Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

BUGTONG

1. Langit sa itaas, langit sa ibaba, tubig sa gitna


Sagot: Niyog

2. Ate mo, ate ko, ate ng lahat ng tao


Sagot: Atis

3. Kung tawagin nila ay “Santo” pero hindi naman ito milagroso


Sagot: Santol

4. Ang anak ay nakaupo na, ang ina’y gumagapang pa


Sagot: Kalabasa

5. Maliit na bahay, puno ng mga patay


Sagot: Posporo

SALAWIKAIN

1. Walang malaking nakakapuwing at walang maliit na nakaka hirin

2. Huli man at magaling naihahabol din

3. Ang buhay ang parang gulong minsan nasa ibabaw ka at minsan naman ay
nasa ilalim

4. Ang hindi lumingon sa pinang galingan ay hindi makakarating sa


paroroonan

5. Pag mataas ang lipad ganun din kasakit ang pag bagsak

. Ang kaginhawaan ay nasa kasiyahan at wala sa kasaganahan.

1 Hindi nasusukat sa kung anong mayroon ka ang kaginhawan ng iyong buhay. Ito ay
nakabase sa kung gaano ka kasaya sa buhay.

2. Walang umaani ng tuwa, na hindi sa hirap nagmula.

Lahat ng daan patungo sa tagumpay ay may kaakibat na kahirapan na kailangang lampasan.

3. Ang gumagawa ng kabutihan, hindi matatakot sa kamatayan.


Kapag mabuti ang iyong gawain, kailanma’y hindi ka matatakot sa mamatay at husgahan sa
kabilang buhay.

4. Ang tunay na kaibigan sa ligaya at kalungkutan, ikaw ay sasamahan.

Nasusukat ang pagkakaibigan hindi lang sa ligaya kung hindi ay pati sa kalungkutan.

5. Walang mahirap na gawa kapag dinaan sa tiyaga.

Kahit anong gawain ay matatapos o malalampasan kapag ikaw ay matiyaga.

KWENTONG BAYAN

a isang bakuran, may ilang punungkahoy na may kanya-kanyang


katangian. Mabunga ang Santol, mayabong ang Mangga,
mabulaklak ang Kabalyero, tuwid at mabunga ang Niyog. Ngunit
sa isang tabi ng bakuran ay naroroon ang payat na Kawayan.
Minsan, napaligsahan ang mga punungkahoy.
Tingnan ninyo ako, wika ni Santol. Hitik sa bunga kaya mahal ako
ng mga bata.
Daig kita, wika ni Mangga. Mayabong ang aking mga dahon at hitik
pa sa bunga kaya maraming ibon sa aking mga sanga.
Higit akong maganda, wika ni Kabalyero. Bulaklak ko'y marami at
pulang-pula. Kahit malayo, ako ay kitang-kita na.
Ako ang tingnan ninyo. Tuwid ang puno, malapad ang mga dahon
at mabunga, wika ni Niyog. Tekayo, kaawa-awa naman si Kawayan.
Payat na at wala pang bulaklak at bunga. Tingnan ninyo. Wala
siyang kakibu-kibo. Lalo na siyang nagmumukhang kaawa-awa.
Nagtawanan ang mga punungkahoy. Pinagtawanan nila ang
Punong Kawayan.
Nagalit si Hangin sa narinig na usapan ng mga punungkahoy.
Pinalakas niya nang pinalakas ang kanyang paghiip. At isang oras
niyang pagkagalit ay nalagas ang mga bulaklak, nahulog ang mga
bunga at nangabuwal ang puno ng mayayabang na punungkahoy.
Tanging ang mababang-loob na si Kawayan ang sumunud-sunod sa
hilip ng malakas na hangin ang nakatayo at di nasalanta.
ANG ALAMAT NG ASO
inaiinggitan ang mabuting samahan ng magkaibigang Masong at Lito. Maliliit pang mga bata
ay lagi na silang magkasama. Lagi nilang inaalala ang isa’t isa. Lagi rin silang magkasama sa
bawat lakaran.
Nanatili ang magandang samahan ng dalawa kahit nang mag-binatilyo na sila. Naging bahagi
na ng buhay nila ang pag tutulungan. Mula sa paggawa sa bukid hanggang sa pangangahoy
sa gubat ay lagi silang magkasama.
Hindi inasahan ninuman ang pagkakaroon ng malubhang sakit ni Masong. Humantong iyon
sa kamatayan ng binatilyo. Labis na nagluksa si Lito. Hindi niya matanggap na wala na ang
kaibigan. Araw-araw niyang dinadalaw ang puntod nito at nililinis. Madalas ay kinakausap rin
niya ito na parang nasa tabi lang at nakikinig sa kanya.
Minsan ay sumama ang pakiramdam ni Lito. Kaunting lakad lang ay hilung-hilo na siya.
Pinigilan siya ng ina sa pagdalaw sa libingan ni Masong. Ilang araw siyang ganoon.

TULA
Bayan Ko

Ang bayan kong Pilipinas


Lupain ng ginto’t bulaklak
Pag-ibig na sa kanyang palad
Nag-alay ng ganda’t dilag.

At sa kanyang yumi at ganda


Dayuhan ay nahalina
Bayan ko, binihag ka
Nasadlak sa dusa.

Ibon mang may layang lumipad


kulungin mo at umiiyak
Bayan pa kayang sakdal dilag
Ang di magnasang makaalpas!

Pilipinas kong minumutya


Pugad ng luha ko’t dalita
Aking adhika,
Makita kang sakdal laya.
KABAYANIHAN

Ang kahulugan mo’y isang paglilingkod


na walang paupa sa hirap at pagod;
minsang sa anyaya, minsang kusang-loob,
pag-ibig sa kapwa ang lagi mong diyos.

Natatalastas mong sa iyong pananim


iba ang aani’t iba ang kakain;
datapwa’t sa iyo’y ligaya na’t aliw
ang magpakasakit nang sa iba dahil.

Pawis, yaman, dunong, lakas, dugo, buhay…


pinupuhunan mo at iniaalay,
kapagka ibig mong sa kaalipinan
ay makatubos ka ng aliping bayan.

Sa tulong mo’y naging maalwan ang dukha,


sa turo mo’y naging mulat ang mulala,
tapang mo’y sa duwag naging halimbawa’t
ang kamatayan mo ay buhay ng madla.

Tikis na nga lamang na ang mga tao’y


mapagwalang-turing sa mga tulong mo;
ang kadalasan pang iganti sa iyo
ay ang pagkalimot, kung di paglililo.

Lope K. Santos

You might also like