Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

Grade 9 Daily Paaralan Magpet National High School Baitang/ IX-Amber

Lesson Plan Antas IX-Amethyst


(Pang-araw- Guro Jhon Leo Eliazal Doroon Asignatura Araling Panlipunan
araw na Tala sa Petsa/ Abril 23, 2024 / Martes Markahan Ikatlong Markahan
Pagtuturo) Oras (7:30-8:30) (2:00-3:00)

I. Layunin
A. Pamantayang Ang mag-aaral ay naipamamalas ang pag-unawa sa mga sektor ng
Pangnilalaman: ekonomiya at ang patakarang pang-ekonomiya nito sa harap ng mga hamon
at pwersa tungo sa pambansang pagsulong at pag-unlad.
B. Pamantayan sa Ang mag-aaral ay aktibong nakikibahagi sa maayos na pagpapatupad at
Pagganap: pagpapabuti ng mga sektor ng ekonomiya at mga patakarang pang-
ekonomiya nito tungo sa pambansang pagsulong at pag-unlad.
C. Mga kasanayan Nasusuri ang mga dahilan at epekto ng suliranin ng sektor ng agrikultura,
sa Pagkatuto pangingisda at paggugubat sa bawat Pilipino.
(isulat ang code
ng bawat
kasanayan)
a. Nakikilala ang mga suliranin na kinakaharap ng mga bumubuo sa sektor ng
agrikultura.
b. Nakagagawa ng pangkatang diskusyon patungkol sa mga suliranin sa sektor
ng agrikultura.
c. Nabibigyang-halaga ang pagkakaroon ng kaalaman at kahandaan sa mga
suliraning kinakaharap ng sektor ng agrikultura.
II. Nilalaman Mga Suliranin sa Sektor ng Agrikultura
III. Kagamitang Panturo
A. Sanggunian
1. Mga pahina sa Gabay
ng Guro
2. Mga pahina sa Pag-unlad (Ekonomiks 9). Pp. 412-416
kagamitang pang-mag-
aaral
3. Mga pahina sa
Textbook
4. Karagdagang MELCs at Pag-unlad: 9 Ekonomiks (Manwal ng Guro)
kagamitan mula sa
Portal ng Learning
Resources
B. Iba pang kagamitang Laptop, PPT, Telebisyon at iba pang papel na pandikit
Panturo
IV. Pamamaraa (Panimulang gawain: Panalangin, Pamukaw-sigla, Pagbati, Pagtala ng mga
n lumiban sa klase, Pagpasa ng takdang-aralin, Panuntunan sa Klase)
A. Balik-aral sa  Ang ating tinalakay noong nakaraang talakayan ay patungkol sa sektor
nakaraang aralin at/o ng agrikultura, kung ito’y lubos na naintindihan mayroon akong mga
pagsisimula ng bagong katanungan.
aralin
1. Ano ang sektor ng agrikultura?
2. Ano ang mga bumubuo sa sektor ng agrikultura?

Ngayon ay tumungo na tayo sa panibagong talakayan.


Gawain 1: Deal or No Deal!
B. Paghahabi sa layunin Panuto: Suriin ang mga sumusunod na pangungusap at sabihin kung saan ito
ng aralin napapabilang sa mga bumubuo sa sektor ng agrikultura. Sabihin lamang na
“Deal” kung kayo ay sang-ayon at kung sa tingin niyo ito ay tama ay “No
Deal” naman kung kayo ay hindi sang-ayon o Hindi tama.

1. Ang pagliit ng pansakahan ay nabibilang sa suliraning kinakaharap sa


pagsasaka. Tama

2. Ang kakukalangan ng mga pasilidad at imprastraktura sa kabukiran ay


napapabilang sa suliranin ng pangisdaan. Mali

3. Ang epekto ng polusyon sa pangisdaan ay napapabilang sa suliraning


pangidaan. Tama

4. Nawawalan ng tirahan ang mga hayop ay suliranin ng paggugubat. Tama

5. Kakulangan sa suporta mula sa iba pang sektor ay suliraning napapabilang


sa pangingisda. Mali

 Ipapabasa ang layunin sa klase sa mga mag-aaral.

C. Pag-uugnay ng mga Gawain 2: Paano Kung!


halimbawa sa bagong
aralin Paano kung, napanood mo sa telebisyon na mayroong paparating na
matinding suliranin at ito ay malaking bagyong papunta sa bansa?
Importante ba ang maging handa?

