Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Week 7-8 (Title) KABANATA II: KASAYSAYAN NG PAGSASALING-WIKA SA PILIPINAS

Discussion Board

Mga Gabay na Tanong:

1. Sinasabing ang dalawang magkakawing na layunin ng Espanya sa pagsakop sa Pilipinas ay


“Kristiyanismo at Hispanisasyon.” Ipaliwanag ang ibig sabihin ng dalawang layunin.

Kristiyanismo – ang pinakapakay nila sa pagsakop sa pilipinas ay ang mapalaganap ang relihiyon
itong sa buong kapuluan gamit ang ating sariling wikang katutubo sa dahilan nilang kapag ang wika
nila an gating pinag- aralan maaaring maging balakid sa kanilang mga plano.

Ang HISPANISASYON naman ay gusto nila na pati kultura at tradisyon na mayroon ang pilipinas ay
mapalitanng kanilang mga paniniwala upang tuluyang maipasailalim ang mga Pilipino sa kanilang
pamamahala.

2. Sinasabing “Tayo ay mga nawawalang kaluluwa’ sa ating sariling bayan.” Ipaliwanag ang
mahalagang papel na dapat gampanan ng pagsasaling wika upang matagpuan natin an gating sarili.

Ang pagsasaling – wika ay makatutulong upang matagpuan natin an gating mga sarili sa
pamamagitan ng pagkakaroon ng magandang komunikasyon sa bawat mamamayan n gating bansa.
Ang mahlagang ginagampanan ng pagsasaling-wika ay nagbibigay daan ito upang magkaroon ng
ugnayan ang mga lugar na magkakaiba ang wika. Nagkakaroon ng pagkakataon na makilala at
magkaroon ng koneksyon ang isang tao sa kaniyang sariiling bayan. Nalalman niya ang kasaysayan,
mga tradisyon at kultura ng kaniyang bayan nna siyang kukompleto sa kaniyang pagkatao bilang
isang mamamayan ng baying ito.

Post-competency Checklist (Formative Assessment)

Pangwakas na Pagtataya: (Reaksyong Papel) 100 puntos Gabay na tanong:

1. Sang-ayon kaba sa sumusunod na sinabi ng kritikong si Isagani Cruz: “Para tayong mahihina ang
mga matang mas madali pang Makita angmalayo kaysa mga likha ng mga kapitbansa natin.”
Bakit?

Oo. sang-ayon ako sa sinabing ito ni Isagani Cruz dahil na rin sa pagkahumaling ng ating mga
kababayan sa mga kanluraning panitikan. Mas binigyan nilang pansin ang panitikan sa mga
bansang galing dito, naging bulag ang mga Pilipino kasi ang panitikan ng Afro-Asian na
sinasabing mas malapit sa ating sa napakaraming bagay ay hindi napagtuunan ng pansin na
siyang pag-aralan at isalin ang mga panitikang galing dito.

WEEK 9 KABANATA III: PAGSASALINGWIKA SINING O AGHAM

1. Ano ang pagsasaling-wika ayon kay Nida? Ipaliwanag.


“Though no one will deny the artistic elements in good translating, linguist and philogists are
becoming increasingly aware that the process of translationof translation area amenable
description.’’ – Nida (1964).

Sinabi ni Santiago sa kaniyang akda na ipinaliwanag ni Nida na kapag pinag- usapan ang
agham ng pagsasaling- wika (science of translating), hindi natin maiiwasang mapasuong sa
aspetong paglaglarawan. Kung ang linggwistika, aniya ay mauuring “descriptive science’’ ang
paglilipat ng mensahe mula sa isang wika tungo sa ibang wika ay maaaring ituring na isang
siyentipiko o makaagham napaglalarawan. Itinuturing na kapareho ng linggwistika ang
pagsasaling wika dahil sa parehong kasangkapan na ginagamit nito ang wika.

