Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 14

REAKSYONG PAPEL

Kasanayang
Pagmpagkatuto:
 Nagagamit ang mabisang paraan ng
pagpapahayag:
 a.Kalinawan

 b.Kaugnayan

 c.Bisa SS reaksyong papel na isinulat


REAKSYONG PAPEL
 Ang reaksyong papel ay tumutukoy sa
sulatin na naglalaman ng reaksyon
patungkol sa isang paksa. Kalimitang
ginagawa ito pagkatapos manood ng
pelikula. Doon itatala ang mga napuna sa
pinanood. Dito naitatala rin ang opinyon at
suhestyon batay sa paksang pinagaaralan.
Ito ay naglalayong maibahagi ng manunulat
ang saloobin sa masusing pagoobserba.
 Upang gumawa ng reaksyong papel,
kailangang pag-aralan nang maigi ang isang
impormasyon at magbigay ng iyong sariling
kaisipan at opinyon ukol dito. Kailangan din
na mayroong apat na bahagi ang iyong
reaksyong papel: introduksyon, katawan,
konklusyon at mga pagsipi.
Ano nga ba ang Reaksyong Papel?

 Ang paggawa ng reaksyong papel ay ang


pag-aaral nang maigi tungkol sa isang
impormasyon kung saan ang may-akda ay
kinakailangang magbigay ng kanyang
sariling kaisipan o opinyon ukol dito
Ano ang mga bahagi ng isang Reaksyong Papel?

 Introduksyon - Ito ang pupukaw sa interes ng


mga nagbabasa. Sa parteng ito, kailangang
ilarawan ang papel at may-akda na iyong pinag-
aaralan. Kailangang maglagay ng mga tatlo
hanggang apat na mga pangungusap mula sa
orihinal na papel na iyong pinag-aaralan. Kailangan
ding maglagay ng iyong maikling thesis statement
ukol sa papel.

 Katawan - Ang katawan ay kung saan nakasaad


ang iyong mga sariling kaisipan ukol sa mga
pangunahing ideya ng papel na iyong pinag-
aaralan. Dito sinusuri ang orihinal na papel.
Ano ang mga bahagi ng isang Reaksyong Papel?

 Konklusyon - Ang konklusyon ay maikli


lamang ngunit naglalaman ng impormasyon
ukol sa thesis at mga pangunahing ideya na
nasaad sa reaksyong papel.

 Pagsipi at pinagmulan ng mga


impormasyon - Ito ay ang bahagi kung
saan nakalagay ang maikling impormasyon
ukol sa pagsipi at pinagmulan ng mga
impormasyon na iyong nailahad.
Ano ang kaibahan ng Reaksyong Papel sa Rebyu?

 Ang reaksyong papel ay iba sa rebyu dahil


ang reaksyong papel ay ginagamitan ng
pananaw ng mismong may-akda. Dahil dito,
ang may-akda ay kadalasang gumagamit ng
mga katagang "Sa tingin ko..." at
"Naniniwala ako na..."
Mga Elemento na Dapat
Taglayin ng Reaksyong
Papel
KALINAWAN
 Sa pagsusulat ng isang reaksyong-papel,
isinasaalang –alang ang kalinawan nito. Kapag
sinabing malinaw ang reaksyongpapel ibig sabihin
ay maayos na naipapahayag nito ang nais na
iparating na ideya. Iniiwasan ang pagkakaroon
ngmagkakaibang pagpapakahulugan sa mga
pahayag. Upang mapanatili ang kalinawan ng
reaksyong-papel na isusulat,mahalaga ang papel
na ginagampanan ng babasa, nararapat na tiyakin
ng awtor kung sino ang babasa ng kaniyang
isusulatupang maibagay ang antas ng
pagkakasulat na kaniyang gagawin dito.
Halimbawa:
A B
Para sa akin, naniniwala Naniniwala ako na masama
akong mabuti ang ang naidudulot ng maagang
maidudulot ng maagang pagbababad sa telebisyon at
pagbabad sa telebisyon at social media ng mga kabataan
social media ng mga dahil sila ay namumulat sa
kabataan upang sila ay mga krimen at kasamaan kaya
maagang mamulat sa nararapat na hindi muna
krimen, at kasamaan ng pagamitan ang mga kabataan
mundo. Kaya nararapat na ng gadget hanggat hindi pa
hindi sila pagamitan ng nila natututunan ang tamang
gadget sa murang edad. netizenship.

Pansinin ang dalawang halimbawang talata. Ang


talata A at B ay pawang hindi sang-ayon sa
pagpapagamit ng gadget sa mga kabataan ngunit
ang talata A ay nagbigay ng mga salita na
nagpalabo o nagpagulo sa nais nitong ipabati
KAUGANAYAN
 Sa pagsusulat ng isang reaksyong-papel, isinasaalang –
alang ang kaugnayan nito. Ang kaugnayan ay
napatutungkol sakoneksyon ng nilalaman ng reaksyong-
papel sa isyung nais nitong talakayin. Pansinin ang
halimbawa sa ibaba;

 PANGUNAHING PAKSA : COVID-19 BILANG ISANG


PANDEMYA
 IDEYA I: ANG MGA FRONTLINERS
 IDEYA II: ANG EPEKTO NITO SA EKONOMIYA
 IDEYA III: PAGPAPASARA SA ABS-CBN FRANCISE

Makikita sa itaas na ang pangunahing paksa ay COVID-19,


sa mga ideyang nakasuporta, makikita na malayo o hindi
kaugnay ang ikatlong ideya.
BISA

 Sa pagsusulat ng isang reaksyong-papel,


isinasaalang –alang ang kabisaan nito sa
babawa. Ang awtor na sumulat ngreaksyong
papel ay may layunin sa kaniyang pagsulat .
Masasabing mabisa ang pagkakasulat kung
nagagawa nito anglayunin o nais ipatalima ng
awtor sa babasa ng kaniyang reaksyong
papel. Kung ang reaksyong papel ay nais
magpabago nggawi ng babasa, masasabing
epektibo o mabisa ang pagkakasulat kung
nakapagpabago ito sa bumasa.
MARAMING SALAMAT
SA PAKIKINIG!

You might also like