SANAYSAY: Bakit Hindi Ako Pabor Sa Pagtanggal NG Asignaturang Filipino Sa Kolehiyo

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

Sanay-Sey

Morales, Krisselyn Reigne

Mula elemantarya hanggang sekondariya, ang Wikang Filipino ay


isa sa ating mga asignatura. Kung iisipin, ang sinasabing asignatura ay
ilang beses nang naturo sa mga kabataan bago pa man sila
makatungtong sa kolehiyo kaya naman para sa ilan ay hindi na ito
kailangan pang muling ituro pa. Ngunit kahit na ito ay natutunan na sa
loob ng maraming taon, hindi ibig sabihin na may hangganan na ang
pag-aaral nito. Ang aking tanong: may hangganan ba ang pagkatuto?
May hangganan ba ang kaalaman? Saan natatapos ang pag-aaral ng
Wikang Filipino? Kapag marunong na bang magbasa o magsulat ang
isang bata? Kapag alam na ang pagkakaiba ng "ng" at "nang"? Kapag
nabasa na ang Noli Me Tangere at El Filibusterismo? Malamang ay
hindi. Kagaya ng ibang mga asignatura, hindi natatapos ang
asignaturang Filipino sa kung ano lamang ang naituturo mula
elemantarya hanggang sekondarya. Ito’y malawak na asignaturang
makakapaglinang sa ating pagkakakikilanlan, at kahit ilang taon ng
pag-aaral ay hindi sapat upang lubos na maunawaan ang malalim na
konteksto nito. Kaya naman para sa akin, ang Wikang Filipino ay
nararapat lamang na isama bilang asignatura sa tersyarya.

Dahil sa modernisasyon at globalisasyon, hindi na masyadong


binibigyang-pansin o pinahahalagahan ng mga kabataan ang paggamit
at pagpapalawak ng Wikang Filipino. Kaya naman may mahalagang
parte ang paaralan upang muli silang imulat hindi lamang tungkol sa
mga patakaran ng gramatika at bokabularyo, kundi
pati na rin sa kahalagahan ng Wikang Filipino sa
pambansang pagkakakilanlan at komunikasyon. Ang
edukasyon ay naglalayong palakasin at palaganapin ang
pagmamalasakit at pagmamahal sa bayan. Sa
pamamagitan ng pagpapalalim ng kaalaman sa
Sanay-Sey
Morales, Krisselyn Reigne

kasaysayan, kultura, at mga halaga ng bansa, nagkakaroon ang mga


kabataan ng mas malalim na pag-unawa at pagmamalasakit sa kanilang
pambansang identidad. Kung aalisin ang asignaturang Filipino sa
tersyarya, nanganganib na bumaba ang kalidad ng ating wikang
pambansa. Bukod pa rito, ang kolehiyo ang huling baitang bago
pumasok ang mga kabataan sa kani-kanilang propesyonal na buhay.
Kinakailangang ituro sa kanila ang asignaturang Filipino dahil
mahalaga ang pagiging bihasa rito sa mga larangang pang-akademiko
at propesyonal. Sa pamamagitan ng pagtuturo nito sa kolehiyo,
pinaghuhusay ang kakayahan ng mga mag-aaral na magamit ito sa mga
propesyonal na sitwasyon sa hinaharap.

Ang mga patakaran sa edukasyon sa Pilipinas ay dapat na nakatuon


sa paghubog ng mga Pilipino. Kung mismong ang mga Pilipino ang
magkakait sa pagkakakilanlan ng kanilang sariling wika, para na rin
nilang tinanggalan ng dangal ang kanilang pagka-Pilipino. Minsan nang
ipinagkait sa atin ang ating sariling wika, na tila ang mga taong
gumagamit nito ay tanging mga nasa laylayan lamang ng lipunan o mga
indyo, kung tawagin ng mga Kastila. Ilang taon, ilang dugong dumanak,
at ilang buhay ang kinuha bago makamit ng ating wika ang kaniyang
respeto't dangal. Hahayaan ba nating masayang ang mga sakripisiyo ng
mga taong ipinaglaban ang ating sariling wika? Ito'y oras na upang tayo
naman ang tumayo at kumilos upang maipaglaban at
kilalanin ang ating wika. Kaya naman simulan natin
ito sa pag-aaral at mas pagkilala pa sa kaniya, hindi
lamang sa elementarya, sekondarya, o kolehiyo, bagkus
maging sa ating propesyonal na buhay balang araw.

You might also like