2. Ano naman ang pagsasaling-wika ayon kay Savory. Ipaliwanag.

Ayon naman kay Savory (1959) sinasasabing isang sining ang gawaing pagsasalin. “The
contention that translation is an art will be admitted without hesitation by all who have had
much experience of the work of translating; there may be others who will not so readily
agree (but) a sound method is to compare the task translating in all its form with the
universally acknowledged arts of painting and drawing. They are found to be parallel, step
by step.

Ipinapaliwanag ni Savory na sa pagpipinta, ang maling kulay o lakii ng isang guhit ay


katumbas ng isang maling salita sa pagsasaling- wika: na ang pagkakamali sa dimension,
sukat o proporsyon ng alinmang bahaging larawan ay katumbas ng pagkakamali sa
pagbibigay kahulugan sa tunay na diwang isang parirala. Ayon pa kay Savory kapag ang tula
ay isinalin ng isang karaniwang tagapagsalin sa paraamng tuluyan, katulad lamang irong
sketch ng isang patakbuhing pinto na hindi naging matapat sa orihiinal na larawan. Ang
diwang tula ay naroon din sa saling tuluyan atang tanawin sa sketch ay katulad din ng nasa
orihinal subalit sa saling tuluyan ay masasabing nawala na ang “musika” na nadarama ng
mambabasa sa orihinal na tula.

Post-competency Checklist (Formative Assessment)

Pagsasanay: 10 puntos

Panuto: Ibigay ang tamang sagot sa bawat patlang.

1. Ang SINING ay nakatuon sa mga bagay na estetiko o sa kagandahan na resulta ng malikhaing


imahinasyon.
2. Samantala, ang AGHAM naman ay nakatuon sa sistematisasyon o pamamaraan na resuIta ng
sistematikong proseso ng pagmamasid. pag-aaral at eksperimentasyon.

3. Sinulat ni EUGENE A. NIDA ang Toward a Science of TransIating.

4. Sinulat naman ni THEODORE SAVORY ang The Art of Translation.

5-6. Ayon kay Nida, kung ang Iinggwistika ay mauuring palarawang agham (descriptive science), ang
PAGSASALING - WIKA o ang paglilipat ng mensahe mula sa isang wikang tungo sa ibang wika ay maaari
ring ituring na isang SIYENTIPIKO O MAKAAGHAM na paglalarawan.

7. Inihalintulad ni Savory sa sining ng PAGPIPINTA ang pagsasaling-wika upang patunayan na ito’y isa
ring sining.

8. Sinabi niya (ni Savory) ha sa pagpipinta, ang maling kulay o maling laki ng isang guhit ay katumbas ng
isang maling SALITA sa pagsasaling-wika.

9. Ang salin ng mga literatura sa AGHAM at iba pang paksang teknikal ay maihahambing sa mga
larawang kuha ng isang Iitratista.

10. Sa mga salin ng mga literaturang pang-agham. ang mahalaga sa mga ito ay ang nilalaman O'diwa at
hindi ang ESTILO ng awtor.

Week 10-11 KABANATA IV: MGA SIMULAIN SA PAGSASALING-WIKA

Discussion Board

Mga gabay na tanong

Panuto: Basahin at sagutan ang mga tanong sa ibaba batay sa inyong pagkaunawa sa tinalakay sa
Kabanata IV:

a. Magbigay ng ilang dahilan kung bakit ginagamit pa rin hanggang sa ngayon ang mga Pasyon na
sinulat maraming taon na ang nakakaraan.

