Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 18

ARTS – Ikaapat na Baitang

Ikaapat na Markahan – Modyul 1: ​Paggawa ng maskara (Mask Making ) at


Panlagay sa ulo (Headdress)
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring
magkaroon ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng
Pilipinas. Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o ​trademark,​ palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
malikom ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi
inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang
anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga
orihinal na may-akda.
Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.
Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon
Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang A​ RTS 3 n​ g Modyul para sa araling
Paggawa ng maskara (Mask Making ) at Panlagay sa ulo (Headdress)

Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa
Lokal na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg.
Victor Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang
pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan
ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay
makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang ​5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng
modyul sa loob kahong ito:

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa A​ RTS 3 Modyul ukol sa ​Paggawa ng maskara (Mask
Making ) at Panlagay sa ulo (Headdress). ​Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa
iyong pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang
wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga
makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at ​icon​ na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul.
PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.
BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.
ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto.
MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay
na dapat sagutin ng mga mag-aaral.
PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga.
PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.​
PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.

MGA INAASAHAN
Pagkatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahan na:

A. Makagawa ng disenyo ng maskara na ginagamit ang mga

“recycled” o patapong bagay, at mga likas o natural na

bagay

B. Makalikha ng maskara na nasa imahinasyon ang disenyo

gamit ang mga “ recycled” na materyales mula sa mga

“festival” na local;

C. ​Pagyamanin ang isa Kultural kamalayan sa pamamagitan


ng nakakaranas paggawa ng maskara​.
PAUNANG PAGSUBOK
PANUTO: ​Pillin sa Hanay B ang mga larawang nauugnay sa Hanay
A. Gumuhit ng linya upang maitugma ang iyong sagot.

1. Ati-atihan Festival a.

2. Moriones Festival b.

3. Kadayawan Festival c.

4. Dinagyang Festival d.

5. Sinulog Festival e.

BALIK-ARAL
Sino ang nagsasagawa ng dula-dulaan gamit ang iba’t
ibang uri ng papet​?
Puppeteer

Ano ang apat na uri ng puppet​?


Hand puppet o papet sa kamay, finger puppet o papet
sa daliri, stick papet o papet na patpat at sock papet o
papet na medyas.
​ARALIN

Ano ang inyong napapansin sa larawan​?

Sa ibang lugar, ang maskara ay ginagamit ng mga tao para


sa kasayahan, at natatanging pagdiriwang. Ang maskara ay may
iba’t ibang uri. May simple lamang na gawa sa supot, at mayroon
ding pinipinturahan para maging kaakit-akit.
https://www.vigattintourism.com/tourism/articles/M
oriones-Festival-of-Marinduque
Ang headdress ay maraming pinaggagamitan saan
mang sulok ng mundo. Iba’t ibang istilo o disenyo ng headdress
ang isinusuot o inilalagay sa ulo kapag may mga kasayahan o
pagdiriwang, pagtatanghal, at paglilibang. Mayroon ding
headdress na ginagamit bilang proteksiyon tulad ng helmet,
bonnet, at iba pa.

Masayang gumawa ng mascara at headdress. Maaari


tayong gumawa ng makasining na maskara sa pamamagitan ng
paggamit ng iba’t ibang hugis, kulay, at tekstura. Ang maskara ay
maaaring gawa sa karton, paper plates, at lumang folder.
Maaaring idagdag na kagamitan ang tali, sinulid, straw, at iba
pang kagamitang maaaring gamitin sa paglalagay ng palamuti.

MGA PAGSASANAY
Gawain 1

Panuto:​ Pagsunod-sunurin ang paraan ng paggawa ng ​maskara​.


Isulat sa patlang ang bilang isa hanggang lima (1-5).

_____ 1. Kumuha ng karton o lumang folder na may sapat


na laki para matakpan ang mukha. Gamit ang
gunting, gupitin ang karton sa hugis na nais mo.
_____ 2. Dagdagan pa ng mga hugis at kulay ang iyong
maskara upang higit itong maging kaakit-akit.
Pintahan ng water color ang iyong maskara.
_____ 3. Itapat sa mukha at lagyan ng tanda kung saan
nakatapat ang iyong mata, ilong, at bibig.
Lagyan ng butas para sa mata, ilong, at bibig.
_____ 4. Butasan ng maliit sa tigkabilang tabi malapit sa
tainga para sa ikakabit na rubber band. Isuot ang
maskara at ipakita sa iyong guro.
_____ 5. Lagyan ng kilay at pagandahin ang mata, ilong,
at bibig gamit ang iyong krayola. Maaari mong
patangusin ang ilong sa pamamagitan ng
pagputol ng 2x2 pulgada ng karton o folder. Idikit
ito sa tapat ng ilong ng maskara.

Gawain 2
Panuto:​ Pagsunod-sunurin ang paraan ng paggawa ng
​headdress​. Isulat sa patlang ang bilang isa hanggang
lima (1-5).

