Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Isang Masusing Banghay Aralin

sa Araling Panlipunan 2

I. Layunin
Pagkatapos ng 30-minutong talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
A.Nakikilala ang ibat-ibang institusyon na bumubuo sa isang komunidad;
B. Naipaliliwanag ang ibat-ibang tungkulin ng bawat institusyon; at
C. Naipakikita ang pagkaunawa sa ibat-ibang institusyon sa pamamagitan ng pagguhit.

II. Paksang Aralin


A.Paksa
B. Kagamitan
C. Sanggunian

III. Pamamaraan
Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral
Sa ating nakaraang aralin, tinalakay natin ang
tungkol sa payak na kahulugan ng komunidad.

Sheila, ano ang komunidad? Ang komunidad ay binubuo ng mga tao na


naninirahan sa isang pook na magkatulad ng
kapaligiran at pisikal na kalagayan.
Magaling!

2. Pagganyak
Bago tayo dumako sa ating aralin, bumuo ng
apat na pangkat at mamili ng isang representatib
upang bumunot dito sa kahon.
Ang nabunot ng bawat pangkat ay kailangang
buoin. Pagkatapos buoin, inyong susuriin kung
ano ang larawang inyong nabuo.
(kasalukuyang ginagawa ang gawin)
Tapos na ba? Opo
Kung ganoon, ano ang larawang nabuo? Pangkat 1. paaralan
Pangkat 2. pagamutan
Pangkat 3. pamilihan
Pangkat 4. simbahan
Magaling!

B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
Ang mga binuo ninyong mga larawan- paaralan,
pagamutan, pamilihan at simbahan ay makikita
sa loob ng komunidad. Ang mga ito ay
tinatawag nating institusyon.
Ngayong araw, pagtutuunan natin ng pansin ang
ibat-ibang institusyon ito.

2. Pagtalakay
Base sa mga larawan na inyong binuo kanina
ating talakayin ang mga institusyong makikita
sa isang komunidad-paaralan, ospital, simbahan,
pamilihan. Ang bawat institusyon ay may mga
tungkuling ginagampanan sa loob ng isang
komunidad.
Unahin natin ang paaralan. Syra basahin ang
nasa harapan. Ang paaralan ang ang lugar kung saan
nahuhubog ang kaisipan upang lumawak pa
ang kaalaman sa iba’t ibang kasanayan tungo
sa pag-unlad.
Salamat. Ang ating paaralan ay isang
institusyon. Clyde, ano ang ginagawa natin dito
sa paaralan? Nag-aaral po ma’am.
Tama. Bakit tayo nag-aaral Chellesea? Para matuto po tayo ma’am. Para magkaroon
tayo ng maraming kaalaman.
Magaling!
Ano naman ang tungkulin ng simbahan Dj? Ang simbahan, dito sama-samang
nananalangin ang mga tao. Ito rin ang
namumuno sa mga pagdiriwang na
panrelihiyon.
Salamat. Sa loob ng isang komunidad, may iba’t
ibang simbahan na matatagpuan. Ito ay dahil
ang bawat sekta ng relihiyon ay may kanya-
kanyang simbahan.
Gayunpaman, may pagkakaisa ang lahat kahit
na magkakaiba ang relihiyon at paniniwala.
Isunod naman natin ang ospital. Basahin Jade. Ang ospital ang nangangalaga s akalusugan ng
mamamayan. Nagbibigay dito ng mga librreng
bakuna at mga gamot sa mga mamamayan.
Ang mga taong may karamdaman ay
nagtutungo sa institusyong ito upang
magpakonsulta ng kanilang mga karamdaman.
At ang panghuling institusyon na ating
tatalakayin ngayong araw ay ang pamilihan.
Basahin Ryan. Ang pamilihan ang lugar kung saan namimili
ng pangunahing pangangailangan ang mga
naninirahan sa isang komunidad.
Salamat. Isa ang pamilihan sa may
pinakamahalagang gampanin sa isang
komunidad. Sa pamilihan tayo namimili ng mga
bagay na kailangan natin sa araw-araw.

Ang bawat bumubuo ng kumunidad ay may


mahalagang tungkulin at gawain. Ang mga
tungkulin at gawain na ito ay kaugnay sa ating
sarili at sariling pamilya na nakatutulong upang
mapunan ang ating mga pangangailangan.
C. Pangwakas na Gawain
1. Paglalapat
Ano ang mga ginagampanang tungkulin ng
bawat institusyon sa mga mamamayan.
Mga Mga Mga
Institusyon Bumubuo sa Tungkulin
Institusyon
1. Paaralan Mag-aaral, Humubog sa
Guro kaalaman ng
Punong-guro bawat mag-
aaral
2. Pagamuta Doktor Magbigay
n Nars lunas
ambulansiya
3. Pamiliha Tindera Magtinda ng
n Mamimili mga
produkto
para sa
pangangailan
gan ng tao
4. Simbaha Pare Magbigay
n Madre mensaheng
Sakristan panrelihiyon

2. Paglalahat

IV. Pagtataya
Suriin kung saang institusyon sa loob ng komunidad ang tinutukoy sa mga sumusunod.
1. Si Joli ay natuklaw ng ahas. Anong institusyon ang kailangan niyang puntahan?
2. Maagang gumising si Ana dahil may pag susulit sila ngayong araw.
3. Linggo ngayon kaya naman gumagayak si Joli.
4. Si Aling Maria ay bumili ng isang kilong karne para sa kanilang pananghalian. Anong uri
ang ng intitusyon ang tinutukoy sa pangungusap?
5. Inatake ng high blood ang lolo ni Pedro. Saang institusyon niya dapat idala ang kanyang
lolo?

V. Takdang-Aralin
Sumulat ng mga salitang naglalarawan sa gawain at tungkulin ng mga sumusunod na institusyon.

You might also like