Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

BOMBO KABAYAN

Intro:

Rhod:
LAGING MAAASAHAN
MAPAGKAKATIWALAAN
AT DIKA UURUNGAN
Radyo ng luzon
Tatlong put pito, sa inyong radyo
ito ang BOMBO KABAYAN

Jed: Magandang araw Pilipinas,


Kez: magandang Araw Ilocos Sur!
Jed: Ako po ang inyong lingkod Jaydenn Acosta
Kez: at ako naman po si Keziah Regua maghahatid ng maiinit na balita sa oras na ito
BOTH: Sa ulo ng mga nagbabagang balita.

Kez: Iisang panuntunan sa pagpapatupad ng class suspension sa lalawigan ng Isabela, binabalangkas


Jed: Apat katao, patay sa Southern China dahil sa walang tigil na ulan
Kez: Mga pilipinang mananakbo, wagi sa Ultra Milano- Sanremo sa Italya
Jed: apat na raan at limamput pitong atleta mula sa Cagayan, handa na para sa isasagawang CAVRAA 2024
Kez: Angelica panganiban, pinaghihinalaang may baby number two na!
Jed: Price monitoring sa mga pangunahing bilihin sa Quirino, nagpapatuloy
Keziah: Mga damo at iba pang mga pagkain ng mga alagang hayop sa Naga City apektado na rin ng init ng
panahon

NATIONAL

Jaydenn: Una sa balita: Iisang panuntunan sa pagpapatupad ng class suspension, binabalangkas. Ibabalita Earl
Bernasol

Earl : Isinagawa ang pagpupulong sa pagitan ng Schools Division Office (SDO) ng Isabela at local chief executive
sa lalawigan.
Layunin nito na magkaroon ng iisang panuntunan sa pagpapatupad ng class suspension ngayong patuloy ang
pagtaas ng heat index sa nasabing probinsiya.
Magsisilbing daan ang pagpupulong upang makabuo ng mga paraan sa pagtugon ng negatibong epekto ng
tumataas na heat index nang hindi naaapektuhan ang pag-aaral ng mga bata. Ayon kay Schools Division
Superintendent Dr. Rachel Llana, sa pamamagitan ng iisang panuntunan ay hindi malilito ang mga magulang at
mga mag-aaral.
Earl Bernasol Nagbabalita!

INTERNATIONAL

Kez : Sa iba pang balita, Apat katao, patay sa Southern China dahil sa walang tigil na ulan
Ibabalita ni Kristine Antonio

Kristine: Nakaranas ng malalakas na ulan ang katimugang bahagi China, na ikinasawi ng hindi bababa sa apat
na tao. Samantala, sampung inidbidwal pa ang pinaghahanap ng mga awtoridad. Tatlo ang namatay sa lungsod
ng Zhaoqing habang isang rescuer ang namatay sa lungsod ng Shaoguan. Ang dalawang lungsod sa lalawigan
ng Guangdong ay kabilang sa mga lugar na tinamaan ng matinding pag-ulan. Humigit-kumulang isang-raan at
sampung libong (110,000) katao ang inilikas sa buong lalawigan, habang mahigit dalawamput libong (25,800)
katao ang nasa mga emergency shelter.
Kristine Antonio Nagbabalita!

Jed: Mga pilipinang mananakbo, wagi sa Ultra Milano- Sanremo sa Italya. abangan sa pagbabalik ng bombo
kabayan
Kez: Oras alas kwatro imedya ng hapon.

Earl: Hi guys! Ako si Earl, Erwin sa umaga! Erwina sa gabi! Isa akong transferee, can we be friends?
Angelie: Sa tingin mo makikipagkaibigan kami sa isang bakla? Ew!
Marie: True!
Cristal: Bakla, bakla, bakla!
Marie: Salot sa lipunan!
Angelie: Salot, salot, salot!
Earl: (umiiyak) ahu, ahu huuuu...
Jaydenn: Pambubully ay iwasan, at pairalin ang pagkakapantay-pantay ng mga kasarian.
Kez: Isang paalalang hatid sa inyo ng DepEd, CHR, at ng higpilang ito.

Jed: Sa iba pang balita, Mga Pilipinong mananakbo sa Italya Nag-wagi sa kakatapos lang na 12th Ultra Milano-
Sanremo. Para sa karagdagang balita Avaloraine Pasok!

Ava: Nag wagi ang mga Pilipinong mananakbo sa Italya sa kakatapos lang na 12th Ultra Milano-Sanremo.
Kabilang rito sina Rolando Espina na nasungkit ang second male at pangatlo sa overall sa loob ng tatlompu
anim na oras at apat na pung minuto. Habang third male at fourth overall naman si Bren Kevin Cabasa
matapos ang tatlomput siyam na oras at walong minuto.

Bukod pa sa dalawa, nasungkit rin nina Lachlan McDonald at Zsuzsanna Maraz ang unang pwesto sa male at
female categories.

Isang ultramarathon running race ang Ultra Milano-Sanremo na may distanyang 282 km mula Milan hanggang
Sanremo.
AvaLoraine Nagbabalita!

SPORTS

Kez:sa iba pang balita, apat na raan at limamput pitong atleta mula sa Cagayan, handa na sa paparating na
CAVRAA 2024. Ibabalita ni Sofia Reotutar.

