PAMANAHONG PAPEL Fil2

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 16

Inilalatag ni: Raif Ala, Nathaniel Tagapia, Arje Valdez

Kursong Batsilyer ng Agham sa Akawntansi


“Ang Epekto ng Wika sa Dekolonisasyon ng Isip ng mga
Estudyanteng Pilipino sa Arellano University- Juan Sumulong
Campus”


Papel Pananaliksik na
Inilalatag kay: Gng. Generosa Cureg

Bilang Pagtupad sa isa sa mga Pangangailangan ng


Asignaturang Filipino 2: Pagbasa at Pagsulat

Inilatag nila:
Raif Ala
Nathaniel Tagapia
Arje Valdez

Nobyembre 2023

 Ang pagsusuri sa epekto ng wika sa dekolonisasyon sa isip ng mga estudyanteng
Pilipino sa Arellano University - Juan Sumulong Campus ay isang mahalagang
hakbang sa pag-unawa ng kung paano nakaaapekto ang wika sa pagsusuri at
pagmumulat ng kamalayang Pilipino ukol sa kanyang sariling kasaysayan at
identidad. Sa kontekstong ito, ang dekolonisasyon ay nagbibigay-tuon sa pag-aalis o
pagsusuri sa impluwensiyang kolonyal na nagpapakita sa iba't ibang aspeto ng
lipunan, kabilang na ang wika.

 Ang wika ay isang makapangyarihang bahagi ng kultura at identidad ng isang bansa.


Sa pambansang antas, ang Pilipinas ay isang bansang napagdaanan ang ilang yugto
ng kolonisasyon, kung saan naiwan ang marka ng dayuhang wika at kultura. Sa
Arellano University - Juan Sumulong Campus, isang institusyong pang-edukasyon na
naglalayong hubugin ang kritikal na pag-iisip ng mga estudyante, mahalagang suriin
kung paano nakakaapekto ang wika sa kanilang kamalayan at persepsyon hinggil sa
sarili at sa lipunan.

 Sa pamamagitan ng pagsusuri sa mga epekto ng wika sa
dekolonisasyon, maaaring masusing makuha ang mga perspektiba ng
mga estudyante tungkol sa kanilang sariling identidad at kasaysayan.
Ang pagsusuri na ito ay maglalaman ng mga resulta at interpretasyon
na maaaring magsilbing pundasyon para sa masusing pag-unlad at pag-
unawa ng sariling kultura ng mga estudyante sa Arellano University -
Juan Sumulong Campus. Sa huli, ang layunin ng pagsasaliksik na ito ay
mapanatili at mapalakas ang pagiging bukas ng isipan ng mga
estudyante upang maisabuhay ang sariling wika at kultura, na
naglilingkod bilang pundasyon ng kanilang pag-unlad at
pagkakakilanlan bilang mga mamamayang Pilipino.
Layunin ng Pag-aaral

Ang layunin ng pananaliksik na ito ay mabigyang kaalaman ang mga mag-
aaral ng pagkakaroon ng makabagong sistema sa pag-aaral dekolonisasyon ng
wika sa ating na nararanasan ngayon. Bukod pa dito, layunin din nito ipabatid ang
kahalagan ng wika sa mga estudyanteng Pilipimo. Gayunman, ninanais ng
pananaliksik na ito na mabigyang linaw at solusyon ang mga mambabasa upang
maiwasan ang komplekasyon sa komunikasyon na dulot ng dekolonisasyon ng
Wika.
Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay magsisilbing gabay at makakatulong sa mgasumusunod:
Sa mga mag-aaral -makatutulong ang pananaliksik na ito upang lalong mapalawakang kanilang mga
kaalaman kung paano maging isang mahusay na mag-aaral.Nagsisilbing gabay ito upang malinang ang kanilang kaisipan
at kakayanan sa kanila sa pag-aaral. Inaasahan na ang pag-aaral na ito ay makakatulong ng malaki para saepektibong
pamamaraan ng pag-aaral at masanay sa wastong pamamaraan sa pag-aaral.
Sa mga guro–magkakaroon sila ng kaalaman sa mga dapat gawin ng kanilangestudyante nang sa gayon ay
magabayan at matulungan ang mga mag-aaral satamang pamamaraan ng kanilang pag-aaral. Magiging isang malaking
karangalan attagumpay sa isang guro na naging matagumpay ang kanilang mga estudyante sahinaharap.
Sa mga magulang– ang mga magulang bilang unang guro ng kanilang mga anak, aymakakapag-isip-isip ng
mga bagay na maipapayo at maitutulong sa kanilang anak,kasabay ng paggabay tungo sa maayos at magandang
pamamaraan ng kanilang pag-aaral.
Sa mga administrasyon– makakatulong ang pananaliksik na ito upang magkaroonsila ng kaalaman kung ano
ang maari nilang ibahagi sa mag-aaral tungo sa wastongpag-aaral at mahikayat ang mga estudyante na mag aral ng
mabuti.
Para sa mga mananaliksik sa hinaharap- isang malaking hamon para sa bawat isakung ang pananaliksik na ito
ay nagsilbi ng gabay ng mga mag-aaral sa kanilang pag-
aaral at sila’y naging matagumpay sa hinaharap
Saklaw at Limitasyon ng Pag-
aaral