Sumibol ang tradisyong Pabasa noong panahon ng pagdating ng mga Kastila. Habang lumalago
ang Kristiyanismo sa Pilipinas,ginamit ng mga prayle ang Pasyon upang turuan ng katekismo ang
mga katutubong naging Kristiyano. Ganitong nanatili ang paraang isinasagawa ang Pabasa,
walang pagtanggal o pag – iiba ang nangyari sa tradisyon para sa kahabaan ng buhay ng
Kristiyanismo ng Pilipinas. Nakikita sa ganitong paraan ang pagrespeto ng mga Pilipino sa
tradisyon ang kahalagahan at pagmamahal na ibinibigay natin sa mga tradisyong nagsilbing
pundasyon sa pag – usbong ng pananampalataya sa bansa. Ganito kahalaga ang ambag ng
tradisyong ito kaya’t ganito na kalaki ang pagpapahalaga natin sa Pabasa. Hindi pinalitan ang
paraan ng pagsasagawa sa Pabasa dahil ninanais ng mga Pilipino na manatili ang diwa ng
tradisyon sa kasalukuyan. Ang diwang gusto nilang dalhin sa susunod na henerasyon ng Katoliko
ay ang parehong diwang naranasan ng mga sinaunang katutubong Pilipino. Noong nanganganib
itong mawala sa atin, sinikap ng ilan na sagipin ito, gamit ang mga makabagong teknolohiya at
impluwensya sa kasalukuyang henerasyon. Pilit nating pinapahaba ang buhay ng Pabasa dahil sa
impluwensyang iniwan nito. Ito ang naging daan upang maturuan ang ating mga ninuno tungkol
kay Hesukristo. Ito rin ang naging isang mahalagang gawain tuwing Kuwaresma, na lagi tayong
ipinapaalahanan tungkol sa pagmamahal ng Diyos sa atin.

Bilang mga Pilipino, nawa’y ang ganitong pagmamahal at kahalagahan ay ibahagi sa iba pang
tradisyong nanganganib na mawala. Tayo ay Pilipino, at tayo lamang ang may kakayahang ipasa
ang mga tradisyong luma man o bago, sa mga susunod na henerasyon. Tayo lamang ang
makabibigay ng identidad sa pagiging Pilipino.

b. Ayon kay Wilamowitz, “ang pagsasaling-wika ay tulad ng paglilipat ng kaluluwa ng isang


nilalamang sa katawan ng isang patay,” Sang-ayon ka ba sa pahayag na ito? Bakit

Oo. Sang ayon ako dahil sa pagsasaling-wika ay isang proseso kung saan ang isang pahayag,
pasalita man o pasulat, ay nagaganap sa isang wiika at ipinapalagay na may katulad ding
kahulugan sa isang dati nang umiiral na pahayag sa ibang wika. Kung may sampung tagapagsalin
at bibigyan sila ng isang pyesa ng literatura upang isalin. halimbawa ay isang tula,
mapapatunayang ang resulta ay sampu ring iba't ibang estilo ng salin nagkakaiba-iba sa mga
salitang ginamit, sa paraan ng pagsasabi ng isang kaisipan, sa balangkas ng mga taludtod at
pangungusap, at iba pa, bukod sa pangyayaring sa bawat salin ay tiyak na may nabawas, nabago.
o nadagdag na diwa. At dahil sa ganitong katotohanan, patuloy ang mga teorista at praktisyuner
sa pagsasaling-wika sa pagtuklas at pagpapabuti ng mga simulaing makababawas kundi man
lubusang makalulutas sa halos walang kalutasang mga problema sa pagsasaling-wika. Subalit
nakalulungkot isipin na habang dumarami ang natutuklasang mga simulain sa pagsasaling-wika,
lalo namang umiigting ang pagtatalu-talo ng nasabing mga eksperto tungkol sa ganito at
ganoong simulain. Masasalamin ang katotohanan nito sa sinabi ni Savory na halos imposibleng a
magbigay ng isang simulain sa pagsasaling-wika na hindi sasalungatin ng iba.

Post-competency Checklist (Formative Assessment)

Mga Pagsasanay:

Panuto: Isulat ang tamang sagot sa mga patlang

l-3. Ang tagapagsalin ay kailangang may sapat na kaalaman sa mga (l) WIKA ng Ingles at Filipino,
gayundin sa (2) PAKSA ngtekstong isasalin, at sa (3) KULTURA ng mga bansang Amerika at Pilipinas.

