Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

IBONG ADARNA

GRADE 7 HOSEA

SCENE 1
Narrator: Sa isang payapang kaharian na ang ngalan ay Berbanya, namumuno ang isang
magaling at maginoong hari, Si Haring Fernando. Kasama nyang namumuno ang kanyang
kabiyak na si Reyna Valeriana, isang mapagmahal at minamahal na reyna nang Berbanya.
Silang dalawa ay biniyayaan nang tatlong binatang matitikas na sa paglaon nang panahon ay
naging mga pantas. Si Don Pedro na panganay ay may tindig na pagkainam, si Don

Diego naman ay malumanay habang si Don Juan naman ay may pusong ginintuan.

Don Fernando: Ngayo’y panahon na upang kayong tatlo ay mamili sa dalawa. Kayo ba ay
magpapari, o magrereyno at mamumumno sa kaharian nang Berbanya?

Don Pedro, Diego at Juan: Ang paghawak ng kaharia’t bayan upang mga ito’y paglingkuran ay
aming naiibigan.

Don Fernando: (cries proudly) Ipinapagmalaki ko kayo mga anak… Mabuhay ang tatlong
prinsipe! (MABUHAY!)

Scene 2
(Don Fernando’s room)

Narrator: Isang gabi nang mahimbing na natutulog si Don Fernando, napanaginipan niyang
kanyang bunsong anak na si Don Juan. Diumano, ito’y nililo at pinatay ng dalawang
tampalasan.

(a short re-enactment of the king’s dream)

(Sa sususnod na araw)…

(Don Fernando’s wife and sons worriedly gathered to see the ill king)

Donya Valeriana: Naku, mahal ko, ano ba ang nangyari sa iyo?

(looks at husband sadly)

Manggagamot: Sakit mo po, Haring Mahal ay bunga ng pangimpan, mabigat man at maselan,
may mabisang gamutan. May isang ibon na ang pangalan ay Adarna, pag ito’y narinig mong
kumanta, ang sakit mo ay mawawala. Ito ay tumatahan sa kabundukang Tabor kung saan
makikita ang Piedras Platas, punong tirahan ng ibong Adarna.

Don Fernando: Pedro, anak, hanapin mo ang ibong adarna para ako’y gumaling na. Huwag
mong dalhin ang iyong kabayo sa paglalakbay sapagkat ito’y…. Sundin mo ako.

You might also like