Sofia: Isinagawa kahapon, ika-22 ng Abril taong kasalukuyan ang send-off ceremony sa mga atletang pambato
ng probinsya ng Cagayan para sa nalalapit na Cagayan Valley Regional Athletic Association o CAVRAA 2024 sa
City of Ilagan, Isabela. Magsisimula ang nasabing kompetisyon sa ika- bente sais ng Abril kung saan aabot sa
apat na raan at limamput pito na atleta at mahigit isang daan na coaches ang lalahok mula sa Cagayan.Malaki
ang Tiwala ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan na sapat ang naging paghahanda ng mga atleta upang
maiuwi ang posibleng ika-labing isa na pagiging overall champion. Samantala, ibinahagi sa mga atleta ang
kahalagahan ng disiplina, pagkakaisa, dedikasyon, at pagtutulungan upang maging matagumpay ang mga ito.
Sofia Reotutar Nagbabalita!

Marie: Feeling Itchy?................ Needs something to refresh your body?


Marie: White Flower oil!
Angelie: Promotes pain relief (check)
Marie: Helps with itching from insect bites (check)
Angelie: Gives a soothing aromatherapy (check)
Marie: Helps refresh the body (check)
Angelie: Helps soothes stress (check)
Marie: And Can act as antiseptic (cheeeccck)
Angelie: White Flower oil can cure all!
Earl: This product is for external application only.
Marie: White Flower oil, Bili na!

Jed: Nagbabalik ang BOMBO KABAYAN. sa iba pang balita, Angelica panganiban, pinaghihinalaang may baby
number two na!
Balitang Ihahatid ni Kashmir Tabios.

Kashmir: Matapos ang kasalang Angelica Panganiban at Gregg Homan sa Siargao noong weekend, agad
namang inintriga ng ilang netizens na paparating na nga ba ang second baby ng dalawa. Ito’y matapos
nakitang nag-uusap ang bagong kasal sa kanilang matatalik na kaibigan na sina Judy Ann Santos at Dr. Aivee
Teo.
Patago kasing sinabi ni Juday ang mga katagang “May plus one na siya….”
Ayon sa mga netizens, ang usapan nina Juday ay ang tungkol sa pagdadalang-tao muli ni Angelica sa second
baby nila ni Gregg, na nangangahulugang magiging ate na ang kanyang panganay na si Amila Sabine.
Ngunit wala namang kompirmasyon ang kampo ni Angelica hinggil rito.
Maalalang dalawang beses nang ikinasal sina Angelica at Gregg, dahil nagpakasal muna sila sa Los Angeles,
California, USA, noong December.

Jed: Sa iba pang balita, Price monitoring sa mga pangunahing bilihin sa Quirino, nagpapatuloy.
Ibabalita ni Frank Kelly!

Frank: Pinaigting ng Department of Trade and Industry sa lalawigan ng Quirino ang kanilang price monitoring
sa mga munisipalidad ng Diffun, Cabarroguis,Saguday,Aglipay at Maddela upang matiyak na protektado ang
mga mamimili sa unfair trade practices. Ayon kay Trade and Industry Development Specialist Dominic Salvador
CPU head, layunin ng nasabing hakbang na matiyak na sapat ang mga Basic Necessities and Prime
Commodities (BNPCs) at sumusunod ang mga establisyimento sa itinakdang Suggested Retail Price (SRP). Base
sa kanilang monitoring, walang pagbabago sa presyo ng semento at bakal. Binibisita rin ng monitoring team
ang mga pangunahing pamilihan upang mamonitor ang mga fast moving goods tulad ng sardinas, instant
noodles, instant coffees, powdered milk, at processed canned meats na wala namang ipinagbago sa presyo.
Inaalam din kung may nakatalagang Consumer Welfare Desks na tutulong sa mga konsyumer na may reklamo.
Sinabi ni Salvador na tuloy tuloy ang kanilang gagawing monthly monitoring upang masiguro ang sapat na
supply ng mga pangunahing bilihin at hinimok nito ang mga mamimili na dumulog sa kanilang tanggapan kung
sila ay may reklamo kaugnay sa presyo ng mga pangunahing bilihin.
Frank Kelly, Nagbabalita!

Kez: Mga damo at iba pang mga pagkain ng mga alagang hayop sa Naga City apektado na rin ng init ng
panahon. impormasyong ihahatid ni Cristal Calim

Cristal:– Natutuyo na ang mga damo at iba pang mga pagkain pati na rin ang tubigan ng mga alagang hayop
tulad ng mga kalabaw,kambing,kabayo at iba pa dahil sa epekto ng init sa Naga City,subalit masuwerte pa rin
ang mga ito dahil nananatiling ligtas sila sa anumang mga sakit na dala ng temperatura ngayon na umaabot ng
mahigit 40 celsius degrees sa buong maghapon. Batay ito sa patuloy na monitoring na ginagawa ng City
Veterinary Office,kasabay na rin sa paalala sa mga pet owners na mas doblehin ang pagbabantay at pag-aalaga
sa mga hayop,dapat anya pinapainom din ito ng maraming tubig,huwag masyadong paarawan,para iwas heat
stress din ang mga ito. Sa pakikipag-usap naman ng Brigada News Fm Naga kay Josielyn Niangar,admin aid 1 at
isa sa in-charge sa pag-alaga ng mga hayop na nasa kanilang pangangalaga,sinabi niyang nakatutok sila sa mga
hayop sa upper barangay ng lungsod.
Cristal Calim Nagbabalita!

OUTRO
Jed: At iyan ang nagbabagang balita sa oras na ito. muli ako nag inyong lingkod Jaydenn Acosta.
Kez: At ako naman po si, Keziah Regua
Jed: Muli ito ang
BOTH: BOMBO KABAYAN!
(song)
Rhod
LAGING MAAASAHAN
MAPAGKAKATIWALAAN
AT DIKA UURUNGAN
Radyo ng luzon
Tatlong put pito, sa inyong radyo
ito ang BOMBO KABAYAN

You might also like