D. Pagtatalakay ng
bagong konsepto at SULIRANIN SA SEKTOR NG AGRIKULTURA
paglalahad ng bagong
kasanayan #1
A. Pagsasaka:

1. Pagliit ng lupang pansakahan:


Dahil sa patuloy na paglobo ng populasyon at paglawak ng mga
residential, commercial, at industrial na lugar, nagiging limitado na ang mga
lupang maaaring gamitin para sa pagsasaka. Halimbawa, ang pagpapalit ng
mga kagubatan at kabundukan upang maging pansakahan ay nagiging sanhi
ng pagkasira ng natural na tahanan ng mga hayop at halaman.

2. Paggamit ng teknolohiya:
Ang paggamit ng modernong teknolohiya sa pagsasaka, tulad ng
paggamit ng mga pataba at pamuksa ng mga peste, ay makakatulong para
mapataas ang produksiyon ng mga sakahan. Subalit, ang kakulangan ng
polisiya mula sa pamahalaan na magbibigay-daan sa pagpapalakas ng
agrikultura ay isa sa mga suliraning dapat matugunan.

3. Kakulangan ng mga pasilidad at imprastruktura sa kabukiran:


Ang kakulangan sa mga kagamitang pang-agrikultura at
imprastrukturang tulad ng irigasyon at farm-to-market roads ay isa rin sa
mga suliraning kinakaharap ng sektor ng agrikultura. Halimbawa, ang Batas
Republika 8435 o ang Agriculture and Fisheries Modernization Act of 1997
ay naglalayong modernisahin ang sektor ng agrikultura para masigurong
magpapatuloy ang pag-unlad nito. Sa ilalim ng pamumuno ni Pangulong
Benigno S. Aquino III, nakapagsagawa ang pamahalaan ng mga proyektong
nagkakahalaga ng Php 8.3 B para sa pagpapatayo ng mga kalsada at iba pang
kaugnay na proyekto.

4. Kakulangan ng suporta mula sa iba't ibang sektor:


Ang kooperasyon sa loob at labas ng sektor ng agrikultura ay
mahalaga para sa pagpapalakas nito. Halimbawa, ang Land Bank of the
Philippines ay maaaring makatulong sa mga magsasaka sa pamamagitan ng
pagpapautang para sa mga pangangailangan sa pagsasaka tulad ng pambili
ng abono at butil.

5. Pagbibigay prayoridad sa sektor ng industriya:


Ang pagbibigay ng mas malaking proteksiyon at pangangalaga ng
pamahalaan sa industriya kaysa sa agrikultura ay nagdulot ng pagbaba ng
produksiyon at kita ng mga magsasaka. Mas pinipili ng mga manggagawa at
mamumuhunan ang industriya dahil sa mga insentibo dito.

6. Pagdagsaa ng mga dayuhang kalakal:


Ang pagdagsa ng mga murang produkto mula sa ibang bansa ay
nagdudulot ng malaking kompetisyon sa mga lokal na magsasaka.
Halimbawa, dahil sa pagiging miyembro ng pamahalaan sa World Trade
Organization (WTO), madali nang makapasok ang mga produktong mula sa
ibang bansa, na nagdudulot ng negatibong epekto sa mga lokal na
magsasaka.

7. Climate Change:
Ang patuloy na pagbabago ng klima ay malaki ang epekto sa
agrikultura. Halimbawa, ang bagyong Yolanda noong 2013 ay nagdulot ng
malaking pinsala sa kabuhayan ng mga magsasaka. Ang pagkakaisa ng mga
bansa para iwasan ang mga dahilan ng climate change ay maaaring
makabawas sa epekto nito sa sektor ng agrikultura.

B. Pangisdaan:

1. Mapanirang operasyon ng malalaking komersiyal na mangingisda:


Ang paggamit ng malalaking lambat ng mga komersiyal na
mangingisda, tulad ng thrawl fishing, ay nakakasira sa mga korales at iba
pang bahay ng mga isda. Ito ay nagdudulot ng pagkawala ng mga isda at
pagkasira ng mga ekosistema sa dagat. Halimbawa, ang hindi pagbabantay
ng mga namamahala sa mga mangingisda ay nagresulta sa pagkasira ng mga
reefs.

2. Epekto ng Polusyon sa pangisdaan:


Ang polusyon mula sa mga tahanan, agrikultura, at industriya ay
nagdudulot ng pagkasira ng mga anyong-tubig tulad ng Laguna de Bay at
Manila Bay. Ang mga kemikal at dumi na napupunta sa mga ilog at dagat ay
nakakapinsala sa mga isda at iba pang yamang-tubig. Halimbawa, ang
paglabas ng mga kemikal mula sa mga pabrika ay maaaring magdulot ng
pagkamatay ng mga isda.