4-9. Maraming nagsasalungatang paraan o simulain sa pagsasaling-.wika, tulad ng salita laban sa (4)
DIWA himig-orihinal laban sa ‘(5) HIMIG SALIN , estilo ng awtor, laban sa (6) ESTILONG TAGAPAGSALIN
panahon ng awtor labansa (7) PANAHON NG TAGAPAGSALIN maaaring baguhin laban sa (8) at tulasa-
tula laban sa (9) TULA SA PROSA.

10-ll. Malaki ang pagkakaiba sa kakanyahan ng mga wikang hindi (I0) MAGKAKAANGKAN at malaki
naman ang pagkakatulad sa kakanyahan ng mga wikang (||,) MAGKAKAANGKAN.
l2-l3. Sa pa‘gsasaling:wika, dapat malaman ng tagapagsalin ang mga kakanyahan o ang mga (I2)
KALAKASAN at (13) KAHINAAN ng dalawang wikang kasangkot sa kanyang pagsasalin.

l4-l5. Sa Ingles, ang normal na balangkas ng. pangungusap ay (l4) SIMUNO + PANAGURI ,samantalang
sa Filipino, ang itinuturing ‘namang karaniwang ayos ay (15) PANAGURI + SIMUNO .

WEEK 12: IKALAWANG PAGTATAYA (Assessment 2)

REAKSYONG PAPEL

Pangalan:_____________________________ Petsa:____________

Yr & Sec._____________ Iskor:____________

Panuto: Ipahayag ang iyong reaksyon sa pahayag sa ibaba

a. “Ang pagsasaling-wika ay ang paglilipat sa pinagsasalinang wika ng pinakamalapit na katumbas na


diwa at estilong nasa wikang isinasalin.”

Sapat na kaalaman sa dalawang wikang kasangkot. Nakukuha niya ang kahulugan ng kaniyang isinasalin
o siya'y mahusay na. Kumokonsulta sa diksyonaryo. Nauunawaan niya ang maliit na himaymay ng
kahulugan at halagang pandamdamin taglay ng mga salitang gagamitin.

Sapat na kaalaman sa gramatika ng dalawang wikang kasangkot sa pagsasalin. Ang kaalaman sa


gramatika ng dalawang wika sa pagsasalin ay kailangang-kailangan ng tagapagsalin sa pagsusuri ng
diwang nais ipabatid ng awtor, gayundin sa wastong paggamit ng mga salita, wastong pagkakabuo, at
pagsusunod-sunod.

Sapat na kakayahan sa pampanitikang paraan ng pagpapahayag. Ang kakayahang magsalita sa dalawang


wikang kasangkot sa pagsasalin at kaalaman sa gramatika ay hindi sapat para makapagsalin. Kaya kung
ang lahat ng salin ay patas, nagiging higit na mahusay na tagapagsalin ang manunulat.

Sapat na kaalaman sa paksang isasalin. Marapat na ang tagapagsalin ay may higit na kaalaman sa paksa.
Sapagkat siya ay higit na nakaaalam at nakauunawa sa mga konseptong nakapaloob dito.

Sapat na kaalaman sa kultura ng dalawang bansang kaugnay sa pagsasalin. Walang higit na mabisa kaysa
ibang wika. Ang lahat ng wika ay may sariling bisa at kakayahan bilang kasangkapan sa pagpapahayag ng
kulturang Pilipino at ng ibang bansa

Reaksyong Papel: (100 puntos)

Pamantayan sa pagmamarka

a. Nilalaman- 45%
b. Organisasyon ng kaisipan-25%

c. Lapit sa Paksang tinatalakay-15%

d. Hikayat-15%

Kabuuan: 100%

You might also like