• Umusbong ang Romantisismo sa Europa noong ikalawang hati ng
ikalabingwalong dantaon.
• Nagpapakita ang Romantisismo ng kahalagahan ng damdamin ng
isang tao. Mas pinapahalagahan pa ito kaysa sa mga gamit sa mundo.
Ang Romantisismo ay nagpapamalas ng:
➢ pag-ibig sa kalikasan ➢ pagmamahal sa kalayaan at sa lupang sinilangan ➢ paniniwala sa taglay na kabutihan ng tao ➢ paghahangad ng espiritwalidad at hindi mga bagay na materyal ➢ pagpapahalaga sa dignidad ➢ kahandaang magmahal sa babae/lalaking nag-aangkin ng kapuri-puri at magagandang katangian, inspirasyon at kagandahan.
Ang mga sumusunod ay halimbawa ng mga akda na nagpapaksa ng diwang
Romantisismo: ➢ Pagtatapat ni Lope K. Santos ➢ Pakikidigma ni Jose Corazon de Jesus ➢ Ang Ulap ni Ildefonso Santos