_____ 1. Magtulungan upang maisukat nang tama at


makita kung kasya ito sa laki ng ulo.
_____ 2. Umisip ng mga pagdiriwang sa inyong rehiyon,
lalawigan, o lugar na nais gamitin ang headdress.
Umisip ng disenyo para sa okasyong iyon.
_____ 3. Gumamit ng mga patapon o gamit ng mga
bagay, at mga natural na materyal na makikita sa
inyong rehiyon, lalawigan, o lugar.
_____ 4. Gumamit ng iba’t ibang hugis at kulay upang higit
na maging kaakit-akit ang iyong headdress.
_____ 5. Tulungan ang kaklase sa paggawa kung
kinakailangan. Bigyan ng pangalan ang
ginawang headdress.

Gawain 3
Panuto:​ Piliin ang tamang sagot. Bilugan ang tamang sagot.

1. Anong kagamitan ang maaaring gamitin sa paggawa


ng mascara​?

A. folder B. paper C. a at b

2. Alin ang unang dapat gawin sa paggawa ng


mascara​?
A. Gumawa ng butas para sa mata, ilong, at bibig

B. Gupitin ang karton sa hugis na ibig mo

C. Lagyan ng rubber band ang butas malapit sa


tainga

3. Paano mo maipapakita ang tekstura sa iyong


ginawang mascara​?

A. Gupitin ang hugis

B. Magdagdag ng mga guhit at kulay

C. Lagyan ng butas ang maskara

4. Bakit ipinagdiriwang ang Maskara Festival sa


Bacolod​?

A. Upang hikayatin ang mga tao na magtungo


doon

C. Para magbenta ng mascara

D. Upang maipakita ang pagiging masayahin ng


mga taga Negros

5. Kung gagawa ka ng maskara, alin sa mga nasa


Ibaba ang nais mong gawin​?
PAGLALAHAT

Paano mo ipinakita ang inyong pagiging malikhain sa


paggawa ng mascara at headdress​?

Gumawa ng mascara at headdress na maaring gamitin sa


festival. Iguhit ang puso ( ) sa kolum na tumutugon sa iyong
sagot. Gawin sa sagutang papel.

Kakayahan Oo Hindi

1. Naipakita ko ang pagkamalikhain sa


paggawa ng headdress.
2. Gumamit ako ng patapon o bagay na
nagamit na, at katutubong materyales para
sa aking proyekto.
3. Naibahagi ko ang aking kaalaman tungkol
sa mga pagdiriwang sa aming probinsiya o
rehiyon.
4. Tinulungan ko ang aking kaklase na
matapos ang kaniyang headdress.

PAGPAPAHALAGA

Kung ikaw ay gagawa ng mascara at headdress, ano ang
iyong gagawin​? ​Bakit​?

PANAPOS NA PAGSUSULIT

Panuto: ​Bilugan ang tamang sagot.

1.Saan ipinagdiriwang ang Ati-atihan festival​?

​ A. Aklan, Panay Island

B. Ilo-ilo

C. Lungsod ng Cebu

2. Ang festival na ito ay nangangahulugang pasasalamat

at pagpapahalaga. Ano ito​?

​A. Moriones Festival

B. Sinulog Festival
C. Kadayawan Festival

3. Ano ang isinusuot o inilalagay sa ulo kapag may mga

kasayahan o pagdiriwang, pagtatanghal, at

paglilibang​?

A. Maskara

B. Headdress

C. Festival

4. Ano ang kahulugang ng salitang “Sinulog”​?

​A. Paggalang kay Santo NiÑo

B. Pagbihis gaya ng sundalong Romano

C. Kaaya- ayang sayaw

5. Ito ay isang kaganapan na karaaniwang

ipinagdiriwang ng isang pamayanan at nakasentro

sa ilang katangian na aspeto ng pamayanang at

ang relihiyon o mga kultura.

A. Maskara

B. Headdress

C. Festival
SUSI SA PAGWAWASTO
SANGGUNIAN
Montañez, Cynthia. et al.2014​.Music, Art, Physical Education and
Health,​ Rex Bookstore, Inc. Manila

https://www.alamy.com/participant-in-the-moriones-festival-in-bo
ac-marinduque-island-the-philippines-image214320801.html

https://en.wikipedia.org/wiki/Ati-Atihan_festival#/media/File:A_Wo
man_At_The_Kalibo_Ati-Atihan_Festival,_Philippines.jpg

https://depositphotos.com/51688539/stock-photo-festival-ati-atiha
n-on-boracay.html

https://escapemanila.com/event/dinagyang-festival-2020

https://www.zenrooms.com/blog/post/festivals-in-the-philippines/

https://guidetothephilippines.ph/articles/history-culture/kadayaw
an-festival-davao-guide

https://www.shutterstock.com/image-vector/sinulog-festival-philip
pines-cebu-faces-1278886627

https://www.picfair.com/pics/07730622-2018-sinulog-festival

You might also like