. Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa
iyong sagutang papel.

1. Paano naiiba ang mitolohiya sa iba pang akdang pampanitikan?


A. Nagpapahayag ng opinyon hinggil sa isang paksa o isyu.
B. Nagsasalaysay ito ng mga pangyayaring may kaugnayan sa mga diyos at
diyosa.
C. May taglay na talinghaga.
D. Nagsasalaysay ito ng pinagmulan ng isang bagay o lugar.
2. Ang mga sumusunod ay katangian ng mitolohiya ng mga Roman MALIBAN
SA ISA.
A. Kadalasang pumapaksa sa politika, ritwal at moralidad.
B. Hinalaw nila ang kanilang mitolohiya sa mga Greek.
C. Naging pambansang epiko ng mga Roman ang Iliad at Odyssey.
D. Kabayanihan ang kadalasang tema ng kuwento.
3. Alin sa mga sumusunod ang nagpahayag ng tunay na pagmamahal batay sa
mitong Cupid at Psyche?
A. Ginawa ni Venus ang lahat para sa pagmamahal niya kay Cupid.
B. Hinarap ni Psyche ang pagsubok ni Venus para sa pagmamahal niya kay
Cupid.
C. Nang nagkasala si Psyche kay Cupid, binalak niyang magpakamatay sa
labis na pagsisisi.
D. Pinayuhan ni Psyche ang kaniyang mga kapatid kung paano makaliligtas sa
halimaw na asawa.
4. Mabuti bang taglayin ng Diyos ang katangian ng tao?
A. Oo, upang madaling magkaunawaan ang tao at Diyos.
B. Oo, upang maunawaan ng Diyos ang kaninaan ng tao.
C. Hindi, sapagkat banal ang Diyos at makasalanan ang tao.
D. Hindi, dahil ang Diyos ay nasa langit samantalang ang tao ay nasa lupa.

5. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kaugnay sa pahayag ni Cupid na “Hindi


mabubuhay ang pag-ibig kung walang tiwala.”

Address: IBJT Compound, Carangan, Ozamiz City


Telephone No: (088) 545-09-88 Our LEARNERS: The Diamonds of the Fortress.
Telefax: (088) 545-09-90 ASENSO OZAMIZ!
Email Address: deped1miz@gmail.com
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION X – NORTHERN MINDANAO
SCHOOLS DIVISION OF OZAMIZ CITY

A. Walang pag-ibig kung walang tiwala.


B. Titibay ang pag-ibig kung may pagtitiwala.
C. Hindi wagas ang pag-ibig na ipinagkakatiwala.
D. Ang pag-ibig at tiwala ay hindi mapaghihiwalay

B. Panuto: Kilalanin ang uri ng salita. Piliin ang titik ng tamang sagot.

6. pabalik-balik
A. payak B.tambalan C. maylapi D. inuulit

7. magkasintahan
A. payak B.tambalan C. maylapi D. inuulit

8. taumbayan
A. payak B.tambalan C. maylapi D. inuulit

9. kathang -isip
A. payak B.tambalan C. maylapi D. inuulit

10. inalipusta
A. payak B.tambalan C. maylapi D. inuulit

Address: IBJT Compound, Carangan, Ozamiz City


Telephone No: (088) 545-09-88 Our LEARNERS: The Diamonds of the Fortress.
Telefax: (088) 545-09-90 ASENSO OZAMIZ!
Email Address: deped1miz@gmail.com
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION X – NORTHERN MINDANAO
SCHOOLS DIVISION OF OZAMIZ CITY

C. Panuto: Pumili sa loob ng kahon ng tamang pang-ugnay sa bawat patlang upang


mabuo ang talata. Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.

A. tungkol sa E. na I. ayon sa M. kung

B. kapag F. gayon din J. ng N. -g

C. upang G. at K. o O. ukol kay

D. sapagkat H. maging L. -ng

11. ___________________ aming guro, ang edukasyon ay pagpapaunlad ng


sariling katangian 12. ___________________ ang isang tao ay maging karapatdapat
sa lipunang kaniyang ginagalawan.
Samakatuwid, ang edukasyon ay walang patid 13. ___________________ pag-
aaral sa buong buhay ng isang tao. Maraming naniniwalang ang pagaaral ay matatamo
lamang sa paaralan at sa pamamagitan 14. ___________________ pagbabasa ng mga
aklat 15. ___________________ pakikinig sa leksyon ng mga guro.
Dapat malamang ang edukasyon ay matatamo hindi lamang sa paaralan. Ito ay
matatamo rin sa labas 16. ___________________ nariyan din ang mga taong
nakapaligid sa ating paaralan. Ang unang edukasyon ay natatamo sa ating tahanan.
Ang ating mga unang guro ay ang ating mga magulang. Sa kanila natin unang
natutuhan 17. ___________________ ano at alin ang mabuti at masama.

Ang ating tahanan ay hindi nag-iisa sa pagbibigay sa atin ng mabuti 18.


___________________ edukasyon. Ang pagtamo ng mataas na marka sa bawat
asignatura ay hindi nangangahulugan 19. ___________________ nakakuha tayo ng
mataas na edukasyon 20. ___________________ ang edukasyon ay hindi nagsisimula
at nagtatapos sa silid-aralan.

Address: IBJT Compound, Carangan, Ozamiz City


Telephone No: (088) 545-09-88 Our LEARNERS: The Diamonds of the Fortress.
Telefax: (088) 545-09-90 ASENSO OZAMIZ!
Email Address: deped1miz@gmail.com

You might also like