Sasaklaw ang pag-aaral na ito, sa mga mag-aaral ng Arellano
University, Juan Sumulong Campus, na gumagamit ng mga banyagang
salita, aalamin ngmga mananaliksik ang mga epekto ng dekolonisasyon ng
wika sa mga mag aaral ng Arellano University.Tatlumpung respondent
ang pipiliin ng mga mananaliksik na gumagamit ng banyagang salita.
Maingat at mabisang susuriin ng mga mananaliksik ang epekto nito.
Disenyo ng Pananaliksik

Ang pananaliksik na ito ay gagamit ng deskriptibong metodolohiya
ng pananaliksik. Maraming uri ng deskriptibong pananaliksik, ngunit
napili ng mananaliksik na gamitin ang “Descriptive Survey Research
Design”, na gumagamit ng talatanungan (survey questionnaire) para
makalikom ng mga datos. Naniniwala ang mananaliksik na angkop ang
disenyong ito para sa paksang ito sapagkat mas mapapadali ang
pangangalap ng datos mula sa maraming respondent.
Paraan ng Pananaliksik

Ang mananaliksik ay gagamit ng talatanungan o survey questionaire
bilang pangunahing instrumento sa pagkalap ng mga datos na magagamit
sa pag-aaral. Ang talatanungan ay nahahati sa dalawang pangkat: ang
profile at ang survey ukol sa paksang pinagaaralan. Ang sarbey ay ang
pagkolekta ng impormasyon tungkol sa katangian,aksyon, o opinion ng
malaking grupo ng mga tao na tumutukoy sabilang isang populasyon o
malawak na sakop ng pananaliksik ay binubuo ng ibat ibang istilong pag
hahanap kabilang ang pagtatanong sa mga respondent.
Tritment ng Datos

Ang nakalap na datos ay susuriin upang mas mapadali ang pagtataya rito.
Inilalahad sa bahaging ito ang ginamit na pormulasa pagkompyut ng mga
nakalap na datos. At kinakailangang maging malinaw kung ano ang layunin sa
paggamit ng bawat pormula at kung ano ang tutuguning suliranin ng mga ito
lalo na kungmayroong haypotesis na nakatalaga sa pag-aaral. Sinusukat kung
ilang bahagdan sakabuuang populasyon ang sumagot sa isang aytemsa
talatanungan o mas kilala sa tawag na Percentage.

BAHAGDAN(%) = F/ N * 100
Kungsaan;
f = bilang ng sumagot
n = kabuuang bilang ng kalahok
Lagom

