Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 1

Glenn Sentes

Mga Tula at Sementeryo ng Isang Hangal


Bakit tinuring na pananampalataya ang pagpagal sa luhuran?
Hinaing na tumagos sa kaluluwa't banal hayo't di na natanggal--mantsang nakabaon 'gang hukay.

Dinalangin ang sarap at ginhawa sa kahoy na nakahubad sa kapwa kahoy


Tiningala nga't sinamba
Binalahura nama't minura.

Anu't ano pa'y pumaslang at nanggahasa


Nagnakaw at nagpakasasa
sa salapi at tawag ng laman
Nang mahulog sa bangin ay biglang tinawagan ang minura't binalahura.

Iligtas mo ako.
Lumuhod ka, sabi Niya.
Nakikipagusap ba ako sa patal at mangmang?
Heto nga't sugat na'ng mga kamay sa kapitan lumuhod pa ang sigaw ng Dinakilang Hangal?

Lumuhod ka!
Ilang ulit pang sinugo ng tinig na hindi tanto ang poot sa anak na ang sungay tumubo hanggang
likod.

Lumuhod ka.

Lumuhod ka.

You might also like