Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

ARALIN 7

“PAG-UNLAD NG WIKANG
PAMBANSA”

“Ang Filipino ay ang katutubong wika


na ginagamit sa buong Pilipinas bilang wika
ng komunikasyon ng mga etnikong grupo.
Katulad ng iba pang wikang buhay, ang
Filipino ay dumaraan sa proseso ng
paglinang sa pamamagitan ng mga
panghihiram sa mga wika ng Pilipinas at
mga ebolusyon iba't ibang barayti ng wika
para sa iba-ibang sitwasyon, sa mga
nagsasalita nito na may iba't ibang
saligang sosyal at para sa mga paksa ng
talakayan at iskolarling pagpapahayag.”
Ito ang naunang pahayag na binigay ng
Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) sa
Filipino bilang wikang pambansa. Nakasaad
ito sa Resolusyon Blg 92-1 (Mayo 13, 1992).
Panayam tungkol sa maikling
kasaysayan ng wikang pambansa
noong Panahon ng Hapon,
Pagsasarili, Hanggang sa
Kasalukuyan.

Panahon ng Hapon -
Sapilitang ipinaturo ang
Nihongo at inalis ang
Ingles. Naging masigla
ang mga Pilipino sa
paggamit ng sariling wika.
Sumigla ang panitikang Pilipino gaya ng
nobela at maikling kuwento.

Panahon ng Pagsasarili -
Naging opisyal na wika ang
Tagalog at Ingles, Naging
midyum sa mga paaralan ang
Ingles at asignatura ang
Pilipino. Nagkaroon na ng
aklat na para sa mga Pilipino.
Marami ang pag-aaral na
isinagawa sa wika upang magamit itong
panturo.
Panahon sa Kasalukuyan - Nagpatupad ng
Patakarang Bilingguwal ang Kagawaran ng
Edukasyon at sinimulang ipatupad ito ng
taong 1974 sa mababang paaralan,
sekondarya, at tersarya sa lahat ng paaralan
sa bansa. Lalong pinagtibay ang
implementasyon ng Patakarang Bilinggu wal
noong 1987.
Mga Batas, Kautusang
Tagapagpaganap, at Kautusang
Pangkagawaran sa Wikang
Pambansa.

Kautusang Pangkagawaran Blg. 24 - Ipinalabas


noong 1962 ng Kalihim ng Edukasyon. Alejandro
Roces na nag-uutos na mula sa taong-aralan 1963-
1964, ipalilimbag ang lahat ng sertipiko at diploma
ng pagtatapos sa wikang Pilipino.

Kautusang Tagapagpaganap Blg. 60 - Ipinag-utos ni


Pangulong Diosdado Macapagal na awitin ang
pambansang awit sa wikang Pilipino.

Saligang-batas ng 1973 - Dapat gumawa ang


Batasang Pambansa ng mga hakbang tungo sa
paglinang at pormal na adapsyon ng isang panlahat
na wikang pambansa na tatawaging Pilipino.

Kautusang Pangkagawaran Blg. 25 - Hulyo 19, 1974-


Nilagdaan ng kalihim ng Edukasyon at Kultura, Juan
Manuel ang pagpapairal ng Edukasyong Bilingguwal
sa mga paaralan simula sa taong-panuruan 1974-
1975.

Kautusan Blg. 22 - Hulyo 21, 1978 - Nilagdaan ni


Kalihim Juan Manuel na simula sa taong panuruan
1979-1980, ituturo ang 6 na yunit ng Pilipino sa
kolehiyo.
Kautusang Tagapagpaganap Blg. 1179 (1981) -
Pagpapalit ng pangalan ng Surian ng Wikang
Pambansa (SWP) sa Linangan ng mga Wika sa
Pilipinas (LWP).

Batas Republika Blg. 7104 (1986) - Nilikha ang


Komisyon sa Wikang Filipino (KWF). Marahil naging
malinaw na ang mga kaalaman ninyo tungkol sa
kasaysayan ng wikang pambansa.
Panayam - Isang pakikipag-usap ito ng tao na may
likas at malawak na karanasan at kaalaman sa
sariling larangan o disiplinang pinagkakadalubhasaan.
Nakasaad din dito ang tiyak na layunin kung saan
nakukuha ng mga makabagong impormasyon at
kaalamang akademiko.

1. Panayam Ayon sa Paksa


1.1 Aktuwal - Panayam na ang mga tanong ay
sumasaklaw lamang sa mga impormasyon, kuro-kuro,
at reaksiyong nais malaman ng nagtatanong at ang
mga iyon ay makapag bibigay-liwanag sa isang bagay
o isyu.

1.2 Nagtatampok - Higit na masigla at kawili-wili


sapagkat kinapapalooban ng paglalarawan at
pagpapahalaga sa mga taong bantog at kilala gaya ng
isang artista, namumukod na politiko, lider-
manggagawa o kaya'y sangkot sa isang sensasyonal
na pangyayari.

1.3 Pantalambuhay - Ang mga tanong na ibibigay rito


ay naglalayong makakuha ng mga impormasyon
hinggil sa pinagdaanang buhay ng isang taong
ipinalalagay na nakapag bibigay-insipirasyon at
kawilihan sa mambabasa.
2. Panayam Ayon sa Pamaraan

2.1 Impormal - Payak lamang ang mga tanong sa


bagay-bagay na nais malaman. Halimbawa: Sa isang
Health Center, tinanong ang doktora kung ano ang
puwedeng inuming gamot ng batang pitong taong
gulang na sumasakit ang tiyan. Karaniwang
nangyayari ang uring ito sa mga pang-araw-araw na
sitwasyon sa buhay.

2.2 Pormal - Pinaghahandaan upang maging


komprehensibo. Karaniwan sa mga Lektyur Porum,
Seminar-Worksyap, at iba pa. Pagkatapos ibigay ang
panayam, nagkakaroon ng malayang talakayan.

You might also like