ESP7-1st Quarter Exam

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IV-A, CALABARZON
Division of City Schools - San Pedro City
Unang Markahang Pagsusulit
Edukasyon sa Pagpapakatao 7

Pangalan: _____________________________________________ Paaralan: ____________________


Baitang at Antas: ___________________________________ Petsa:_______________________

I. TAMA O MALI . Isulat sa patlang kung TAMA o MALI ang mga sumusunod.

__________1. Ang yugto ng pagdadalaga/ pagbibinata ay yugto ng kalituhan.


__________2. Hindi mahalagang maunawaan ng isang nagdadalaga / nagbibinata ang mga
inaasahang kakayahan at kilos sapagkat hindi ito kailangan.
__________ 3. Ang pag-iyak ng isang lalaki ay hindi tanda ng kahinaan bagkus pagpapakita ng
tunay niyang damdamin.
__________4. Sa pagdadalaga/ pagbibinata, hindi importante kung marami kang kaibigan, ang
mahalaga ay yung tunay na kaibigan.
__________5. Kailangang sumangguni sa nakakatanda para ikaw ay makapagpasiya ng tama.
__________6. Ang paglalaro at paglilibang ay di tama sa panahon ng pagdadalaga/
pagbibinata.
__________7. Ang talento ay isang likas na kakayahan.
__________8. Ayon sa sikolohista, ang kakayahan ay kalakasang intelektwal upang makagawa
ng pambihirang bagay.
__________9. Matutuklasan natin ang ating kakayahan kahit hindi ito pagbuhusan ng atensyon at
panahon, kusa itong sisibol.
__________10. Likas ang talento at kakayahan, ngunit kailangan itong linangin.
__________11. Nawawala ang tiwala sa sarili kung walang matibay na kaalaman tungkol sa
angking kakayahan at talino.
__________12. Ang tiwala sa sarili ay namamana at natututunan.
__________13. Ang pinakamahirap na bahagi ng pagpapaunlad sa sarili ay ang pagtukoy at
pagtanggap ng mga kahinaan.
__________14. Sa panahon ng pagdadalaga/ pagbibinata, may walong inaasahang kakayahan
at kilos na dapat malinang.
__________15. Kahit na hindi ayon sa iyong hilig ang trabaho o gawain, ikaw ay nasisiyahan pa rin.

II. PILIIN ANG TITIK NG TAMANG SAGOT. Suriin ang mga sumusunod na pangungusap at isulat ang titik
ng tamang sagot.

_________ 16. Ang pagiging bukas sa pakikipagapalitan ng kuro-kuro o kaalaman sa iba ay halimbawa ng pagbabago
sa aspekto ng sarili sa __________
A. Moral C. Ispiritwal E. Pandamdamin
B. Pangkaisipan D. Panlipunan
_________17. Ngayong dalaga na si Lara, naging mas malapit na siya sa Diyos, ito ay halimbawa ng pagbabago sa
_______
A. Moral C. Ispiritwal E. Pandamdamin
B. Pangkaisipan D. Panlipunan
________18. Mas naging mapili na sa kanyang kaibigan si Jose ngayong binata na siya. ito ay halimbawa ng
pagbabago sa _______
A. Moral C. Ispiritwal E. Pandamdamin
B. Pangkaisipan D. Panlipunan
_______19. Ayaw ni Mary na magsinungaling sa kanyang mga magulang. ito ay halimbawa ng pagbabago sa _______
A. Moral C. Ispiritwal E. Pandamdamin
B. Pangkaisipan D. Panlipunan

_____20. Nag-aaral ng Mabuti si Pipoy para maging mataas ang kanyang marka. . ito ay halimbawa ng pagbabago sa
_______
A. Moral C. Ispiritwal E. Pandamdamin
B. Pangkaisipan D. Panlipunan
III. PILIIN ANG TITIK NG TAMANG SAGOT. Isulat ang letra ng tamang sagot kung anong talino
meron ang mga sumusunod.
A. MUSICAL D. VISUAL/SPATIAL G.
INTERPERSONAL
B. BODILY KINESTHETIC E. MATHEMATICAL / LOGICAL H. NATURALIST
C. VERBAL / LINGUISTIC F. INTRAPERSONAL I. EXISTENTIAL
__________21. Ang taong may talinong ganito ay mabilis matuto sa pamamagitan ng paningin at
pag-aayos ng mga ideya.
__________22. Ito ang talino sa interaksyon o pakikipag-ugnayan sa ibang tao.
__________23. Ang taong may ganitong talino ay natutuo sa pamamagitan ng mga kongkretong
karanasan o interaksiyon sa kapaligiran o sa pamamagitan ng paggamit ng
kanyang katawan.
__________24. Ito ang talino sa pag-uuri, pagpapangkat at pagbabahagdan.
__________25. Ito ang talino sa pagbigkas o pagsulat ng mga salita.
__________26. Ang taong nagtataglay ng talinong ito ay natututo sa pamamagitan ng pag-uulit,
ritmo o musika.
__________27. Ito ay talino sa pagkilala sa pagkakaugnay ng lahat sa daigdig.
__________28. Sa talinong ito, natututo ang tao sa pamamagitan ng damdamin, halaga at
pananaw ng kanyang sarili.

__________29. Taglay ng taong may talino nito ang mabilis na pagkatuto sa pamamagitan ng
pangangatuwiran at paglutas ng suliranin.

IV. PAGTAPATIN. Hanapin sa HANAY B ang tamang sagot sa Hanay A.

A B
__________30. Clerical A. Nasisiyahan na gumawa gamit ang bilang o numero
__________31. Musical B. Nasisiyahan sa pagtuklas ng bagong kaalaman.
__________32. Artistic C. Nasisiyahan at nagpapahalaga sa pagbabasa at
pagsusulat.
__________33. Social Services D. Nasisiyahan sa gawaing pang- opisina.
__________34.Persuasive E. Nasisiyahan sa gawaing panlabas
__________35. Literary F. Nasisiyahan sa pakikinig o paglikha ng awit o pagtugtog.
__________36. Outdoor G. Nakahihikayat at nasisiyahan sa pakikipag-ugnayan sa
ibang tao.
__________37. Computational H. Nasisiyahan sa pagtulong sa ibang tao.
__________38. Mechanical I. Nagiging malikhain at nasisiyahan sa pagdidisenyo ng mga
bagay.
__________39. Scientific J. Nasisiyahan sa paggamit ng iba’t-ibang tools.

V. ISULAT ANG S kung ito ay Tungkulin sa (SARILI) K (Kapatid), M (Mananampalataya) , A (Anak), MA


(Mag-Aaral), P (Pamayanan), KM (Konsyumer ng Midya) at (KL (Kalikasan)

__________40. Pagsisimba _______46. Pagkain ng masusustansiyang pagkain


__________41. Paglahok sa programa ng pamahalaan _______47. Pagsunod sa magulang
__________42. Pagsegregate ng basura _______48. Paggawa ng takdang aralin
__________43. Pakikinig sa guro _______49. Pagsunod sa utos ng Diyos
__________44. Suriin kung tama ang impormasyong nakuha _______50. Pagtatanim
__________45. Pag-aalaga sa nakababatang kapatid.

You might also like