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong alamin ang kabatiran at kaalaman sa Ortograpiyang Filipino 2014 ng mga mag-
aaral ng Batsilyer sa Sekundaryang Edukasyon na nagpapakadalubhasa sa Filipino sa Ikaapat na taon. Hangad ng mga
mananaliksik na mabigyang kasugatan ang mga sumusunod na katanungan:
1.Bakit mahalaga ang pagbibigay priyoridad sa mga Katutubong Mámamayán at sa kanilang komunidad?
Lumabas na 70% ng kabuuang respondente na palaging mahalaga, samantalang 20% naman ay nagsabing
madalas lang maging prioridad at 5% para sa minsan lang maging mahalaga at maging prioridad ang mga katutubong
mamamayan.
2. Ano ang epekto ng dekolonisasyon ng Wika?
Makikitang 45% ng kabuuang respondente ang sumagot na minsan lang sila nakakaapekto ang
dekolonisasyon ng wika. Habang 35% naman sa mga madalas makaapekto at 20% sa bihira naman. Lumalabas sa data
na wala sa mga respondente ang nagsabi na minsan lang makaapekt ang dekolonisasyon ng wika sa kanila
3. Sa mga Pilipino, ano ang pamantayan upang masabi na ang pag iisip ng tao ay nagkaroon na ng dekolonisasyon ng
Wika?
Base sa datos, 45% ng mga respondente ay madalas na sumusunod at 25% minsan lang makasunod. Parehas
naming 15% ang para sa bihira at palaging nakakaranas ng sumusunod sa pamantayan
Konklusyon

Batay sa mga inilahad ng mga mananaliksik na mga datos" pumasok sa kanilang isipanang ilang
konklusyon. Sa isinagawang sarbey nagbigay daan ito upang mabigyang kasagutan ang mga nabanggit
na tiyak na suliranin. Ang kasagutang ito ay ang mga sumusunod
1.Malaki ang papel na ginagampanan ng modernisasyon upang mapaunlad at maipalaganapang wikang
Filipino
2. Ngunit bilang isang kabataan madalas parin nilang ginagamit ang wikang Filipino sa pagpapahayag
ng saloobin sa social media
3.Ayon sa datos na nakalap" mas marami ang hindi gumagamit ng istilong jejemon sa pagpapahayag ng
kanilang mensahe.
4.Marami ang naniniwalang hindi nagkakaunawaan ang dalawang tao sa tuwing sila’y gumagamit ng
pormat na jejemon sa paglalahad ng kanilang mensahe.
5.Malaking bahagdan din ng mga respondente na bilang isang Senior High S hool
ayresponsible at maayos nilang ginagamit ang wikang Filipino sa pagaaral" pakikisalamuha" at paglalaba
s ng saloobin o opinion sa social media at maging sa realidad.
6.Hindi rin nakakatulong ang pagiging conyoo paghahalo ng wikang ingles at Filipinoupang maging
sosyal kung pakikinggan" sap ag-unald ng wikang Filipino.
Rekomendasyon

 Naiskong iparating sa aking mambabasa ang nahanap naming kasagutan sa m
gatanong na amng hinanap. Pumasok sa aming isipan na hindi masama ang
makiuso at makisabaysa mga moderno at pasok sa bangang salita na
karamihan ay ginagamit ng kabataan ngayon
gayang pagiging conyo at pagsalita ng jejemon, ngunit kailangan natin gamitin
ito sa tamang panahon at sa tamang oras sa tamang tao na bagay sa antas at
prinsipyo. Kailangan parin nating pagyamanin ang ating tradisyunal
at nasyonal na wika upang sa gayo’y hindi tayo makalimot atmaging dayuhan
sa ating sariling bayan. Sa aming mambabasa" nirerekomenda namin ang
masmakabubuti para sa ating lahat" na ang wikang pagyamanin natin ay ang
wikang pinagkakilanlan
Sanggunian

(Burma, 2013). Nakuha sa.https://www.britannica.com/place/Korea/Korea-
under-Japanese-rule

(Robert 2013).Nakuha
sahttps://www.nationalww2museum.org/war/articles/july-4-1946-philippines-
independence

(Jokil & Shik 2014). Nakuha sa. https://www.nam.ac.uk/explore/independence-


and-partition-
1947#:~:text=End%20of%20Empire,history%20of%20the%20British%20Empi
re.
Commission on Filipinos Overseas(2021),GOVPH, Nakuha
Sa.https://cfo.gov.ph/pagdiriwang-ng-buwan-ng-wika-2021/
LARAWAN O SCREENSHOT

Larawan o Screenshot

You might also like