Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga pahayag sa ibaba. Piliin ang titik ng tamang sagot.

1. Ito ay isang maikling kathang pampanitikang nagsasalaysay sa araw-araw na buhay na may isa o ilang tauhan, may isang
pangyayari at may isang kakintalan. A. maikling kuwento B. dula C. nobela D. tula
2. Isa siyang mapagkakatiwalaang kawani sa Ggogombola Headquarters at may paniniwalang hindi para sa kanya ang
pagreretiro. A. Kibuka B. Musisi C. Miriamu D. Yosefu
3. Napakahalaga ang pagkakaroon ng panitikan sa ating buhay, maliban sa isa.
A. Nagbibigay ng mga gintong-aral na magagamit sa tunay na buhay B. Nahahasa ang ating pagkakaunawa
C. Nabubuksan ang ating imahinasyon D. Walang mabuting naidudulot
4. Ito ang problemang kinakaharap ng pangunahing tauhan na nangingibabaw sa akda.
A. kakalasan B. suliranin C. kasukdulan D. tunggalian
5. Habang naglalakad ka pauwi, may isang kotse ang nawalan ng preno at bumangga sa punong-kahoy. Ano ang iyong gagawin
upang makatulong?
A. Tutulungang makalabas sa kotse ang nagmamaneho at ang sakay nito B. Tatakbo upang humingi ng tulong
C. Sisigaw ka ng tulong D. Titingnan lang
6. Mayroon kang kapitbahay na may alagang baboy. Isang araw, narinig mong umiyak nang umiyak ang kanyang alaga. Ano
gagawin mo upang mapatahimik ito?
A. Papaluin ang baboy para tumahimik B. Hahayaan lamang na umiyak
C. Bubuhusan ng tubig D. Bibigyan ng makakain
7. Sino ang matalik na kaibigan ni Kibuka na nasa Buddu Country para sa pagnenegosyo.
A. Yosefu Mukasa B. Daudi Kulubya C. Musisi D. Nathaniel Kiggundu
8. Ano ang ugnayan ni Nathaniel Kiggundu kay Kibuka?
A. Siya ang nakasagasa kina Kibuka at sa alagang baboy. B. Siya ang nagbigay ng baboy sa kanya.
C. Siya ang hepe ng Ggogombola. D. Magkapatid silang dalawa.
9. Sino ang Amerikanong manunulat na nakilala dahil sa pagsulat ng nakagigimbal na mga maiikling kuwento at mga tula?
A. Deogracias A. Rosario B. Dr. Jose Rizal C. Edgar Allan Poe D. Genoveva Edroza-Matute
10. Ano ang paulit-ulit na naiisip ni Kibuka habang nagpapakulo siya ng tubig para sa iinuming tsaa?
A. lalayo sa lugar B. manahimik nalang C. kaawa-awa na siya D. sumama sa matalik na kaibigan
11. Ang iyong lola ay nagretiro na sa kanyang trabaho. Sa loob ng limang taon, palaging nasa bahay lamang siya. Alin sa mga
sumusunod ang gagawin mo upang hindi malugmok sa kalungkutan ang iyong lola?
A. Ikukuwento ang masasayang ala-ala B. Sasamahan mo siyang mamasyal
C. Huwag siyang pansinin D. Hahayaang mag-isa.
12. Sino ang Hepe ng Ggombola na kumuha ng pahayag kay Kiggundu hinggil sa naganap na aksidente?
A. Nathaniel B. Musisi C. Daudi D. Yosefu
13. Ano ang mangyayari sa isang tao kung hindi niya lubos natanggap ang aksidenteng nangyari sa kanya o kaya’y sa kanyang
alaga?
A. Ipanalangin na mangyari sa taong iyon ang nangyari sa kanya. B. Magiging panatag dahil alam niyang hindi ito sinasadya.
C. Maghihiganti sa taong nagkasala sa kanya D. Magsawalang- kibo.
14. Ano ang naging bisa ng akda sa iyo pagkatapos mo itong mabasa?
A. Ang pagkakaibigan ay hindi na susukat sa kung ano ang kaantasan mo buhay.
B. Ang ating mga alaga ay isa sa mga nagbibigay ng kulay sa ating buhay
C. Ang mga hayop ay nagpapabigat lamang sa buhay ng tao.
D. Binibigyang-halaga ang mga hayop.
15. Alin sa mga salita ang walang kaugnayan sa “mabuting pagsasamahan”.
A. Pagkakaintindihan B. Paggalang sa ibang tao C. Pagiging mayabang D. Pagdadamayan

You might also like