3. Lumalaking populasyon sa bansa:


Ang patuloy na pagtaas ng populasyon ng Pilipinas ay nagdudulot ng
pagtaas ng pangangailangan sa yamang-tubig at iba pang likas na yaman.
Kung hindi magkakaroon ng sapat na pag-unlad, maaaring magkaroon ng
kakulangan sa pagkain dahil sa pagdami ng tao. Halimbawa, ang pagtaas ng
populasyon ay nagreresulta sa pagbaba ng mga yamang-dagat dahil sa
sobrang pagkonsumo.

4. Kahirapan sa hanay ng mga mangingisda:


Ang mga mangingisda ay isa sa mga sektor na may pinakamababang
sahod. Dahil dito, sila ay kabilang sa mga mahihirap. Ang mababang kita sa
pangingisda ay nagdudulot ng kahirapan sa kanilang buhay. Halimbawa,
maraming mangingisda ang napipilitang lumipat sa mga kalunsuran upang
maghanap ng ibang oportunidad dahil sa kahirapan sa sektor ng pangisdaan.

C. Paggugubat

Mabilis na pagkaubos ng mga likas na yaman lalo na ng kagubatan:

A. Ang malawakang paggamit ng mga likas na yaman, tulad ng kagubatan,


ay nagreresulta sa mabilis na pagkaubos nito. Halimbawa, ang paggamit ng
mga hilaw na sangkap sa produksiyon, tulad ng kahoy at mineral, ay
nagdudulot ng pagbawas ng suplay ng mga ito na ginagamit ng mga
industriya.

B. Sa pagkawala ng mga kagubatan, nawawalan ng tirahan ang mga hayop,


na nagiging sanhi ng pagbaba ng kanilang populasyon. Halimbawa, ang
pagkawala ng mga puno at kagubatan ay nagdudulot ng pagkawala ng
tirahan ng mga ibon at iba pang mga hayop.

C. Ang pagkawala ng mga kagubatan ay nagiging sanhi ng pagbaha na


sumisira sa mga sakahan. Halimbawa, ang pagkawala ng mga puno ay
nagdudulot ng pagbaha na nagdudulot ng pagkasira ng mga pananim at
pagkawala ng ani ng mga magsasaka.

D. Ang pagkaubos ng mga watershed, na matatagpuan sa mga kagubatan, ay


nagdudulot ng kakulangan ng suplay ng tubig na ginagamit sa irigasyon ng
mga sakahan. Halimbawa, ang pagkawala ng mga puno sa mga watershed ay
nagdudulot ng pagbaba ng suplay ng tubig para sa mga sakahan.

E. Ang pagkawala ng kagubatan ay nagreresulta rin sa pagkaguho ng lupa.


Dahil sa kawalan ng mga puno, ang lupa ay natatangay ng mga agos ng tubig
kasama ang sustansiya nito, na nagdudulot ng hindi produktibong mga
pananim.

Gabay na tanong:

 Ano ang mga suliranin sa sektor ng agrikultura?

E. Pagtatalakay ng Gawain 3: Ireport Mo!


bagong konsepto at Panuto: Ang klase ay hahatiin sa tatlong pangkat at ang bawat pangkat ay
paglalahad ng bagong kailangan gumawa ng konstruktibong pag-iisip kasama ang mga kasapi sa
kasanayan #2 pangkat patungkol sa mga dapat gawin upang ang mga suliranin sa
pagsasaka, pangisdaan at paggugubat ay mapaliit o maiwasan. Pipili lamang
ng isang mag-uulat patungkol sa mga nakalap na mga ideya sa pangkat.
Bibigyan lamang kayo ng 3 minuto sa pagkalap ng mga ideya at 3 minuto
para sa paglalagom ng lahat ng ideya.

Pamantayan sa Pangkatang Gawain

Mga Batayan 5 puntos 3 puntos 1 puntos

Kaangkupan Buong husay at May isang Kalahati o halos


angkop ang ipinakita na lahat ng
ipinakita sa hindi angkop ipinakita ay
hinihingi ayon sa ayon sa hindi angkop
gawain. hinihingi. ayon sa
hinihingi.
Presentasyon Buong husay na Naipaliwang at Di-gaanong
naipaliwanag ang ang gawain naipaliwanag
gawain ang gawain sa
klase.
Kooperasyon Naipapamalas ng Naipapamalas Naipapamalas
lahat ng miyembro ng halos lahat ng iilang
ang pagkakaisa sa ng miyembro miyembro ng
paggawa ng ang pagkakaisa pangkat ang
gawain. sa paggawa ng pagkakaisa sa
gawain. paggawa ng
gawain.
Takdang oras Natapos ang Natapos ang Hindi natapos
gawain ng buong gawain ngunit ang gawain.
husay sa loob ng lampas sa oras.
itinakdang oras.
Kabuuan 20 puntos

F. Paglinang sa 1. Bakit kailangang malaman natin kung ano ang mga suliranin sa sektor ng
Kabihasaan (Tungo sa agrikultura?
Formative Assessment)
3. Gaano kahalaga ng pagkakakaroon ng kaalaman sa mga suliraning ito?

G. Paglalapat ng aralin 1. Bilang isang mag-aaral, paano ka makatutulong upang maiwasan o


sa pang-araw-araw na mapaliit ang mga posibleng suliranin sa sektor ng agrikultura?
buhay
H. Paglalahat ng aralin 1. Batay sa ating tinalakay, ano mga suliranin sa pagsasaka, pangingisda at
maging sa paggugubat?

I. Pagtataya ng aralin Pagtataya

Panuto: Suriin ang mga sumusunod na pangungusap. Piliin ang tamang sagot
sa bawat bilang. Isulat sa isang-kapat na papel ang letra ng tamang sagot.

1. Saan napapabilang sa tatlong bumubuo sa sektor ng agrikultura ang


suliraning pagkakaroon ng kahirapan sa hanay ng mga mangingisda?
A. Pagsasaka C. Pangisdaan
B. Paghahalaman D. Paggugubat

2. Ito ay suliraning napapabilang sa pagsasaka na kung saan ay lubhang


naaapektuhan ang bansa dahil sa mga bagyong dumarating dito at maging
ang pag-init ng mundo?
A. Climate Change
B. Pagdagsa ng mga kalakal
C. Pagliit ng lupang pansakahan
D. Pagbibigay-prayoridad sa mga sektor ng industriya

3. Saan napapabilang ang suliraning pagkawala ng kagubatan?


A. Paghahayupan C. Pangisdaan
B. Pagsasaka D. Paggugubat

4. Ang mga sumusunod ay mga suliraning kinakaharap ng pagsasaka


maliban sa ______?
A. Paggamit ng teknolohiya
B. Pagliit ng lupang pansakahan
C. Epekto ng polusyon sa pangisdaan
D. Kakulangan ng suporta mula sa iba pang sektor

5. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng suliranin sa paggugubat?


A. Ang mga magsasaka ay nahihirapan na upang ang produksiyon ay mataas
dahil sa kawalan ng kaalaman para sa paggamit ng teknolohiya.
B. Ang mga lupain ay ginagamit upang tayuan ng mga gusali ng mga
negosyante at ang pagsasaka ay hindi na nabibigyan ng prayoridad.
C. Ang mga gubat ay nagkakaroon ng pagkasira na kung saan ang mga puno
ay unti-unti nang nauubos dahil sa hindi matapos-tapos na pagtotroso.
D. Ang mga mangingisda ay naghihirap dahil sa ang mga basura ay
napupunda na sa dagat at ang mga isda ay unti-unti nang umaalis ay
namamatay.

J. Karagdagang gawain
para sa takdang-aralin Takdang-aralin
at remediation
Panuto: Ilagay sa 1/2 na papel

Gumawa ng sariling solusyon upang malabanan ang pagkasira ng yamang-


likas sa loob ng bansa. Ito ay dapat hindi bababa ng 5 pangungusap.

V. REMARKS

VI. Mga Tala

A. Bilang ng mga mag-


aaral na nakakuha ng
80% sa pagtataya
B. Bilang ng mag-aaral
na nangangailangan ng
iba pang gawain sa
remediation.
C. Nakatulong ba ang
remediation? bilang ng
mga mag-aaral na
nakaunawa sa aralin.

D.Bilang ng mga mag-


aaral na nagpatuloy sa
remediation.
E. Alin sa mga
istratehiyang pagtuturo
ang nakatulong nga
lubos?
F. Anong suliranin ang
aking naranasan na
solusyunan sa tulong ng
aking punong guro at
superbisor?
G. Anong kagamitang
panturo ang aking
nadibuho na nais kong
ibahagi sa kapwa ko
guro?

Inihanda ni: Sinuri ni:

JHON LEO ELIAZAL DOROON MEARY JOY S. MONTALBAN


Pre-Service Teacher Cooperating Teacher

Pinagtibay:

JOCELYN S. LOBATON, MT II OSCAR G. DAHAN


Academic Coordinator Head Teacher III

Inaprubahan ni:

JASPER L. LOBATON, EdD


Principal III

You might also like